공유

Kabanata 16

작가: Lord Leaf
Hinalukipkip ni Sabrina ang kanyang mga braso sa harap ng kanyang dibdib at sinabi sa mapagmataas na tono, “Oo, kinamumuhian kita, ano naman? Hindi mo ba kayang tanggapin ang pagpuna ko, talunan?”

“Alam ng lahat ng tao sa kolehiyo na pinakasalan mo si Claire at naging manugang ka na nakatira sa kanilang bahay pagkatapos makatapos! Isang miserableng talunan na hindi makabili ng maayos na pagkain sa kolehiyo at naging laruang lalaki pagkatapos makatapos! Paano ka naglakas-loob na humingi ng tulong sa akin kung isa kang malaking talunan? Sino ka ba sa tingin mo?”

Galit ang unti-unting nagliliyab sa loob ni Charlie.

Ang isang tao ay hindi aatake maliban kung siya ang unang inatake. Sumosobra na si Sabrina!

Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng mensahe sa selpon mula kay Stephen. “Young Master, ang Shangri-La Hotels and Resorts ay pagmamay-ari ng pamilya Wade. Ang Shangri-La ng Aurous Hill ay isa lamang sa maraming nating Shangri-La sa buong mundo.”

Ang mga mata ni Charlie ay lumiit sa gulat!

Sinabi ba niya na pagmamay-ari ng pamilya Wade ang mga Shangri-La?

Hindi niyang sinasadyang sumagot, “Hindi ka nagbibiro, tama?”

“Syempre hindi. Ang taong namumuno sa Shangri-La ng Aurous Hill ay si Isaac Cameron, ang kanyang numero ay 155… , pakitawagan siya at siya na ang bahala sa lahat.”

“Sige.”

Nabalisa nang kaunti si Sabrina sa ugali ni Charlie, nakatingin sa kanyang selpon at nagte-text habang nilalait siya.

Sa tingin niya ay inaabuso niya ang isang aso kaya syempre, gusto niyang marinig na tumahol ang aso.

Sa hindi inaasahan, hindi nagsalita si Charlie.

Pinatunayan niya na walang binago ang panahon. Siya ay talunan noong kolehiyo, at siya rin ay isang talunan ngayon na hindi man lang umiwas pagkatapos laitin.

Kaya, tinaasan niya ang kanyang yabang sa kanyang tono at kinutya, “Hoy, Mr. Class Rep, magaling kang tumiis ng insulto!”

“Ah oo nga pala, narinig ko na ikaw at si Claire ay hindi pa natutulog nang magkatabi simula noong kinasal kayo. Si Claire ba ay asawa ng iba at ikaw ay isang usok lamang upang takpan ang kanyang panloloko? Hahaha!”

Sumimangot nang galit si Charlie.

‘Hindi mo lamang ako ininsulto, ngunit ininsulto mo rin ang aking asawa. Sabrina Lee, hinuhukay mo ang sarili mong libingan!’

Habang galit, tinawagan niya ang numero ni Isaac Cameron. Tumingin siya kay Sabrina at sinabi nang payak habang naghihintay na may sumagot, “Itatanong ko sa taong namumuno ang tungkol sa pagkuha nila ng empleyado, dahil kahit ang katulad mong bastos ang dila ay nagtatrabaho rito!”

“Ano? Nangahas kang takutin ako? Talagang kailangan mo ng bugbog!” Galit na sinabi ni Sabrina at sumigaw sa mga guwardiya sa tabi niya, “Nandito siya para manggulo, bugbugin siya!”

Sa sandaling ito, may sumagot sa kanyang tawag.

“Hello, sino ito?”

Isang makarismang boses ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya.

Sinabi nang malamig ni Charlie, “Ikaw ba si Isaac Cameron? Ako si Charlie Wade, nandito ako ngayon sa pasukan ng Shangri-La. Bibigyan kita ng isang minuto para pumunta rito o makakaalis ka na sa Shangri-La!”

