Share

Five

Author: AveryHayz
last update Last Updated: 2023-05-08 00:21:55

" Kainis na lalaking iyon. Napakapresko, akala mo kung sino?" She was ranting inside the room. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ganoon nalang ang naging reaction niya sa binata. Kung tutuusin wala naman itong ginawang masama sa kanya. Nagpapaka-gentleman lang naman ito sa kanya. Siya lang naman itong iba ang nararamdaman ukol rito. Minasama niya ang kabutihang ginawa nito at tinarayan ito ng harap-harapan. Hindi na siya nahiya gayong ito ang may-ari ng bahay na tinutuluyan nila ngayon ng researcher niya.

Maya-maya'y napakunot-noo siya. Hindi ba siya nakilala nito? Ay tanga! di ba nga naka make over siya ngayon? Tama pala. Malaki na ang ipinagkaiba niya ngayon kompara noon. She was an ugly duckling that turned into a swan.

Nagpasya na lang siyang magpahinga na muna dahil napagod pa rin siya kahit papaano sa ilang oras na biyahe niya mula Ormoc hanggang Insular village.

Ala singko y medya nang magising siya mula sa pag-idlip. Ni hindi niya na nagawang magpalit kanina dahil sa pagod na nadama. Pagkuwa'y bumangon at tinungo ang pink traveling bag niya para kumuha ng maipampapalit sa sarili pagkatapos niyang makapaligo.

Nang makapili ng maisusuot ay nagpasaya siyang tumungo na ng banyo. Namangha siya sa kanyang nakikita. The whole bathroom screams luxury. Mula sa off white marble wall and floor, sa mamahaling sink, cabinets, toilet at kung ano-ano pang palamuti ang nandun. Maging ang all glass shower area at ang napakagandang bath tub na naroon. Kitang-kita rin niya nag magandang view sa labas.

Hindi naman siguro siya makikita sa labas kapag naglunoy siya sa bathtub? Naisip niya.

Nandito na rin lang siya, pwes! i enjoyin niya na ang pagkakataon. She wanted to feel beautiful sa sandaling magkita silang muli ng binata. What?! Anong iniisip mo Stacey Morado? Her mind and feelings battled together.

Matapos makapag-shower ng thirty minutes ay nagbihis na ang dalaga. She wore a black micro mini skirt and a white spaghetti strap crop top. Pinaresan niya iyon ng black wedge heels sandal. Hindi na siya nagsuot ng make up at tanging manipis na pink lip tint ang inilagay sa labi niya. Hinayaan niyang nakalugay ang tuwid na maple brown na buhok. Wala siyang suot na alahas tutal naman at nasa bahay lang siya.

Litaw na litaw ang mga ipinagmamalaki niyang assets sa katawan. Ang mayayamang dibdib at mahahabang legs. Gusto niyang maglaway ang lalaki sa kanya kaya ganoong mga damit ang dinala niya. Gusto din niyang tingnan kung ano ang magiging reaksyon nito pagnakita na siya sa ayos niya ngayon. Lihim siyang napangiti sa repleksyon niya sa vanity mirror.

Well, confident siyang maganda siyang talaga. Both of her parents has good genes.

Nagulat siya nang sa pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang nakangiting si Hunter. Hindi niya maiwasang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Gwapong-gwapo itong tingnan sa suot na plain black t-shirt at gray knee length cotton casual shorts. Isang leather loafers naman ang pansapin nito sa paa. Mas lalo yata itong tumangkad sa paningin niya dahil kahit nakasuot siya ng wedge ay hanggang leeg lang siya nito. His broad shoulders were exposed. Bakat na bakat din ang ang biceps nito na mas lalo yatang lumaki sa paningin niya. And his shirt didn't do justice to his abs na kahit natatakpan ay hulma pa rin. He got thick brows na laging nagsasalubong kung tumingin sa kanya. A tantalizing brown eyes na binagayan ng mahahaba at malalantik na pilik-mata. She thought that it was the soft feature of his face. Aristocrat nose and of course his pink thin lips. Napalunok siya nang maalala ang mga halik nito noon sa kanya.

