Share

Kabanata 3387

Author: Lord Leaf
Sa pagkakataong ito, bumuntong hininga nang malalim si Sheldon saka siya seryosong nagsalita sa harap ni Porter, “Porter… totoo ang sinabi ni Charlie ngayon lang… Wala nga talagang kinalaman si Curtis Wade sa pagkamatay ng mga magulang mo…”

Lumuluha si Porter habang nagtatanong, “Uncle Schulz, ipinagtanggol ka ni Papa kay Curtis Wade dati, at ngayon nasa harapan mo na ang mga kabaong nila. Hindi ka ba natatakot na madidismaya sila sa’yo sa sinasabi mo?”

Hindi alam ni Sheldon kung paano niya sasabihin ang lahat pero binuka niya pa rin ang kanyang bibig at emosyonal niyang winika, “Sasabihin ko pa rin ang bagay na ito kahit mamatay ako ngayong araw at magkita kami sa kabilang buhay.”

Pagkatapos itong sabihin, napahinto si Sheldon sa loob ng ilang sandali saka siya nagpatuloy sa kanyang sinasabi, “Hindi talaga para sa moral na kadahilanan ang presensya ng Anti-Wade Alliance dati. Isang disenteng tao si Curtis Wade. Hindi mapapantayan ang kanyang kakayahan at ibang lebel ang kanyang abi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6218

    Wala talagang balak si Devin na bolahin si Julien. Kamakailan lang ay pinag-aralan niya ang librong "Art of War" at nagsaliksik din ng ilang sinaunang dokumentong Oskian tungkol sa mga taktika ng kapangyarihan. Gamit ang pagkakataong ito, binobola niya si Julien para maramdaman nitong walang makakatalo sa kanya at puwersahin siyang makagawa ng mga hindi sinasadyang pagkakamali.Dahil buhay pa si Harrison at hawak pa rin niya ang ganap na kapangyarihan sa pamilya, kung magkamali si Julien, maaaring mainis si Harrison sa kanyang asal at tanggalin siya bilang tagapagmana.Sa kabilang banda, wala ring balak si Devin na makipag-agawan para sa posisyon ng tagapagmana. Naniniwala lang siya na ang patuloy na pamumuno ni Harrison ang pinakamainam na sitwasyon para sa kanila, at mas mabuti ito kaysa may ibang kapatid na maupo sa trono.Tuwa-tuwa si Julien nang lapitan siya ng kanyang mga kapatid na may pagsusumamong tingin at pagpapakumbaba.Magkakapatid sila at walang agwat sa antas noon, p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6217

    Dahil sa mahigpit na payo ng doktor, muling pinag-isipan ni Harrison ang tungkol sa Four-Sided Treasure Tower.Totoo na sobrang laki na ng ipinuhunan niya para mabawi ang tower, at pati kalusugan niya ay nalagay sa panganib. Pero kung patuloy pa rin siyang kakapit dito, lalo lang lalaki ang kanyang pagkalugi at mawawala ang tsansa niyang mabawi iyon.Kaya, ang pinaka-makatwirang gawin ngayon ay ihinto ang misyon. Kailangan niyang tanggapin at aminin na lahat ng kanyang ginastos at ginawa ay nauwi sa wala. Ito ang pinakamainam na solusyon sa kasalukuyan basta kaya niyang bitawan ito.Kung tutuusin, bilang pinuno ng isang kilalang pamilya at eksperto sa investment, napagtanto ni Harrison na hindi na maisasagip ang sitwasyon, kaya agad niyang pinatibay ang loob niya na bawasan agad ang pagkalugi.Kaya, ipinatawag niya si Devin at sinabi, “Sabihin mo sa lahat ng departamento na tapusin na ang lahat ng blockade sa New York, at wala nang sinuman ang pwedeng magbanggit tungkol sa Four-Sid

