Share

Kabanata 11

Penulis: Lord Leaf
Pagkatapos ng tatlong yuko, naiipon na ang luha sa mga mata ni Harold pero hindi siya nangahas na gumawa ng masama ngayon.

Alam niya na sobrang nabigo at nabalisa sa kanya ang kanyang lola, kaya kahit ano pa man, hindi niya dapat siya galitin pa.

Nagbuntong-hininga dahil sa kaginhawaan si Lady Wilson pagkatapos yumuko at umamin ng pagkatalo si Harold.

Hindi niya gusto na yumuko ang kanyang mahal na apo sa talunan na si Charlie, pero sila ay nagsugal na kasangkot siya.

Siya ay tapat na tagasunod na budista. Kung hindi tutuparin ni Harold ang kanyang pangako, siya ay talagang matatakot sa ganti at karma na pupunta sa kanya sa punto na hindi siya makakain at makakatulog nang maayos.

Kaya, tinignan niya si Harold at sinabi nang walang ekspresyon, “Harold, ituring mo ang tatlong yuko na to bilang aral. Sa susunod, huwag kang tataya sa bagay na hindi ka sigurado. Kahit na gusto mong tumaya, huwag mong idamay ang iyong pamilya!”

Habang nakasimangot ang mukha, sinabi ni Harold, “Opo, lola, natuto na ako. Hindi ko na ito uulitin…”

Habang siya ay nagsasalita, ang kanyang mga mata ay nakatingin nang masama kay Charlie, iniisip, ‘Bastardo! Ang lakas ng loob mong pilitin akong paluhurin at payukuin sa harap mo. Pinahiya mo ako ngayon, pangako na gaganti rin ako sayo sa hinaharap!’

Pagkatapos, sinabi ni Lady Wilson, “Masaya ang araw na ito, ngayong nakakuha ng kontrata si Claire. Kayon lahat, bilisan natin at gawin na ang mga paghahanda. Kailangan nating gamitin ang pagkakataon na ito upang gumawa nang magandang samahan sa Emgrand Group!”

Pinaalala ni Charlie, “Lola, dahil nagtagumpay si Claire, hindi po ba’t i-aanunsyo niyo ang paghirang kay Claire bilang direktor ng kumpanya tulad ng iyong ipinangako?”

Tumaas ang kilay ni Lady Wilson, at nag-iisip siya sa kanyang utak.

Sinabi niya nga na kung sino ang makakakuha ng kontrata ay magiging direktor ng kumpanya.

Gayunpaman, hindi niya paborito si Claire. Habang lagi siyang naiirita sa kanyang talunan na asawa at mga ideya ang unti-unting pumapasok sa kanyang isipan.

Paano kung hindi niya ma-kontrol si Claire pagkatapos bigyan nang mataas na posisyon sa kumpanya? Anong gagawin niya?

Sa sandaling iyon, gusto niyang umatras sa kanyang pangako. Dahil hindi naman siya sumumpa noong ipinangako niya ito, kaya hindi sasama ang kanyang pakiramdam kung hindi niya ito tutuparin.

Gayunpaman, hindi matalino na sabihin ito pagkatapos makakuha ng kontrata ni Claire, kaya sinabi niya, “Ganito na lang. Bukas ng gabi, magdadaos ako ng handaan, tatawagan ang lahat ng sikat at maimpluwensiyang tao sa Aurous Hill sa pagdiriwan. Sa handaan, opisyal kong i-aanunsyo ang ating kolaborasyon sa Emgrand Group at ang paghirang ng bagong direktor.”

Naluwagan si Charlie pagkatapos ng pahayag ni Lady Wilson.

Ngumiti rin si Claire, panatag ang loob. Sa wakas, sa kanya na ang posisyon ng direkto. Hindi na siya kukutyain at gagawing mag-isa, at ang kanyang mga magulang ay matataas na ang kanilang mga ulo!

Tumingin si Lady Wilson kay Claire at sinabi, “Claire, may ipapagawa ako sa iyo.”

“Opo, lola, ano iyon?”

“Gusto kong tawagan mo ang chairman ng Emgan Group at anyayahan siya na pumunta sa handaan bukas.”

Pagkatapos ng hinto, sabi siyang nagpatuloy, “Kung makakapunta siya sa ating handaan, magiging malaking tulong ito sa ating pamila! Matutulak rin nito ang pangalan natin sa publiko at magiging mas sikat pa tayo!”

Nag-isip si Claire nang kaunti at sinabi nang nag-aalangan, “Pero… Si Doris Young lang ang nakausap ko, ang vice chairman, hindi ko pa nakikita ang chairman… Bukod dito, hindi po ba’t masyadong banayad na magdaos ng handaan kahit na kakakuha pa lang natin ng kontrata…”

“Ano naman? Gusto kong ipaalam sa buong Aurous Hill na may koneksyon na tayo sa Emgrand Group. Magiging matagumpay na tayo at mayaman!”