' Oh! Moy gwapito, talaga! Pilit niyang inignora ang pisikal na pagbabago nito. He look hot and gorgeous! Noon pa man ay gwapo na talaga ang lalaki. His dimples were visible to her eyes. Nagmature ito ng konti at mas lalong naging defined ang square jaw nito. Mas gumuwapo rin ito sa kanyang paningin na naghatid pa lalo ng kaba sa kanyang dibdib.

She heard him chuckled sexily.

" Did I pass the test? " Tinig iyon ng lalaki na biglang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Namula bigla ang mga pisngi niya. Sinamaan niya ng tingin ang binata.

Damn! napamura siya sa isip. Bistado siya nito sa ginawang pag-aaral sa kabuuan nito. Ang tanga-tanga mo Stacey! Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa ginawang pag-aaral rito. Her heart recognized him without a doubt. Dumaan man ang ilang taon, naroon pa rin ang pagwawala ng kanyang dibdib. Their eyes met again.

Definitely, pasado ito sa kanya! Gusto sana niyang sabihin, sa halip ay tinaasan niya ito ng kilay. Nang makabawi ay tinabig niya ito pakanan at saka walang lingon-likod na tinalikuran.

" Hey!" tawag nito sa kanya pero hindi na niya ito nilingon pa. Gutom na gutom na siya kaya dire-diretso na siyang bumaba ng hagdan para pumunta sa kusina.

¤¤¤¤¤

" Shit! napakailap ng babaeng 'yon." Napakuyom ng kamao ang binata. Sinadya niya itong tudyuhin nang mahuling pinag-aaralan nito ang ayos niya. Pero pakiramdam niya'y iniiwasan siya ng dalaga. And he was beginning to feel frustrated dahil sa mga ginagawang pang-iiwas nito sa kanya. Yes! She definitely knew her. Ito ang dalagang nag-iwan ng marka sa puso niya. She impacted her life bigtime. Hindi niya nakakalimutan ang unang pagkikita nila ng dalaga na noo'y dalagita pa. Akala niya ay dyosa itong bumaba sa lupa dahil sa suot nito. Nakasuot ito ng makapal na salamin sa mga mata nito. He always wanted to see those seagreen eyes up close. At nagawa nga niya ngayon. Hinanap niya ito noon sa campus pero walang makapagsabi kung nasaan na ito. Even her friend's sister Luna ay wala ring ideya kung nasaan ito. Pumunta siya sa bahay ng mga Morado ngunit ang sinabi lamang ni Violet at Purple sa kanya ay pinalayas ito ng ama dahil nagnakaw raw ito.

He wanted to apologize to her before pero hindi na niya nagawa hanggang sa makagradweyt siya at mag top notch sa board exam. His life never be the same again. Lagi siyang dinadalaw nito sa panaginip. Umiiyak at nagmamakaawa sa kanya. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho at pagtayo ng sariling kompanya. Hanggang sa isang araw ay kinausap siya ni George na kababayan niya. Asking him if he could be their Overpowered men May issue. He was surprised. Matagal na siyang nagbabasa sa naturang magazine na galing sa simpleng lugar ng Ormoc Leyte. He was amazed dahil kahit nasa probinsya ito ay naging malawak ang narating ng Overpowered magazine. Matagal na rin siyang curious na makita ang editor niyon. Wala siyang ideya na ang editor in chief ng naturang magazine ay ang dalaga mismo. Stacey was using her pen name Avery Hayz kaya hindi niya nakilala ito. Not until he requested it to her researcher George. Ipinakita ni George sa kanya ang larawan ng dalaga kaya nakilala niya.

She turned into a beautiful, stunning woman. He could still remember his meaningful smile when he looked at her picture from George's cellphone. Pinakiusapan niya pa itong padalhan siya ng picture nito. Wala itong ideya na iginawa niya ito ng malaking frame sa kwarto niya. Hindi niya mai-imagine ang magiging reaksyon nito kapag nakita iyon.

Hindi na ba ito naa- attract sa kanya ? Wala pang babae ang umayaw sa kanya. Lahat nahuhulog sa kanyang karisma at naghahabol para pansinin lang niya. But this woman.

Simula kanina nang dumating ito ay hindi na naging maganda ang pakikitungo nito sa kanya. Laging nakataas ang kilay at mataray ang dating. He cannot take his eyes off her dahil ang tingin niya dito ay isang tentasyon. A walking temptation.

