Share

Kabanata 19

Penulis: Lord Leaf
“Sino ka ba sa tingin mo?”

Tumingin nang may panlalait si Wendell kay Charlie habang malamig niyang sinabi, “Isa ka lamang talunan, hindi mo nga kayang bantayan ang asawa mo. Sobrang sayang si Claire sa iyo, bakit hindi mo na lang siya pakawalan para mapunta siya sa akin? Mabibigay ko lahat ng gusto niya!”

Isang patong ng yelo ang lumilipad sa ilalim ng mukha ni Charlie. Nagsimula siya sa malamig at mababang boses, “Bibigyan kita ng dalawang pagpipilian. Una, humingi ka ng tawad kay Claire at bawiin mo ang lahat ng sinabi mo sa harap ng mga tao o pangalawa, ibabagsak ko ang kumpanya ng pamilya mo. Magpasya ka na ngayon.”

“Hahaha! Niloloko mo ba ‘ko? Sino ko ba sa tingin mo na kaya mong sirain ang pamilya ko?”

Tumawa nang malakas si Wendell habang tumingin siya nang mapanlait kay Charlie. Malinaw na hindi niya sineryoso si Charlie.

“Wala ka na ba sa tamang pag-iisip, gagong baliw? Nangangarap ka ba ng gising? Mayroon ka bang ideya kung gaano kalaki ang kayamanan ng aming kumpanya? Anong gagawin mo para mapabagsak kami? Haha!”

Walang ekspresyon ang mukha ni Charlie habang nakatingin siya kay Wendell, tila ba nakatingin siya sa isang tanga. Pagkatapos, kinuha niya ang kanyang selpon at tinawagan si Stephen.

“Sa tatlong minuto, gusto kong makita ang bankruptcy at liquidation ng negosyo ng pamilya Jones. Palakihin mo ang mga utang nila!”

Tatlong minuto upang gawing bankrupt ang kumpanya na may halagang bilyon-bilyon ay talagang imposible.

Tumingin si Wendell kay Charlie at sinabi, “Letse, puno ka ng kasinungalingan! Sa tingin mo ba ay ikaw ang sobrang yaman na lalaki sa Internet?”

Pagkatapos, siya ay nagpatuloy, “Talunan, ‘wag ka nang magpanggap, bibigyan din kita ng dalawang pagpipilian. Una, lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin, pagkatapos ay hiwalayan mo na si Claire. Pangalawa, tatawag ako ng tao upang bugbugin ka at pilayin ka, pagkatapos ay ipapakita ko sa iyo kung paano ako mahalin at arugain ni Claire. Pumili ka na ngayon! Bibigyan kita ng isang minuto para pumili!”

Tumingin si Charlie sa kanyang relo at sinabi, “May isang minuto ka na lang. Sigurado ka ba na hindi mo gustong iligtas ang kumpanya mo?”

“Ulol!” May tatlumpung segundo ka na lang para mag desisyon! Kung hindi ka luluhod ngayon, pagsisisihan mo ‘to habang buhay!” Banta ni Wendell.

“Dalawampung segundo!”

“Sampung segundo!”

“Limang segundo!”

“Tapos na ang oras! Huwag mo akong sisihin sa pagiging walang awa, hinihingi mo ‘to!”

“Hinawakan ni Wendell ang kanyang kwelyo at sumenyas sa mga bodyguard sa paligid niya, handa na siyang bugbugin ang talunan.

Sa sandaling ito, biglang tumunog ang kanyang selpon.

Nagulat si Wendell. Tiningnan niya ang kanyang selpon at nakita na tumatawag ang kanyang ama, kaya mabilis niyang sinagot ito.

“Pa, nasa hotel ako ngayon, nasaan ka?”

Sa selpon, suminghal nang galit ang ama ni Wendell, “Puta! Ano nanaman ang ginawa mo ngayon? Sino ang ginalit mo? Ngayon, binebenta na ng mga shareholder natin ang shares natin na parang hotcake, bumaba ng mas malaki pa sa 80% ang presyo ng shares natin!”

Pagkatapos, nagpatuloy ang kanyang ungol, “Biglang dumating ang banko sa atin para kunin ang bayad sa mga utang! Lahat ng kasosyo natin ay tinigil ang proyekto na may kinalaman satin at sinira ang kasunduan! Sira na ang capital chain natin! Ang magagawa na lang natin ay magpahayag ng bankruptcy at liquidation!”

