Compartir

Kabanata 15

Autor: Lord Leaf
Hindi agad umuwi si Charlie pagkatapos umalis sa Emerald Court.

Gusto niyang bigyan ang kanyang asawa ng buong pakete ng sorpresa sa kanilang pagdiriwang ng anibersaryo ng kasal.

Ang sorpresa ay hindi limitado sa mamahaling kuwintas na gawa sa jade – gusto niyang gumawa ng isanag romantikong kasal para sa kanyang asawa.

Nang maalala niya ang nakalipas, nagmadali sina Charlie at Claire na irehistro ang kanilang kasal dahil kay Lord Wilson, ang lolo ni Claire, at hindi sila nakapagdaos ng kasal.

Hinangad ni Lord Wilson na pumili ng araw para sa kanilang malaking pagdaraos ng kasal, ngunit hindi matagal pagkatapos nilang magpakasal, siya ay nagkasakit nang matindi at dinala sa ospital. Kaya, ang kanilang kasal ay naantala.

Hindi matagal, si Lord Wilson ay pumanaw. Si Charlie ay hindi pinansin ng pamilya Wilson, kaya ang kanilang plano para sa kasal ay hindi natuloy.

Gayunpaman, iba na sa ngayon. Siya ay mayaman na, kaya, kaya niya at dapat niyang bigyan ang kanyang asawa ng kasal!

Ang unang lugar na lumitaw sa kanyang isip nang maisip ang kasal ay ang Sky Garden ng Shangri-La.

Ang Shangri-La Hotel ay ang pinakamagandang hotel sa Aurous Hill. Ang hotel ay binabalot ng malaking lugar na may labis at mamahalin na dekorasyon at mayroong pang-itaas na pamilihan sa loob.

Ang Sky Garden ay matatagpuan sa pinakataas ng pamilihan. Ang pangalan ay nagmula sa natatangi nitong disenyo. Ang labas ay gawa sa kristal na salamin at mayroon pang mga bulaklak mula sa ibang bansa. Ito ay mukhang isang engrandeng hardin sa langit.

Ito rin ang pinakamaganda at pinakamahal na maibibigay ng Aurous Hill. Maghahalaga ng ilang milyong dolyar upang makapagdaos ang kasal dito.

Dahil mayaman na si Charlie, ang ilang milyong dolyar ay maliit na barya lamang sa kanya. Ang pinakamahala ay mapasaya niya ang kanyang asawa.

Kaya, nandoon siya, nakatayo sa pasukan ng Shangri-La Hotel, ang layunin ay ireserba ang Sky Garden para sa kanyang anibersaryo ng kasal.

Gayunpaman, hindi alam ni Charlie na ang hotel ay eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng hotel.

Kailangan kang maging miyebro upang kumain, manatili, o magdaos ng isang pagdiriwang dito.

Bukod dito, mayroong iba’t ibang mga antas ng pagiging miyemrbo na may iba’t ibang pribilehiyo at serbisyo.

Ang mga Normal member ay maaari lamang kumain sa tanggapan sa baba at manatili sa standard room.

Ang mga Silver member ay maaaring kumain sa pribadong silid at manatili sa luxury room.

Ang mga Gold member ay maaaring kumain sa maluho na silid at manatili sa deluxe suite.

Ang mga Platinum member ay maaring kumain sa Sky Garden at manatili sa executive suite.

Ang pinakamataas na miyembro ay ang mga Diamond member.

Ang mga Diamond member lamang ang maaaring manatili sa Presidential suite, at ang mga Diamond member lamang ang maaaring ireserba ang buong Sky Garden para sa mga pagdaraos.

Bukod dito, hindi ka maaaring mag-apply bilang isang Gold member o mas mataas. Ito makukuha lamang bilang imbitasyon at ang mga miyembro ay ibibigay lamang sa mga may matataas na katayuan.

Bago makapasok ng hotel si Charlie, siya ay hinarangan ng ilang lalaki na naka-itim.

“Pagpaumanhin mo ako, sir, pakilabas ang iyong membership card.”

Ang damit na suot ni Charlie ay pangkaraniwan lamang at mumurahin. Malaki ang pagkakaiba sa ibang bisita na mamahalin ang mga suot.

Mabilis na sinabi ni Charlie, “Hi, gusto kong makipag-usap sa iyong tagapamahala ng hotel tungkol sa pag reserba ng lugar.”

Sinabi nang walang ekspresyon ng lalaki, “Patawad, hindi ka makakapasok kung wala kang membership card!”

“Maaari ba akong mag-apply bilang miyembro ngayon?”

Umiling ang lalaki at sinabi, “Patawad, ngunit kailangan mo ng imbitasyon upang mag-apply bilang miyembro.”

Kumunot ang noo ni Charlie dahil sa pagkabalisa. Bakit matrabaho ang Shangri-La?

