Nang marinig ito, nagpasalamat nang sobra si Elaine at sinabi, “Oh, mahal kong manugang! Ikaw talaga ang pinakamagaling na manugang sa buong mundo! Pinagpala talaga ako at nagkaroon ako ng isang napakagaling na manugang na tulad mo…”Si Jacob, na kanina pa nakaupo sa gilid, ay nagbuntong hininga nang paulit-ulit. Alam niya na may talento si Charlie. Kapag sinabi niya na kukunin niya ito, kukunin niya ito.Pero, medyo mahirap para kay Jacob na tanggapin ito nang maisip niyang gagamit si Elaine ng mga cosmetic na nasa daang-daang libong dolyar.Sa sandaling ito, nagkataon lang na sinabi ni Charlie sa kanya, “Siya nga pala, pa, gagamitin mo ba ang kotse ngayong araw? Medyo may gagawin kasi ako ngayong araw. Kung hindi mo kailangan ang kotse, pwede mo bang ipahiram ito sa akin?”Kailangan pumunta ni Charlie sa airport para magpaalam kay Quinn at pagkatapos ay pumunta sa Aurous Stadium para panoorin ang laban ni Aurora. Medyo hindi angkop na walang kotse para bumiyahe.Sinabi nang nagm
Bilang isang lalaki, naintindihan ni Charlie ang iniisip ng matandang lalaki.Sinong lalaki sa mundong ito ang ayaw pasayahin ang kanyang babae?Limitado lang ang galing ng ilang tao, kaya, hindi nila ito magawa.Tulad ni Charlie dati, hindi lamang siya mahirap, ngunit wala rin siyang asset. May mga pagkakataon na kapag kaarawan ni Claire o wedding anniversary nila, gusto ni Charlie na bigyan ng magandang regalo ang kanyang asawa. Pero, dahil limitado lang ang salapi niya, hanggang hiling na lang siya.Ang unang mahalagang regalo na binigay niya sa kanyang asawa noong pagkatapos siyang mahanap ni Stephen. Sa sandaling iyon, binilan niyang jade necklace ang kanyang asawa sa Emerald Court.Sa kabila ng kagustuhan ni Charlie na ibigay ni ang lahat para sa kanyang asawa dati, sa abilidad niya dati, hindi man lang niya kayang bilhan siya ng isang disenteng makeup.Sa kabila ng tanda ni Jacob, ang nararamdaman niya para kay Matilda pagkatapos ng dalawampung taon ay pareho pa rin noong
Nang makita si Charlie sa sandaling ito, sumabog agad ang puso ng maliit na babae. Tumakbo siya papunta kay Charlie at niyakap siya nang mahigpit habang sinabi nang malambot, “Kuya Charlie, babalik na ako sa Eastcliff ngayong araw. Nag-aatubili ka bang pabalikin ako?”Tumawa si Charlie at sinabi, “Umuwi ka dapat dahil kailangan mong sumali sa rehearsal ng Spring Gala Festival. Hinihintay ng buong bansa ang performance mo sa Spring Gala Festival.”Hindi kuntento si Quinn sa sagot niya at sinabi, “Hindi mo ako sinagot! Ang tanong ko ay nag-aatubili ka bang pabalikin ako?”Gustong sabihin ni Charlie na hindi siya nag-aatubili, pero naramdaman niya na kung sasabihin niya iyon, magmamaktol si Quinn sa kanya.Pero, hindi niya pwedeng sabihin na nag-aatubili siya. Dahil gusto niya talagang bumalik nang mabilis si Quinn. Kung hindi, patuloy siyang mananatili sa Aurous Hill at gagawa ng problema sa kanya.Kung malalaman ni Claire ang nangyari sa kanila ni Quinn, magagalit siya nang sobra.