Nawalan ng dugo ang mukha ni Wendell habang nakikinig siya sa malakas na boses mula sa kabilang linya. Malamig na pawis ang tumulo sa kanyang noo.

“Lagot kami! Talagang lagot na!”

Binuksan ni Wendell ang kanyang bibig, gustong magtanong nang bigla niyang narinig ang sirena ng pulis sa selpon na sinundan ng tunog ng pagkasira ng pinto, at ang mga pulis ay pinapapunta ang kanyang ama sa istasyon upang imbestigahan.

Biglaan, lumambot ang kanyang mga binti at lumuhod sa harap ni Charlie. Ang kanyang selpon ay nahulog at nasira.

Bahagyang umiihip ang simoy ng gabi, ang kanyang katawan at puso ay kasing lamig ng yelo.

Nang makita ang eksena, ang mga bodyguard ay tumingin nang maingat sa isa’t isa at hindi naglakas-loob na umabante.

Habang nanginginig sa takot, tinanong ni Wendell si Charlie na tila ba nawalan siya ng kaluluwa, “Sino ka ba talaga? Ginawa mo ‘to, hindi ba?”

Ang mga nanonood ay parehong nagulat. Pagkatapos makatanggap ng tawag, biglang lumuhod si Wendell Jones sa harap ng manugang ng pamilya Wilson. Anong nangyayari?

Tumingin si Charlie sa kanya. Pagkatapos, bahagya siyang yumuko at binulong, “Binigyan kita ng pagkakataon na pumili, pero hindi ka pumili nang matalino.”

“Patawad, talagang nanghihingi ako ng tawad. Pakiusap, pakiusap at patawarin mo ako, mangyaring pagbigyan mo ako! Walang nangyari sa amin ni Claire, hindi ko siya hinawakan. Ang kontrata sa Emgrand Group, hindi ako ang tumulong sa kanya! Ang lahat ng sinabi ko ay kasinungalingan lamang! Gawa-gawa ko lang ‘yon! Pakiusap, pakiusap, nagmamakaawa ako sa’yo! Pakiusap at patawarin mo ako at ang aking pamilya!”

Inuntog ni Wendell ang kanyang ulo sa sahig at labis na humingi ng tawad. Hindi niya kailanman inaasahan na ang mababang manugang ng pamilya Wilson ay sobrang makapangyarihan at maimpluwensya! Isang simpleng tawag lamang ang kailangan upang maging bankrupt ang kanyang pamilya!

Nang inangat niya ang kanyang ulo upang tumingin kay Charlie, naramdaman niya na ang payak at walang emosyon na mukha ay mas nakakatakot kaysa sa diyablo!

Hindi niya kaya ang isang taong na kayang sirain ang kanyang pamilya sa loob lamang ng ilang minuto. Wala siyang lugar upang galitin siya!

Umiling si Charlie at sinabi, “Dapat nagpapasalamat ka, at hindi ko kinuha ang buhay mo! Kung hindi, patay na ang buong pamilya mo ngayon!”

Ang mukha ni Wendell ay kasing putla ng isang papel at ang kanyang katawan ay marahas na nanginginig.

Nagpatuloy si Charlie sa malamig na boses, “Sa totoo lang, oo, ako ang sobrang yaman na lalaki sa video. Kung ayaw mo pang mamatay, ‘wag mong sasabihin kahit kanino ang pagkakakilanlan ko o hindi ko maipapangako na ikaw, at ang iyong ama, ay mabubuhay pa kinabukasan! Tandaan mo ang sinabi ko!”

Pagkatapos, tinapik niya ang mukha ni Wendell, tumayo nang tuwid, at naglakad papasok ng bulwagan, hindi na pinansin si Wendell.

Para naman kay Wendell, nakayuko lang siya sa sahig, talagang nagulantang. Hindi siya naglakas-loob na pumalag, kahit kaunti, kaharap ang pagpapahiya sa kanya ni Charlie.

Nanonood lang siya habang pumasok si Charlie sa bulwagan at mabilis din siyang gumapang papunta sa bulwagan.

Tumingin siya nang nababalisa hangga’t nakita niya si Claire. Pagkatapos, mabilis siyang pumunta sa kanya, lumuhod sa kanyang paa, at umiyak, “Claire, patawarin mo ako, hindi ko dapat kinalat ang walang katotohanan na tsismis tungkol sa’yo. Wala akong kinalaman sa proyekto ng Emgrand Group. Pakiusap, pakiusap at pagbigyan mo ako!”