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6216

    Ang tanging alas ni Charlie upang ganap na makontrol si Julien ay ang pagtataksil niya sa sariling pamilya niya at ang pagtulong na mailabas ang Four-Sided Treasure Tower mula New York pabalik sa Oskia.Upang magamit niya ang kalamangan laban kay Julien, kailangang masiguro ni Charlie na ang tusong si Harrison pa rin ang tunay na may hawak ng kapangyarihan.Kung hindi, at isiniwalat niya ang pagtataksil ni Julien matapos niya maupo sa kapangyarihan, wala nang magagawa si Harrison kundi lamunin ang galit niya, o kaya’y si Julien na ang susugod sa kanya.-Nakipagkita si Julien kay Royce, na mas maagang dumating sa Canada, at magkasama silang sumakay ng helicopter pabalik sa New York.Habang nasa himpapawid sila, naging mas maayos naman ang kalagayan ni Harrison habang nasa emergency room ng kanilang mansyon.Kahit naging maayos na siya, malubha ang naging pinsala sa kanyang nervous system.Ang pinaka grabeng kondisyon ay halos wala siyang nararamdaman sa kanang bahagi ng kanyang

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6215

    Malinaw na pabor kay Julien ang kasalukuyang sitwasyon.Kahit gaano pa kabuti ang paggaling ni Harrison mula sa stroke, tiyak na magkakaroon ito ng maraming komplikasyon, at higit sa lahat, maaapektuhan nang husto ang kanyang sigla at diwa. Dahil dito, mababawasan ang posibilidad niyang magpatuloy sa pamumuno ng pamilya.Pakiramdam ni Julien ay hawak na niya ang tunay na kapangyarihan at maaari na niyang direktang manahin ang pamumuno sa pamilya o pamahalaan ang lahat ng gawain sa pamilya bilang tagapagmana.Dahil dito, hindi niya naisip na binabalaan siya ni Charlie. Akala niya, pinapayuhan lang siya nito na huwag masyadong magpakita ng kasiyahan para mas makontrol niya ang kanyang emosyon pagbalik sa New York.Ito ang unang pagkakataong tunay siyang naantig sa ginawa ni Charlie.Palagi siyang may hinanakit kay Charlie, na itinuturing lang niyang partner dahil kailangan, pero ngayon ay naantig siya dahil sa ipinakitang pagmamalasakit ni Charlie sa kanya.Mahinang bulong niya, “A

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6214

    Pagpasok ni Charlie sa silid, agad niyang napansin ang malapad na ngiti sa mukha ni Julien. Alam niyang may nangyari kay Harrison kaya tinanong niya, “Oh, bakit ang saya mo? Tungkol ba ito sa tatay mo?”“A-Ano?” nauutal na tanong ni Julien. “M-Mukha ba akong masaya?”Itinuro ni Charlie ang mga labi nito habang tumatango at nang-aasar na sinabi, “Halos ngumiti ka na hanggang tenga, at parang hindi na mapawi ang ngiti mo.”Mabilis na hinagod ni Julien ang gilid ng kanyang bibig at mahina niyang sabi, “Hindi ko lang napigilan...”Pagkatapos, pinilit niyang pigilan ang ngiti, kunwaring nagpakita ng lungkot, at sinabi, “May balita ako mula sa pamilya. N-Na-stroke ang tatay ko.”Kalmado lamang na tumango si Charlie at hindi nagulat. Nasa 80s na si Harrison. Ang kanyang katandaan, dagdag pa ang matinding dagok ng pagkawala ng Four-Sided Treasure Tower na labis niyang pinahahalagahan, ay siguradong magpapabagsak sa kanyang katawan at kaluluwa. Masuwerte pa nga siya at hindi agad siya nama

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6213

    Ilang sandali pa, dumating ang ilang mga doktor at agad isinugod si Harrison, na na-stroke, papunta sa emergency room para sa agarang paggamot.Habang isinusugod si Harrison sa emergency room, agad na ibinahagi ni Devin ang nangyari sa mga pangunahing miyembro ng pamilya.Sa mga oras na ito, nakatitig si Julien sa kanyang cellphone sa Canada.Natanggap niya ang balita tungkol sa pagbabalik ng Four-Sided Treasure Tower sa Oskia ilang minuto na ang nakalipas, kaya’t patuloy siyang nakatingin sa kanyang cellphone, naghihintay ng sinumang magpadala ng balita tungkol sa biglaang pagkakasakit ni Harrison.Inakala ni Julien na sa edad ni Harrison, ang sunod-sunod na kabiguan kasabay pa ng balita tungkol sa pagbabalik ng tower kay Oskia ay magiging isang matinding dagok para dito. Isang malubhang karamdaman na ang pinakamagaan. May tunay na posibilidad na mamatay si Harrison dahil sa sobrang pagkabigla.Sa mga sandaling iyon, lumitaw ang isang notification sa kanyang cellphone mula sa com

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status