Sa gabing iyon.Sa Eastcliff.Hindi maitago ni Sheldon ang pagkadismaya niya nang bumalik siya sa sarili niyang bahay.Sobrang kumplikado ng kalooban niya sa sandaling ito, at talagang nalilito siya.Kanina, ang tunay na ina ni Rosalie, si Yashita, ay pumunta sa Schulz Group para makipagkita sa kanya.Sa sandaling nagkita sila, balisa siyang tinanong ni Yashita tungkol sa kinaroroonan ni Rosalie.Pero, hindi alam ni Sheldon kung paano siya sasagot sa tanong niya.Ito ay dahil hindi niya rin alam kung nasaan si Rosalie.Mukhang naging hangin si Rosalie at naglaho sa mundong ito, wala siyang iniwan na kahit anong bakas.Si Yashita, na nawawalan ng isang braso, ay lumuhod sa harap ni Sheldon habang umiiyak at nagmamakaawa kay Sheldon dahil umaasa siya na gagawin ni Sheldon ang lahat ng makakaya niya para hanapin si Rosalie. Dahil, siya pa rin ang tunay na anak niya.Sumang-ayon si Sheldon sa hiling niya.Anak niya nga talaga si Rosalie. Suportado na ito ng resulta sa DNA test.
Bahagyang tumango si Helen. Hindi niya kailanman pinakialaman ang trabaho ni Sheldon simula noong ikasal siya sa kanya.Ito ay dahil naramdaman niya na hindi niya kailangan makialam sa ginagawa ng isang lalaki.Kaya, kailanman ay hindi niya tinanong si Sheldon tungkol sa mga detalye ng trabaho niya.Nang makita niya na mukhang pagod na pagod na si Sheldon, sinabi niya, “Palitan mo muna ang mga damit mo. Maglalagay ako ng tubig sa bathtub para sayo para makaligo ka muna. Dapat patayin mo ang cellphone mo kapag natulog ka ngayong gabi. Hindi ka pwedeng bumangon sa kama hanggang sa gumising ka nang natural bukas!”Medyo naantig si Sheldon, at sinabi niya nang nagmamadali, “Honey, hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. Kaya kong punuin ang bathtub ng tubig nang ako lang.”Sumagot si Helen, “Kagagamit ko lang ng tubig sa bathtub. Medyo matagal para ubusin ang tubig at palitan ang tubig sa bathtub. Palitan mo muna ang damit mo at magpahinga saglit.”Ngumiti si Sheldon at sinabi, “Ay
Mahal na mahal talaga ni Helen si Curtis.Iba siya kumpara sa ina ni Charlie. Nagkakilala si Curtis at ang ina ni Charlie noong nag-aaral sila sa ibang bansa. Para naman kay Helen, lumaki siya kasama si Curtis, at para silang childhood sweethearts.Galing silang dalawa sa isang mayaman at makapangyarihang pamilya sa Eastcliff, nag-aral sila sa parehong paaralan simula noong bata pa sila.Nag-aral sila sa pinakamagandang kindergarten, pinakamagandang elementary school, pinakamagandang junior high school, at ang pinakamagandang high school sa Eastcliff.Kaya, makikita sa ilang graduation photo ang mukha nina Helen at Curtis mula sa iba’t ibang panahon ng buhay nila.Magaling na si Curtis simula noong bata pa siya, at masaya si Helen na makipaglaro sa kanya noong nasa elementarya pa sila.Napagtanto ni Helen na nahulog siya kay Curtis noong nasa junior high school sila.Simula noon, hindi na nagbago ang iniisip at nararamdaman niya para kay Curtis. Bukod dito, kailanman ay hindi ni
Sa bawat episode, palaging pinag-uusapan nina Sheldon at Helen kung sino ang mas magaling kumanta o kung sino ang mas nagbigay kahulugan sa kanta. Palagi nilang pinapanood ang programa nang masaya at may interes.Hanggang sa isang araw, isang babaeng singer na nagngangalang Susan ang kumanta ng cover ng kantang ‘I Can’t Live Without You’.Nang marinig ni Helen ang kanta, gumuho ulit siya nang emosyonal. Tinakpan niya ang kanyang mukha habang miserable siyang umiyak sa harap ng telebisyon.Presko pa sa ala-ala ni Sheldon ang lyrics ng kantang iyon.Ganito ang lyrics:“You opened up your arms and melted me,You softly rubbed your fingertips against me and crushed me, You stirred up winds and clouds and swept me away,You lifted up waves and then abandoned me…The both of us are too imbalanced,Love and hatred, are all controlled by you.But today, I can’t leave you.No matter whether you love me or not…”Sobrang ganda ng boses at ng vocal range ni Susan, at talagang nakakad
