Share

Kabanata 20

Penulis: Lord Leaf
Nang tumakas si Wendell sa eksena, pumasok na si Harold kasama ang kanyang kapatid, si Wendy, at ang kanyang nobyo, si Gerald.

Isang batang lalaki na may suot na smart suit ang naglalakad sa tabi ni Gerald. Mayroong kaunting pagkakahawig sa kanilang dalawa.

Nang nakita ni Harold si Wendell harap-harapan, mabilis niya siyang pinuntahan at sinabi, “Hey, Wendell! Nang pumasok ako kanina, narinig ko na mayroong nangyari sa pamilya mo. Totoo ba?”

Agad niya siyang tinulak papalayo habang bumubulong, “Tapos na ako, tapos na, tapos na ako…”

Tinanong nang nag-aalala ni Harold, “Mr. Jones, anong problema?”

Umiling si Wendell sa sindak, hindi nangahas na magsalita.

Sa ngayon, walang duda na kung may sasabihin siya na hindi niya dapat sabihin, siya ay magiging bangkay kinabukasan.

Kaya, tinulak niya ang mga kamay ni Harold papalayo at tumakbo palabas na parang nakasalalay ang kanyang buhay.

Tumingin si Harold kung saan siya tumakbo at nagbuntong-hininga. “Tumataya ako na katapusan na talaga ng pamilya Jones. Letse, hindi ba’t masyado itong mabilis? Ayos pa naman sila kahapon, ngunit na bankrupt sila ngayon!”

Pagkatapos, nang makita niya sina Charlie at si Claire, isang masamang ideya ang lumitaw sa kanyang utak. Pumunta siya kay Claire at sinabi, “Claire, hayaan mong ipakilala ko ang marangal na bisita nating ngayong gabi. Ang ginoo na ‘to ay ang pinsan ni Gerald, si Kevin, ang pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya White.”

“Kevin, ito ang aking pinsan, si Claire,” sinabi ni Harold kay Kevin na may mapaglarong ngiti.

Simula nang pumasok si Kevin, nakatutok na ang kanyang paningin kay Claire. Sa sandaling ipinakilala siya ni Harold, mabilis niyang inabot ang kanyang kamay at sinabi, “Claire, hi. Narinig ko na ang lahat tungkol sa napakagandang babae mula sa pamilya Wilson, mataas na ang reputasyon mo.”

Mayroong bakas ng inis sa mga mata ni Charlie. Ito ang isa sa mga pangit na mangyayari kung mayroon kang magandang asawa, kung saan-saan makikita ang mga naghahabol na parang mga langaw at hindi niya mapigilan na itaboy sila.

Kaya, umabante siya, kinamayan si Kevin, at sinabi nang malamig, “Hi, ako ang asawa ni Claire.”

“Ikaw?” Tinignan ni Kevin si Charlie mula ulo hanggang paa, panghahamak ang lumalabas sa kanyang ekspresyon. Binawi niya ang kanyang kamay at payak na sinabi, “Hindi ko alam na kasal na pala si Claire. Sayang talaga na ang magandang babae na tulad niya ay kinasal sa katulad mo…”

Mabilis na sinabi ni Wendy, “Kevin, ang talunan na ito ay manugang ng aming pamilya, wala siyang trabaho o kahit anong galing!”

Pagkatapos, kumindat siya kay Kevin at nagpatuloy, “Pagkatapos naming magpakasal ni Gerald, tayo ay magiging isang malaking pamilya. Madalas tayong mag sama-sama...”

Syempre, alam agad ni Kevin ang ibig niyang sabihin, sinasabi niya na ipagpatuloy ang paghabol kay Claire. Ngumiti siya at sinabi, “Si Miss Claire ay sobrang ganda at elegante, talagang ayos lang sa akin na madalas tayong mag sama-sama.”

Sa sandaling ito, nakita ni Charlie ang kanyang mga biyenan, sina Elaine at Jacob, na lumalapit sa kanila.

Mabilis na sinabi ni Elaine nang dumating siya, “Claire, narinig mo ba? Bankrupt na ang pamilya Jones!”

“Huh?” Sobrang nagulat si Claire. “Kailan ito nangyari?”

“Ngayon lang!” Nagpatuloy si Elaine at nagbuntong-hininga, “Akala ko na kapag hiniwalayan mo si Charlie, kay Wendell ka mapupunta. Ngunit kung titignan ngayon, hindi na pwede ang plano na ‘yon…”

Nabalisa si Charlie. Tanga ba ang biyenan niyang babae? Hindi niya ba alam na ang manugang niya ngayon ang tunay na magaling?

