Home / Romance / Ang Nawawalang Bilyonarya / Seven : Prinsesa ng Biyudo

Share

Seven : Prinsesa ng Biyudo

last update Last Updated: 2025-04-03 23:32:44

YZZA ‘s POV

BITBIT ang isang maliit na bag na naglalaman ng isang bihisan, nasa dibdib ko ngayon ang magkahalong kaba, pag-aalangan at pananabik. Kaba, dahil hindi ko alam kung ano ang trabahong papasukan ko kay Don Samson. Ayon sa tatay ko, pinapunta daw ako ng Don sa mansion dahil may iaalok ito na trabaho para sa akin.

Pag-aalangan, sapagkat alam kong no’ng una pa lamang nakita ko ang Don ay marami na akong bagay na ikinakailang rito at ibang negatibong bagay na hindi koalam kung bakit ko naiisip laban sa matanda ngunit biyudong mayaman sa buong baryo Magtulis, Romblon.

Ang huli ay pananabik. Ito ang unang araw ko na nakita ng malapitan ang Mansion De Aguirre. Katulad ng karaniwan, ang mga kagaya naming anak lamang ng mga trabahador ng hacienda ay walang puwang sa loob ng mansiyon ng mga ito.

Pero sinong mag-aakala? Ang isang anak ng tarabahador na kagaya ko ay nakatuntong at makakapasok na sa loob ng magara at malawak na tirahan ng aming amo, Ang Aguirre.

Sa kabilang paghahati-hati ng aking isipan, mas nangingibabaw pa din sa akin ang magkaroon ng trabaho. Hindi na ako magiging pabigat kina Inay at Itay at hindi na din ako mabibilad ng sobra sa init ng araw. Idagdag pa na matutulungan ko pa sila Inay at itay sa mga gastusin sa bahay.

Alam kong labag din sa kalooban ko ito, lalo pa at huli na ng sinabi ni Itay tungkol sa pagpunta ko rito.Ayon kay Itay, umutang na daw ito ng pera para may pambili kami ng bigas. Nakiusap ang aking Itay Samuel sa Don na kung puwede ay makautang ito ng cash advance. Iyon pala ang iniabot rito ng Don kahapon. Pera pala iyon at cash advance. Iyong wala pa nga ako nakapagsimula ng trabaho ay inutangan na.

Nalungkot ako sa ginawa ng aking Itay pero hindi naman ako nagtanim ng galit rito. Nauunawaan ko si Itay, malamang na kung ako din ang nasa poder nito ay baka hindi lang ganoon ang gagawin ko. Ang kaso nga lang ay binigla ako ni Itay. Kung kahapon pa sana ng hapon or kagabi nito sinabi na magtatrabaho na

ako sa mansion ay baka napaghandaan ko.

Hindi sana ako nagulat.

Pero okay lang, ang mahalaga ay makakatulong na ako sa aking mga magulang . Sayang pa itong bakasyon, susulitin ko na sa trabaho. Kahit pa sabihing gusto ko sanang makaipon ng pera para sa aking susunod na pag-aaral sa kolehiyo.

Gamit ang isang malalim na paghugot ng sariwang hangin at marahas na pagbuga, nagpatuloy na ako sa paghakbang papasok sa loob. Nandito na ako kaya wala nang atrasan ‘to. Kailangang kong panindigan ang trabaho ko.

Gaya ng inaasahan ko, malawak at napakaluwang sa loob. Tadtad ng mga nagagandahang palamuti ang buong paligid, mga indoor plants at bukod pa roon, may mga naglalakihang mga paintings na nakadisplay. Muntik nang lamunin ng mga nakikita ng mata ko ang aking atensiyon kung hindi ko lang naalala ang sinabi ng isang Ginang kaninang nasa gate pa ako.