Dama niya ang pagpintig nang nasa pagitan ng mga hita niya nang bumungad itong halos wala ng itinago. Ginawa niya ang lahat na pagpipigil para hindi niya ito mahablot at gawaran ng marahas na halik.

Napapikit siya at hinilot ang nose bridge niya. Parang sasakit ang ulo niya sa dalaga. Saka naglakad na pababa ng hagdan.

Naabutan niya itong kumakain na sa hapag. Nandoon na rin si George kaya umupo na rin siya sa kabisera. Magkatapat ang dalawa sa bawat gilid niya.

" Kain po tayo sir? " matamis na ngumiti ang bakla sa kanya.

" Thanks." tipid na sagot niya rito. At nagsimula na rin siyang kumain ng dinner nila.

Wala silang imikan ng dalaga, ang palaging nagsasalita at nagtatanong ay ang researcher nitong bakla. Wala siyang nagawa kundi ang pagtiyagaan itong sagutin.

" So sir, bakit po hanggang ngayon ay single parin kayo? " di mapigilang tanong nito. Nilingon niya sandali ang dalagang nagpatay-malisya lang sa kanan niya bago sumagot rito.

" May hinihintay kasi ako sa tabi-tabi." May laman niyang sagot rito. Sukat doo'y napatili ng mahina ang bakla.

" Sir, nandito lang po ako sa tabi-tabi niyo." Kinikilig pa nitong turan sa kanya. Natawa ng mahina ang binata. Sabay pa silang napalingon sa dalagang malakas na humalakhak.

" Ms. Stacey naman, ang lakas makabasag ng trip." Napasimangot ang bakla sa amo nito. Tinaasan lang ito ng kilay ng dalaga at ipinagpatuloy na nito ang pagkain.

Natahimik na rin sa pagtatanong si George at nagpasaya nalang na ipagpatuloy ang pagkain. Natapos silang tatlo na wala ng imikan.

Naaaliw niyang pinagmamasdan ang iba't-ibang klase ng bulaklak na nasa hardin ng bahay ni Hunter. Katatapos lang nilang magdinner when she decided to go outside para lumanghap ng sariwang hangin. In fairness naman sariwa nga ang hangin at maganda ang hardin at lawn nito. Para siyang nasa farm ng iba't-ibang klase ng mga bulaklak. She find peace and serenity in that area of his home .

Well, hindi niya nakita ang kabuoan ng bahay nito kanina nang dumating sila dahil nga nakatulog siya. Sosyal na sosyal ang loob ng bahay nito kahit saan ka lumingon. Maging ang labas ng bahay nito. She thought of Beverly Hills mansions, kagayang-kagaya ang luxury na makikita sa loob at labas ng tahanan nito.

" A penny for your thoughts." ani ng buong tinig. Muntik na siyang mapaigtad nang malingonan niya ang iniisip ngayon-ngayon lang. Matamis ang ngiting iginawad nito sa kanya.

She immediately arched one brow. Ayaw niyang isipin ng lalaki na magkakandarapa siya rito. She's not the same Stacey as before. Matured na siya at alam na kung papaano ihandle ang sarili. Naririto siya sa Davao ngayon dahil sa trabaho at hindi sa kung ano paman.

" I was just about to go inside. Mauuna na ako." mabilis niyang paalam rito na hindi man lang sinuklian ng ngiti ang ngiti nito. Nagmamadali niya itong tinalikuran, pero bago pa siya makalayo ay mabilis na siya nitong nahagip sa braso. She gasp at the electrifying feeling the moment their skin touched. Kasabay ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya.

Ipiniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

" Let go of my arm!" Hindi niya napigilang magtaas ng boses rito. Ano ba ang binabalak nito? Walang panama ang lakas niya kompara sa lalaki. Wala rin itong karapatang hawakan siya at pigilan gustuhin man nito. Dahil hindi siya pagmamay-ari nito.

" Why are you avoiding me? " In his serious tone. Naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa kanya. Nagsukatan sila ng mga tingin sa isa't-isa . Hindi niya mapigilang magbaba ng tingin dahil sa nanunusok na mga titig nito.