Bilang pinakamatandang manugang na babae ng pamilya Schulz, ang unang reaksyon ni Helen pagkatapos makita ang headline ay pindutin nang mabilis ang artikulo para maintindihan ang nangyayari.Kahit na bihira lang siya magtanong tungkol sa mga bagay-bagay na may relasyon sa kanyang asawa at sa pamilya Schulz, kahit ano pa ito, miyembro pa rin siya ng pamilya Schulz. Kaya, syempre ay may kaunting narinig na rin siya tungkol sa mga pangyayari sa pamilya.Nakidnap ang kanyang anak na lalaki at anak na babae at muntik na silang mapatay sa Japan. Nag-iwan ng takot kay Helen ang pangyayaring ito, at medyo nag-alala rin siya sa sitwasyon ng Japan dahil dito.Alam niya rin na pinatay at inubos ni Rosalie ang buong pamilya Matsumoto. Kahit na naramdaman niya na medyo sumobra sila tungkol dito, alam niya na galit na galit si Sheldon sa sandaling iyon. Noong binigay niya ang utos, sobrang disidido siya, at walang lugar para makipag-usap.Pagkatapos nito, nahuli ng Japanese Self-Defense Force si
Ang mas nakamumuhi pa ay sa mga nakaraang taon, nakatira sa mansyon ng pamilya Schulz ang anak niya sa labas bilang isang bodyguard. Noon pa man ay nasa tabi na niya siya!Nakaramdam siya ng kabuuang pakiramdam ng pagtataksil, at nakaramdam siya ng lamig na kumalat mula ulo hanggang sa paa niya!Desperadong sinubukan ni Helen na kontrolin ang mga nanginginig na kamay niya habang patuloy niyang ibansa ang artikulo. Sa sumunod na konteksto, kahit ang Japanese q3 ay naramdaman na mas masahol pa sa hayop ang pamilya Schulz!Handa silang ibenta ang buhay ng sarili nilang anak at apo para lang sa kaunting kita at interes! Sobrang sama at walang awa sila!Nang makita ito ni Helen, sa wakas ay nagalit na nang sobra si Helen.Tiningnan niya ang litrato ng kasal nila ni Sheldon sa pader, at hindi niya maiwasang mahilo nang kaunti nang maisip niya ang kasal nila sa napakaraming taon.Pero, bigla siyang naginhawaan ulit sa isang iglap.Kaya, tahimik na bumaba sa kama si Helen bago niya nila
Nang makita ni Helen na nakaluhod si Sheldon sa sahig at umiiyak, umatras nang ilang hakbang si Helen nang hindi nag-iisip habang kumawala siya sa sunggab niya. Pagkatapos, sinabi niya nang seryoso, “Sheldon, dapat alam mo na ang pagkatao ko. Nagbigay ako ng kasunduan na may tatlong sugnay sayo noong sumang-ayon ako na pakasalan ka. Naalala mo pa ba kung ano ang mga ito?”Tumingala si Sheldon habang namumula ang mga mata niya habang tumango siya nang kaunti at sinabi, “Naaalala ko! Naaalala ko! Naaalala ko ang bawat salita! Honey, nalito lang talaga ako. Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo. Patawarin mo sana ako ngayon lang, okay?”May mahigpit na ekspresyon si Helen sa kanyang mukha habang sinabi, “Sheldon, gusto kong sabihin mo muna sa akin kung ano ang tatlong sugnay sa kasunduan natin.”Naramdaman ni Sheldon na sumasakit ang puso niya habang sinabi sa nanginginig na boses, “Ang unang sugnay sa kasunduan natin ay kahit anong oras o kahit anong sitwasyon, basta’t… basta’t…”Siniyasat
Tinanong siya ni Helen, “Sheldon, alam mo ba kung bakit mahal na mahal ko si Curtis dati?”Nagulat si Sheldon sa sandaling ito.Tumingin siya kay Helen bago niya tinanong sa paos na boses, “Bakit?”Tumawa nang mapait si Helen bago sinabi sa nasasaktan na boses, “Dati, noong ikakasal na si Curtis, tumakbo rin ako at nagtapat ng pagmamahal ko sa kanya tulad ng ginawa ni Yashita sayo…”“Sa totoo lang ay inisip ko pa na ibigay ang katawan ko sa kanya. Binigay ko rin ang parehong dahilan tulad ni Yashita…”“Sa sandaling iyon, sinabi ko sa kanya: Curtis, maraming taon na kitang minahal nang walang nasusuklian. Kahit na hindi mo talaga ako mahal at hindi mo mabibigay ang huling resulta na gusto ko, huwag mo akong iwan na may pagsisisi…”“Sinabi ko pa ito: Curtis, para sa isang babae, ang pinakamahalagang bagay ay ang kanyang kalinisang-puri. Ang dahilan kung bakit ang kalinisang-puri ang pinakamahalagang bagay sa bawat babae ay dahil gusto itong iwan ng bawat babae para sa lalaking pina
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin