Isa na ang pangako niya kay Madeline at Jeremy na aalagaan niya si Lillian, ngunit ang mas mahalaga sa kanya ay ang kung gaano kahalaga si Lillian para sa kanya.Mas mahalaga pa ang kaligtasan ng batang ito kumpara sa sarili niya. Pagkatapos niya itong ipasuri sa ospital, inuwi ni Fabian si Lillian. Pagkauwi niya, inutusan niya ang mga katulong na magluto ng masustansyang pagkain habang dinadala niya si Lillian pabalik ng kwarto. Sa sandaling ito, mukhang pagod na si Lillian. Ang kanyang malalaking mata ay kumurap kay Fabian. Unti-unti siyang inantok.“Lily, matulog ka na kung inaantok ka. Paggising mo, bibigyan kita ng masarap na pagkain.” maamo ang mga mata ni Fabian. Para bang walang hanggan ang pasensya niya. Mukhang narinig ni Lillian ang sinabi ni Fabian, at sa wakas, nakatulog na ito nang mahimbing. Habang nakatitig siya sa natutulog na mukha ni Lillian, mukhang nakahanap ng tahanan ang puso ni Fabian sa isang iglap.Mukhang gusto rin niyang magkaroon ng ganitong ta
Habang nahaharap sa pagbibintang ng babaeng guro, naramdaman ni Fabian na parang napagbibintangan siya kahit inosente naman siya. Nagtaka siya. Ngunit wala siyang gana na magkaroon ng pake. Subalit, mukhang nagtataka si Lillian. Kumurap siya habang nakatingin kay Fabian.Mukhang nagtataka siya sa salitang ‘boyfriend’ sa kanyang isipan.Nitong gabi pagkatapos ng klase, dumating nang maaga si Fabian para sunduin si Lillian.Ang babaeng guro na pumalit kay Julie nitong umaga ang naghatid kay Lillian. Mukhang inis na inis ito. “Mr. Johnson, talagang wala kang pake ano. Hindi mo pa rin dinadalaw ang girlfriend mo, pero masyado kang mabait at maalaga sa mga bata. Paanong wala kang pake sa girlfriend mo? Nasaktan at naospital si Julie dahil sa’yo.” Muling sinabi ng guro kay Fabian. Naguluhan si Fabian. Naospital si Julie dahil sa kanya? Hindi siya masyadong nagtanong, at hindi na rin siya nag-abalang ipaliwanag ang relasyon nila ni Julie. Gusto niyang bigyan ng kahihiyan si Julie
Nang makita ni Julie si Fabian, halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang matangkad at makisig pigura, at maamong mukha na nakikita niya ay totoo. Nakita din ni Fabian si Julie. Magalang niya itong binati, “Miss Charles, kamusta na ang pakiramdam mo? Hindi ko alam na naopital ka pala. Kaya ngayon lang ako nakapunta para bisitahin ka. Patawad.” Nagulat si Julis, hindi alam kung ano ang kanyang sasabihin sa mga sandaling iyon. Sa kabilang banda naman, mabilis na sumagot ang nanay ni Julie, “Napakabait mo naman. Mabuti na nga lang at binisita mo si Julie. Ano ang hinihingi mo ng tawad? Pakiusap at maupo ka.” Magalang ang nanay ni Julie. Pagkatapos, niyuko niya ang kanyang ulo at mabait na tinanong si Lillian.“Munting babae, ang ganda mo naman. Anong pangalan mo?” Kumurap ang mga maganda at mabilog na mga mata ni Lillian at tinignan si Fabian. “Ang pangalan niya ay Lillian.” “Lillian? Ang ganda at espesyal naman ng pangalan mo. Halika dito at maupo ka, mabait
Nagulantang si Julie. Hindi niya naisip na ito pala ang gustong ipagawa sa kanya ni Fabian. Bigla niya tuloy naramdaman na masyado pa siyang walang alam. Ramdam niya na wala talagang pagtingin sa kanya si Fabian, pero nagpapantasya pa din siya. Akala niya ay ang lalakeng ito ay magiging interesado sa kanya. Kahit na nalulungkot siya, nanatili pa ding mahinahon si Julie. “Patawarin niyo ko. Nagkamali ng akala ang mga kasamahan ko. Huwag kayong mag-alala, Mr. Johnson. Kapag nakabalik na ako sa trabaho, ipapaliwanag ko sa kanila.” “Ayos kung ganun.” Nakahinga ng maluwag si Fabian, pagkatapos ay hinawakan ang maliit na kamay ni Lillian. “Lily, magpaalam ka na kay Miss Charles. Uuwi na tayo.” Nang marinig niya ito,muling nalugmok ang puso ni Julie. Umaasa siya na magtatagal pa si Fabian, pero wala siyang dahilan o kaya estado para hingilin kay Fabian na magtagal pa dito. Kaya naman, nginitian na lang niya si Lillian. “Lily, salamat sa pagbisita mo sa akin. Paalam.” Tumango si
