Share

Kabanata 5739

Author: Lord Leaf
Hindi mapigilan ni Christian na bumuntong hininga at sabihin, “Oo… dati, walang sumeryoso sa sinabi ng kapatid ko. Akala namin na marahil ay sinusundan niya ang kanyang asawa para aralin ang ilang kakaibang bagay at marahil ay medyo nahuhumaling na siya. Pero, hinding-hindi namin inaakala na magkakatotoo ang maraming sinabi niya na hindi kapani-paniwala.”

Nang makita ni Charlie ang nagsisising ekspresyon sa mukha ni Keith, agad napawi ang mga dating reklamo ni Charlie. Kaya, nagsalita siya para pagaanin ang kalooban niya, “Lolo, hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Sa lakas ng Qing Eliminating Society, kung masasangkot ang buong pamilya Acker, posible na nawasak na tayo nang tuluyan dalawampung taon na ang nakalipas. Lampas sa imahinasyon mo ang lakas ng Qing Eliminating Society. Kung gusto nilang puksain ang mga Acker, sobrang dali nito para sa kanila.”

Bumuntong hininga si Keith at sinabi, “Naranasan ko na ang kapangyarihan nila sa New York dati. Hindi ko talaga inaasahan na m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6587

    Hindi inaasahan nina Charlie at ng mga Acker na saklaw ng kaalaman ni Yolden ang lahat ng aspeto.Parang may handa na siyang plano at hinihintay na lang ang tamang panahon para magamit ito.Kaya sobra ang paghanga ng lahat kay Yolden at wala na silang ibang gusto para sa posisyon ng CEO.Ngumiti si Kaeden, “Kung ganoon, dahil sang-ayon na ang lahat, tapusin na natin ito agad—ito ay magiging pinagsamang investment ng aming pamilya at ng mga Wade, at si Professor Hart ang magiging CEO. Gawin nating maayos ito!”Nagdesisyon din si Yolden, hindi niya gustong palampasin ang pagkakataon na maisakatuparan ang kanyang mga ambisyon. “Magre-resign ako sa university pagkatapos ng honeymoon trip ko. Hindi siguro ito matagal, at maaari akong makasama sa mga unang paghahanda sa pamamagitan ng teleconference.”Tumango si Charlie. “Kung ganoon, pwede nang manatili sa schedule si Uncle Kaeden habang sasabihin ko sa mga Wade na magpadala ng kinatawan para pirmahan ang memorandum para sa investment.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6586

    Hindi man ipinanganak at lumaki si Charlie sa Aurous Hill, nagsimula siyang manirahan dito noong walong taong gulang siya at mas malapit ang puso niya sa lugar na ito kaysa sa Eastcliff.Kung sasali siya sa investment sa automotive kasama ang mga Acker, natural lang na makita niya ang Aurous Hill bilang perpektong lokasyon.Hindi lang nito gagawa ng maraming trabaho para sa Aurous Hill, kundi makakapagdala rin ito ng malaking daloy ng ekonomiya sa rehiyon.Tumango rin si Yolden sa kanyang mungkahi. "Kung ang unang planta ay para sagutin ang pangangailangan ng buong lokal na market, walang dahilan para sa coastal plant. Nasa intersection ang Aurous Hill sa pagitan ng hilaga at timog, kaya maginhawa ang transportasyon. At saka, dalawang bagay ang natutugunan nito sa isang hakbang, dahil gusto ni Mr. Wade ang lungsod."Hindi maiwasan ni Charlie na sumang-ayon. "Hindi ako magsisinungaling—naging mabait ang Aurous Hill sa akin, at gusto kong suklian ito. Wala nang mas hihigit pa kaysa m

