Beranda / Romance / Ang Lihim ni Anastasia / Chapter 5 - Ashton got lost at the event

Share

Chapter 5 - Ashton got lost at the event

Penulis: Juvy Pem
last update Terakhir Diperbarui: 2022-08-06 22:32:18

Alas-sais nang magising si Anastasia. Agad siyang naghanda ng agahan nila. Habang abala sa kusina, napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi.

"Ohh, mukhang maganda ang gising natin ah!" biro ni Joyce sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa kanyang harapan. Agad naman n'yang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling huwag tumawa.

"Ano ka ba may naalala lang ako." sagot niya rito. Dali-dali n'ya itong tinalikuran ngunit hindi pa rin siya nakawala dahil sinundan siya nito kahit saan siya magtungo. "Joyce, ano ba! Nahihilo ako sa kakasunod mo!" reklamo niya sabay kurot sa tagiliran nito.

"Kukulitin talaga kita, hangga't hindi ka magkwento!" nakangising sagot nito. Sarap talagang paluin ng sandok na hawak niya itong mapang-asar n'yang kaibigan. Wala siyang choice kundi ikwento rito ang nangyari kagabi.

Tumitili naman si Joyce sa kilig.

"Ano ka ba! Akala mo naman nanalo sa lotto, e!" inirapan niya ito.

"Ito naman, siyempre masaya ako kasi sa edad mong biente-sais minsan ka lang nagkaroon ng lalaki sa buhay mo, ligwak pa. Hindi naman masama na mangarap, na sana matagpuan muna si 'The One', hindi ba?" sagot nito sa kanya.

Napailing s'ya habang tinitigan ang kaibigan.

"Alam mo bes, bago ako ang pagdiskitahan mo, sarili mo muna, okay?! Tingnan mo nga ang sarili mo! Eight years kanang walang love life. Pitong taon na si Jeremy, pero ikaw wala ng inatupag kundi yang mga files ng boss mo. Mapuntahan nga yang boss mo't masermunan. Akalain mo, okay lang sa kanya na habang-buhay na tigang ang secretary n'ya?" mahabang sermon n'ya rito na may halong biro makaganti man lang sa kaibigan n'ya.

Bigla nalang humalakhak ng tawa si Joyce na ikinagulat nila. Alas-sais palang ng umaga ngunit napakaingay na nilang dalawa.

"Naku bes, kapag makita mo sa personal ang boss ko, ewan ko nalang kung magawa mo pang sermunan. Ang boss ko lang naman ang pinakamagaling at sikat na businessman dito sa buong Pilipinas. Hindi lang iyon napakagwapo pa." pagmamalaki ni Joyce sa kanya.

Pinandilatan niya ang kaibigan.

"Ewan ko saiyo! Maligo kana't baka ma-late ka pa!" aniya at tinalikuran ito na tawa ng tawa.

Halos isang dekada na si Joyce na nagtatrabaho bilang secretary sa VM Group. Nabuntis ito ng isa sa mga kasamahan nito na na-a sign sa Accounting Department at iniwanan ng iresponsableng lalaking iyon ang kanyang kaibigan at sumama sa ibang babae. Kaya malaki ang kanyang respeto sa kaibigan dahil sa pagiging positibo nito sa lahat ng bagay sa kabila ng pinagdaanan nito. Matanda si Joyce sa kanya ng pitong taon. Sa edad na beinte-uno maituturing na n'ya itong successful dahil sa mga achievement nito. Lalo na sa pagpapalaki sa anak nitong si Jeremy na mag-isa. Kaya ang kaibigan ang isa sa kanyang inspirasyon sa buhay. Nagpursige sya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak. Hindi rason ang pagiging isang single-mother upang magpabaya at mawalan ng pag-asa. Dapat matuto rin s'yang mangarap para sa kanyang anak.

Habang nakatayo sa malaking glass wall ng opisina niya. Hinihigop ni Vance ang kape na

ginawa ng kanyang secretary na si Joyce. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang

nangyari kagabi. Ni hindi niya naisipang hingiin ang cellphone number ni Anastasia. Habang abala sa pahihigop ng kape, biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.

Agad siyang lumapit doon upang sagutin ito.

"Bro, anong oras ka ba pupunta rito, marami ng tao. The board of directors are waiting. They expect you to be here." bungad ng kanyang kapatid. Wala sana siyang balak pumunta kasi marami pa siyang nakatambak na trabaho.

"Okay!" matipid niyang sagot.

Tinawagan niya si Tim pati na rin ang kanyang secretary na si Joyce upang maghanda.

"Hello! Nasaan ka? Andito na kami sa entrance ng Eries Building. Maraming tao bes baka maligaw kami, nako ang laki pala nitong company na'to lalo na sa loob!" namangha si Anastasia nang makapasok na sila sa loob ng Eries.