Habang abala si Isaac sa pagbili ng mga cosmetic ni Charlie, dumating si Charlie sa Aurous Stadium. Ngayong araw, umabot na sa semi-final ang kompetisyon. Sa huling round, nakakuha ng attention sa Internet ang pagtalo ni Aurora kay Joanna, at sumikat agad nang sobra ang laban na iyon.Kaya, nakuha ng semi-final ang atensyon ng mga viewers sa buong bansa. Sa labas ng Aurous Stadium, maraming manonood ang bumili ng mga ticket sa mataas na presyo para mapanood ang pag-abante ni Aurora sa finals.Sa loob at labas ng venue, nilabas na ang advertisement ng Kobayashi Stomach Pill. Dahil sila ang main sponsor, makikita ang advertisement nila kung saan-saan. Makikita ang mga advertisement ng Kobayashi Stomach Pill kahit saan ka kumuha ng litrato.Sa totoo lang, madalas ding ipinapakita ng broadcaster ng laban ang logo ng Kobayashi Stomach Pill sa ibabang kanang sulok ng telebisyon.Ang mas kamangha-mangha pa ay maraming network anchors ang nandoon, at gumagamit sila ng mga smartphone p
Dahil, binago ni Charlie ang kanilang pananaw bilang master at apprentice. Malalim na naapektuhan ang kanilang kasigasigan.Gayunpaman, umaasa pa rin si Kazuki na magiging maganda ang kalagayan ni Nanako.Kahit na hindi siya manalo sa championship, ayon sa abilidad niya, wala dapat siyang problema sa pagkuha ng runner-up.Pero, kung hindi maganda ang kalagayan niya, marahil ay hindi man lang siya maging runner-up.Buti na lang, sa video, wala siyang nakitang kakaiba kay Nanako kumapra sa kanyang karaniwang kalagayan.Si Nanako ay hindi isang tipo ng tao na madaling masabik. Kaya, bago ang kanyang malaking laban, karaniwan ay sobrang kalmado siya, tulad kung paano siya nagpapahinga sa sandaling ito.Nang makita niya malapit nang matapos ang oras, sinabi ni Hiroshi, “Miss, limang minuto na lang bago ang laban mo.”Binuksan ni Nanako ang kanyang mga mata, tumango nang kaunti, at sumagot, “Alam ko.”Nagpatuloy si Hiroshi, “Miss, nasa video call ako kasama si Yamamoto-san, may gusto
Naging malungkot nang sobra si Nanako sa puso niya.Pagkatapos malaman na limitado lang ang pananaw niya, ang gusto niya lang ay baguhin ito. Sa kasamaang-palad, hindi binigay ni Charlie ang pagkakataon na ito.Nang makita ang kanyang ekspresyon, nagmamadaling pinagaan ni Kazuki ang kanyang kalooban at sinabi, ‘Nanako, hindi ngayon ang oras para pag-isipan ito. Dapat manalo ka muna. Pagkatapos, pwede nating isipin ang iba!” Tumango nang mabigat si Nanako. Mabilis niyang sinabi kay Kazuki, “Master, papasok na ako sa arena.”“Sige!” Hinikayat siya ni Kazuki at sinabi, “Ibigay mo ang lahat ng makakaya mo sa laban an ito hindi mahalaga kahit na tanggapin ka na apprentice ni Charlie o hindi. Dapat ipakita mo sa kanya ang abilidad mo! Kaya, sa laban na ito, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para manalo nang maganda hangga’t posible!”“Manalo nang maganda?”“Tama!” Sinabi ni Kazuki. Nagpatuloy siya, “Nanako, pagkatapos talunin ni Aurora si Joanna, naging sikat siya sa Internet. Sana ay g
