Ang gabing ito ay dapat isang hindi inaasahang pagkakataon. Akala niya ay makakasama niya si Fabian ng sila lang dalawa sa hapunan at kasama ang bata, ngunit hindi niya inaasahan na kasama din pati ang kaibigan ni Fabian. Ang kanyang presensya ang mukhang sumira sa vibes, pero hindi nagpakita ng anumang inis si Julie sa kanyang mukha. Nagpakita pa din siya ng isang disente, at mahinhin na ngiti sa kanyang mukha sa buong hapunan at sinubukan na alagaan si Lillian para ipakita sa kanila ang kanyang mga mabuting katangian, ngunit wala siyang pagkakataon para ipakita ito. Simula ng kumain sila, inasikaso ni Fabian si Lillian mismo hanggang sa matapos silang kumain. Ang kailangan lang naman gawin ni Lillian ay kumain ng maayos. Nilagay ni Fabian ang lahat ng pagkain sa plato nito, binalatan ang hipon para sa kanya, at tinanggalan pa nga niya ng tinik ang isda nito. Lubos ang pag-aaruga niya kay Lillian habang kumakain sila. Nang makita itong lahat ni Julie, hiniling niya tuloy na sa
“Lily, matamis ba ang blueberry?”Kumurap ang mga mabilog na mga mata ni Lillian at inabot ang isang maliit na piraso ng blueberry bago ito sinubo sa bibig ni Fabian. Naunawaan ito ni Fabian at ngumiti habang binaba niya ang kanyang ulo para kainin ang blueberry na binigay nito sa kanya. Sa anumang dahilan, ang maasim na blueberry ay naging matamis. Tanging si Fabian lang ang nakakaalam kung bakit ito naging matamis. Nakita ni Evan ang nakakaantig na eksena at umupo kasama si Fabian.“Fab, sinasabi mo ba sa akin na wala kang gusto kay Miss Charles?” “Tumigil na ka na nga sa panghuhula. Paano naman ako magkakagusto sa guro ni Lily?” Tinanggi ito ni Fabian ng may seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. “Nakakapanghinayang naman. Kung hindi, magiging maganda ito para sa negosyo mo.” Bakas ang panghihinayang sa mukha ni Evan, pero kaagad itong napalitan ng ngiti. “Pero kung titingnan ang ugali mo, malamang ay wala naman magiging pagbabago para sayo.” Hindi naunawaan ni Fab
Nang marinig ni Evan ang sinabi ni Fabian, napasimangot siya sa kalituhan. Sa kabilang banda naman, namula naman si Julie, naghihintay sa susunod na sasabihin ni Fabian. Malinaw na sa kanya ngayon ang lahat. Alam ni Fabian na may gusto siya sa kanya at sinadya niya na imbitahan siya para kumain ng hapunan habang alam ang bagay na iyon. At ang ibig sabihin nito? Halata naman. Kinabahan si Julie, at malakas ang tibok ng kanyang puso. Nilapit pa niya ang kanyang tenga at nagpatuloy sa pakikinig sa kung ano ang susunod na sasabihin ni Fabian. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na ang mga susunod na salita ni Fabian ang papatay sa lahat ng kanyang inaasahan at pantasya sa isang iglap. ‘Inimbitahan ko siya ng sa gayon ay wala na akong utang na loob sa kanya.” Biglang tumibok ang nasasabik na puso ni Julie. ‘Ginawa niya ang lahat ng ito dahil ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa akin?’Napatingin siya kay Fabian na puno ng gulat. Hindi niya maisip at ayaw niyang isipin kung
Umaalingawngaw pa din sa kanyang tenga ang mga sinabi ni Fabian. Hindi niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ni Fabian sa kanyang tanong, ngunit ang una niyang inaasahan ay muli nanamang umusbong sa kanyang puso. “Wala akong boyfriend.” Hindi nag-atubili si Julie na sumagot, at mabilis ang tibok ng kanyang puso. “Maganda kung ganun. Hindi ko palalampasin ang isang magaling, mahinahon, at mabuting babae na kagay mo, Miss Charles.” “...” Talagang naguluhan si Julie. Pati si Evan ay nagulat sa sinabi ni Fabian. Anong nangyayari dito? Hindi ba’t sinabi ni Fab na hindi siya interesado kay Julie? Bakit niya sinabi to ngayon? Habang nagtataka sila, narinig nila si Fabian na nagpatuloy sa pagsasalita. “Evan, ginawa ko na ang lahat bilang kaibigan mo. Nag-imbita na ako ng isang mabuting babe para sayo. Ikaw na ang bahala sa lahat.” "...""..."“Kung hindi dahil sa wala akong balak na makipagdate ngayon, hindi ko ipapakilala ang isang mabuting babae na kagaya niya sayo.”
