Hindi… ito isang panaginip?!Kahit walang masyadong pinag-aralan ang karamihan sa kanila, sapat naman ang kanilang kaalaman para makapagdala ng baril at sumabak sa giyera. Para sa sitwasyon ni Hamed, kahit hindi na banggitin na laging kulang sa doktor at medikasyon ang Syria, kahit pumunta pa siya sa pinakamaasenso at pinakamalagong bansa sa mundo, imposible para sa kanya na gumaling ang kanyang binti.Subalit, nasa harap na nila ang reyalidad. Ang kanilang commander na matagal nang pilay ay nakapaglalakad na ngayon nang mabilis at masigasig!Syempre, napansin ni Hamed ang reaksyon ng lahat.Kahit nasasabik siya at gusto niyang sumigaw sa pagkakataong ito, para sa kapakanan ng kanyang imahe at para masigurong siya pa rin ang may kontrol sa kanyang mga tauhan, pinigilan niya ang nararamdaman niyang saya. Nagpanggap siyang kalmado habang naglalakad papunta sa cellar.Nang makarating siya sa cellar, direkta siyang nagsalita, “Faizal, hinatid ko na si Mr. Wade at Ms. Hart. Ipinaliwana
Nagulantang nang matindi ang pitong mapagpanggap na kabataan nang marinig nila ang mga salita ni Hamed. Pakiramdam nila gumuguho ang kanilang mundo sa puntong ito.Ibang-iba ang layunin nila sa pagpunta ng Syria kumpara kay Autumn. Isang malaking palusot lamang ang pagkuha ng documentary. Wala talaga silang mabuting intensyon o motibo, hindi rin sila nakakaramdam ng simpatya para sa mga taong nagdurusa dahil sa nangyayaring civil war.Umaasa lang sila na mapaganda pa lalo ang kanilang mga resume gamit ang mga educational contributions na magagawa nila sa Syria para makasabay sila sa hipokritong lipunan sa Western.Kapag nakakuha na sila ng magandang trabaho sa elitistang lipunan, habang umiinom sa mga magarbong cocktail parties o receptions, tatawanan nila ang pagkakataong pumunta sila ng Syria para kumuha ng isang documentary ng giyerang nangyari para isulong ang adbokasiya ng anti-war awareness. Habang pinag-uusapan ang paksang ito, makakatanggap sila ng maraming papuri sa mga t
Kung alam nilang may kakayahan si Charlie na ilabas sila, bakit pa sila magpapanggap sa kanyang harap? Kung naging magalang lang sana sila sa pakikitungo nila kay Charlie kanina, may pag-asa pa sana silang makaalis ng Syria. Nawalan sila ng oportunidad na lisanin ang lugar na ipinagkaluno ng Diyos dahil sa ginawa nila.Nang makita ni Hamed na tila ba mahihimatay na ang mga taong ito, tinamad na siyang panoorin ang katatawanang ito. Sa halip, inutusan niya na lamang ang mga sundalong nasa likod niya, “Gisingin niyo sila ng 5:30 ng umaga, magsisimula sila sa kanilang trabaho ng alas sais pagkatapos kumain ng almusal. Pagkatapos, magkakaroon lang sila ng pahinga kalahating oras pagkatapos ng alas dose. Ang susunod nilang pahinga ay alas sais ng gabi. Pagkatapos, magtatrabaho sila hanggang alas onse. Nauunawaan niyo ba ang sinabi ko?”Agad na tumango ang mga tauhan ni Hamed. “Masusunod, Commander!”Nang marinig ng pitong tao ang sinabi ni Hamed, pakiramdam nila gusto nilang ihampas an
