Home / Romance / Ang Lihim ni Anastasia / Chapter 4 - Shall we go?

Share

Chapter 4 - Shall we go?

Author: Juvy Pem
last update Last Updated: 2022-07-26 05:44:11

Hindi alam ni Anastasia kung bakit ang bilis nang tibok ng kanyang puso. Nang magtama ang mga mata nila ng gwapong kasama ni Sir Rex. Kapatid nito ang may-ari ng club. Dahil weekend ngayon kaya punong-puno ang club. Nahirapan siyang makalusot pabalik sa counter. Pilit niyang inalis sa isipan ang mukha ng lalaki.

"Gerlie, baka hanapin ako punta lang ako ng toilet ha!" paalam niya sa kaibigang waiter.

"Okay!"

Dumaan siya sa tabi dahil hindi masyadong masikip ang daan. Kaya matagumpay siyang nakaabot sa restroom na nasa 2nd floor na walang hassle. Habang nasa toilet, pilit niyang pinakalma ang sarili bago lumabas ng banyo. Pagkatapos maghugas ng mga kamay huminga muna siya nang malalim bago pinihit ang door knob. Habang naglalakad sa pasilyo, sinulyapan niya ang malaking wall clock sa tabi. Mag-alas-dose na mayamaya uuwi na siya. Ang bilis ng oras, pero mabuti na rin iyon at nang makauwi na siya. Busy ang kanyang isipan hindi niya napansin ang papalabas sa VIP room na lalaki. Nabangga niya ito at muntikan na siyang matumba kung hindi siya nito nasalo. Hindi s'ya kaagad nakagalaw dahil sa kaba.

"I'm so sorry, Sir!" aniya habang umayos sa pagkatayo.

"Are you in hurry?" he answered in a baritone voice.

She look at the man in front of her. Shocks, it's him? Napaatras siya bigla. "I'm sorry again, Sir!" saad niya.

"No problem!" sagot nito saka mabilis na tumalikod, halatang nagulat ng makita s'ya.

Naiwan siyang natigilan, na parang ipinako sa kinatatayuan. Pinagmasdan niya ang matipunong katawan nito habang lumalakad patungong beranda. He's smells familiar.

Nabigla si Vance dahil sa reaction ng kanyang katawan nang magkadikit ang kanilang mga balat. Kaya agad niyang iniwan ang babae na natigilan. Dumiretso siya sa beranda ng club. "D*mn!" napamura siya dahil limang taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa isipan niya ang nangyari ng gabing iyon.

***

"Rex, what the h*ll did you put in my drinks?"

Tinawagan niya ang kanyang kaibigan dahil sa sobrang init ng kanyang pakiramdam. "Fvck! You guys drug me?" wala sa sariling tanong niya. Narinig niyang tumawa ang mga ugok niyang kaibigan. Iniwan niya ang mga ito sa pinuntahan nilang night club sa Maravilis, dahil pagod siya mula sa business trip niya sa Hong Kong. Ngunit hindi niya akalain na ganito ang mapapala niya.

"Bro easy, gusto lang naman namin na maging masaya ka. Ayaw mo bang makatikim nang.. - D*mn, send me one here, right now! Make sure she's clean, or else.. " naikuyom niya ang kanyang kamao dahil hindi na niya mapigilan ang sarili. Pinutol n'ya ang iba pang sasabihin sana ng kaibigan, dahil sa sobrang inis.

"Okay, calm down. She's almost there. Good luck, bro!" narinig niyang nagtawanan ang mga ito sa kabilang linya.

Kung hindi niya lang mga kababata ang mga ugok na iyon. Paniguradong puputulin na niya ang ugnayan sa mga ito. Nag-shower siya upang maibsan ang init ng kanyang katawan. Ngunit gano'n pa rin kaya muli s'yang napamura habang hinahawakan ang kanyang turso na walang humpay sa pagtigas. Malalagot sa akin ang mga 'yon. Kakatapos niya lang mag-shower ng may nag-doorbell. Pinatay niya ang mga ilaw upang hindi siya nito makilala.

"Come in!"

Biglang pumasok ang isang babae. Dahil madilim sa loob hindi niya maaninag ang mukha nito. Nang lapitan at hawakan niya, nanginginig ito sa takot. 'Sh*t', pagmumura niya sa kanyang isipan. Pinagkakaisahan na nga ako ng mga mokong, ganito pa ang ipapadalang babae!