Nang marinig ito, ang lalaki na puno ng karisma sa simula ay agad na nabalisa at nag utal-utal, “Young… Young Master? Nandito ka po talaga sa Shangri-La?”

“Limampung segundo!”

Ang lalaki ay umatungal sa selpon at sinabi nang nabalisa, “Mangyaring maghintay ka po nang isang sandali, papunta na ako!”

Nakangisi si Sabrina habang siya ay nakikinig sa pag-uusap sa selpon ni Charlie at sarkastikong inasar, “Hoy, Charlie, hindi ko alam na magaling ka pala gumawa ng kwento! Kilala mo ba si Mr. Cameron? Kahit ang mga pinaka prestihiyosong miyembro ng Shangri-La ay hindi magiging mapagmataas sa harap ni Mr. Cameron! Sa tingin mo ba talaga ay maloloko mo ‘ko kung magpapanggap ka na tumawag?”

Masamang tumingin si Charlie sa kanya at sinabi nang mahina, “Malalaman mo sa tatlumpung segundo kung niloloko kita!”

Tumawa nang mapanglait si Sabrina, “Sige, mahal kong class rep! Maghihintay ako ng tatlumpung segundo! Ay hindi, gawin na natin itong tatlong minuto. Kung hindi magpapakita si Mr. Cameron sa tatlong minuto, ipapatanggal ko sa mga guwardiya ang mapagkunwari mong bibig sa mukha mo, sinungaling na ungas! Hahaha! Nakakatawa ito!”

Dalawampung segundo ang lumipas, isang di gaano katandang lalaki na may mamahalin na amerikano ang tumakbo nang nababalisa sa kanila.

Siya ay isang aso na nagtatrabaho sa pamilya Wade. Siya rin ay isang makapangyarihang aso.

Simula nang siya ay naging punong tagapamahala ng Shangri-La sa Aurous Hill, siya ay naging isa sa mga pinaka respetadong tao sa siyudad. Kailan ang huling pagkakataon na siya ay nabalisa at nabahala?

Gayunpaman, ang kanyang pagkabalisa ay maiintindihan. Hindi niya inaakala na ang young master ng pamilya Wade ay lilitaw sa Shangri-La, na pinamamahalaan niya...

Lalaitin pa sana ni Sabrina si Charlie nang bigla niyang makita ang mga guwardiya na namutla at natakot habang sila ay nakatingin sa likuran niya.

Sinundan niya ang kanilang gulat na paningin at tumalikod nang makita niyang sumulpot si Mr. Cameron.

Pagkatapos ay humarap siya kay Charlie, ang kanyang mga mata ay puno ng takot. “Ito… Paano… Paano ito naging posible…”

“Sino si Mr. Charlie Wade?”

Ang boses ni Isaac ay nanginginig sa takot at hindi paniniwala.

Silang lahat ay nalilito at nakatulalang nakatingin sa kanya. Ang lalaki na kayang kalugin ang buong Aurous Hill sa pamamagitan lamang ng pagtapak ng kanyang paa ay sobrang takot sa punto na nagbago ang kanyang boses!

Sinabi nang malakas ni Charlie, “Ako!”

Mabilis na pumunta sa kanya si Isaac at yumuko. “Young…”

Agad na sumingit si Charlie, “Mr. Cameron, may mga bagay na hindi dapat sinasabi sa publikong lugar.”

Nanginig nang sobra si Isaac sa kanyang sinabi.

‘Diyos ko po! Napakatanga kong aso! Ang pagkakakilanlan ng Young Master ay siguradong sikreto, ngunit muntikan ko na siyang tawagin! Kung gagalitin ko ang Young Master, ito na ang katapusan ko!”

Kaya, mabilis niyang binago ang pagtawag sa kanya ngunit nagsalita pa rin siya sa magalang na tono, “Mr. Wade, maligayang pagdating sa Shangri-La. Mangyaring sundan mo ako sa aking opisina para karagdagang pag-uusap.”