Nang magliwanag sa langit ng Aurous Hill, dumating na rin ang Concorde na sinasakyan nila Charlie at Autumn sa Aurous Airport.Nang lumapag ang eroplano, lumipat sila Charlie, Autumn, at Isaac sa helicopter at direkta silang tumungo papunta ng Shangri-La.Hindi natagal, habang nasa gitna ng paglipad, tinanong ni Charlie si Autumn kung gusto niya bang makita agad si Yolden. Kung gusto niya, pwede niyang tawagan si Yolden gamit ang satellite phone sa helicopter para masabihan si Yolden ng magandang balita na nakaligtas na si Autumn sa Syria. Pagkatapos, papakiusapan na lang ni Charlie si Yolden na makipagkita kay Autumn sa airport.Subalit, pagkatapos mag-isip-isip, pakiramdam ni Autumn wala siyang sapat na lakas at enerhiya. Gusto niya munang magpahinga at ayusin ang kanyang pag-iisip. Mas gusto niyang maligo muna at magpalit ng malinis na damit bago niya kikitain ang kanyang ama.Kaya, napagpasyahan ni Charlie na dalhin si Autumn sa Shangri-La. Doon niya muna ito pagpapahingahin ng
Hindi niya mapigilang makaramdam ng krisis sa loob ng kanyang puso.Mabilis niya lang maubos ang kanyang Reiki, pero mahirap para sa kanya na mag-ipon nito.Kung hindi siya makakahanap ng permanenteng at mabilis na paraan para makaipon ng Reiki, siguradong magiging mas mahirap para sa kanya ang mga susunod na krisis sa hinaharap.Nang maisip ito, hindi mapigilang alalahanin ni Charlie ang mga laman ng Apocalyptic Book na natagpuan niya.May higher-level pill na nakasulat sa Apocalyptic Book na tinatawag na Cultivating Pill.Kahit hindi kasinggarbo ng Rejuvenating Pill ang pangalan ng Cultivating Pill, ito ang tipo ng pill na likas na mas mataas ang lebel kumpara sa kahit anong Rejuvenating Pill.Kayang buhayin ng isang Rejuvenating Pill ang ordinaryong tao, pero wala itong laman na Reiki. Matapos ang lahat, ang Reiki ang pinakarepinado at pinakapurong enerhiya ng sanlibutan. Ito ang pinakamakapangyarihang kapangyarihan. Malayong-malayo ang Rejuvenating Pill sa puntong kakayanin n
Hindi inaakala ng sabik na sabik na si Sheldon na nasa tabi niya lang pala ang kwarto ni Charlie.Pare-pareho lamang ang disenyo ng mga luxury suites ng Shangri-La. Square ang hugis ng overall layout, at may dalawa itong kwarto sa kaliwa, ang living room at ang study room, samantalang bathroom at bedroom naman ang nasa kanan.Sa madaling salita, katabi lang ng bedroom ni Charlie ang kasalukuyang study room na kinaroroonan ni Sheldon.Sa ilalim ng normal na pagkakataon, soundproof ang pader ng mga kwarto sa mga five-star hotel para masiguro ang katahimikan at privacy ng mga bisita. Kaya, kahit pader lamang ang naghihiwalay sa kanila, hindi maririnig ng ordinaryong tao ang usapan sa kabilang kwarto.Subalit, para sa isang gaya ni Charlie na sensitibo ang mga tainga, walang kuwenta ang ganitong klaseng soundproof wall.Kahit wala siyang intensyon na pakinggan ang usapan ng mga tao sa kabilang kwarto, naririnig niya ang bawat kilos at salita ni Sheldon nang malinaw.Subalit, sa pagka
Nagpatuloy si Charlie sa pagsasalita, “Tignan mo ang background ng kumpanyang iyan! Gusto kong malaman ang buong equity structure nito!”“Masusunod!”Nagpatuloy si Isaac sa paghahanap ng impormasyong kailangan ni Charlie. Pagkatapos ng ilang sandali ng pag-iimbestiga, muli siyang nagsalita, “Young Master, nakita kong wholly owned ng iba pang technological company ang financial investment company na ito sa Yorkte. May isa ring investment fund and partnership enterprise na sumusuporta rito! SF Capital ang tawag sa investment fund na ito!”Nagtanong si Charlie sa pagtataka, “SF Capital? Aling pamilya ang may-ari nito?”Agad na tumugon si Isaac, “Isa ang SF Capital sa maraming capital-operated companies na pagmamay-ari ng pamilya Schulz. Abbreviation ng SF ang Schulz Family!”“Ang pamilya Schulz?” Napasimangot si Charie, “Narinig kong tinawag ng lalaki sa kabilang kwarto na ‘master’ ang kausap niya. Ibig sabihin ba si Cadfan Schulz ang lalaking tumutuloy sa katabi kong kwarto?!”“Ito