Ayon sa Ginang na napagtanungan ko kung nasaan si Don Samson, ang sagot nito ay nasa loob ng living room. Kanina pa daw ako nito hinihintay. Wala sa mukha nito ang pagkairita pero bakas sa mukha nito ang paghanga sa akin. Isang paghanga na hindi ko na nabigyang-pansin pa dahil nagmadali na din ako kaninang pumasok ayon na din sa sabi nitong kanina pa ako ng Don hinihintay.

Kilala ko ang Don. Hindi lang sa mga haka-hakang naririnig ko sa mga kakilalang obreros ng hacienda kundi maging sa kinukuwento ng aking Itay at Inay. Ayon sa mga magulang ko, mahirap daw si Don Samson kausapin. Ayaw na ayaw din daw nitong pinaghihintay ng matagal.

Noon ako nawalan ng tapang na ituloy ang trabaho. Para akong asong nabahag ang buntot lalo pa at minsan ay muli ko na namang maalala ang klase ng titig ni Don Samson. Napahinto ako sa paghakbang malapit sa dining room nang makita ko ang bulto ni Don Samson na nakaupo pero nakatalikod sa gawi ko.

Nakaramdam ako ng panic sa klase ng aurang hatid ng matandang biyudo. May kung ano’ng negatibong bagay na nakisiksik sa isipan ko at lumikha ng desisyong pag-atras sa pakay ko rito. Para akong naduwag na ewan.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para umatras. Bahala na akong magtinda ng gulay kaysa magtrabaho rito at araw-araw makita ang pagmumukha ng Don. Bahala na din kung pagalitan ako ni Itay at Inay pero hindi ko talagang maatim na makasama o makita palagi ang Don oras-oras.

Mabilis akong tumalikod ngunit maingat na hindi makalikha ng anumang ingay o yabag para mapalingon ang Don. Nagpapanic na ang aking kalooban. May tinutumbok ang aking isip na hindi ko alam kung bakit iyon ang inabot. Nagpapanic na ang loob ko na kanina ang ay determinado nang magtrabaho.

‘Uuwi na lang ako, mukhang hindi ko yata kayang mabuhay rito. Bahala na kung maga---’

“O? Nandito ka na pala iha? Kanina ka pa ba diyan?”

Napahinto ako ng paghakbang ng marinig ang boses ni Don Samson. Malakas iyon, may himig pang-aakit.

Marahan akong napalingon upang harapin ang amo ng aking mga magulang. Wala akong balak na isnobin ang matanda, baka mawalan kamin ng kabuhayan. Hindi naman kasi ako pinalaking suplada kaya alam ko ang tamang asal at kung paano ang mabuting pakikiharap sa ibang tao.

Gusto ko sanang sabihing aatras na at uuwi na lamang pero kulang ang aking naipong lakas.

“H-hindi pa naman po.” Kaswal na tugon ko na hindi na hindi maitatago ang ilap ng mga mata. Nahuli ko na naman kasi ang Don na para akong sinusuyod ng tingin. Mabuti na nga lang at nakasuot ako ng sakong na lampas hanggang tuhod. Kung nagkataon ay baka tingnan na naman ako nito na parang hinuhubaran.

“Maupo ka. Hindi ka ba nangangawit na tumayo?” Alok nito sa akin at sinulyapan ang dala bitbit kong bag. Isang knapsack na uri ng bag lamang iyon kaya imposibleng maiisip nito na nabibigatan ako.

Tumayo ito at lumapit sa akin, “Hindi naman ako nangangain ng tao pero parang takot na takot ka.” Natatawang saad ng Don matapos makita ang mukha ko. Namamawis din ako at parang nanlalamig.

Hindi na ako nakatanggi ng tangkain nitong lapitan ako at hawakan sa braso.

Isang kibit-balikat lamang ang naging tugon nito sa akin. Pinaunlakan ko naman ang alok niyang pagkakaupo pero distansiya sa kaniya. Muli itong bumalik sa kinauupuan nito kanina

“Alam mo Iha, gusto ko lamang tulungan ang pamilya mo. Kaya nga inalok ko sila ng trabaho para sa’yo dahil ayon sa kuwento ng Itay Ramon mo, unti-unti na daw nanunuyo ang mga kanal at ilog sa hacienda na dala ng summer. Ibig lamang sabihin nito na, mawawalan na kayo ng kabuhayan kaya kailangang maghanap ang Itay mo ng ibang trabaho.” Mahabang paliwanag nito na relate na relate siya ng sobra.

Sukat din doon ay nagbago ang desisyon ko. Totoo lahat ng sinasabi ng Don. Papasok na ang summer kaya ang mga ilog at kanal na pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa mga pananim na gulay ay nangangamba ng matuyo. Kahit kasi gaano man kalawak ng produksiyon ng gulay, pagdating ng tagtuyot, wala pa ding magagawa ang mga obreros ng hacienda kundi ang huminto.

Hindi din kayang tustusan ang patubig. Pagdating sa pera ay hindi problema. ‘Pag tuyo na ang source ng tubig, wala na ding magagawa ang mga tao kundi ang huminto muna sa paghahalaman at maghanap ng ibang trabaho.

Ilang dekada na ang ganitong problema kaya sanay na ang mga tao.

“Alam mo Hija, hindi naman mabigat na trabahong ibibigay ko sa’yo. Napakasimple lang.”

Nakuha ng Don ang atensiyon ko dahil sa totoo lang ay curious din ako sa trabahong papasukan ko.

“Ano po bang trabaho ang ibibigay niyo sa akin, Don Samson?” Hindi ko na napigilang magtanong pa rito. Kanina pa kasi ako nababagot. Kanina pa din naghihintay.

“Simple lang. Gusto kong kunin ka bilang moyordoma ng mansiyon. Hindi mo kailangang magtrabaho ng mahihirap na Gawain gaya ng mga katulong . Sayang ang ganda mong bata ka kung maglalampaso o magwawalis ka lamang ng sahig.”

Gusto kong malula sa inaalok nitong trabaho bagaman hindi din ako pamilyar sa kung anong uri iyon ng trabaho. Ito ang kauna-unahang trabaho ko kaya nangangapa pa ako at walang kaide-ideya sa kung ano ang iba’t ibang uri ng trabaho.

Parang natuwa si Don Samson nang makita kung paano ako naging interesado sa inaalok nitong trabaho.

“Plus ang sahod mo ay kada linggo mo makukuha at pwede ka ding mag-bale kung kailangan ng mga magulang mo ang pera.”

Okay na sana kung hindi ko narinig ang pangalang bale o cash advance. Para namang nabasa nito ang nasa isip ko kaya nagsalita ito ng gaya ng kung ano ang nakasulat sa isipan ko.

“Don’t worry. Hindi ko naman hahayaang ubusin ng Itay mo kuha ang sahod mo. Magtitira din ako ng para sa’yo.”

Hindi na ako nagpaapekto pa dahil sa sinabi nito. Parang nagkaroon ako ng kapanatagan, lalo pa at naiisip ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo.

“Pero, sa isang kondisyon.”

Pakiramdam ko ay natuka ako dahil sa sinabi nitong may kondisyon. Bakit naman may kapalit pa? Lugi na nga ako pero may kondisyunes pa ang gurang na ito? Hmmp.

“Puwede bang Sam na lang itawag mo sa akin? Nakakatanda ‘pag Don Samson e. Bata pa naman ako a. Nasa fifty two pa lamang.” Brusko nitong sambit na nagpakita pa ng muscle sa balikat. Ibig ko namang matawa sa pinanggawa ng baliw na matandang ito. Kung hindi lang ito amo ng mga magulang ko, baka kanina ko pa ito pinatulan. Kaasar. Lakas mag-asar amp. Kala mo naman kung guwapo , e gurang na nga at may mga wrinkles na pero mayabang pa din.

Wala akong ibang ginawa kundi tingnan ang matanda at sakyan ang palabas nito. Mayamaya pa ay nagsimula na itong tumayo at may tinawag na pangalan. Ilang ulit din itong tumawag. Mayamaya pa ay may dumating na isang ginang na sa tantiya ko ay mga thirty plus pa lamang ang edad.

“Manang Goring, ihatid nga po ninyo si Yzza sa kaniyang magiging kuwarto. Turuan mo na din siya kung paano mamalengke ha? For now, siya na ang bagong mayordoma at hindi na ikaw. We talked about it yesterday kaya alam kong magaan na sa loob mong tanggapin ang tungkol dito.”

Napayuko ang naturang ginang na para bang no choice. Ikinagulat naman niya at ganoon kadilis nitong ibinigay sa akin ang naturang posisyon.

“Magtiyaga ka na muna sa laundry. Si Yzza na muna ang papalit sa’yo.”

Kiming umalis ang Yaya na para bang basurang itinapon matapos mapakinabangan. Gusto ko namang magsisisi dahil ako ang naging dahilan kung bakit ito natanggal sa pagka-mayordoma.

“Sige na at samahan mo na si Yzza.” Mando pa nito.

Hindi na sumagot pa si Aling Goring pero ramdam ko ang sakit ng pagkakasebak nito sa puwesto. Gusto kong isipin na nagalit ito pero sa ipinakita nitong pagiging conversationalist at pagkakaron ng sense of humor.

“Halika na senyorita.” Yaya ni Aling Goring na sumunod naman ako rito. Ikinagulat ko ang mapangahas nitong pagkatawag sa kaniya kahit Pa sabihing nagustuhan ko naman ang tunog na iyon.

Ilang sandali pa ay papalayo na kami nsa kinauupuan ng Don. Hindi ko na ito nilingon pa. Para saan pa ba? Wala naman akong itatanong e.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   24: Nakakatunog na si Yzza

    LOID XAVIER’s POVHindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng nadatnan kung tagpo sa pagitan ni Dad at ni Yzza. Pakiramdam ko ay bumalik lahat ng sakit na naranasan ko nang magpakamatay si Mommy dahil sa iisang dahilan-- ang pambabae ni Dad. Malinaw ang naabutan ko-- may lihim na namamagitan sa dalawa!Isang bagay na siyang lalong nagpasiklab sa galit ko kay Dad kaya hindi ko napigilang makapagbitaw ng mga salitang kahit ako ay hindi inaasahang masasabi ko.Si Dad ang kausap ko pero nakay Yzza ang mga mata ko na para bang lahat ng sinasabi ko ay patama sa kaniya lahat. Alam kong nakakabigla para sa babae ang mga sinabi ko lalo pa’t wala itong alam sa sama ng loob ko kay Dad.Ang parang maiiyak na dalaga ang nanatiling tahimik lamang ngunit sinasalubong ang bawat mga mata ko. Na para bang lahat ng akusasyon ko rito ay ako di ang makokonsiyensiya. Hindi naman ako nagpatinag at nilabanan ng titigan ang babae.Hindi isang kagaya niya ang magpapabagsak sa akin o basta magpapasuko

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   23: Xavier Cross the Line

    YZZA’s POVHawak-hawak ko ang isang tray na kinalalagyan ng baso ng tinimplang gatas na inabot ko sa Don. Matiyaga kong hinintay na maubos niya ang laman ng baso. Hindi ko alam kung sinasadya ng Don na pabagalin ang pag-inom para magtagal din ako sa loob ng kuwarto niya.Hindi naman ako natatakot o nababahala pa sa presensiya niya kaya hindi na ako nagreact ng kanina ay pinaalis niya sina Manang Goring at Aling Fatima. Nakiusap siya sa dalawa na iwan kami at hayaan na lamang daw ako na siyang mag-asikaso sa kaniya.Hindi naman ako nagtaka o nangatwiran pa. Panatag akong hindi na katulad ng dati ang impressions kay Sir Sam. Gaya ng pakiusap nito noon, Sir Sam na talaga ang ginagamit kong pagtawag sa kaniya. Dahil nga dito ay mas lalo pa niya akong ginusto na laging makausap.‘Ang sarap! Ikaw ba ang nagtimpla nito?” Mayamaya ay wika niya na tinitigan ako ng sobra.Mabilis akong tumango at umiwas ng tingin. Hindi ako umiwas ng tingin dahil sa natatakot ako sa presensiya niya. Normal l