Ngunit dahil sa nag-iinit na pakiramdam, hindi na siya nag-alinlangan pa na lapitan ito at halikan. Naamoy niya ang alak sa hininga nito. Ngunit ang kumuha sa atens'yon n'ya ang malambot nitong mga labi, na kay sarap halikan.

Nagmamakaawa ang babae sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Halos ayaw nitong buksan ang nakatikom na bibig. Nagtaka siya dahil nang magkadikit ang kanilang mga katawan, ibang init ang kanyang naramdaman. Init na parang ayaw n'yang ilayo ito sa kanya. Kaya mas lalo siyang naging mapusok sa paghalik sa babae. Mayamaya ang pagprotesta nito ay nahinto. Unti-unti itong tumutugon sa halik niya na mas lalong nagpainit sa kanyang nararamdaman. Nang marinig n'ya ang mga ungol at halinghing nito, nakaramdam s'ya ng saya.

Ngunit bago natapos ang gabing iyon may nalaman s'yang hindi niya inaasahan. Siya pala ang unang lalaki sa buhay nito. Halos hindi s'ya makapaniwala. Kaya ang galit n'ya ay ibinunton n'ya sa loob ng banyo. Hindi n'ya alam kung ano ang rason ng babae kung bakit nito nagawang magpabayad, gayong halata namang hindi ito sanay sa ganoong gawain. Pero may isang parte ng kanyang utak ang nagbunyi, dahil s'ya ang nauna rito.

Paggising niya kinabukasan hindi na niya ito nasilayan pa. Hindi rin nito kinuha ang inilaan niyang card para rito. He silently cursed himself. Bakit pa namutawi sa kanyang bibig ang tungkol sa card. 'But, she can't blamed me, anyway. Ang mga kaibigan ko ang may kagagawan nito! Hindi ko naman inaasahan na wala pang karanasan ang ipapadala nila rito. Ang gusto ko lang naman ay, wala akong magiging problema sa babae. Dahil una sa lahat ayaw ko ng may naghahabol sa akin pagkatapos ng lahat. But, this? Ni hindi n'ya kinuha ang binigay ko sa kanya! What's her intention. She will chase me later?' sigaw ng isipan ni Vance. Sa sobrang galit n'ya. Naihagis n'ya ang isang vase na nakapatong sa lamesita.

Ang tanging iniwan nitong bakas ay ang red stain sa kama at bracelet na nakita n'ya sa sahig na may naka-engraved na "Anastasia."

Napakurap siya at ipinilig ang ulo dahil sa pagbabalik-tanaw ng may kumalabit sa kanya mula sa likuran.

"Hi, Mr. Enriquez!"

Isang sexy na babae ang lumapit sa kanya. Makapal ang make-up sa mukha. Hindi niya alam kung maganda pa rin ba ito kung walang kolorete ang mukha. Biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Anastasia na kanina niya lang nakita.

"What do you want?" he asked, annoyed.

"Do you need a companion? You are alone here." malambing na turan nito sabay hawak sa kanyang dibdib.

"I'm sorry. I prefer to be alone." he answered, directly.

Kung ang babaeng ito man lang ang makasama niya huwag nalang. Hindi s'ya katulad ng kanyang mga kaibigan.

"Excuse me!"

Tinalikuran na niya ito, mabuti pang umuwi na lamang siya. Habang naglalakad, tinawagan niya ang kanyang kapatid na mauuna na siyang umuwi.

Marami ang bumati sa kanya sa club ngunit wala siya sa mood na pansinin ang mga ito. Pagdating niya sa VIP parking lot. Ang babaeng kanina pa bumabagabag sa isipan niya ay kanyang nakasalubong. Pauwi na ata ito dahil may bitbit itong bag. Nagulat din ito nang makita siya.

"G-good morning Sir!"

"Yeah, it's already morning. Going home?" he asked. Para siyang na-hypnotize nang liparin ng hangin ang straight nitong buhok. Bahagya nitong hinawi ang nakatabon na buhok sa mukha.

"Yes, sir." sagot nito sa kanya sabay ngiti.

"Saan ka ba nakatira, ihahatid na kita." pagmamagandang loob niya.

"Isang sakayan lang naman po. Kaya huwag nalang po baka makaabala pa ako sa inyo."

"No! Okay lang, pauwi na rin ako. Shall we go?" diretso niyang sagot upang hindi na ito makakatanggi pa.

"Hindi po ba nakakahiya?" tanong nito na hindi gumagalaw sa kinatatayuan.