Habang iniisip ni Sheldon na mapagsasamantalahan niya ang pagkakataong ito para baliktarin ang krisis na kinaharap ng pamilya Schulz, hindi niya inaakalang isang malaking patibong ang nakapalibot sa kanya sa pagkakataong ito.May dalawang magkaibang plano ang nasa isip ni Charlie.Kung si Sheldon ang nasa kabilang kwarto, may espesyal siyang binabalak para rito.Pero, kung hindi si Sheldon ang lalaking nasa loob ng kabilang kwarto at ibang miyembro ito ng pamilya Schulz, ipapadala niya na lamang ito nang direkta sa dog farm ni Albert para makasama ito ni Steven doon.Ganoon din, inimbestigahan ni Isaac ang iba pang mga kwarto na pinareserba sa Shangri-La bago at pagkatapos magcheck-in ng lalaking tumutuloy sa tabi ng kwarto ni Charlie. Pagkatapos, pinalawak niya pa ang kanyang imbestigasyon. Dito niya napag-alaman na apat na tauhan pa ang kasama ng lalaking nananatili sa tabi ng kwarto ni Charlie. Mula sa apat na ito, dalawa ang tumutuloy sa mga kwartong direktang nasa tapat ng k
Napangiwi si Antonio nang marinig ang hiling ni Charlie.Napakagat siya sa labi at pinilit ngumiti habang sinasabi, “Ayos, ang galing mong mangikil ng mafia!”Nagtanong si Charlie na may pagtataka, “Hoy! Mafia ka ba talaga?”Napangisi si Antonio, “Ano? Ngayon mo lang nalaman?”Pagkasabi noon, ibinalik niya ang one thousand US dollars sa kanyang pitaka at mayabang na sinabi kay Charlie, “Ngayong alam mo na kung sino ako, may oras ka pa para umalis ngayon.”Napailing si Charlie at sinabi nang nanghahamak, “Tulog ka pa ba? Gusto mong paalisin ako nang walang bayad?”Napakagat sa labi si Antonio at sinabi, “Totoy, kung hindi mo sasamantalahin ang pagkakataon na binibigay ko sayo, huwag mo akong sisisihin kung magiging bastos ako sayo!”Pagkatapos noon, inutusan niya ang mga tauhan niya, “Basagin ang mga binti niyan at itapon sa isang lugar na isang daang milya ang layo. Bilisan niyo, parating na ang VIP.”Agad na lumapit ang ilang lalaki kay Charlie habang pinagkuskos ang mga palad
Hindi niya hahayaan na palampasin ang ganito kagandang pagkakataon.Kaya matigas niyang sinabi, “Gusto ko ng cash, at dito ako maghihintay. Kapag hindi n’yo ako binayaran, hihintayin ko na lang ang pulis!”Kita kay Jilian ang kaba at desperasyon habang nagmakaawa siya nang mapait, “Sir, pakialis niyo lang ako rito, bibigyan ko kayo ng 200 thousand US dollars!”Hindi natinag si Charlie at patuloy na iginiit, “Cash ang gusto ko, at gusto ko ngayon din!”Halos maiyak na si Jilian habang balisa siyang lumilingon-lingon pabalik sa mansyon, takot na takot na baka habulin siya ng kanyang ama. Pero hindi siya binigyan ng kahit anong pagkakataon ni Charlie.Sa sandaling ‘yon, may isang matangkad at matabang lalaking naka-amerkana na lumapit nang mabilis kasama ang maraming tauhan. Nang makita ito ni Jilian, nawalan siya ng pag-asa dahil ang nasa unahan ay walang iba kundi ang kanyang ama, si Antonio.Galit na galit at naalarma si Antonio. Hindi niya inaasahan na pagkatapos masira ng damit