" P-please, let go of me. You're hurting me Mr. " Sumusukong pakiusap niya rito. Para siyang daga na nasukol nito.

" Hindi kita gustong saktan, Stacey. And please, call me Hunter for Pete's sake. " Simula ng binata. Dahan-dahang niluwagan ang pagkakahawak sa kanya pero hindi siya tuluyang binitawan nito bago nagpatuloy.

" I just want to know why you're avoiding me? Akala mo ba hindi ko napapansin iyon? I've been a good host in my home but you keep on ignoring me. May problema ka ba sa akin miss Morado?" Hindi nakatiis na bulalas ni Hunter sa dalaga.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga sa narinig mula rito. Nakadama siya ng pagkapahiya rito. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mga pisngi. Tama naman ito na iniiwasan niya talaga ang lalaki dahil ayaw niyang maulit ang nangyari noon sa kanya. So it's better to avoid him as much as possible kung hindi rin lang related sa trabaho niya.

Napakagat-labi ang dalaga. Umilap ang mga mata at naghahanap ng maaaring maging rason sa binata. Bahagyang hinamig ang sarili bago nagsalita.

" Bakit naman kita iniiwasan mister Florendo ? Nagkakamali ka ng iniisip. Trabaho ang ipinunta ko rito katunayan nga gusto ko ng simulan ang pag-iinterview ko sa'yo para naman makaalis na kami agad dito sa pamamahay mo. You know what mister? I'm a very busy person, napilitan lang naman akong pumunta rito dahil sa kaartehan mo." Nakataas ang isang kilay na sagot ng dalaga. Hindi na rin niya napigilan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.

Sana lang ay maniwala ito sa mga excuses niya. Mukhang matalas pa naman ang pakiramdam ng lalaki. naisip niya.

" Ayy! " Napatili siya nang bigla nalang siya nitong hilahin. Napasubsob tuloy siya sa matigas na dibdib nito.

Damn! Napakatigas naman ng muscle nito.

Her hands was on his hard chest habang nakayakap ang mga braso at kamay nito sa bewang niya. She couldn't move. She was trapped in between his hard chest and his possessive arms and hands. Hindi siya makakilos.

Pakiramdam ng dalaga ay nag-iinit ang buong katawan niya. The heat coming from his body against hers was controlling. Para siyang nanghihina at nawawalan ng kakayahang itulak ito at kumuwala sa mga bisig nito.

Itinaas niya ang mukha rito only to find out that he was looking at her intently. Napakurap-kurap siya, nangungusap ang kulay tsokolateng mga mata nito na parang may ibig ipahiwatig sa kanya. Para siyang nalulunod doon at di siya makapag react. She was fully aware that inch by inch his face move closer to hers.

In just a split seconds, Hunter capture her soft red lips while his eyes are close. Nanlaki ang mga mata at umawang ang labi ng dalaga sa gulat at di nakahuma. Dahilan para mas palalimin pa ng binata ang halik na iginawad nito sa kanya. Kusang pumikit ang mga mata ng dalaga sa sensasyong nadama mula sa pananalakay ng mga labi nito sa labi niya.

Unaware that she was clutching her hands to his hard chest. Mas lalo siyang hinila palapit ng binata sa katawan nito. His hand was holding her nape to gain more access. Habang ang kabilang kamay nito ay nakasuporta sa likod niya. Pulling her closer to his body.

Walang nagawang nagpaubaya ang dalaga sa kapangahasan ng binata. Awtomatikong pinagsalikop niya ang mga kamay sa leeg ng binata. She exchanged hot and wild kisses with him. Their tongues explore each other's mouth, savouring each sweetness. Her legs felt like jellies.

" Ay kabayong buntis!" Isang tili ang awtomatikong nagpahiwalay sa kanila ng binata. Her knees was shaking dala marahil sa halik na pinagsaluhan nila ng lalaki. Muntik na siyang bumagsak kundi lang maagap ang binatang alalayan siya.

" Careful." May suyo sa tinig ng binata. Samantalang ang dalaga ay namumulang napayuko. Hindi alam ang gagawin dahil nakita sila ng researcher niya na naghahalikan. Mabuti na lamang at medyo dim ang lugar kaya hindi nakita ng mga ito ang pagba-blush niya.

