Share

Kabanata 2964

Penulis: Lord Leaf
Kaswal na tumugon si Charlie, “Wala naman akong ginagawa talaga. Nagkita lang kami ng kaibigan ko sa labas. Bakit?”

Agad na nagsalita si Wendy, “Gano’n pala… Sa totoo lang… wala namang dahilan kung bakit kita tinawagan. Gusto ko lang sana magbigay ng report tungkol sa sitwasyon ng Mallow Stenhouse Etiquette Corporation.”

Napangiti si Charlie saka siya nagtanong, “Ibig sabihin ba maganda ang sitwasyon ng kumpanya ngayon?”

Agad na sumagot si Wendy, “Bayaw, maganda nga talaga ang sitwasyon ng kumpanya ngayong mg araw! Salamat kay Don Albert at sa mga kasama niya. Sa tulong nila, mas lumago ang negosyo at mas tumaas rin ang kinikita namin. Padami rin nang padami ang mga empleyado namin.”

Napangiti si Charlie, “Hindi na rin masama. Umaasa akong ipagpapatuloy mo ang pagsisikap mo para ma-i-angat mo ang kumpanya niyo sa mas mataas na lebel.”

Siniguro ni Wendy si Charlie, “Huwag kang mag-alala, bayaw. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mas mapalakas at mapalaki ang Mallow Stenhouse
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6003

    Kung ilang oras pa lang ang nakalipas, hindi papansinin ng mga preso si Charlie.Pero pagkatapos maranasan at masaksihan ang galit at kalupitan ni Charlie, hindi na nila inakalang sobra ang hinihingi niya.Kaya mabilis silang tumango nang mariin, takot na baka magalit si Charlie kapag hindi agad sila sumagot.Nang makita silang pumapayag, ngumiti si Charlie at inutusan sila, "Dahil wala naman kayong reklamo, magsisimula na tayo agad. Ang dumi at ang baho ng selda, kaya linisin niyo muna. Kailangang walang kahit anong dumi, o parurusahan ko kayong lahat."Nang walang pag-aatubili, agad nagsimula ang mga preso sa paglilinis ng selda.Para masunod ang gusto ni Charlie, lahat ng kayang gumalaw ay agad tumulong sa paglilinis. Ang ilan ang nagtanggal ng maruruming kumot at dinala ang mga iyon sa banyo, ang iba ang naglaba, habang ang natitira ay nagsimulang linisin ang buong selda.Alam na alam nila kung ano ang kahihinatnan kapag hindi nasiyahan si Charlie sa kalinisan. Bubugbugin sil

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6002

    "Aye aye, captain!" Walang pag-aalinlangan na sinampal ng lalaki si Jonah. Sumali agad ang bilanggo sa kabilang bahagi ni Jonah para sampalin din siya.Bago pa makumpleto ang 100 na sampal, napagod na agad ang dalawang lalaki kaya halos hindi na nila maitaas ang mga braso nila. Si Jonah naman ang pinakakawawa. Namaga nang todo ang mukha niya, parang bangkay na nalunod sa tubig at iniwan roon ng ilang linggo.Nawalan na ng malay si Jonah bago pa matapos ang pananampal. Magalang na nagtanong ang isa sa mga lalaki, "Sir, tapos na po ang 100 sampal. Anong gusto ninyong gawin namin sa kanya?""Kaladkarin niyo siya sa banyo at iwanan siya doon." Sinenyasan lang sila ni Charlie."Aye aye, sir!" sagot ng lalaki. Sinenyasan niya ang kasama niya, at magkasama nilang binuhat si Jonah papunta sa banyo.Nagpatuloy na ang pagpapakilala.Karamihan sa natitirang mga bilanggo ay inaresto dahil sa pagpatay at pananakit. Halos lahat sila ay miyembro ng gang sa New York, at ang ilan ay mga tauhan ni