"Kikilan?!"Nang marinig iyon ni Charlie, agad siyang nagalit at biglang sumigaw, “Dumaan lang ako rito, wala naman akong inagrabyado, tapos bigla na lang akong binangga ng kotse ng babaeng ito. Natural lang na humingi ako ng bayad. Paano mo nasabing nangingikil ako? Huwag kayong manindak dahil mas marami kayo, at huwag niyong isipin na natatakot ako sa inyo!”Agad na bumunot ng baril ang miyembro ng mafia mula sa kanyang baywang, itinapat ito sa ulo ni Charlie, at malamig na sinabi, “Bumaba ka riyan! Kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano, babarilin kita!”Galit na sagot ni Charlie, “Letse! Ang galing mo rin pala. Babarilin mo ako sa harap ng maraming tao?”Sa oras na ‘yon, binuksan ni Angus ang pinto ng pasahero ng Chevrolet at itinaas ang hawak na cellphone habang malakas na sinabi, “Mr. Charlie, tinawagan ko na ang pulis!”Tumango si Charlie na parang kontento, tumingin sa mga miyembro ng mafia at malamig na sinabi, “Hindi niyo ba ako babarilin? Sige nga, barilin niyo ako dito
Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang headlights at inapakan ang gas para makaalis.Samantala, sa loob ng itim na sedan, mabilis na pinaandar ni Jilian ang kotse habang nakasuot ng puting evening gown. Kanina, sinadya niyang sirain ang suot niyang gown at ginamit iyon bilang dahilan para makalusot palabas ng main hall. Sa likod-bahay, may nakita siyang itim na sedan na may susi pa sa loob, kaya agad niya itong ginamit.Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Jilian kung saan siya pupunta. Ang mahalaga lang sa kanya ay makaalis agad bago pa mapansin ng iba ang pagkawala niya.Pero habang kinakabahan siyang nagmamaneho palabas ng estate, biglang lumitaw ang isang Chevrolet sa mismong harap ng gate.Mabilis siyang napakadyak sa preno, pero kahit anong pilit niya, hindi niya ito maapakan kahit kaunti. Hindi alam ni Jilian, pero ito mismo ang hinihintay ni Charlie.Ginamit ni Charlie ang kanyang Reiki para harangan ang preno at manibela ng kotse, kaya kahit sino pa ang nagmamaneho,
Walang magawa ang dalaga sa loob ng kwarto at sinabi, “Sige na, tama ka na. Pero umalis ka muna. Kailangan ko munang mag-ayos at magbihis!”Malamig na sagot ni Antonio, “Bibigyan kita ng sampung minuto. Maghihintay ako rito.”Napilitan ang dalaga at sinabing, “Bahala ka. Kung gusto mong maghintay, wala namang pumipigil sa’yo.”Humagikgik si Antonio at malamig na binalaan, “Jilian, payo ko lang sa’yo, huwag mong subukang tumakas sa bintana. May tao na akong inilagay doon sa labas para magbantay. Kapag sinubukan mong lumabas, huhulihin ka agad nila at diretso kang dadalhin sa airport!”Biglang nagalit ang dalaga. “Walang hiya ka talaga!”Hindi natinag si Antonio sa panlalait ng anak niya. Ngumiti pa siya at sinabi, “Tandaan mo, Jilian, ang mga babaeng Sicilian ay nabubuhay para sa pamilya nila habang buhay! Ang pagtataksil sa pamilya ay kahihiyan para sa akin. Mas pipiliin ko pang ipadala ka sa Sicily at mag-alaga ng tupa habang buhay kaysa hayaan kang ipahiya ang pamilya natin.”N
Habang nangyayari iyon, minamaneho ni Charlie ang hindi kapansin-pansing Chevrolet papunta sa labas ng Zano Manor, kasama si Angus na halatang kinakabahan.Mula sa labas, kita nilang napakakulay at abala ngayon sa Zano Manor. Maliwanag ang buong lugar at maraming miyembro ng mafia na nakasuot ng itim na suit ang nakahanay sa magkabilang gilid ng pasukan, para bang may hinihintay silang napakahalagang bisita.Pagkakita niya nito mula sa malayo, napangiti si Charlie at sinabi, “Mukhang napakaganda ng timing natin. Parang may malaking okasyon ang pamilya Zano ngayon.”Napalunok si Angus sa kaba at tinanong si Charlie, “Mr. Wade, mukhang may daan-daang tao rito sa unang tingin pa lang. Papasok ba talaga tayo para gumawa ng gulo?”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Hindi ba sinabi ko na gagawa tayo ng eksena sa kanila? Sundan mo lang ako mamaya. Bibigyan kita ng senyas para sa susunod na gagawin.”Pagkatapos ay idinugtong niya, “Pero kung talagang nag-aalala ka, pwede akong pumasok mag-isa