Mabilis na pumunta si Kevin at nagpakilala kay Elaine. “Hi, ikaw siguro ang ina ni Claire? Ako ang pinsan ni Gerald, Kevin. Sobrang ganda mo, hindi nakapagtataka na ang anak mong babae ay kasing ganda at kasing kaakit-akit tulad mo.”

Nang marinig na si Kevin ay ang pinsan ni Gerald, mabilis siyang nag-isip, ‘ang pinakamatandang anak na lalaki ng pamilya White, isang mayaman na prince charming!’, “Oo, oo, ako ang ina ni Claire. Kaibigan ka ba ni Claire?”

Tumango si Kevin. “Oo, pero ngayon lang kami nagkakilala!”

Saya at sabik ang makikita sa mukha ni Elaine. Masigla siyang tumango at sinabi, “Tara, umupo tayo. Mr. White, ang aking Claire ay maganda, siya rin ay dalisay at tapat tulad ng isang anghel. Kayong mga bata ay dapat madalas mag-usap…”

“Ma!” Sumingit sa pagkabalisa si Claire, pinutol ang sasabihin ng kanyang ina.

Tututol na sana si Elaine nang marahan siyang hinila ni Claire at sumenyas upang tumingin siya sa entablado.

Sa sandaling ito, nakatayo na si Lady Wilson sa spotlight!

Namamangha siyang tumingin sa paligid bago tumayo sa harap ng mikropono at sinabi nang nakangiti, “Una sa lahat, sa ngalan ng pamilya Wilson, malugod kong tinatanggap ang aming mga kaibigan, kasosyo, at ang mga respetadong panauhin sa aming handaan ngayong gabi.”

“Susunod, palakpakan natin nang malakas ang ang vice-chairman ng Emgrand Group, si Doris Young!”

Ang spotlight ay agad nag-iba, nakatuon ang ilaw sa upuan sa harap.

Si Doris ay may suot na itim na evening gown, binibigyan diin ang kanyang perpektong katawan sa kanilang mga mata. Siya ay nakakasilaw na parang isang napakagandang diwata at ang lahat ng mga lalaki ay hindi mapigilang tumingin sa kanya.

Ang vice-chairman ng Emgrand Group! Isang napakagandang babae! Ang bawat katangian niya ay sapat na upang makuha ang pansin ng lahat.

Tumayo si Doris, marahan na tumango sa lahat. Ang kanyang mga mata ay kaunting tumigil kay Charlie bago umalis.

Pagkatapos, nagsimula ulit si Lady Wilson. “Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Emgrand Group dahil ipinagkatiwala nila sa amin ang isang importanteng proyekto. Gagawin namin ang lahat ng aming makakaya at hindi sila bibiguin.”

“Sunod, gusto ko ring ipakilala ang isang napakagaling na tao sa aming pamilya Wilson…”

Sabik na tumili si Elaine, “Hey, Claire! Ito na ang oras mo!”

Kahit na handa na sa pag-isiip si Claire na pumunta sa entablado, sobrang kinakabahan pa rin siya.

Tumingin si Charlie sa kanya upang bigyan siya ng lakas at pag-asa.

Nakatingin nang nakangiti si Harold sa masayang Claire na may panunuya sa dulo ng kanyang mga labi.

Tumingin din si Lady Wilson sa kanilang lamesa, ngumiti bago niya binuksan ang kanyang bibig upang magsalita ulit.

“... Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami magkakaroon ng pagkakataon upang makipagtulungan sa Emgrand Group. Pagkatapos ng konsiderasyon mula sa aming lupon ng mga direktor, nagpasya kami na hirangin siya bilang direktor ng aming Wilson Group at maging responsable mag-isa sa proyekto kasama ang Emgrand Group!”

“Tanggapin natin ang bagong direktor ng Wilson Group, si Harold Wilson!”

Agad na nanigas na parang rebulto si Claire...

Tumingin siya nang hindi mapaniwala at nakita si Harold na pumunta sa entablado na may mayabang na ngiti sa kanyang mukha.

Isang patong ng yelo ang agad ng lumitaw sa ilalim ng mga mata ni Charlie.

Gaano sila kangahas upang sunugin ang tulay pagkatapos itong tawirin!

Pagkatapos nilang makuha ang mga benepisyo nang dahil kay Claire, agad siyang tinapon ng pamilya Wilson hindi alintana sa kung ano ang kanyang nararamdaman.

Ang mga mata ni Claire ay biglang namula, ang mga luha ay bumabaha sa kanyang mga mata.

Pagkatapos, tumayo siya at tumakbo palabas ng pinto nang hindi lumilingon.

Para sa kanya, ang pagbagsak ay kasing sakit ng saya na naramdaman niya noong siya ay dumating!