Talagang nagulat si Sabrina. Hindi niya matanggap ang katotohanan ngunit ang lahat ay nangyari sa harapan ng kanyang mga mata.

Sino ba talaga si Charlie Wade? Ano ang tunay niyang pinagmulan? Paano niya napayuko na parang alila ang pinuno ng Shangri-La?

Hindi siya magtatanim ng galit sa kanya dahil sa kanyang panlalait, tama?”
이 책을.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6538

    Gabi na sa Dubai habang hinihila ni Jacob ang pagod niyang katawan pabalik mula sa hotel papunta sa airport.Dahil economy ang lipad niya ngayon, napaupo siya sa matigas na upuan malapit sa boarding terminal habang hinihintay na magbukas ito.Habang naghihintay, masakit ang puso niya habang binuksan niya ang website ng Aurous Hill Charity Fund, hinanap ang donation account nila, at ipinadala roon ang buong 300 thousand na kinita niya.Pinili niya ang Aurous Hill Charity Fund dahil pinag-uusapan sa mga kolektor ng antiques sa Aurous Hill na idninonate ni Raymond ang kalahati ng 20 million na kinita niya sa parehong charity fund.Simula nang sumikat nang husto si Raymond sa Antique Street at naging tanyag, hindi maikakailang marami ang humanga sa husay niya.Pero may mga naiinggit din sa galing niyang bumaligtad ng sitwasyon, at mayroon ding nagseselos dahil kumita siya ng 20 million sa isang gabi.Gayunpaman, kumilos agad si Raymond—pagkalat pa lang ng balitang kumita siya ng 20 m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6537

    Mabilis na nagtanong si Elaine, “Eh paano kung hindi mo matapos?”Kabado si Jacob kahit napabuntong-hininga siya. “Kapag talagang pinilit nila, mukhang hindi na ako pwedeng manatili sa Calligraphy and Painting Association… Tingnan na lang natin. Kapag lumala, magre-resign na lang ako. Wala na akong hihilingin, basta huwag lang akong makulong.”Tumango si Elaine. “Kaya kausapin mo muna si Raymond Cole o humingi ka ng tulong kay Charlie kung sakaling kailangan. Mas mabuti nang mapahiya kaysa makulong.”“Sige!”-Gabi na sa Aurous Hill nang makarating sa hotel sina Elaine at Jacob.Kakatapos lang kumain nina Charlie at Claire, at kinuha ni Claire ang cellphone niya. “Nag-check ako sa flight app, at sabi, dalawang oras na dapat nakarating sina Mama at Papa. Nasa hotel na siguro sila, kaya susubukan kong i-video call sila.”Hindi pa niya nabubuksan ang WhatsApp nang tumawag na si Elaine sa video call.Plano ni Jacob na tawagan sina Claire at Charlie para hindi sila mag-alala bago si

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6536

    Nang marinig ni Elaine ang sinabi ni Jacob, kinabahan siya at agad siyang tinanong habang ibinababa niya ang tawag, "Anong nangyayari? Aalis ka? Kararating lang natin! Wala pa ngag alikabok ng Dubai sa sapatos ko, bakit aalis na agad tayo—"Pero pinupunasan ni Jacob ang pawis sa noo niya habang pabulong na sinabi, "Eh, sa ngayon, kailangan ko talagang umalis kung ayaw kong mawala ang posisyon ko bilang vice president."Agad nangalit si Elaine. "Kasal tayo sa kalahati ng buhay natin at honeymoon natin ito, tapos aalis agad tayo? Nag-post pa ako sa social media—ang daming naghihintay ng mga update sa trip natin!"At huwag mong kalimutan—ang mahal ng ticket natin at ng hotel! Hindi rin refundable ang mga booking!"Napangiwi si Jacob. "Eh, anong magagawa natin? Bakit hindi ka na lang manatili dito? Uuwi muna ako para ayusin ito…""Gaano katagal naman 'yon?" tanong ni Elaine."Paano ko malalaman?" buntong-hininga ni Jacob, halatang balisa at naiinis. "Sabi ni Don Albert na kailangan k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6535

