Share

Kabanata 5895

Author: Lord Leaf
Sarado na ngayon ang sikat na templong ito sa mga bisita.

Mag-isa lang si Ashley na nakatayo sa loob ng courtyard, habang napapaligiran ng amoy ng insenso na nanatili sa hangin. Nakatingala siya sa maliwanag na buwan at damang-dama ang halo-halong emosyon. Matagal na niyang inaasam ang kanyang anak, si Charlie, na dalawampung taon na niyang hindi nakikita.

Ang layo ng Harmony Temple sa lumang mansyon ng mga Wade ay isa o dalawang milya lang, sampung minuto lang ang biyahe sakay ng kotse. Pero kahit ganoon, paulit-ulit na ipinapaalala ni Ashley sa sarili niya na hindi pa ito ang tamang oras para magkita sila ng anak niya.

Nang makita ng pekeng abbess na tila malungkot si Ashley habang nakatayo nang mag-isa sa courtyard, marespeto siyang lumapit at nagtanong, “Madam, ilang kanto na lang ang layo niyo kay Young Master. Siguro ay sabik na sabik ka nang makita siya, tama po ba?”

Tumango si Ashley, “Dalawampung taon ko nang hindi nakikita ang anak ko. Paanong hindi ako mananabik?”

Pagka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6233

    Sa narinig na lungkot ni Ashley, hindi napigilan ni Suzanne na humagikgik. “Paano naman si Claire? Ano ang tingin mo sa kanya?”“Claire…” tahimik muna si Ashley bago seryosong nagpaliwanag, “Sa ilang pagkakataon, nakatulong siya kay Charlie, pero sa loob ng apat na taong kasal nila, hindi siya nabuntis o nagkaanak. Kaya palagay ko, parang mas palabas ang kasal nila kaysa totoong relasyon. Batay sa mga ginawa ni Charlie para sa kanya, malinaw na tapat si Charlie sa kanya. Sa sitwasyong ito, nasa kanya siguro ang problema.”Idinugtong pa niya, “Siguro may mga dahilan siya. Hindi patas kung pagdududahan ko siya, pero hindi ba’t maaaring ibig sabihin din nito na hindi niya ganoon kamahal si Charlie, o kaya naman ay hindi kasinglaki ang pagmamahal niya para kay Charlie tulad ng pagmamahal ni Charlie sa kanya?”“Tama ka,” tumango si Suzanne. “Pareho tayo ng iniisip. Mas mabuti kung hiwalayan na ni Mr. Charlie si Claire at makasama na lang ang kahit sino kina Miss Golding o Miss Ito. Nakik

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6232

    Kaya’t bahagyang binilisan ni Nanako ang kanyang paglakad upang maabutan ang babae sa unahan at nagsimulang magsalita nang may paghingi ng paumanhin, “Pasensya na, miss. Hindi ko sinasadya, pero narinig ko ang usapan ninyo tungkol sa isang agimat kasama ng kaibigan mo. Maaari ko bang malaman kung saan ako makakakuha ng agimat na binasbasan ni Master Jeevika?”Medyo nabigla ang babae sa una, ngunit agad din siyang ngumiti at sinabi, “Madali lang ‘yan. Dumiretso ka lang sa Transmission Office sa Qi Temple at sabihin mong inimbitahan ka para bumisita kay Master Jeevika. Ihahatid ka ng mga monghe sa Serenity Hall para maghintay. Kaunti lang ang nakakaalam nito, kaya kung maaga kang pupunta, may tsansa ka.”“Magaling!” taimtim na pasasalamat ni Nanako, “Maraming salamat.”“Walang anuman,” sinabi ng babae na may ngiti. “Dito ka rin ba nakatira? Magkapitbahay siguro tayo.”“Oo,” tumango si Nanako at sinabi, “Nakatira ako sa ika-21 na palapag.”Ngumiti ang babae at sumagot, “Sa ika-9 na p