Direkta si Evan. Hindi siya nagpapaligoy-ligoy pagdating kay Fabian. Hindi din ito itinanggi ni Fabian, pero hindi tanggap kung paano ito sinabi sa kanya ni Evan. “Isa siyang mabuting babae, mas maganda pa kaysa sa mga libertine na babae na palagi mong kasama. Hindi lang yun, nagkataon na nagkita na kayong dalawa noon. Kilala mo din ang kanyang ama. Baka tinadhana pala kayong dalawa.” Nagtaas ng kilay si Evan. “Young Master Fabian, gusto mo pa din akong i-reto sa kanya? Pero kailangan mong linawin to. Interesado siya sayo.” “Hindi ko din naman siya lubos na kilala. Higit pa doon, baka gusto lang niya ang itsura ko,” malamig na sinabi ni Fabian. Pagkatapos ay nagtawag siya ng isang katulong para dalhin na si Lillian pabalik sa kwarto nito para maligo. Hindi sang-ayon si Evan sa pananaw ni Fabian. “Ito lang ay dahil sa atraksyon sa itsura ng isang tao, kaya nakakaramdam ang isang tao ng kagustuhan para lubos pang makilala ang isang tao sa isang personal na lebel. Fab, wala ka p
Pero, hindi interesado sa kanya si Fabian. Pinakilala pa siya nito sa ibang lalaki. Dahil dito ay sandaling nalungkot si Julie. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin malaman kung ano ang kulang sa kanya. "Julie, normal lang para sa magkasintahan na mag-away. Wag lang masyadong malungkot. Kung sinubukan ka niyang suyuin, hayaan mo siya. Wag kang magtanim ng galit sa nobyo mo," mabuting paalala sa kanya ng isa pa niyang katrabahong babae. Natulala si Julie nang dalawang segundo bago siya tumango. "Hindi, hindi kami nag-away." Bahagya siyang ngumiti at nagsalita nang nahihiya. Sa sandaling ito, tumunog ang phone niya na nagsasabing nakatanggap siya ng message. Dinampot ni Julie ang phone niya nang may pananabik at tinitigan ito nang malapitan. Galing nga ito kay Fabian, pero pagkatapos niya itong buksan, ang nakita niya lang ay tatlong pamilyar na salita. [Salamat, Ms. Charles.]Sobrang nadismaya si Julie, pero hindi rin siya pwedeng magreklamo ng kahit na ano. Hindi siya nobya ni
Pagkatapos itanong ang bagay na ito, pakiramdam ni Julie ay masyadong malalim ang mga tanong niya. Paanong maiintindihan ng isang batang nasa kindergarten pa lamang ang kahulugan ng nobyo at nobya? Gayon na nga, tumingin si Lillian kay Julie nang may pagtataka na para bang nagtatanong siya kung anong ibig sabihin ng nobya. Pakiramdam ni Julie ay hindi na niya kailangang magtanong pa. Sa sandaling iyon, tumunog ang bell na nangangahulugang tapos na ang break. "Lillian, magsisimula na ang klase. Dalian mo at bumalik ka na sa klase mo." Tumango si Lillian at masunuring naglakad papunta sa klase niya. Habang pinapanood ang kanyang maliit na anyo, napuno ang isipan ni Julie. Gusto niya talagang malaman kung sino ang nasa puso ni Fabian. Nasa oras pa rin ang paglitaw ni Fabian nang matapos ang klase ni Lillian. Syempre, makikita niya palagi si Julie. Kagaya ng nakasanayan, iniabot ni Julie si Lillian kay Fabian nang may palakaibigan at malumanay na ngiti. Magalang na i
Maagang gumising si Fabian at nilagay ang mainit na tanghaliang kakaluto lamang ng chef sa isang thermal lunch box. Pagkatapos, maigi niyang sinuri ang lahat ng bagay na kailangang dalhin ngayon ni Lillian. Nang patapos na siya sa paghahanda, dumating si Lillian sa baba pagkatapos maligo. Kalahating oras ang nagdaan, dinala ni Fabian si Lillian sa kindergarten. Nang dumating sila, isang grupo ng mga magulang kasama ng mga anak nila ang nagtitipon-tipon na sa entrance. Para bang masigla silang lahat. Dinala ni Fabian si Lillian papasok. Sa kabilang banda, matagal nang napansin ni Julie ang taong kanina pa niya hinihintay sa gitna ng mga tao. "Mr. Johnson." Kumaway si Julie kay Fabian. Tumingin si Fabian at nakita niya si Julie na naglakad papunta sa kanya nang nakangiti. "Ms. Charles, mahirap siguro para sa'yo na mag-alaga ng napakaraming bata ngayong araw." "Trabaho ko ito, Mr. Johnson, ito ang itinerary ng spring outing ngayong araw, pati na rin ang ilang bagay na dapa