Nagpatuloy si Lady Wilson, “Kahit na ayaw pumunta ng chairman nila, pwede mong imbitahin si Doris Young, parehas lang iyon. Siya ang pangalawang tao na namumuno sa Emgrand Group, siya rin ay magiging marangal na bisita sa ating hanaan.”

Nakangiti na siya sa sabik nang maisip ito. Naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na dugo sa kanyang katawan nang maisip kung paano magpapakumbaba ang mga malalaking korporasyon at pamilya na umapi sa pamilya Wilson at maglingkod sa ilalim ng pamilya Wilson.

Ang pamilya Wilson ay magiging mas makinang at malaki sa kaniyang mga kamay!

Nag-isip saglit si Claire bago sumagot nang maingat, “Sige po, naiintindihan ko, susubukan ko…”

“Huwag mong subukan! Gawin mo dapat!”

Tumango nang nag-aatubili si Claire, pagkatapos ay humarap kay Charlie at binulong, “Anong gagawin ko? Paano kung ayaw pumunta ng chairman? Paano kung ayaw rin pumunta ni Doris Young?”

Tumawa nang marahan si Charlie at sinabi, “Subukan mo lang at tignan mo. Nasa iyo ang numero ni Doris Young, hindi ba? Baka pumayag siya sa sandaling tawagan mo siya, sinong nakakaalam?”

Ang layunin ng handaan na ito ay hindi lamang ipakita ang lakas ng pamilya Wilson ngunit i-anunsyo rin ang promosyon ni Claire bilang direktor.

Bilang kanyang asawa, ito ay magiging masayang pangyayari upang suportahan ang kanyang asawa at ipagdiwang ang kaniyang promosyon.

Sa oras na ito, hindi alam ni Claire na ang kanyang asawa ay ang chairman ng Emgrand Group. Kinalikot niya ang kanyang mga daliri dahil sa pagkabalisa at nagbuntong-hininga bago sinabi, “Siya ang chairman ng Emgrand, narinig ko na siya ay isang young master mula sa sobrang yamang pamilya sa Eastcliff. Ang ganitong klase ng tao ay siguradong abala sa kanyang pangaraw-araw na trabaho, paano siya magkakaroon ng oras na pumunta sa isang kung anu-ano pang handaan…”

Tumawa si Charlie at sinabi, “Hindi naman siguro. Marahil siya ay isang tao na ginugugol ang oras kasama ang kanyang asawa sa bahay araw-araw, nagluluto at naglalaba buong araw. Sinong nakakaalam?”

Inikot ni Claire ang kanyang mga mata at nagbiro, “Sa tingin mo ba ay katulad mo ang lahat ng tao?”

Tumango si Charlie. “Oo, baka katulad ko lang ang pinuno ng Emgrand Group…”

Tinikom ni Claire ang kanyang labi at ngumuso, “Tigilan mo na yan! Imposible yan!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6584

    Huminto sandali si Yolden at nagpatuloy, "Bukod pa rito, ang pinakamalaking kalamangan ng AI ay may sariling kamalayan ito at kayang magproseso ng napakalaking dami ng datos. Habang dumarami ang bentahan ng sasakyan, ang bawat data sa pagmamaneho ng may-ari ay idadagdag sa data vault natin, at ipoproseso ito ng AI para sa mas malawak na imahinasyon.”“Halimbawa, sabihin nating nakaranas ako ng lubak sa isang kalsada, at kapag nakilala ng mga sensor ang anomalya na iyon, ang datos ay ia-upload sa mga server kasama ang mga larawan ng kondisyon ng kalsada sa real time. Agad matutukoy ng processing AI module na may sira at mamarkahan ang lokasyon sa mapa, at ipapadala ang datos sa iba pang sasakyan malapit doon, nagpapadala ng abiso kapag malapit na sila at nagbibigay ng tamang payo para sa pag-iwas sa peligro.”“Siyempre, pwede pang i-refine ang AI para agad tayong babalaan na bumagal habang ina-upload ang datos sa servers at pinapaalam din sa mga sasakyan malapit na gawin din ito. Gani

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6583

    Parang nag-short circuit ang utak ni Yolden sa mga salitang iyon. “Ang pinaka-advanced na AI module?!”Matagal na siyang nagtrabaho sa Wall Street, nag-invest sa malalaking startup tech companies at tumulong sa maraming Nasdaq tech enterprises sa kanilang IPO. Kaya talagang matalim ang kutob niya pagdating sa pinaka-advanced na teknolohiya.Matagal na rin mula noong huling beses siyang aktibo, at ngayon lang naging uso ang AI, pero lagi pa rin niyang binabantayan ito. Alam niya kung ano ang posibleng aplikasyon ng AI modules, pero nabigla siya na hawak na ni Charlie ang kung ano ang pinapangarap ng lahat ng online giants!Habang nananabik, agad niyang tinanong kay Charlie, “Kaya ba ng mga Rothschild ayusin ang lahat ng problema sa hardware at software? Karaniwan na lang ang high-processing power display cards ngayon, at lahat ng lokal na kumpanya ay plano pang ibenta ito isa-isa. Ganoon kataas ang demand!”Tumawa si Charlie. “Huwag kang mag-alala—aayusin ng mga Rothschild ang pareh