Kasama niya ang kanyang anak na si Ashton at Jeremy ang anak ng kaibigan niyang si Joyce. Hawak niya ang dalawang kamay ng mga bata. Maraming nakapansin sa kanila lalo na sa dalawang bata. Ang iba ay napapalingon sa gawi nila. Meron ding nais mag-pa-picture sa dalawang bata.

Nakatayo sila sa tabi ng malaking screen na may naka-play na video ng mga batang artista.

Binitawan muna ni Anastasia ang kamay ng kanyang anak dahil kausap niya si

Joyce.

"Ikaw talaga, malaki talaga 'yan pero mas malaki at magara ang building

namin no!" pagmamalaki nito sa kanya.

Proud siya sa kanyang kaibigan dahil

maganda ang trabaho nito sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas.

"Oo na, kasi yang kompanya ninyo ang isa sa pinaka-memorable place ko. Dahil d'yan kita unang nakilala." nakangiti niyang saad.

"Oo na, s'ya sige na at baka magka-dramahan pa tayo rito. Papunta na rin kami riyan, buti nga naisipan ni boss pumunta. Ayaw sana nitong pumunta dahil tambak ang trabaho niya. See you!" paalam nito sa kabilang linya.

"Okay, hintayin ka namin dito."

Pinatay na niya ang cellphone saka inilagay

sa kanyang bag.

"Son, hintay.. - " Napalingon si Anastasia sa kanyang paligid.

Ngunit hindi niya makita ang kanyang anak. Binalingan niya si Jeremy na abala

sa panonood ng mga mascots na nasa kanilang harapan.

"Jeremy nak, nakita mo ba si Ashton?" tanong niya sa bata.

"No tita, hindi ko po napansin." para

siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napakaraming tao sa loob paano niya

mahanap ang kanyang anak. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Let's go, hanapin natin siya!" sumunod naman ito sa kanya na nag-aalala ang mukha.

Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kanyang

anak. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kapabayaan.

"Don't worry po tita, makikita rin po natin si Tonton." mabining saad ni Jeremy.

"Yes, nak!" umiiyak niyang sagot.

Napakalaking building saan ba niya ito hahanapin. Nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong na mga tao ngunit walang nakakita sa kanyang anak. Lumabas sila sa entrance ngunit wala silang makitang mukha ni Ashton. Pakiramdam niya hihimatayin siya sa sobrang pag-aalala. Naramdaman niya ang malamig na kamay ni Jeremy.

"Sana hindi nalang ako nagpumilit pumunta rito tita. Hindi sana nawala si Tonton." tumutulo ang luha na saad ng bata. Niyakap ito ni Anastasia nang mahigpit.

"No! It's not your fault. Kasalanan ko dahil naging pabaya ako." sagot niya habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Muli s'yang napatingn sa loob. Paroo't parito ang mga tao, nagkalat rin ang mga bata na nag-enjoy sa panonood sa mga mascots. Pakiramdam ni Anastasia para s'yang lantang-gulay dahil wala ng lakas ang kanyang mga tuhod ng mga oras na iyon.

"Anak! Tonton, anak asan kana ba?!"

Bulong n'ya habang ginalugad ng tingin ang paligid nila.

Samakatuwid, pagbaba ni Vance ng sasakyan sa harapan ng Eries Building. Agad s'yang namataan ng mga reporters, kaya nagsilapitan ang mga ito. Inayos niya muna ang suot na suit at necktie saka humakbang papasok sa entrance. Wala s'ya sa mood na sumagot sa mga sari-saring tanong ng mga reporters. Nabungaran nila ang nagkalat na mga tao sa malaking bulwagan ng building. Isa ito sa malaking event na gaganapin para sa nalalapit na anniversary ng kompanya. Ang lahat ng malilikom na pera mula sa event at sa auction ngayong araw ay ilalagak sa foundation ng VM Group. May event din na gaganapin para sa mga kabataan na libre.

"Excuse me, Mr. Enriquez!" biglang nagsalita ang kanyang secretary habang naglalakad sila patungo sa private elevator. Siya at ang kanyang kapatid lang ang dapat gumamit sa elevator na iyon.

"Yes, Joyce?"

"Pwede po bang sumaglit muna ako sandali sa lobby? Nandito kasi ang kaibigan ko at ang anak ko a-attend ng event para sa mga bata." paalam nito sa kanya.

"No problem, kasama ko naman si Tim." sagot niya.

"Thank you, Mr. Enriquez."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Author Pem
luv their friendship
goodnovel comment avatar
Anne Marie
exciting part
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
what a mystey going on
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 40 - Amber past

    Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 39 -

    Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 38 - Secrets revelation

    “Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 37 - Unknown caller

    Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 36 - The jealous Lucas

    Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 35 - Lets get married

    Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status