Share

Kabanata 20

Penulis: Calista Soleigh
last update Terakhir Diperbarui: 2022-03-26 16:40:14

Stavros’ POV

“What happened?” Hindi ko naitago ang interes sa kaniyang ibinalita.

Umayos si Denillon sa pagkakaupo. “I visited the orphanage. Nagawa kong makausap ang isa sa mga namamahala doon. She is called Sister Janet. I asked her if there is someone named Tata Pedro living there. She told me that Tata Pedro is the founder of the orphanage, Peter Sarmiento to be exact. But he just died a year ago due to heart attack.”

Hindi naituloy ni Denillon ang dapat na idudugtong dahil biglang sumulpot si Aviona mula sa garden. Napatingin siya sa amin kaya’t tinawag ko na rin siya.

“Come here,” aya ko.

Alanganin siyang lumapit sa kinaroroonan namin. Hindi niya nakalimutang dumistansya sa amin. “B-bakit?”

“Aviona, this is Denillon Gomez, one of my friends. And Denillon, this is Aviona, my wife,” pagpapakilala ko sa kanila sa isa’t isa.

Inabot ni Denillon ang kaniyang kamay para sana makipag-hand shake kay Aviona.

Tinapik ko ang kaniyang kamay. “No handshakes with my wife, bro,” saway ko sa kaniya dahil napansin ko ang panginginig ni Aviona. Tiningnan ko siya. “You can go now, Aviona.”

Hindi na siya sumagot at nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag.

Napabuntong-hininga ako.

“Tama ba ang nasa isip ko?” pangungumpirma ni Denillon sa kaniyang naiisip.

“I can’t say yes. But I also can’t say no. Masyadong mailap si Aviona sa mga tao. Kaya’t hindi ko pa alam kung ano ba ang nangyari sa kaniya sa loob ng bahay-ampunan na iyon. May ideya na ako pero kailangan ko pang kumpirmahin.”

“Now I know kung bakit parang may kakaiba sa Tata Pedro na iyon,” napapatangong sabi niya. “But you really have a good catch, huh?” nakangising tukso niya sa akin.

“Tss. Of course, I would marry a good catch. Mabalik nga tayo. Ano pang nakalap mo doon?” pag-iiba ko sa usapan.

“Ayun nga. That Sister Janet told me that he already died. But when I went in their municipal capitol, there is no Peter Sarmiento registered in their death list,” pag-amin niya. “Mukhang nagtatago na ang Tata Pedro na iyon simula nang mawala sa poder niya ang asawa mo.”

He’s right.

Too bad that one of his people didn’t know how to lie that good.

“Thank you for your help, Denillon.”

Umiling siya. “That’s no big deal, bro. I still need to track him down. I just came to inform you about the progress.”

Inilingan ko siya. “You don’t need to do that anymore. Just give me the address of the orphanage. I’ll be the one to hunt him down,” determinadong pahayag ko.

Napangisi siya. “Uh-oh. Mukhang hindi mo na nga kakailanganin ang serbisyo ko. But still, I am always available whenever you need my help,” alok niya.

“Thanks, bro.”

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at nag-merienda bago niya napagpasyahang magpaalam.

“Ito nga pala ang iba pang mga impormasyon tungkol kay Peter Sarmiento at sa ipinatayo niyang bahay-ampunan. Nariyan na rin ang address na kailangan mo,” sabi niya saka inabot sa akin ang isang puting folder.

Tinanguan ko siya. “Salamat ulit, p’re.”

Inihatid ko siya palabas.

“’Wag mong kakalimutang tawagan ako kapag may kailangan ka pang ipagawa.” Nakadungaw siya mula sa bintana ng kaniyang sasakyan.

Tumango ako. “Yeah. I’ll just send the money in your account,” patungkol ko sa bayad ko sa serbisyo niya.

“Salamat, bro. Larga na ako. Sa susunod na lang ulit.” Sumaludo pa ito bago nagmaneho paalis.

Tinanaw ko siya hanggang sa mawala siya sa aking paningin.

Papasok na sana ako nang mahagip ng aking mga mata ang tutang nakalaro ni Aviona. Ilang minuto akong nanatili doon para tingnan kung may kukuha sa kaniya ngunit wala namang dumating. Kaya naman lumapit na ako sa kaniya at saka siya kinarga.

May kakaibang amoy ito kaya natitiyak kong isang palaboy ang tutang ito.

Isinama ko siya sa pagpasok. Napatingin ako sa pwesto ni Mang Lando kaya agad kong naalala ang ginawang kairesponsablehan ng kasamahan niya sa trabaho.

Nakita niyang palapit ako sa kaniya kaya agad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan. “Ser,” bati niya saka tumingin sa hawak kong tuta.

“Mang Lando,” bati ko pabalik.

“May kailangan po kayo, ser?” alertong tanong niya.

“Yes. Sabihan mo na pumunta rito ang kapalitan mo sa pagbabantay para kunin ang huling sahod niya dahil sesante na siya mula ngayon,” utos ko.