Sa kalagitnaan ng kanyang pagkalito, bigla niyang naalala noong tinala siya ni Lord Wilson sa Aurous University at siya ay nasa senior year kasama ang kanyang asawa, mayroon silang kaibigan sa parehong kurso na tinatawag na Sabrina Lee na nagtatrabaho rito!

Kaya, mabilis niyang nilabaas ang kanyang selpon at tinawagan si Sabrina.

Pgaktapos sabihin ang kanyang sitwasyon tungkol sa aplikasyon, sinabi ni Sabrina, “Huwag kang mag-alala, class rep, ako na bahala! Pupunta na ako ngayon diyan!”

Mabilis siyang pinasalamatan ni Charlie.

Mukhang kahit naging kaklase sa parehong kurso lamang sila sa isang taon, ang pagkakaibigan ay nanatili pa rin. Siguradong ibabalik niya ang pabor sa kanya sa hinaharap.

Ilang minuto ang lumipas, isang mataas na boses ang biglang umalingawngaw sa pasukan ng hotel.

“Hey, class rep!”

Tumingala si Charlie at nakita ang isang babae na may suot na damit pang-opisina at may makapal na pampaganda mula sa loob ng hotel.

Si Sabrina ba iyon? Ang laki ng pinagbago niya sa punto na hindi ko na siya nakilala!

Habang lumalapit sa kanila ang babae na may kaakit-akit na katawan, ang dalawang guwardya ay mabilis na yumuko at bumati nang magalang, “Miss Lee.”

Nasorpresa si Charlie, “Aba, Sabrina, matagal na kitang hindi nakita at ikaw na ang tagapamahala sa Shangri-La. Ang galing!”

Sumagot nang nakangiti si Sabrina, “Class rep, masyado kang magalang. Sa totoo lang, isa lamang akong maliit na pinuno ng departmento ng HR, matuturing lamang ito na mababa o kalagitnaan ng antas ng tagapamahala sa loob ng Shanri-La.”

Pinuri nang tapat ni Charlie, “Napakagaling pa rin nito. Narinig ko na ang antas na kailangan upang maging isang tagapamahala ng Shangri-La ay napaktaas, ang galing mo!”

Si Sabrina ay tumawa nang masaya, pagkatapos ay humarap siya sa mga guwardiya sa tabi niya at sinabi nang malamig, “Ikaw ba ang humarang sa class rep ko noong kolehiyo at hindi siya pinapasok?”

Ang mga guwardiya ay tumingin nang kinakabahan sa isa’t isa. Isa sa kanila ay mabilis na nagsalita, “Patawad, Miss Lee, hindi ko alam na kaklase mo siya noong kolehiyo. Bukod dito, wala siyang membership card, sinusunod lamang namin ang protokol ng hotel…”

Suminghal si Sabrina, “Ang protokol ay nakaprimi, ngunit ang mga tao ay hindi. Naiintindihan mo ba?”

Akala ni Charllie na paparusahan sila ni Sabrina, kaya mabilis niyang sinabi, “Sabrina, huwag mo silang sisihin, ginagawa lamang nila ang trabaho nila.”

Tumingin si Sabrin kay Charlie. Pagkatapos, bigla siyang tumawa nang malakas, at sa parehong otas, ang kanyang ekspresyon ay nag-iba at nagsimula siyang mang-asar, “Mahal kong class rep, sa tingin mo talaga na importante ka, hindi ba? Sa tingin mo ba talaga na paparusahan ko ang aking mga tauhan dahil lamang sa iyo?”

Kumunot ang noo ni Charlie sa pagkabalisa. “Anong ibig mong sabihin?”

“Anong ibig kong sabihin?” Sinabi ni Sabrina nang may manghamak na ngiti, “Hindi pa ba ako halata? Sa tingin mo ba na ang isang miserbaleng talunan na kagaya mo ay makakapasok sa Shangri-La? May sasabihin ako sa’yo, huwag kang managinip!”

Kinuyom ni Charlie ang kanyang mga kamao at tinanong, “Ano ba ang ibig mong sabihin?”

“Inaasar kita!” Ngumiti si Sabrina na parang isang Cheshire na pusa at sinabi, “Kinamumuhian kita noong tayo at nasa kolehiyo. Paano naging class rep ang isaang talunan na kagaya mo na ang alam lamang ay mag-aral at hindi man lang makabili ng pagkain sa kapiterya? Sino ka para punahin ang pag-aaral ko at ang mga grado? Yuck! Hindi ka ba tumitingin sa salamin?”

Nang may malamig na ekspresyon, sinabi ni Charlie, “Sabrina Lee, hindi ko maalala na nasaktan kita o ginalit kita, pero bakit mo ako kinukutya?”
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status