Sa sandaling iyon, apat na kalahok ang lumapit sa dalawang arena.Ang isang arena ay nasa kaliwa, at ang isa ay nasa kanan. Ang bawat arena ay napapaligiran ng mga manonood.Ngayong araw, walang bakanteng upuan. Bago magsimula ang laban, mayroong walang humpay na palakpakan, pagpito, at paghiyaw.Nakatayo si Charlie sa ilalim ng arena sa likod ni Aurora. Dito rin nakaupo ang mga coach ng Sanda sa kompetisyon.Nakatingin nang kinakabahan ang coach ng kalaban sa kanya sa sandaling iyon. Tumitingin din siya paminsan-minsan kay Aurora na nasa arena. Nakahanda na ang tuwalya niya sa kanyang kamay. Sa sandaling hindi na masuportahan ng apprentice niya ang sarili niya sa stage, itatapon niya ang kanyang tuwalya sa lalong madaling panahon at susuko.Sa arena, nakatingin si Aurora sa kanyang kalaban, kay Victoria, habang may walang habag na ekspresyon sa kanyang mukha.Bago tinulungan ni Charlie si Aurora na palakasin ang kanyang katawan, hindi niya talaga kaya si Victoria. Dahil, matangk
Umalingawngaw sa hangin ang boses ni Aurora, ginulat si Victoria!Nakita niya ang laban nina Aurora at Joanna, at alam niya na sobrang lakas ni Aurora. Gamit ang sipang ito, natatakot siya na tatalsik siya palabas sa arena, tulad ng nangyari kay Joanna.Bilang resulta, mabilis niyang binawi ang kanyang kanang binti sa isang hakbang. Ang kanyang kaliwa at kanang binti ay gumawa ng isang tatsulok sa itaas ng sahig, at mas pinatibay nito ang kanyang katatagan sa kanyang ibabang bahagi ng katawan. Pagkatapos, itinaas niya ang dalawang braso niya sa harap niya, handang sanggain ang sipa ni Aurora.Pero, hindi siya si Joanna, at wala siyang ideya kung gaano kalakas ang sipa ni Aurora!Naramdaman niya lang na tinamaan ng napakalakas na pwersa ang kanyang mga braso. Ang sumunod, narinig niya ang dalawang malutong na tunog—nabali ang dalawang braso niya sa isang sipa ni Aurora!Mabilis itong sinundan ng matinding sakit. Hindi niya kinaya ang malakas na pwersa. Tulad ni Joanna sa nakaraang
Nahiya si Daves nang marinig niya ito. Totoong hindi naman ganoon kataas ang tingin niya kay Angus.Bukod pa roon, si Charlie ay isang estranghero na bigla na lang lumitaw, kaya hindi siya naniniwalang may kakayahan itong tulungan siya o si Angus na buhayin muli ang Oskian gang sa ilalim ng pang-aapi ng Burning Angels.Pero kailangan niyang aminin na si Angus, bagamat bata at kulang pa sa karanasan sa mundo, ay mas matapang kaysa sa kanya.Kahit wala siyang tiwala sa kakayahan ni Charlie, may sarili rin siyang pangamba. Kung tatanggihan niya ito, kailangan pa rin niyang magtago kung saan-saan, at baka wala na siyang pagkakataong makabawi sa buong buhay niya.Pero kung makikipagtulungan siya kay Charlie, baka may tsansa pa siyang makabalik at bumangon.Habang iniisip niya iyon, hindi niya naiwasang mapatingin kay Janus na nasa tabi lang.Sa tingin niya, si Janus ay isang kahanga-hangang tao.Kahit matagal na itong naipit sa pagluluto ng roast goose sa tindahang ito, siya pa rin a
Pagkasabi noon, napakagat siya sa labi at mahigpit na sinabi, “Pero bago ako umalis sa United States, kailangan ko munang ipaglaban ang mga kababayan kong namatay sa Oskiatown! Kailangan kong makaganti, kahit ilan man lang sa kanila ang madala ko!”Gustong magsalita ni Janus pero napigilan niya ang sarili niya at napatingin na lang kay Charlie, hinihintay ang sasabihin nito. Tumingin si Charlie kay Angus at seryosong sinabi, “Angus, kung ikaw ang babaril, may dalawang pagpipilian ka. Una, papalabasin kita sa United States ngayong gabi. Tulad ng sinabi mo, hindi ka na babalik.”Pagkasabi niyon, saglit siyang tumigil, tapos tinaasan nang kaunti ang boses niya. “Ang pangalawa, manatili ka rito, at tapusin ang lahat ng dapat tapusin!”Nagtatakang tinanong ni Angus si Charlie, “Mr. Wade, ano pong ibig mo sa pangalawa?”Seryoso ang mukha at boses ni Charlie habang sinabing, “Manatili ka rito, tutulungan kitang buuin ang bagong Oskian gang. Simula ngayon, kahit sino pang manghamak sa’yo a