Nalaglag ang kaniyang panga sa aking sinabi. Nang matauhan ay saka siya tumango. “Yes, ser. Tatawagan ko po siya mamaya.”

“Salamat. Pasok na ako.” Pumasok na kami ng musmos na tuta sa mansyon.

Naabutan ko sina Manang Eba at ang dalawa pang kasambahay na pinupunasan ang mga antigong paso ng halaman sa sala. Nagulat sila nang mapalingon sila sa akin.

S-ser Stabros, saan niyo po napulot ang tutang iyan?” gulat at nagtatakang tanong ni Manang Eba sa akin. Marahil ay dahil ngayon niya lang ako nakitang nagka-interes na humawak ng aso. At isa pa itong musmos na asong kalye.

“Sa labas lang,” kalmadong sagot ko. Lumapit ako kay Jessa na napatigil din sa pagpupunas. “Pakihawak.”

“O-opo.”

Ibinigay ko sa kaniya ang tuta saka ako umakyat.

Naligo muna ako at nagpalit. Nang matapos ay lumabas na ako sa aking kwarto. Napatingin ako sa katapat nito, ang kwarto ni Aviona.

Nakita ko sa CCTV na natutulog siya ngayon. Sana naman ay huwag na siyang managinip nang masama ulit.

Bumaba akong muli.

Wala na doon si Manang Eba at Magda. Ang natira lang doon ay si Jessa na nakikipaglaro sa tuta sa sahig. Agad siyang napatayo habang karga ang tuta nang makita akong pababa ng hagdan.

Lumapit ako para kunin sa kaniyang hawak ang tuta. “Tell Manang Eba to check for Aviona from time to time. I just have somewhere to go,” bilin ko sa kaniya.

Nahihiwagaang napatango siya sa akin at sa tuta. “Opo, sir. Ingat po.”

Napagpasyahan kong dalhin sa veterinary clinic ang tuta. Wala naman sigurong masama kung kunin ko ang ito kahit hindi ito sa akin dahil wala namang nagmamay-ari nito.

When we arrived at the clinic, I requested for a full body check-up for the puppy. I also asked the doctor if the dog could already take a bath which he agreed to, since the puppy was already two months old from his calculation.

We left the clinic with some vitamins and a list of dog food that was good for the puppy.

After that, we went to a pet salon to bathe the puppy.

“You smell good now. Do you like it?” tanong ko sa tuta na nakapwesto sa passenger seat.

Tumahol ito nang tumahol.

“I guess you liked it.” Napahalakhak ako.

One last destination before we went home.

Puppy and I went to the mall.

I bought her clothes and a leash. I let her wear the leash right after I bought it so she could walk me.

We went to an art materials shop.

I decided to buy some art materials for Aviona since she said that she liked doing arts.

Umuwi na rin kami pagkatapos. Nang makarating kami ay tuwang-tuwa sina Manang Eba dahil hindi na mukhang musmos ang tuta.

“Tell Aviona to come down,” utos ko na agad tinalimahan ni Magda.

Itinago ko muna ang tuta para hindi agad makita ni Aviona. I was sure that she’d love the puppy.

Nang makita ko siyang pababa na ay agad ko siyang nginitian.

Tipid niya akong nginitian pabalik. Nakarating siya sa aking harapan. “P-pinapatawag mo raw ako?”

“Yeah. I want to give you these.” Inabot ko sa kaniya ang paper bags na naglalaman ng pinamili kong art materials.

Taka niya iyong kinuha mula sa aking kamay at saka binuksan. “A-ano ang mga ‘to?”

“Those are art materials. Sakto kasi na may inisikaso ako kanina kaya naisipan kong bilhan ka na rin. Para naman may iba ka pang pagkaabalahan bukod sa pagdidilig ng mga halaman sa garden.”

Napatanga siya sa aking sinabi. “S-salamat. P-pero di mo naman k-kailangang bilhan ako ng mga ganito,” nahihiyang saad niya.

“No. I insist.”

She nodded without a choice.

“And there’s another one,” masiglang sabi ko.

“A-ano iyon?”

I walked at where I hid the puppy. I let the puppy run to her.

Nawala ang kaniyang hiya at tuwang-tuwang kinarga ang tuta. “Paano ka napunta rito?” nakangiting tanong niya sa rito. Tinahulan lang siya nito kaya napahalakhak siya. Maaliwalas ang mukhang tumingin siya sa akin. “Salamat, Stavros!”

I was stunned. I heard a loud thud in my chest. Napahawak ako rito. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Aviona na nakayakap sa tuta. Narinig ko na naman ang pagdagundong ng aking puso.

What are you doing to me, Aviona?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Huling Parte)

    "Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Ika-unang Parte)

    "Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labingpitong Parte)

    "Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-anim na Parte)

    "P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labinglimang Parte)

    "That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-apat na Parte)

    "May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status