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6001

    Itinuro agad ni Charlie ang lalaki at sinermonan, "Anong problema mo? Hindi mo ba naiintindihan ang utos ko?!"Umiling nang paulit-ulit ang lalaki habang nanginginig at iniyak, "P-Pasensya na po, sir. H-Hindi ko po alam ang kaliwa sa kanan...""Hindi mo alam ang kaliwa sa kanan? Ganun ba..." bahagyang ngumiti si Charlie. "Ayos lang. Matutulungan kita diyan."Pagkasabi niyon, hinawakan ni Charlie ang kanang kamay ng lalaki, at sa kaunting puwersa sa hinlalaki, nabali ang pulsong iyon na parang nagbali ng lapis.Habang humahagulhol sa sakit ang lalaki, malamig na sinabi ni Charlie, "Tandaan mo, ito ang tinatawag na kanang kamay! Sa palagay ko, alam mo na ang kaliwa sa kanan simula ngayon."Nanginig ang mga bilanggo sa ginawa ni Charlie, at narinig nila siyang sumigaw, "Harap sa kaliwa!"Agad na kumilos ang lahat. Maging ang lalaking nabalian ng kanang pulso ay tumingin sa tamang direksyon ngayon.Tumango nang kuntento si Charlie, itinuro ang lalaking nasa dulong kaliwa at inutusa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6000

    Akala ni Dean ay ipagpapatuloy ni Charlie ang pagpapahirap sa kanya. Pero sa halip, binigyan siya ng pagkakataong makibahagi. Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting pag-asa.Nanabik siya, kaya tumango siya nang paulit-ulit ipakita ang kanyang katapatan. "Walang problema, sir. Aalagaan ko siya nang maayos at pasasayahin ko siya."Natakot nag sobra si Jonah at nagulat sa punto na halos himatayin siya. Kilala niya ang ugali ni Dean, kaya agad niyang naisip kung paano siya pahihirapan nito kapalit ng papuri mula kay Charlie.Pagpasok ng ideyang iyon sa isip niya, napaluhod si Jonah at nagmakaawa, "Patawarin mo ako! Matanda na ako. Hindi ko ito kakayanin!"Kinawayan siya ni Charlie. "Ayos lang, wag kang mag-alala. Hindi ka mamamatay."Humarap siya kay Dean at inutos, "Makinig kang mabuti. Kahit anong gawin mo, siguraduhin mong ligtas at buhay pa rin siya, naiintindihan mo ba?""Opo, opo!" Tumango nang paulit-ulit si Dean.Pagkatapos, tumingin siya kay Jonah na may luha sa mat

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5999

    Tumango si Charlie, itinuro si Dean na nakahandusay sa sahig, at tinanong, "Kung ganoon, siguro nakita mo na siyang pahirapan ang ibang mga preso dito, 'di ba? Sabihin mo nga, pinrotektahan mo ba ang mga biktima habang pinahihirapan niya sila?""A-Ako..." pautal na sagot ng pari habang kinakabahan.Hindi talaga intensyon ng pari na ipagtanggol ang payat na lalaki o tulungan ito. Nang lumabas si Charlie mula sa banyo na may toilet brush sa bibig ni Dean, napagtanto niyang si Charlie na ngayon ang bagong hari sa kulungang ito, at nagsimula na ang panibagong panahon sa selda nila.Isa lang iyong pakana niya para magmukhang makatarungan at mapagkakatiwalaan upang makuha ang tiwala ni Charlie at para ipakitang hindi sila pareho ni Dean.Bukod pa roon, naniniwala siyang kapag ipinakilala niya ang sarili niya bilang isang pari, hindi siya pupuntiryahin ni Charlie. Sa halip, mapoprotektahan siya at makukuha niya ang pabor ng bagong pinuno.Pero kahit ganoon, winasak ni Charlie mag-isa ang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5998

    Pagkatapos magsalita ni Charlie, pilit na tumayo si Dean at pumwesto sa likod ng pulang guhit na gawa sa sarili niyang dugo.Pagkatapos ay itinaas ni Charlie ang isa pang daliri at sumigaw, "Dalawa!"Nabigla pa rin ang iba, pero nang makita nilang sumunod si Dean sa utos ni Charlie kahit sobrang miserable na ng kalagayan niya, naisip nilang seryoso si Charlie kaya agad silang pumila sa likod ng pulang guhit.Tumango si Charlie at mahinahong nagsabi, "Tatlo."Sa oras na iyon, lahat ay nakapila na maliban sa payat na lalaking sinipa ni Charlie at nawalan ng malay.Tumayo si Charlie, dumaan sa pila, pumunta sa likod, at tinitigan nang masama ang payat na lalaking wala pa ring malay. Bahagya siyang yumuko, hinablot ang kulot nitong buhok, at kinaladkad ito papunta sa harap ng pila.Itinapon niya ang lalaki sa sahig, iniwang nakahandusay na parang bangkay, at humarap sa pila. "Sinabi ko na dapat lahat ay nakapila pagbilang ko ng tatlo, hindi ba?! Pero ang lalaking ito, nakahiga lang d

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status