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6582

    Si Keith, na tahimik lang mula kanina, ay kumaway at seryosong sinabi, “Huwag mong maliitin ang sarili mo, Professor Hart. Sigurado akong kaya mong gampanan ang posisyong ito nang maayos, pero nasa kagustuhan pa rin iyan.”“Kung talagang nakatuon ang puso mo sa pagtuturo ng mga susunod na henerasyon, sigurado akong tatanggihan mo ang alok namin kahit ano pa ang sabihin namin.”“Pero kung nakaramdam ka ng kahit kaunting interes, o kahit pananabik, para sa ganito kalaking proyekto, dapat mong pag-isipan nang mabuti ang alok namin.”“Nag-invest na kami ng 3 billion USD sa Godot Autos at lampas 10 billion kung isasama ang Ricebolt. Pero may natitira pa kaming 30 billion na pondo—ibig sabihin, 40 billion USD ang nakataya.”“Duda akong may ibang car maker sa buong mundo na kayang maglabas ng ganyang halaga, lalo na ang isang bagong brand. Kaya masasabi kong isa itong pagkakataong minsan lang dumarating sa buhay.”Tumagos sa kalooban ni Yolden ang mga salita ni Keith—ang panimulang kapit

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6581

    Ngumiti si Charlie. “Ako? Matatawa kayo, pero natuto lang talaga akong magmaneho nung nakita ako ni Steven. Hindi rin ako kailanman bumili ng sarili kong kotse, dalawang supercar lang na regalo ang meron ako, at ilang beses ko lang din iyong nagamit. Kahit ngayon, BMW 5-series pa rin ang minamaneho ko, iyong binili ko para sa biyenan ko.”Tapos naalala niya si Marianne Long at sinabi, “Nakagamit naman ako ng Tesla ng isang kaibigan pauwi ng Hong Kong, pero sandali lang iyon, at hindi ko rin nasilip nang maayos ang tinatawag nilang assisted driving system.”Nag-isip sandali si Yolden at napangiti. “Pero alam niyo… paano ko nga ba ilalarawan ang kotse mismo? Narinig niyo na ba si Mario Balotelli, ang soccer player?”Tumango ang lahat ng naroon maliban kay Keith—kilala si Mario bilang isang philosopher sa soccer field, at kahit ang mga hindi nanonood ng soccer ay pamilyar sa pangalan niya.Tumango si Yolden at nagpatuloy. “Sa tingin ko, si Mario ay may top-class na hardware pero panga

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6580

    Tinanong naman ni Kaeden, “Kung ganoon, Professor, paano mo sa tingin mo malalampasan ang mga kakumpitensya sa mga turning point? At ano nga ba ang maituturing na tagumpay sa ganitong usapan?”Sandaling nag-isip si Yolden bago ipinaliwanag, “Para sa akin, hindi lang basta pag-target ng turning points ang punto. Sa halip, manatili ka sa inner lane ng race track at makarating sa finish line nang mas mabilis sa pamamagitan ng pagdaan sa rutang wala pang ibang race car ang nadadaanan—o mga lugar na hindi kailanman naisip ng iba.”“Ganyan din ang sitwasyon ng mga new energy car. Sa fossil fuel energy, palagi tayong nahuhuli at natatalo ng ibang bansa. Pero sa mga new energy car, pwede nating baguhin mismo ang patakaran ng laro.”“Hindi natin kayang habulin ang engine tech nila? Eh di huwag. Hindi naman sila eksperto sa electric-powered engines, hindi ba? Ilang dekada nilang binuhos ang oras nila sa internal combustion engines, at halos wala silang alam pagdating sa electric-powered engin

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6579

    Talagang interesado ang mga Acker sa pananaw ni Yolden.Para sa pamilya nila, ang pag-invest sa new energy automotive industry ay hindi para kumita ng pera—ang gusto lang nila ay makatulong sa pagpapalakas ng Oskia bilang manufacturing power.Pero dahil sa mga pananaw ni Yolden, may mga bagong posibilidad silang inaabangan.Kung talagang maitutulak nila ang negosyo nila sa antas ng mga higante tulad ng Tesla, kusa nang darating ang mga oportunidad at kita—at malinaw rin na makatutulong iyon sa pag-unlad ng lokal na car industry at manufacturing sector ng Oskia.Iba ang mga higante sa manufacturing sector kumpara sa mga higante sa online space, dahil ang pangalawa ay kadalasang nagtatatag ng mahigpit na monopolyo. Bago nila makuha ang monopolyo, nagbibigay muna sila ng mga benepisyo at subsidy sa merkado, at kapag nakuha na nila ang sapat na bilang ng customer at tiwala ng consumer, saka nila sisikipan ang merkado para kumita.Bilang halimbawa, dati ang limang milyang biyahe sa Ube

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status