Mas lalong nagalit si Charlie nang makita siyang umalis.

‘Inapi mo ang aking asawa? Papatayin kita!’

Tumayo si Harold sa entablado at sinabi nang buong kapurihan, “Salamat sa karangalan. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya bilang bagong direktor, at gagawin nang perpekto ang proyekto kasama ang Emgrand Group!”

Tumango nang malugod is Lady Wilson. Pumunta siya sa mikropono at sinabi, “Mayroon pang isang importanteng bagay para sa handaan ngayong gabi, iyon ay, marangal naming iniimbitahan ang bagong chairman ng Emgrand Group, si Mr. Wade! Mangyaring tanggapin siya at palakpakan nang malakas!”

Dumadagundong na palakpakan ang umalingawngaw.

Ang lahat ng mga bisita ngayong gabi ay nandito upang makita ang bagong chairman ng Emgrand Group!

Hindi sila makapaghintay na makita siya!

Ang lahat ay nakatingin sa paligid na parang meerkat, hinihintay kung sino ang tatayo sa sandaling ito!

Sinabi pa ng isa, “Hinala ko na ang misteryosong chairman ay ang misteryosong mayaman na lalaki sa Emerald Court!”

“Oo, sa tingin ko rin! Ang kanyang likod ay hindi pamilyar, sa tingin ko ay hindi siya kasama sa mga mataas na klase ng social circle sa Aurous Hill!”

“Diyos ko! Ang ibig sabihin ay ang chairman ng Emgrand Group ay ang pinaka makapangyarihan at mayaman na tao sa Aurous Hill?”

“Argh, hindi ako makapaghintay na makita ang mukha niya!”

Sa ilalim ng dumadagundong na palakpakan at sabik na paningin ng mga tao, si Charlie, na may madilim na mukha, ay mabagal na tumayo...
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (64)
goodnovel comment avatar
Rante Macanas Mones
nag reset ako Ng cellphone pero Hindi na bumalik sa chapter 2356
goodnovel comment avatar
Maricel A. Magos
grabi naman si author.. walang reply sa mga readers nya.. di man lang pinapakinggan ang request. sad naman.pera pera lang ito.
goodnovel comment avatar
Maricel Magos
grabi d sumasagot si author.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6301

    Pinakamadali sana kung patay na sila. Ang kailangan lang gawin ay hanapin ang kanilang mga bangkay at iuwi ito kay Jennie.Kung pangalawa o pangatlong posibilidad naman, ang misyon ay hanapin sina Edmund at Salem, kahit na nagtatago sila nang kusa o sapilitan. Maituturing na tapos ang misyon kapag naibalik na sila sa United States.Kaya tumingin si Harrison sa mga direktang kamag-anak na nasa magkabilang panig ng mesa at nagtanong, "Sino sa inyo ang gustong magboluntaryo na pumunta sa Oskia at tulungan si Jennie na hanapin ang kanyang asawa at anak?"Nagpalitan ng alanganing tingin ang mga tao.Walang gustong umalis ng New York sa ganitong panahon.Kung may mangyari habang nasa Oskia sila, tuluyan nilang mawawala ang kanilang kalamangan sa pakikipagkompetensya.Nang makita ni Harrison na walang gustong sumagot, nairita siya. Ang kanyang mga inapo, na karaniwang nagpapakita ng kumpiyansa at masunurin, ay biglang walang ipinapakitang pagkakusa. Mamamatay siya sa kahihiyan kung wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6300

    Dahil sa pangako ni Harrison, sobrang natuwa si Jennie kaya hindi siya tumigil sa pag-iyak habang paulit-ulit siyang nagpapasalamat. "Salamat, Mr. Harrison! Salamat!"Matagal nang naubusan ng paraan si Jennie at wala na siyang mabisang solusyon sa kanyang sitwasyon. Sa simula, hindi siya naglakas-loob humingi ng tulong sa pamilya Rothschild dahil alam niyang minamaliit nila ang mga malalayong kamag-anak na katulad niya.Pero ngayong araw, napakaswerte niya!Biglang nagpakita ng kabutihan si Harrison sa mga collateral family, at agad na naisip ni Jennie na ito ay isang bihirang pagkakataon na minsan lang dumarating sa buhay.Nang makita nila ang pagpapakita ni Harrison ng responsibilidad para sa mga collateral family, nakaramdam din ang iba ng matinding pasasalamat at kasabikan.Tumayo si Harrison at mahinahong ngumiti habang nagsabi, "Kung may mangyari pang katulad nito sa hinaharap, huwag kayong mag-atubiling pumunta sa Family Relations Office anumang oras. Maglalagay ako roon ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6299

