THIRD PERSON’s POVNoon ay magtatakip-silim na. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng magpasya akong magpahinga kasama ang aking asawa. Nakaupo ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno ng acasia, samantalang ang asawa ko naman ay kasalukuyang natutulog sa isang duyan na nakasabit ng kabilaan sa dalawang punong-kahoy na hindi naman kalakihan pero malayo naman sa posibilidad na bibitaw ang naturang duyan sa pagkakatali.Nakasandal ang aking ulo sa isang malaking puno gamit ang aking mga siko habang ang mga paa ay malayang nakabukaka sa ibabaw ng nilikha kong sahig na gawa sa kawayan. Buong tiyaga kong tinatanaw angmalawak na kapatagan na pagmamay-ari ni Don Samson Aguirre. Nakapuwesto sa bahaging kanluran ang kapatagan kaya naging napakagandang tanawin para sa akin ang lugar at puwesto na iyon tuwing sasapit ang alas-says ng gabi.Kahanga-hanga ang tanawin iyon para sa akin. Pagkatapos ng maghapong mapagod sa pagtatrabaho sa bukid at pag-aalaga ng mga pananim na siyang panguna
YZZA’s POVMATAGAL nang nakaalis ang dalawang lalaki pero nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung napansin pa ni Xavier ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kanina nang bigla akong magmulat ng mata matapos magising sa isang inaasahang halik mula sa lalaki.Hindi ko maintindihan ang sarili kanina. Gustong-gusto ko siyang iwasan pero bakit para akong natulos kanina sa kinatatayuan? Ang mas malala pa, ini-imagine ko na hinahalikan niya ako sa mga labi ko nang hindi ko man lang tinututulan!‘Ang gaga mo talaga, Yzza!’ Sermon ng sarili kong isipan. ‘Hindi ko alam kung anong nakain mo at nagawa mong pagpantasyahan ang anak ng amo mo. Ang mabuti pa ay maligo ka dahil….’Hindi ko na pinatapos sa panenermon ang aking isipan dahil bahagya ko nang hinila ang manggas ng suot kong blusa. Basa ng pawis ang ilang bahagi ng kasoutan ko. Naamoy ko na din ang aking sarili dahil sa lagkit ng pawis ko. Ang baho ko na nga!Oras na para maligo ako.Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni D
YZZA’s POVMatapos kong kumain ay inutusan ako ni Don Samson na ayusin ang kaniyang kuwarto. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa totoo lang, wala naman akong karapatang tumanggi. Paano ko ba matatanggihan ang isang utos sa isang Don?Napakapelingira ko naman kong ako pa ang may ganang tumanggi. Ang haba ng hair ko sa part na ‘yon.Idagdag pa na gusto kong maging busy. Ang anak kasi ni Don Samson. Simula ng kaganapan sa pool, parang lagi na akong sinusundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin na iyon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang iwasan.May iba akong nararamdaman sa klase ng kaniyang titig sa akin. Isang bagay na ayuko munang isipin. Basta ang kailangan ko lang gawin ay iwasan siya, hangga’t maari.Tagaktak na ang pawis ko ng mga oras na iyon. Matapos ko kasing walisan ang buong paligid ng kuwarto ay nilampasuhan ko na din. Yari sa tiles an gang kuwarto kaya sobrang kintab ng malampasuhan ko. Gamit ang Domex, nagmistulang salamin ang tiles. Ha
YZZA’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kaming maghiwalay ng landas ni Sir Loid Xavier sa pool, hindi na ako dinalaw ng antok. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ba iyon sa kaba ng muntikan na akong malunod o dahil namamahay pa din ako? Hindi ko masabi kung alin sa dalawang iyon ang dahilan o may iba pang kahulugan. Simula kasi kagabi, hindi na makatkat sa isipan ko ang mukha ng binata. Ang mala-Papa P Pascual niyang masculine figure ay parang tintang nag-iwan ng mantsa sa isipan ko. Kahit anong pilit kong alisin siya sa isipan ko ay para siyang sardinas na pilit ipinagsiksikan sa isipan ko. Ang six-pack abs niya parin ang nakikita ko kahit nakapikit na ako. Ang mas hindi ko makalimutan ay ang iyong ano niya. Kahit nakasuot pa ito ng boxer kagabi, hindi pa din niyon naikubli ang tunay na sukat niyon. Idagdag pang basa na ang binata at dahil isang lalaki ay normal na nag-init ang pakiramdam. Ang isa pang hindi ko maalis sa isipa
YZZA’s POVNapaubo ako sa aking muling pagmulat ng aking mga mata. Kasabay din no’n ay paglabas ng maraming tubig na nainom ko siguro kanina ng malunod ako. Hindi naman ako sa marunong lumangoy, sadyang nagkapulikat lang ako. Dahil na din siguro sa currency ng tubig at dahil medyo malalim na, nawalan na ako ng balance at walang naisip na gawin kundi humingi ng tulong kahit pa sabihing alam kong walang makakarinig sa akin dahil lahat ay puro tulog na. Nagulat na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakaluhod malapit sa akin.“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa akin?”.Iwan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko kahit malinaw naman sa akin na ito ang tumulong para makaahon ako sa pool. Niyakap ang sarili na parang nakahubad kahit may suot pa akong panty at bra. Never pa kasing may nakakita sa akin na nakasuot ng ganito“Ganyan ka ba magpasalamat?” Tinawanan lamang ng lalaki ang tanong ko. “Sino ako? Ako lang naman itong sumagip sa iyo sa pagkakalunod mo sa pool.” Tumayo na nga ang lala
YZZA’s POVIsang dim pad light lang ang tanging nagtatanglaw sa malawak na pathway papuntang pool. Malabo naman akong maliligaw dahil bukod sa saulado ko na ang lugar ay ilang beses din akong nagagawi roon. Sa katunayan, isa ako sa mg tumutulong kay Nana Isang na siyang naka-assign sa paglilinis at pagmintina ng pool. Tanging repleksiyon na lamang ng naturang liwanag sa pathway ang nagbibigay paningin sa malawak at tahimik na pool. Lumapit pa ako upang mapagmasdan pang lalo ang paligid nito. Nakakatukso ang kulay at kapayapaan ng tubig. Alam ko ding masarap maglunoy sa nag-aanyayang lamig nito. Sandali akong naupo sa gilid at dinama ang tubig sa pamamagitan ng paglublob ng palad ko.Napakislot ako ng maramdaman ang lamig ng tubig na mabilis na kumalat sa buong sistema ng katawan ko. Kahit sobra ang lamig nito ay parang gusto ko pa ding magbabad. Nasuot lamang ako ng puting duster ng gabing iyon at isang manipis na pajama na kulay puti.Maingat na hinubad ko ang mga iyon sa katawan