Hinawakan niya ang kamay nito saka iginiya patungo sa nakaparada niyang Maybach. Binuksan niya ang pinto at inilahad ang kamay sa loob ng sasakyan. Tumingin ito sa kanya bigla. Kunti nalang magpang-abot na ang kanilang mga mukha.

"I'm sorry. Sige na pasok ka na. Don't worry, I am not a bad person." aniya sa dalaga. Nababasa niya kasi sa mukha nito ang pag-aalala.

"Thank you!"

Mabilis s'yang umibis patungo sa driver seat nang makapasok ito sa sasakyan. Dahil sirado ang buong sasakyan. Amoy na amoy niya ang pabango ng dalaga. Natigilan s'ya, naalala niya ang amoy na ito, katulad rin sa amoy ng... 'No, napaka-impossible naman,' sigaw ng kanyang isipan.

Hindi alam ni Anastasia kung magsasalita ba siya o manatiling tahimik. Dahil halos nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Anastasia, right?" biglang sabi nito.

"Haa! A, yes sir!" sagot niya na hindi makatingin sa mga mata nito. Muling dumagundong ang kaba sa kanyang dibdib.

Maraming nais umakyat ng ligaw sa kanya noon ngunit hindi niya pinansin. Pero bakit ang lalaking ito mabilis siyang napapayag na ihatid siya nito?

"Just call me Vance, no need for sir. Hindi naman kita employee." nakangiting wika nito.

"Okay,"

"Anyway, matagal ka na bang nagtatrabaho sa Infinite?" tanong nito sa kanya.

"More than 2 years na rin po akong waitress doon. Dating waitress din po ako sa Hardin Bar noong nag-aaral ako ng college." Hindi niya alam kung bakit siya nagku-kwento rito.

"I see," sagot nito habang nakatuon ang mga mata sa daan.

"Why? Nandidiri ka ba sa akin?" biglang tanong niya rito.

"No! Of course not! Wala akong sinasabi na gano'n." sagot nito saka sinulyapan siya.

"Salamat!" aniya.

"Huwag kang mag-isip ng ganyan. I know, hindi lahat ng mga babae na nagtatrabaho sa club ay gano'n. Lahat tayo may kanya-kanyang kwento sa buhay. Kaya hindi tayo dapat agad-agad manghusga ng kapwa. Hindi ba?" agree naman siya sa sinabi nito, kaya ngumiti s'ya at tumango.

Nasilayan niya sa may di-kalayuan ang kanto na papasok sa kanila.

"Vance, d'yan mo lang ako ibaba sa may malaking puno." aniya sa lalaki.

"Okay, malapit na ba sa inyo rito?" tanong nito sa kanya.

"Oo, malapit lang nariyan sa unahan." sagot niya.

Paghinto ng sasakyan. Mabilis itong bumaba at pinagbuksan siya.

"Salamat sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi." paalam niya rito habang nakangiti. Tinitigan siya nito saka biglang ngumiti sa kanya at tumango. Marami siyang nasilayan na mga gwapo. Pero bakit ang gwapo ng isang 'to! Kung tutuusin mas gwapo pa'to kesa sa mga artista na iniidolo n'ya e! O, baka, napakayaman nito. O, di kaya'y, Presidente kaya ng malaking kompanya? Sinaway niya ang kanyang sarili dahil sa mga kalokohang naiisip. "Goodnight, Vance!" kumaway siya rito.

"Mornight, Anastasia!"

"Oo nga pala, umaga na!"

Humakbang na siya papasok sa eskenita. Ngunit hindi pa rin niya narinig ang tunog ng sasakyan na umandar, kaya nilingon niyang muli ang binata. Nakita niya itong nakatanaw pa rin sa kanya. Sumenyas siya na umalis na ito. Ngunit nais nitong magpatuloy siya. Kaya nang makarating siya sa tapat ng kanilang bahay nasa ikaapat na bahay ito mula sa kanto. Kumaway na lamang siya upang umalis na ito. Papasok na siya ng makarinig siya ng sasakyan na paalis. Napangiting pumasok siya ng bahay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Author Pem
kilig yarn
goodnovel comment avatar
Anne Marie
nkakatuwa nmn
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
nakz wow ha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 40 - Amber past

    Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 39 -

    Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 38 - Secrets revelation

    “Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 37 - Unknown caller

    Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 36 - The jealous Lucas

    Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 35 - Lets get married

    Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status