Nagulat si Claire sa biglaan niyang ginawa kaya mabilis siyang umatras at natapilok sa mainit na yakap.

Tumingin si Claire sa likod at nakita na ang taong yumakap sa kanya ay si Charlie.

Nakita agad siya ni Charlie sa sandaling pumasok siya. Siya ay may magandang suot at makintab na parang bituin. Sobrang nakaka-akit at napakaganda niya.

Nang makita si Wendell na nagmamadali papunta kay Claire, mabilis niya siyang niyakap upang pigilan ang kanyang paghulog at tumingin siya nang may paghamak kay Wendell.

Mabilis na gumapang papalayo si Wendell, natatakot na baka magalit niya ulit si Charlie.

Kumunot ang noo ni Claire sa pagtataka. “Anong problema niya…”

Bumulong si Charlie habang yakap siya, “Baka may mali lang sa isip niya, ‘wag mo na siyang pansinin.”

Kahit na mag-asawa sila, hindi pa sila nagkaroon ng malapit na yakapan dati. Namula si Claire hanggang sa namula ang kanyang tainga habang naramdaman niya ang init ni Charlie na nakapalibot sa kanya.

Nahihiya, sinubukan niyang umalis sa yakap ni Charlie at sinabi, “Erm, nandito na ata si Mr. Wade mula sa Emgrand Group, pupunta ako at titingnan ko…”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6301

    Pinakamadali sana kung patay na sila. Ang kailangan lang gawin ay hanapin ang kanilang mga bangkay at iuwi ito kay Jennie.Kung pangalawa o pangatlong posibilidad naman, ang misyon ay hanapin sina Edmund at Salem, kahit na nagtatago sila nang kusa o sapilitan. Maituturing na tapos ang misyon kapag naibalik na sila sa United States.Kaya tumingin si Harrison sa mga direktang kamag-anak na nasa magkabilang panig ng mesa at nagtanong, "Sino sa inyo ang gustong magboluntaryo na pumunta sa Oskia at tulungan si Jennie na hanapin ang kanyang asawa at anak?"Nagpalitan ng alanganing tingin ang mga tao.Walang gustong umalis ng New York sa ganitong panahon.Kung may mangyari habang nasa Oskia sila, tuluyan nilang mawawala ang kanilang kalamangan sa pakikipagkompetensya.Nang makita ni Harrison na walang gustong sumagot, nairita siya. Ang kanyang mga inapo, na karaniwang nagpapakita ng kumpiyansa at masunurin, ay biglang walang ipinapakitang pagkakusa. Mamamatay siya sa kahihiyan kung wala

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6300

    Dahil sa pangako ni Harrison, sobrang natuwa si Jennie kaya hindi siya tumigil sa pag-iyak habang paulit-ulit siyang nagpapasalamat. "Salamat, Mr. Harrison! Salamat!"Matagal nang naubusan ng paraan si Jennie at wala na siyang mabisang solusyon sa kanyang sitwasyon. Sa simula, hindi siya naglakas-loob humingi ng tulong sa pamilya Rothschild dahil alam niyang minamaliit nila ang mga malalayong kamag-anak na katulad niya.Pero ngayong araw, napakaswerte niya!Biglang nagpakita ng kabutihan si Harrison sa mga collateral family, at agad na naisip ni Jennie na ito ay isang bihirang pagkakataon na minsan lang dumarating sa buhay.Nang makita nila ang pagpapakita ni Harrison ng responsibilidad para sa mga collateral family, nakaramdam din ang iba ng matinding pasasalamat at kasabikan.Tumayo si Harrison at mahinahong ngumiti habang nagsabi, "Kung may mangyari pang katulad nito sa hinaharap, huwag kayong mag-atubiling pumunta sa Family Relations Office anumang oras. Maglalagay ako roon ng