Agad na natakot nang husto ang lima, pati na si Will, sa sinabi ni Charlie!Paano nila naisip na kahit tiniis na nila ang lahat ng kahihiyan at pagpapahirap mula kay Charlie hanggang ngayon, at umaasa pa rin sila na palalayain sila ni Charlie, pero sino ang mag-aakalang ilalabas pa ni Charlie ang lider ng Oskian gang at uutusan pa siyang patayin sila.Takot na takot ang lima, at halos hindi na malinaw ang boses ni Will habang may dugo sa bibig. “Mr. Wade… ginawa na po namin ang gusto mo… pakiusap, huwag mo po kaming patayin…”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung sapat na ang pakiusap para makaligtas, edi sana wala na kayong pinatay. Naalala niyo ba ‘yung mga biktima niyo? Nakiusap din ba sila bago niyo sila pinaslang?”Pagkasabi nito, hindi na pinansin ni Charlie si Will. Inilagay niya ang baril sa kamay ni Daves, tapos malamig niyang sinabi, “Bakit nakatayo ka pa rin diyan?”Halatang nag-aalangan si Daves habang nakatitig sa baril sa kamay niya. Malalim ang galit niya sa Burning A
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an
Isang kakaiba at nakakamanghang eksena ang nangyayari sa isang simpleng roast goose shop sa Oskiatown.Limang miyembro ng gang, na dati’y kinatatakutan sa Oskiatown dahil sa pagiging mabangis at mayabang, ay nakaluhod ngayon sa sahig, pilit na isinusubo ang mga gintong bala sa kanilang mga bibig.Makakapal at matataba ang 9mm na bala ng pistol, at mas masakit itong lunukin kumpara sa pinakamalalaking gamot.Wala pa silang baso ng tubig para inumin ang mga bala, kaya ang nagagawa lang nila ay kagatin ang kanilang mga ngipin at pilit na lunukin nang hilaw ang mga iyon.Pinakamalala ang sinapit ni Will.Dahil kapatid niya ang isa sa mga kabit ng boss ng Burning Angels, at dahil likas ang kanyang pagiging malupit, naging isa siyang mid-level manager ng Burning Angels. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang pamamahala ng Oskiatown.Siya ang kinatawan ng Burning Angels sa buong Oskiatown.Pero sa oras na ito, sobrang kaawa-awa ang kalagayan ng leader na ito.Ang apat niyang kasamahan ay
Natulala ang ilan at hindi napigilang matakot. Kung kaya ni Charlie na alisin ang ulo ng bala gamit lang ang mga daliri niya, paano pa kaya kung buong lakas niyang suntukin ang mukha ng tao? Baka madurog pati ang utak nila!Pero hindi nila maintindihan kung bakit biglang inalis ni Charlie ang ulo ng bala, at lalong hindi nila maintindihan kung anong koneksyon nito sa kapatawarang sinabi niya kanina.Tiningnan ni Charlie ang lalaki, tinaas ang bala na napaghiwalay na niya, bahagyang ngumiti, at sinabi, “Hindi ba gusto mong mapatawad? Eto ang kapatawaran ko. Mahirap lunukin ang buong bala, kaya hinati ko na para mas madali mong malunok.”Parang nahulog sa impyerno ang lalaki habang nakatitig kay Charlie sa takot. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang ganitong klaseng salita sa gwapong binatang kaharap niya.Paalala pa ni Charlie, “Ah, oo nga pala. Huwag mong kalimutan pasalamatan ang mabait mong tauhan. Siya ang tumulong sayo para makuha mo ang magandang pagkakataon ng kapatawa
Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-