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6231

    Dahil wala si Charlie sa Aurous Hill, nakatuon si Nanako sa kanyang pagsasanay sa martial arts nitong mga nakaraang araw. Sa ngayon, nananatili siya sa dormitoryo ng Champs Elys at paminsan-minsang umuuwi upang bisitahin ang kanyang ama.Kahapon, inimbitahan ni Yahiko si Nanako na maghapunan kasama niya dahil labis niya itong namiss. Inutusan niya ang kanyang chef na maghanda ng isang marangyang handaan, at magkasama silang kumain.Karaniwan, ang mga handaan ay marangya at detalyado, at maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras ang bawat bahagi ng pagkain. Dahil dito, napagpasyahan ni Nanako na manatili na lang sa bahay para sa gabing iyon kaysa bumalik pa sa Champs Elys.Upang hindi maantala ang kanyang pagsasanay sa umaga, maagang nagising si Nanako pagsapit ng bukang-liwayway, naligo, at naghanda para bumalik sa Champs Elys.Habang bumababa ang elevator papunta sa basement, huminto ito sa ikasiyam na palapag, at isang dalagang kasing-edad ni Nanako ang pumasok kaagad nang bumuka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6230

    Qi Temple, Aurous Hill.Sa hilagang paanan ng Mount Qi, sa lambak sa hilagang bahagi ng Qi Temple, naroon ang isang tahimik na bakuran.Pagmamay-ari ng Qi Temple ang bakurang ito, ngunit kailanman ay hindi ito binuksan para sa publiko. Maging ang mga monghe ng Qi Temple ay inutusan ng abbot na huwag lalapit dito nang walang pahintulot.Sa mga sandaling iyon, bagong sikat pa lang ang araw sa Aurous Hill. Mahina pa ang liwanag sa kabundukan, at balot ng hamog ang buong lambak habang umaalingawngaw ang huni ng mga ibon.Sa bakuran, isang napakagandang babae ang nakaupo nang naka-krus sa ibabaw ng futon, marahang pinipihit ang mga butil ng rosaryo sa kanyang kamay.Ang babaeng iyon ay si Ashley, ang ina ni Charlie.Mula sa bahay na yari sa asul na ladrilyo, lumabas ang isang babaeng may maiksing gupit. Siya si Suzanna Sun, tauhan ni Ashley.Lumapit si Suzanne kay Ashley, huminto, at magalang na sinabi, “Ma’am, katatanggap ko lang po ng balita na nakabalik na si Mr. Charlie sa Oskia.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6229

    Para kay Charlie, tunay ngang naging kapaki-pakinabang ang pagbisitang ito sa United States.Nailigtas niya si Raymond, naipadala pabalik sa Oskia ang Four-Sided Treasure Tower, at napatay sina Zekeiah at Mr. Zorro.Si Zekeiah ay isang espiya na itinanim sa pamilya Acker, at si Mr. Zorro naman ang huling earl ni Fleur. Ngayon na pareho na silang patay, malaking kawalan ito para sa Qing Eliminating Society.Ang tanging mga tao sa organisasyon na kayang maging banta kay Charlie ay si Fleur at ang tatlong elder na malapit nang buksan ang kanilang pineal gland.Hindi nagmamadali si Charlie na ipagpatuloy ang laban kontra sa Qing Eliminating Society sa ngayon. Magandang pagkakataon ito para pansamantalang magpatigil-putukan dahil wala namang tapang si Fleur na salakayin ang Oskia. Pagbalik niya sa Aurous Hill, maaari niyang pag-aralan nang mabuti ang laman ng Preface of the Apocalyptic Book, at kasabay nito, pag-aralan din ang photo album na iniwan ng kanyang ama upang makita kung may i

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 6228

    Nang marinig ang pagsusuri ni Fleur, nagulat si Tarpon at sinabi, "A-Anong dahilan para isipin mo iyon?"Sumagot si Fleur, "Dahil nasaksihan niya mismo ang pagsabog ni Mr. Chardon nang patayin niya ito, kaya alam niyang hindi niya puwedeng bigyan si Mr. Zorro ng pagkakataong pasabugin ang sarili niya. Kailangan niyang tapusin ito sa isang kilos, kaya gumamit siya ng kakaibang paraan para patayin siya."Pagkatapos ay sumigaw siya, "Parang multo siya at nasa lahat ng lugar siya! Hindi lang siya nakaligtas sa pagsabog ni Mr. Chardon, ngunit nakapatay pa siya ng isa ko pang earl kamakailan lang!"Tinanong ni Tarpon, "Kamakailan lang ang sunog. Hindi ba ibig sabihin nito ay nasa New York pa rin ang taong iyon ngayon?"Nagngalit si Fleur at mariing sabi, "Kung hindi ako nagkakamali, tayo ngayon ang nasa liwanag habang siya ay nasa dilim. Alam niya na pupunta ako sa New York, kaya siguro ay wala na siya rito. Pinatay niya sina Zekeiah at Mr. Zorro bago pa ako lumapag at palihim niyang ipi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status