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6299

    Pero sa pagkakataong ito, lubos nang nagbago ang pananaw ni Harrison kumpara dati.Naintindihan niya ang isang bagay—ang tunay na dapat niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay hindi na ang kinabukasan ng pamilya Rothschild, kundi ang sarili niyang kinabukasan.Habang tumatanda siya at patuloy na ayaw ipasa ang posisyon ng pinuno ng pamilya sa mga anak niya, hindi maiiwasan na magkaroon sila ng sama ng loob. Posibleng balang araw ay may isa sa kanila na susubukang patalsikin siya o itabi siya. Kaya nagpasya siyang unang makipagkasundo sa mga collateral branch ng pamilya, at ialok sa kanila ang bahagi ng mga benepisyo ng pamilya kapalit ang kanilang buong suporta, para masiguro ang mas ligtas na kinabukasan para sa kanya.Sa pag-iisip na iyon, tumayo siya sa gitna ng palakpakan ng lahat, puno ng sigla, at sinabi, "Simula ngayon, tandaan ninyo na basta’t nananatili kayong matatag na nagkakaisa sa amin, hinding-hindi namin kayo pababayaan o hahayaang dumanas ng kahihiyan, dahil pamilya tay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6298

    Nakaupo si Harrison sa pangunahing upuan sa meeting room, nakangiti at punong-puno ng saya at pananabik.Pagkatapos ay tumingin siya sa mga tao sa paligid at nakangiting sinabi, "Umupo na kayong lahat!"Isa-isang naupo ang lahat.Nakangiti si Harrison habang nakatingin sa lahat at nagsimulang magsalita, "Ito ang unang beses na ganito karaming tao ang nagtipon sa meeting room na ito. Nakikita ko na marami sa inyo ang walang maayos na upuan. Ang plano ko sana ay tipunin kayo lahat sa headquarters para mas komportable, pero dahil ilang araw na akong hindi nakakapunta sa kumpanya, dito ko na lang kayo ipinatawag. Pasensya na sa abala at sa anumang hindi magandang idinulot nito. Sana huwag niyo itong pag-isipin nang masama.""W-Wala po iyon." Mabilis na kumaway ang mga miyembro ng mga branch family na may mapagpakumbabang ekspresyon, hindi makita ang kahit bahagyang senyales ng pagkadismaya o pagod sa mga mukha nila.Hindi nila inasahan na si Harrison, na palaging malamig sa kanila, ay

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6297

    Dahil sa biglaang pagtitipon at pagpupulong, napaisip ang mga miyembro ng mga branch family kung ipapasa ba ni Harrison ang posisyon bilang pinuno ng pamilya kay Julien ngayong araw. Pero ang lalo nilang ikinalito at ikinaintriga ay ang parang ang pinakamalungkot na tao sa silid ay sina Julien at Royce.Kung tutuusin, dapat sina Julien at Royce ang pinakamasayang tao sa silid kung si Julien nga ang tatanggap ng posisyon bilang pinuno ng pamilya ngayong araw.Pero base sa mga itsura nila, inakala ng lahat na mukhang hindi maganda ang kahihinatnan ng meeting na ito para kay Julien. Posible bang papalitan na ang tagapagmana?Dahil sa hindi tiyak na sitwasyon, nagsama-sama ang ilang miyembro ng mga branch family at nagbubulungan, hindi mapakali.Ang ganitong eksena ay nagparamdam kay Julien na para bang nakaupo siya sa tinik at karayom.Dahil isa siyang taong pinapahalagahan ang dangal, ang palaging pinag-uusapan at pinagmamasdan nang palihim ay nagparamdam sa kanya na parang isa s

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6296

    Sinabi ni Bill nang walang pag-aatubili, "Sige, sabihin mo na. Hindi na kailangan ng pormalidad sa pagitan natin. Kung matutulungan kita dito, gagawin ko talaga ito."Sinabi ni Harrison, "Narinig ko na may data center ang Microsoft sa Northern Europe. Gusto ko itong bilhin.""Bilhin?" Medyo nagulat si Bill pero agad siyang sumagot, "Mr. Rothschild, kung ang cloud services ng Microsoft ay parang isang Boeing 747, ang data center sa Northern Europe ay isa sa apat na engine ng eroplano. Hindi basta pwedeng tanggalin ng isang airline ang isang engine mula sa gumaganang eroplano at ibenta ito. Kung ibebenta namin ito, babagsak ang cloud services ng kalahati ng Europe, at hindi kakayanin ng ibang data centers ang ganoon kalaking load sa maikling panahon. Hindi namin ginawa ang system na may ganoong kalaking redundancy.""Imposible." Kaswal na sinabi ni Harrison, "Isa ako sa mga bisitang nakasakay sa Boeing 747 nang opisyal itong inilunsad 50 taon na ang nakalipas. Binata ka pa lang noon.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status