Sa halip, hinati nila ang lahat ng ilegal na transaksyon at ibinaba iyon sa mga mukhang walang kinalamang puppet gangs. Palihim nilang pinalalawak ang impluwensiya ng mga gang na iyon sa New York at sa buong East Coast para mas lumaki ang kapangyarihan at ilegal na kita ng kanilang grupo.Samantala, ang pampublikong imahe ng mga Zano, na pinamumunuan ng kasalukuyang ulo ng pamilya na si Antonio, ay todo-kayod sa pagpapaputi ng kanilang imahe at paglalapit ng sarili sa mga makapangyarihan sa lipunan.Alam na alam ni Antonio na kailangan din ng mga nasa mataas na lipunan ang mga grupong gaya ng mafia. Pero dahil sa pagkukunwari nila, hindi sila pwedeng makitang lantaran na nakikipagtulungan sa mafia. Kaya kung gusto ng isang mafia family na mapansin ng high society, ang unang dapat gawin ay linisin ang sarili nila.Sa madaling salita, hindi na sila naghahanap ng parang arinola na tinatago sa ilalim ng kama. Ang kailangan nila ngayon ay isang inidoro, malinis, walang amoy, at pwedeng i
Habang nagsasalita si Charlie, may plano na agad na nabuo sa isip niya.Dahil nasa New York na rin siya, naisip niyang ayusin na nang tuluyan ang ilang problema. Dahil pati ang Oskiatown at ang tindahan ni Uncle Janus na ilang dekada niyang pinaghirapan ay pinakialaman na ng mga Zano, wala na silang karapatang magreklamo kung magiging bastos siya.Kaya sinabi niya kay Angus, “Angus, magpalit ka ng damit. Sumama ka sa akin.”Tumingin si Angus sa limang miyembro ng Burning Angels at agad na nagtanong, “Mr. Wade, anong gagawin natin sa kanila? Paano kung patayin ko muna sila? Isang bala bawat isa, walang masasayang.”Takot na takot ang limang lalaki kaya nanginig sila sa kaba. Hindi nila inakalang ang maliit na chef na dati nilang inaapi sa punto na hindi siya nangahas na umutot ay handa na ngayong patayin silang lima!Nang makita ni Charlie na seryoso si Angus, ngumiti siya at sinabi, “Masyado pang maaga para patayin sila. Hayaan mo muna silang bantayan nina Uncle Janus at Daves. Hi
Pinasimulan ni Janus, na nasa tabi lang, ang pagpapakilala kay Charlie, “Matalino ang kasalukuyang pinuno ng mga Zano. Hinati niya ang dating simpleng operasyon sa ilang bahagi, tapos ang bawat hakbang ay ipinasa sa ibang grupo. Ang mga grupong ito ay nagtutulungan, nagba-balanse, at nagbabantayan sa isa’t isa.”Napataas ang kilay ni Charlie at sinabi, “Uncle Janus, pakipaliwanag pa nang mas detalyado.”Paliwanag ni Janus, “Base ito sa mga narinig at nakita ko lang mula sa labas, kaya maaaring hindi ito eksaktong tama, pero malapit-lapit na rin siguro.”Seryosong ipinagpatuloy ni Janus, “Sa totoo lang, ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga Zano ay ang smuggling at pagbebenta ng droga. Meron silang sariling gang para sa smuggling at isa pa para sa pagbebenta. Bukod pa roon, may mga mas maliliit silang grupo gaya ng Burning Angels, na ang trabaho ay sakupin ang mga teritoryo sa iba’t ibang bahagi ng U.S.”“Ang sistema nila ay pagpapakilos ng mga mababang-lebel na gang para palawakin