    Pero sa pagkakataong ito, lubos nang nagbago ang pananaw ni Harrison kumpara dati.Naintindihan niya ang isang bagay—ang tunay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay hindi na ang kinabukasan ng pamilya Rothschild, kundi ang sarili niyang kinabukasan.Habang tumatanda siya at patuloy na ayaw ipasa ang posisyon ng pinuno ng pamilya sa mga anak niya, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng sama ng loob. Posibleng balang araw ay may isa sa kanila na susubukang patalsikin siya o itabi siya. Kaya nagpasya siyang unang makipagkasundo sa mga collateral branch ng pamilya, at ialok sa kanila ang bahagi ng mga benepisyo ng pamilya kapalit ang kanilang buong suporta, para masiguro ang mas ligtas na kinabukasan para sa kanya.Sa pag-iisip na iyon, tumayo siya sa gitna ng palakpakan ng lahat, puno ng sigla, at sinabi, "Simula ngayon, tandaan ninyo na basta’t nananatili kayong matatag na nagkakaisa sa amin, hinding-hindi namin kayo pababayaan o hahayaang dumanas ng kahihiyan, dahil pamilya tay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6298

    Nakaupo si Harrison sa pangunahing upuan sa meeting room, nakangiti at punong-puno ng saya at pananabik.Pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid at nakangiting sinabi, "Umupo na kayong lahat!"Isa-isang naupo ang lahat.Nakangiti si Harrison habang nakatingin sa lahat at nagsimulang magsalita, "Ito ang unang beses na ganito karaming tao ang nagtipon sa meeting room na ito. Nakikita ko na marami sa inyo ang walang maayos na upuan. Ang plano ko sana ay tipunin kayo lahat sa headquarters para mas komportable, pero dahil ilang araw na akong hindi nakakapunta sa kumpanya, dito ko na lang kayo ipinatawag. Pasensya na sa abala at sa anumang hindi magandang idinulot nito. Sana huwag niyo itong pag-isipin nang masama.""W-Wala po iyon." Mabilis na kumaway ang mga miyembro ng mga branch family na may mapagpakumbabang ekspresyon, hindi makita ang kahit bahagyang senyales ng pagkadismaya o pagod sa mga mukha nila.Hindi nila inasahan na si Harrison, na palaging malamig sa kanila, ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6297

    Dahil sa biglaang pagtitipon at pagpupulong, napaisip ang mga miyembro ng mga branch family kung ipapasa ba ni Harrison ang posisyon bilang pinuno ng pamilya kay Julien ngayong araw. Pero ang lalo nilang ikinalito at ikinaintriga ay ang parang ang pinakamalungkot na tao sa silid ay sina Julien at Royce.Kung tutuusin, dapat sina Julien at Royce ang pinakamasayang tao sa silid kung si Julien nga ang tatanggap ng posisyon bilang pinuno ng pamilya ngayong araw.Pero base sa mga itsura nila, inakala ng lahat na mukhang hindi maganda ang kahihinatnan ng meeting na ito para kay Julien. Posible bang papalitan na ang tagapagmana?Dahil sa hindi tiyak na sitwasyon, nagsama-sama ang ilang miyembro ng mga branch family at nagbubulungan, hindi mapakali.Ang ganitong eksena ay nagparamdam kay Julien na para bang nakaupo siya sa tinik at karayom.Dahil isa siyang taong pinapahalagahan ang dangal, ang palaging pinag-uusapan at pinagmamasdan nang palihim ay nagparamdam sa kanya na parang isa s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6296

    Sinabi ni Bill nang walang pag-aatubili, "Sige, sabihin mo na. Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin. Kung matutulungan kita dito, gagawin ko talaga ito."Sinabi ni Harrison, "Narinig ko na may data center ang Microsoft sa Northern Europe. Gusto ko itong bilhin.""Bilhin?" Medyo nagulat si Bill pero agad siyang sumagot, "Mr. Rothschild, kung ang cloud services ng Microsoft ay parang isang Boeing 747, ang data center sa Northern Europe ay isa sa apat na engine ng eroplano. Hindi basta pwedeng tanggalin ng isang airline ang isang engine mula sa gumaganang eroplano at ibenta ito. Kung ibebenta namin ito, babagsak ang cloud services ng kalahati ng Europe, at hindi kakayanin ng ibang data centers ang ganoon kalaking load sa maikling panahon. Hindi namin ginawa ang system na may ganoong kalaking redundancy.""Imposible." Kaswal na sinabi ni Harrison, "Isa ako sa mga bisitang nakasakay sa Boeing 747 nang opisyal itong inilunsad 50 taon na ang nakalipas. Binata ka pa lang noon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status