Share

Kabanata 2393

"Anong hiniling mo?" Pabirong tanong ni Neil.

Tinignan lang ni Raegan si Ava nang may malumanay at mapagmahal na ngiti. "Hindi yun magkakatotoo kung sasabihin ko, at sa tingin ko malapit na rin itong magkatotoo."

Naintindihan ni Neil ang ibig sabihin ni Raegan, ganoon rin sina Ava at Tom.

Alam nilang lahat ito.

"Kain na tayo. Subukan niyo ang mga pagkain at tikman niyo kung masarap. Si Ava ang nagluto ng dalawang putaheng ito, kaya bigyan niyo siya ng komento." Ngumiti si Raegan para pagaanin ang ere.

Masunuring itinaas nina Neil at Tom ang kanilang mga tinidor para subukan ang dalawang putaheng niluto ni Ava. Pagkatapos ngumuya, nagbigay sila ng parehong komento.

"Ava, magaling na nga ang mga disenyo mo, nakakamangha pa ang pagkaing niluto mo. Ang sarap ng buttered prawns na'to," papuri ni Tom nang hindi pinipigilan ang kanyang sarili.

Tumango si Neil, isang nagmamalaking ngiti ang nasa kanyang gwapong mukha.

"Syempre, magaling ang anak ko sa kabit na anong gawin niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status