" Miss Stacey , ok lang po ba kayo? " May pag-aalalang baling ni George sa dalaga.

" Y-yeah, I-I'm fine." She stuttered. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagkakabulol niya.

Bakit ba siya nagpadala sa panghahalik ng binata sa kanya?

" Nanginginig po kayo miss." Akmang lalapitan siya ni George nang biglang sumabat si Hunter.

" She's not feeling well at the moment, George. Hayaaan mo akong kargahin siya. Ako na rin ang maghahatid kay Stacey sa silid niya." Napakagat-labi ang dalaga sa tinuran ni Hunter. Kitang-kita niya kung papaano mamilipit ang baklang staff sa ka sweetan ng binata sa kanya.

" George! " Tawag niya rito nang kargahin siya ni Hunter pa bridal style.

" Mauuna na rin ako sa inyo sir Hunter, ms. Stacey. " He wave his hand to them. Gustong sumigaw ng dalaga sa sobrang yamot. Patay sa kanya si George kapag nagkaroon siya ng pagkakataon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Naghihiganteng Puso   Epilogue

    Who is he, kuya? " Tanong ng sampung taong gulang na batang babae. Nakasuot ito ng pink baby dress and she's chubby. Bagay na bagay ang nakapigtail na mga buhok. She's cute and pretty even at a young age. Tinuro nito ang binatang nakatayo sa main door ng bahay nila. Nilingon iyon ng nakakatandang kapatid na si JR. Umilaw ang nga mata nito. Nagmamadaling sinalubong iyon ng binatang kapatid. " Hey man! Kailan ka pa dumating?" Nakatawang nagyakapan ang dalawa. " I just arrived, idiot! " Pabirong binatukan nito si JR at nakita iyon ng bata. Binato nito ang di nakikilalang lalaki. " Ouch! " Napaigik ang bisita dahil ibinato rito ni Shiloh ang hawak na barbie. " You're bad. Why did you hit my kuya? " Nakapamewang nitong sita sa bisita. Natawa naman ang kapatid sa tinuran ng bata. Agad nitong nilapitan ang nakababatang kapatid. Umuklo ito para maabot ang kapatid. " Hey, princess. You shouldn't threw your toys to our visitor, that's bad." A

  • Ang Naghihiganteng Puso   Twenty Six

    Paano niya ngayon susuyuin ang dalaga matapos marinig nito ang mga sinabi ni Vioet? Nahihirapan siya. Kanina pa rin nakaalis sina Blake at Sophie. Umakyat siya ng hagdan at agad tinungo ang silid ng dalaga. Hindi iyon nakalock kaya naman madali siyang nakapasok. Nakita niya itong nakaupo sa kama nito. " I've been waiting for the past hour, mister. Now, explain everything to me." Seryoso ang tonong wika nito. Napahinga ng malalim si Hunter dahil sa narinig mulla rito. Buong akala niya ay magtatalak agad ang dalaga sa kanya." O-okay. Wala kaming relasyon ni Violet, sweetheart. Hindi rin ako ang ama ng ipinagbubuntis niya. Believe me, ikaw lang ang babaeng hindi ko sinuotan ng kapute kapag nagtatalik." Pinamulahan ng pisngi ang dalaga dahil sa kapranghan ng lalaki. Lumapit ito at ginagap ang kamay niya. "I purposely got you pregnant, sweetheart dahil ikaw lang ang babaeng gusto kung buntisin and not Violet." Alanganing ngumiti ang binata dahil nagulat ang

  • Ang Naghihiganteng Puso   Twenty Five

    Hindi maalala ng dalaga kung ilang beses nilang pinagsaluhan ni Hunter ang pag-iibigan sa pisikal na bagay. Nagising siyang nananakit ang buong katawan. Humikab siya at inilibot ang paningin sa buong silid. Napakunot-noo siya at nagtaka nang bumungad sa kanya ang sariling silid. Paano siya napunta rito? Ang naalala niya ay sa guestroom siya nakahiga kanina. Hinanap sa paligid ang binata pero wala ito roon. Sinipat niya ang orasan sa bedside table. Oh! Ala-sais na pala ng gabi. Hindi man lang siya nakakain ng tanghalian. Nasaan na ang lalaking iyon? Nagpasyang bumangon ang dalaga para maligo dahil nanlalagkit ang pakiramdam niya. Matapos makapaligo at makapagbihis ay nagpasyang lumabas ang dalaga. Ingay ng nagkakasayahang mga tao ang narinig niya sa sandaling nakababa na siya. At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang matagal ding hindi nakikitang kaibigan dahil sa ginawang pagtikis niya rito.Naluluhang lumapit siya kay Soph

