Share

Kabanata 2585

Author: Lord Leaf
Nang marinig ni Aurora na iniligtas silang dalawa ni Charlie, hindi niya mapigilang bumigat ang loob.

Habang hawak-hawak si Momotaro, umupo siya sa sahig at bumuntong hininga siya, “Hay, bigla tuloy akong nainggit sa inyo.”

Hindi mapigilang mapalingon nang sabay ni Nanako at Jasmine kay Aurora. Binuka ni Jasmine ang kanyang bibig at nagtanong siya, “Aurora, bakit ka naman naiinggit sa amin?”

Seryosong tumugon si Aurora, “Naiinggit ako dahil naranasan niyong iligtas kayo ni Master Wade! Bakit hindi nangyari ang ganyang bagay sa akin…”

Agad na pinutol ni Nanako ang sinasabi ni Aurora, “Aurora, huwag kang magsalita ng kalokohan! Hindi biro ang bagay na ito!”

“Totoo ang sinasabi ni Nanako!” Seryoso ang boses ni Jasmine nang magsalita siya, “Huwag kang magsalita ng kalokohan! Ang pinakamahalagang bagay ligtas ka at maayos ang kalagayan mo!”

Mahinang sumagot si Aurora, “Pero… Pero naiinggit talaga ako sa inyo…”

Nakita ni Jasmine at Nanako na matigas ang ulo ni Aurora, hindi nila mapig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6418

    Napabuntong-hininga si Charlie. “Sabi ko na nga ba na sasabog din ito, Pa, pero kinailangan mo pa rin akong pagdudahan.”“Hindi kita pinagdududahan,” mabilis na depensa ni Jacob. “Akala ko lang na baka sakaling palarin ako—”Siningitan siya ni Charlie. “Kung sabagay. Pero paano mo balak ayusin ito? Pwede kong subukang pigilan si Mama na pumunta sa kasal at kahit pumunta siya, pwede ko siyang harangin para hindi siya makapasok sa hall. Pero anong mangyayari sa inyo? Gusto mo bang maghiwalay o gusto mong manatili sa kanya?”Nawala ang sigla sa mukha ni Jacob habang napabuntong-hininga at nagkibit-balikat. “Kung pwede ko lang siyang hiwalayan, ginawa ko na. Siguro ay masaya na ako ngayon kasama si Matilda. Pero sino pa ang matitira sa akin kung gagawin ko iyon ngayon? Sa ugali ni Elaine, sa tingin mo na ay papayagan pa niya akong manatili sa Thompson First?”“Sa huli, mapapalayas lang ako nang walang matitirahan, at hindi ko kakayanin ang kahihiyan na bumalik kina Mama at sa kapatid k

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6417

    Nang marinig na nagbabantang magpakamatay si Elaine, dali-daling sigaw ni Claire, "Dalhin mo ako sa kanya ngayon!"Mabilis na tumango ang traffic police. "Tara na!"Habang madali-daling pinangunahan ng traffic police si Claire papunta kay Elaine, dumating naman si Charlie at humabol, iniwan muna ang mga bagahe sa entrance.Habang piniglan sila, tinanong niya, "Officer, nasaan po ang lalaki na kasama ni Madam Parker? Maaari ko ba siyang makita?""At sino ka naman?" tanong ng traffic police."Ako ang manugang niya," sagot ni Charlie. "Naisip ko kasi na habang kausap ng asawa ko ang nanay niya, pwede kong kausapin ang biyenan ko, mag-ayos sila, at sabay namin silang iuuwi.""Ah, ayos 'yun!"Napabulalas ang traffic police at mabilis na kumaway sa isang kasamahan, "Halika dito. Dalhin mo ang ginoong ito kay Jacob Wilson!""Sige!" Medyo sabik na sumagot din ang traffic police.Una munang pumasok si Charlie sa kwarto kung nasaan si Jacob, at nakita niya agad ang magulong hitsura ni J