    "Pero gumastos ako ng 98 thousand para sa bronze sculpture na iyon!"Hindi na namalayan ni Jacob na napasigaw siya sa inis. "Kumita ako ng 300 thousand mula roon, kaya ibig sabihin ang kita ko ay 200 thousand sa pinakamataas, pero kailangan ko pa rin ibalik iyon sa kanya?! Ibig sabihin ay mawawala pati ang puhunan ko!""Hindi kita matutulungan kung hindi mo kayang bitawan ang perang iyon, Mr. Wilson," mahinahong sinabi ni Don Albert. "Kung ganoon, ikaw na lang ang bahala dito.""Teka, teka, teka!" agad na nataranta si Jacob at sinabi, "Pakiusap, Don Albert! Ibabalik ko ang pera! Ibabalik ko, okay?! Lahat ng kinita ko—202 thousand, okay? Kahit papaano ay hayaan mong itira ko ang pera na ginastos ko, okay?""Sa ganitong rason, Mr. Wilson, kapag sinabihan ng pulis ang isang phone scammer na isauli ang perang nakuha niya sa panloloko, dapat ba niyang itira ang perang ginastos niya sa telco charges?""Ah, Ako…" napahinto si Jacob at walang masagot.Nagpatuloy si Don Albert, "Mr. Wilso

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6534

    "Mr. Wilson, talagang kasuklam-suklam ang ginawa niyo!" galit na sinabi ni Don Albert. "Pinagalitan ko mismo si Zachary nang malaman ko ito, at ako rin ang nagsabi sa kanya na i-post ang pahayag na iyon!"Nagulat si Jacob. "Pero bakit, Don Albert? Kaibigan mo ba si Raymond Cole?""Hindi ko pa nakikilala ang lalaki," sagot ni Don Albert.Lalo pang nalito si Jacob. "Kung ganoon, bakit mo siya kinakampihan?""Pinipilit kong linisin ang aking imahe nitong mga nakaraang taon," malamig na sagot ni Don Albert. "Bihira akong makialam sa negosyo ng mob o anumang ilegal, at alam ng lahat sa Aurous Hill na si Zachary ang kanang kamay ko, pero inamin niya ang paggawa ng kasuklam-suklam na krimen sa likod ko. Ano pa ito kung hindi paninira sa reputasyon ko?"Napalunok si Jacob sa gulat dahil hindi niya inaasahan na magiging ganito kaseryoso si Don Albert, pero agad siyang nagpaliwanag, "Patawad. Hindi ko inaasahan na maaapektuhan ka nang sobra… Kasalanan lahat ni Zachary! Hindi ko sana malalam

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6533

    Sa puntong ito, pwede nang ituring ni Jacob si Don Albert bilang kanyang personal na tagapagligtas.Kahit na binantaan niya si Zachary na tatawagan niya si Charlie, sa totoo lang, hindi niya talaga magagawa na tawagan si Charlie.Dahil, paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag na kasangkot siya sa isang krimen?At ang pagsabi kay Charlie ay parang pagsasabi sa kanyang anak na babae—ano ang iisipin nila sa kanya pagkatapos nito? Magagawa pa ba niyang itaas ulit ang kanyang ulo sa pamilya?Kaya, ang tanging pagpipilian niya ngayon ay hilingin ang tulong ni Don Albert at tingnan kung tutulong siya.Ang hindi niya alam, kasama ni Don Albert si Charlie, na inaasahan na ang gagawin ni Jacob.Kapag napagtanto ni Jacob na hindi niya mapipigilan si Zachary, hahanap siya ng taong makakagawa nito, at si Don Albert ang pinakamahusay para sa trabahong iyon!Hindi nakapagtataka, agad na tumunog ang cellphone ni Don Albert dahil sa tawag mula kay Jacob.Hindi agad sumagot si Don Albert, sa hal

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status