“Miss Charles, hindi naman kailangan na sabihin ng malakas at malinaw ang lahat. May lihim kang pagtingin sa magulang ng isang bata sa klase mo. nung huling beses na nakikipaglaro lang ang anak ko sa batang iyon, tinuring mo na ito na isang seryosong bagay at sinabihan ako na pumunta sa kindergarten. Pinuna mo pa nga sa publiko ang anak ko at hinayaan ang lalake na iyon na sermonan ako. “Hmph! Ngayon naman, aksidente mong sinaktan ang anak ko. Paano naman nagkataon yun? Malinaw na gumaganti ka para sa bata sa loob ng paaralan! Hindi ko naman sinasabi na huwag mahulog ang loob mo sa magulang ng estudyante mo, pero kung ganun kang klase na guro, sino pa ang mag-iiwan ng kanilang anak sa pangangalaga mo? Lahat kayo, sa tingin niyo ba ay tama ako?” Ang lalakeng ito ay kinukuha ang simpatiya ng mga tao at sinusubukan na ipahiya si Julie, pero ang mga magulang na malapit sa kanya ay hindi napukaw. Sa halip, mahinahon nilang tinanong si Julie. “Miss Charles, talaga bang nakikipag-da
Habang nakatingin siya sa madilim at magulong mga mata ni Fabian, natural alng na hindi na nagsalita pa ang lalake dahil baka mabugbog nanaman siya. Inikot ng lalake ang kanyang ulo at umalis. Ang iba pang mga magulang ay naunawaan ang sitwasyon nang makita nila ang eksena. Mukhang nagsisisi ang lalakeng iyon, at narinig nila kung ano ang sinabi ni Fabian, kaya pinagaan nila ang loob ni Julie. “Hindi ko naisip na may ganun klase pala ng tao. Miss Charles, huwag mong dibdibin.” “Tama yan. Paano nagkaroon ng ganung klaseng magulang? Ang wirdo naman niya.”“Oo nga, kampante kami na iwan ang aming mga anak sa pangangalaga mo, Miss Charles.” Nang marinig niya ang mga galit na galit na mga sinasabi ng mga iba pang magulang, gumaan ang ;loob ni Julie.Tinaas niya ang kanyang tingin at sinilip si Fabian. Nakaramdam siya ng hindi mawaring pakiramdam ng kaginhawaan sa pagdating ni Fabian sa mga oras na iyon. Naglakad siya at gusto sana niyang makausap si Fabian. Nagkataon, lumapi
Pagkatapos na mahatid ni Fabian si Lillian sa eskwelahan at bumalik sa kanyang opisina, tinuon niya ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho. Alam niya na kapag naging malakas siya at naging mas matatag siya ay maaalagaan niya ng maayos si Lillian at mabibigyan niya ito ng magandang hinaharap. Sa kasalukuyan, sinusubukan niyang maghanap ng eksperto. Ang gusto lang naman niya ay ang malunasan ang kawalang kakayahan ni Lillian na magsalita, pero mukhang wala nang pag-asa. Kinalikot ni Fabian ang kanyang phone at binuksan ang photo album. Ito ay isang eksklusibong photo album, na naglalaman ng mga pribado nilang larawan ni Lillian. Itinuturing niyang lihim ang album na ito dahil ayaw niyang may makaalam tungkol dito. Iniingatan niya ang mga larawan na ito. Karamihan sa mga larawan na ito ay dokumento ang pang-araw-araw na buhay ni Lillian, at syempre, marami ding larawan nila ng magkasama. Nang makita niya ang mga larawan ni Lillian na may sakit at nakaratay sa ospital nito
Pakiramdam tuloy ni Fabian ay ang eksenang nasa harapan niya ay parang isang panaginip. Naglakad siya ng paisa-isang hakabang, at ang eksena ay lalong naging totoo. Ang sigla ng dalaga na lumulundag at winawasiwas ang kanyang raketa ay malinaw sa kanyang paningin. Samantala, ang likod ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Kasabay nito, ang lalake na nakikipaglaro ng badminton sa dalaga ay nakita si Fabian. Ito ay ang matandang butler ng villa. Nang makita nito si Fabian, kaagad itong huminto at magalang na binati si Fabian. “Sir, nakabalik na pala po kayo.”Nang marinig ito, kaagad na huminto ang babae. Sa sumunod na segundo, lumingon ang dalaga at masayang tumingin sa kanya. Sa isang iglap, naramdaman ni Fabian na ang liwanag ng palubog na araw ay kuminam sa kanya. Ang masigla at batang ngiti ng dalaga ay parang isang ipinintang larawan. Ang maselan at maliliit na tampok ng mukha sa matambok na tabas ng kanyang hugis-itlog na mukha ay t