  • Ang Naghihiganteng Puso   Twenty Four

    Nakikiliti si Stacey sa paraan ng paghalik ni Hunter sa kanya. His lips and tounge travels to her eyes, nose, cheeks and lips. He sexily bit her earlobes na nagdulot sa dalaga ng init sa katawan. Napapikit si Stacey nang magsimulang maglakbay ang mga kamay ng binata sa maseselang bahagi ng katawan niya. Mahigpit siyang napakapit sa bedsheet ng kama. Ilang buwan din ang tiniis niya mula ng huli siyang angkinin ng lalaki. Kaya naman ngayon ay para siyang mababaliw sa mga ipinaranas nito sa kanya. She wanted him so bad that it aches her to the core.Bumaba pa ang mga halik ng binata sa leeg niya leaving traces sa bawat maraanan ng mga labi nito. And Stacey couldn't helped but moan sexily. Hindi na nga niya napansin ang ginawang mga tunog dahil sa kagagawan nito sa katawan niya.She pulled his hair when his mouth lowered down to her babybump. He gently kiss and carress it. While mumbling words of encouragement to his still unborn child. " Kapit ka ng mahigpit

  • Ang Naghihiganteng Puso   Twenty Three

    Maaga pa lang ay nakaabang na ang binata sa labas ng bahay ng dalaga. Inaabangan niya ang paglabas nito sa garden ng bahay para magpaaraw. Madalas iyong gawin ng dalaga siguro ay dahil buntis ito. Pinagmamasdan niya ang bahay sa harapan niya. Maya-maya lang ay lalabas na ang dalaga. Sinabi sa kanya ni manang Mina kahapon bago paman sila nagkausap ng dalaga at ng ama nito. Nakaramdam ng pagkasabik si Hunter sa naisip. Miss na miss na niya ang dalaga. Sabik na siyang muli itong mayakap at mahalikan. Ngunit kailangan niyang magtiis. Hindi niya na gusto pang daanin sa dahas ang dalaga at baka makasama pa sa anak nila. Sigurado naman siyang anak niya ang sanggol sa sinapupunan nito dahil dama niya kahit pa hindi nito sinasabi sa kanya iyon. Napangiti siya nang dahan-dahan nang sumikat ang araw. Ngunit napakunot-noo nang makitang nagtatawan ang lalaki kahapon at ang dalaga habang magkapanabay na itinulak-tulak ang wheelchair ni Roger. Agad ang pagsalakay ng inis sa nakita. Nagseselos siya s

  • Ang Naghihiganteng Puso   Twenty Two

    " Akala niya siguro madadala ako sa pabulaklak niya, hmp!" inis na turan ng dalaga sa kanyang sarili. Ewan niya pero hanggang ngayon ay inis pa rin siya sa binata. Sinusuyo siya nito pero wala paring epekto iyon sa kanya. Hindi na niya napansin si Mina na masasalubong niya. " Ang bilis naman yata umalis ng bisita mo, hija? " Bungad sa kanya nito. Nakatawa pa ang matanda sa busangot niyang mukha. " Baka pumangit si baby dahil sa hilatsa ng mukha mo. " Patuloy pa nito." Pinaalis ko na, nay." Napasimangot niyang sagot rito. Napakunot-noo naman ito sa sinabi niya. " Aba'y gusto pa namang dalawin ni Hunter ang daddy mo." Napakamot ito sa ulo. Tinaasan lamang iyon ng kilay ng dalaga. " Ayoko po siyang makausap, nay." Napahalukipkip siya. Napabuntung-hininga ang matanda. " Hija, hindi naman sa lahat ng panahon ay maiiwasan mo ang ama niyang dinadala mo. Maano ba'y bigyan mo ng pagkakataon na makapagpaliwanag sa'yo. Magkalinawan kayo. Siguro

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status