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6416

    Kumunot ang noo ni Charlie habang nag-iisip, saka sinabi, "May plano naman, pero hindi ko masisiguro kung gaano kalaki ang tsansa natin. Kailangan ko rin ang tulong mo, at hindi mo ka dapat madulas, kung hindi, mauuwi lang sa wala ang lahat. Kaya mo ba iyon?""Kaya ko!" tumango nang mabilis si Claire, puno ng determinasyon, bago tinanong nang mabilis, "Sige, ano ang plano?""Hindi pa konkreto," sagot ni Charlie. "Kailangan lang natin mag-improvise habang nangyayari ang lahat. Tara na muna sa loob!"-Umalis sila sa airport at sumakay ng taxi papunta sa headquarters ng traffic police.Pagpasok nila, agad nilang nakita ang Cullinan nila na nakaparada sa labas.Pinapasok muna ni Charlie si Claire habang binuhat niya ang mga bagahe bago sumunod sa loob.Samantala, umiiyak si Elaine sa loob ng kwarto. "Ilang taon na akong kasal sa kanya! Ang dami kong tiniis na sakit at kahihiyan, tapos makikipagbalikan siya sa dati niyang karelasyon sa likod ko! Mali ba kung hinampas ko siya?"Halo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6415

    Kulang ang karanasan ni Claire sa pag-ibig kaya hindi niya maintindihan kung paano mag-iisip ang taong napapasok sa love triangle o bakit bigla-bigla silang nagkakaroon ng malalaking pagbabago ng mood.Pero nakatulong ang paliwanag ni Charlie para magkaroon siya ng ideya, at bumuntong hininga siya, "Sa totoo lang, sobrang pangit ng itsura ni Papa nang bumalik si Matilda. Grabe ang pagkahumaling niya sa kanya sa punto na hindi na siya nag-alala kung buhay pa si Mama—dinala pa siya sa bahay para kumain. Magagalit talaga ako kung ako si Mama."Huminga nang malalim si Charlie sa inis. "Sige na, huwag na tayong mag-aksaya ng oras. Pumunta na tayo sa istasyon ng traffic police.""Oo!" tumango si Claire, bago niyakap ang braso niya, "Kung nandoon sila, ibig sabihin ay ligtas naman sila at hindi sila mag-aaway habang may mga officer. Kaya huwag muna tayong dumiretso agad."Tumaas ang kilay ni Charlie. "Ano ang ibig mong sabihin?"Bumuntong hininga si Claire na halatang nag-aalala. "Kailan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6414

    Ngumiti ang traffic police officer sa inis. "Hindi ka ba nakikinig? Kaya ninyong magmaneho ng magandang kotse, at malamang makakaligtas kayo sa aksidente. Pero paano kung tuluyan kayong mabaldado at matagal kayong humiga sa hospital? Mag-aaway pa rin ba kayo sa iisang kuwarto sa ospital?"Itinaboy siya ni Elaine. "Wala akong pake—ang alam ko lang ay makakamit ko ang paghihiganti ko, at kung pwede ay agad-agad. Kung may superhero, ako sana si Wonder Woman!""Urgh…" wala nang masabi ang traffic police officer. "Paano kung ganito na lang? Tatawagan namin ang anak mo para pumunta siya at ilabas ka. Siya ang aawat sa away ninyo!"Pagkatapos sabihin iyon, ibinalik niya ang cellphone kay Elaine, at nagkataon na tumunog ito.Tawag ito mula kay Claire.Nang makita niya na [Anak] ang contact, mabilis na sinabi ng traffic police officer, "Sige, sagutin mo ito!"Kinuha ni Elaine ang cellphone at sinagot ang tawag, at agad na nagtanong si Claire bago pa siya makapagsalita, "Ma? Nasaan ka? Nas

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6413

    Habang hinihintay ni Charlie si Claire sa airport, dinala sina Jacob at Elaine sa istasyon ng traffic police.Pero kahit nasa patrol car na sila, hindi tumigil si Elaine sa paninigaw kay Jacob.Kaya napilitan ang traffic police na tumawag ng isa pang patrol car para hiwalay na dalhin ang dalawa.Naiwan si Charlie na nagtataka kung ano na naman ang ginagawa ng dalawa dahil wala sila kahit na malapit nang lumapag ang flight ni Claire at hindi rin nila sinasagot ang mga text niya.Sa kabutihang palad, hindi naman inisip ni Charlie na maaasahan sila, kaya ayos lang sa kanya kung darating sila o hindi.Kung darating sila, makakauwi sila sa bahay sa iisang sasakyan.Kung hindi naman, sasakay na lang siya sa taxi pauwi kasama si Claire.Lampas alas tres na nang dumating ang private jet ni Claire, at si Claire mismo ay nakalabas sa checkpoint sa loob lang ng kalahating oras, hinihila ang trolley ng kanyang mga bagahe.Nang makita niya si Charlie mula sa malayo, hindi niya napigilan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status