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   22: Selos Game

    YZZA’s POVKinaumagahan ko na nalaman ang tungkol sa nangyari sa Don. Ang matinding depresiyon na iniwan ng pagkawala ng asawa nito ay isa sa pangunahing tinuntukoy na dahilan ng lahat. Idagdag pa ang paliging pag-iinom nito na siya ngang naabutan ni Manang Goring.Pagpasok ko sa loob ng mansiyon nalaman ang buong detalye ng nangyari. Mabuti na nga lang at agad na sinugod sa pinakamalapit na ospital ang Don. Kung hindi, ang pagtaas ng blood pressure nito at pagkaroon ng masikip na paghinga ay siyang tumapos sa kaawa-awang kalagayan ng Don.Sa totoo lang, hindi ko na din maintindihan ang nararamdaman kong ito. Dati ay takot akong maramdaman ang presensiya nito at naiilang. Iyon nga ay dahil may kakaiba sa klase ng kaniyang titig kung ako ay kaniyang tingnan. Hindi ko namamalayang sa paglakad ng mga araw na nakikita ko siya at nakakasalubong sa loob at labas ng mansiyo ay puwede pa pa lang mabago ang impresiyon ko sa kaniya.Ang dating maling paratang ko sa pagkatao niya dahil sa kung

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   21: Leksiyon kay Loid Xavier

    LOID XAVIER’s POVDahil sa mga kalokohan namin Rico, past six na kami nakauwi sa mansiyon. Tired but enjoyed- this is the only feeling I have now, but I loved. Kahit papaano ay nakalimutan ko kung paano ka miserable ang buhay ko kapag nandito ako sa mansiyon at hacienda namin. Nasa likod lang ako habang walang kakibo-kibo. Si Rico naman ay nakapokus sa pagmamaneho ng dala naming kotse. Nasa likod naman ng kose ko ang mg nakuha naming isda na tiniyak kong buhay ng ilagayko sa isang maliit na cooler para panatilihing sariwa hanggang sa aming paguwi.Habang nasa biyahe, may nadaanan kaming isang bahagi ng lugar na para bang sinasadyang ipakita sa akin para muli ko namang maalala si Mom. Nagkataon namang sinadya kong buksan ang pinto just to getsome fresh air. Hindi ko nman akalain na mahahagip pa iyon ng mga mata ko.It was the most favourite amusement park ni Mom. Medyo may kalumaan na dahil sa dami ng tourist attractions sa buong Bayan ng Romblon, parang bolang naglaho sa kasikatan ang

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   20: Konektado

    THIRD Person’s POVI know it was a dream. Yeah, I was dreaming.Time and time, I visited her and her family. Hindi ako nakakalimot na puntahan ang asikasuhin ang babae at ang pamilya niya. I knew it is kind strange, yet unacceptable. Sino ba siya at ang mga magulang niya para pag-aksayahan ko ng panahon?There was nothing special between me and her.I even clueless of what I am doing. What is clear is, I doing her a favour for every mistakes I have done I the past. For years, tinago ko ang lihim na ito at kinimkim ang sama ng loob sa totoong mga magulang ng babae.I was totally filled with hatred. This hatred is getting deeper as I saw them happily. I don’t know if it's jealousy or what. What I want is to ruin their family, the happiness trade with my precious more than I!As I learned how she fell to a miserable life upon knowing her precious and firstborn daughter was taken away from her, I realized how selfish I am. Instead of being happy about the victory I sought in ruining her

  • Ang Nawawalang Bilyonarya   Nineteen : Puso ng ISang INa

    LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status