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6585

    Sa totoo lang, matagal nang nag-aaral si Yolden tungkol sa new energy—sa katunayan, nagsimula siya noong inilabas ang unang mga modelo ng kotse ng Tesla.May passion siya sa larangan at may sariling opinyon at ambisyon, pero abala siya sa pagtuturo kaya hindi niya maipatupad ang mga iyon.Ngunit hindi ba ito ang perpektong pagkakataon para sa kanya?Nang makita ni Charlie na interesado si Yolden, lumingon siya kay Kaeden at sinabi, "Sa totoo lang, malapit nang magpakasal ang professor. Hindi naman natin pwedeng paghiwalayin ang bagong kasal agad pagkatapos ng kasal, di ba? Kaya, pwede ba nating itayo ang base dito sa Aurous Hill?""Walang problema!" sagot ni Kaeden nang walang alinlangan. "Plano rin naman ng pamilya naming bumalik sa Oskia, at alam ng lahat ang tungkol kina Ashley at Curtis. Kaya, bakit hindi natin i-invest ang enterprise na ito kasama ang mga Wade at itayo ang base sa Aurous Hill? At saka isama ang Godot bilang subsidiary?"Lumingon siya kay Yolden at nagpatuloy,

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6584

    Huminto sandali si Yolden at nagpatuloy, "Bukod pa rito, ang pinakamalaking kalamangan ng AI ay may sariling kamalayan ito at kayang magproseso ng napakalaking dami ng datos. Habang dumarami ang bentahan ng sasakyan, ang bawat data sa pagmamaneho ng may-ari ay idadagdag sa data vault natin, at ipoproseso ito ng AI para sa mas malawak na imahinasyon.”“Halimbawa, sabihin nating nakaranas ako ng lubak sa isang kalsada, at kapag nakilala ng mga sensor ang anomalya na iyon, ang datos ay ia-upload sa mga server kasama ang mga larawan ng kondisyon ng kalsada sa real time. Agad matutukoy ng processing AI module na may sira at mamarkahan ang lokasyon sa mapa, at ipapadala ang datos sa iba pang sasakyan malapit doon, nagpapadala ng abiso kapag malapit na sila at nagbibigay ng tamang payo para sa pag-iwas sa peligro.”“Siyempre, pwede pang i-refine ang AI para agad tayong babalaan na bumagal habang ina-upload ang datos sa servers at pinapaalam din sa mga sasakyan malapit na gawin din ito. Gani

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6583

    Parang nag-short circuit ang utak ni Yolden sa mga salitang iyon. “Ang pinaka-advanced na AI module?!”Matagal na siyang nagtrabaho sa Wall Street, nag-invest sa malalaking startup tech companies at tumulong sa maraming Nasdaq tech enterprises sa kanilang IPO. Kaya talagang matalim ang kutob niya pagdating sa pinaka-advanced na teknolohiya.Matagal na rin mula noong huling beses siyang aktibo, at ngayon lang naging uso ang AI, pero lagi pa rin niyang binabantayan ito. Alam niya kung ano ang posibleng aplikasyon ng AI modules, pero nabigla siya na hawak na ni Charlie ang kung ano ang pinapangarap ng lahat ng online giants!Habang nananabik, agad niyang tinanong kay Charlie, “Kaya ba ng mga Rothschild ayusin ang lahat ng problema sa hardware at software? Karaniwan na lang ang high-processing power display cards ngayon, at lahat ng lokal na kumpanya ay plano pang ibenta ito isa-isa. Ganoon kataas ang demand!”Tumawa si Charlie. “Huwag kang mag-alala—aayusin ng mga Rothschild ang pareh

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6582

    Si Keith, na tahimik lang mula kanina, ay kumaway at seryosong sinabi, “Huwag mong maliitin ang sarili mo, Professor Hart. Sigurado akong kaya mong gampanan ang posisyong ito nang maayos, pero nasa kagustuhan pa rin iyan.”“Kung talagang nakatuon ang puso mo sa pagtuturo ng mga susunod na henerasyon, sigurado akong tatanggihan mo ang alok namin kahit ano pa ang sabihin namin.”“Pero kung nakaramdam ka ng kahit kaunting interes, o kahit pananabik, para sa ganito kalaking proyekto, dapat mong pag-isipan nang mabuti ang alok namin.”“Nag-invest na kami ng 3 billion USD sa Godot Autos at lampas 10 billion kung isasama ang Ricebolt. Pero may natitira pa kaming 30 billion na pondo—ibig sabihin, 40 billion USD ang nakataya.”“Duda akong may ibang car maker sa buong mundo na kayang maglabas ng ganyang halaga, lalo na ang isang bagong brand. Kaya masasabi kong isa itong pagkakataong minsan lang dumarating sa buhay.”Tumagos sa kalooban ni Yolden ang mga salita ni Keith—ang panimulang kapit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status