Sa kahirapan ng buhay ay namulat ang isang bilyonaryang si Glory Belle Padilla Arevallo. Noon ay wala pang kaalam-alam ang babae sa totoo niyang pagkatao at sa tunay niyang mga magulang. Lumaki siya sa pamilyang puno ng pagkukunwari. Lingid sa kaalaman niya, binalak ng tumayong magulang niya'ng ibenta siya sa bahay-aliwan para maging bayaran at maruming uri ng babae. Iyon daw ay para mabayaran niya ang mga sakripsisyo ng pamilya sa pagpapalaki sa kaniya. Wala nang nagawa si Glory Belle sa naging plano ng mag-asawa. Sa kaunting halaga ay nagawa siyang ipagpalit ng mga ito nang ganoon kadali. Ang masaklap pa, hindi nga siya naibenta bilang babaeng nagbibigay ng aliw pero mas higit pa roon ang kinasasadlakan niya-- ang maikasal sa isang lalaking hindi niya at mahal na isang matandang halos dalawampung taon ang tanda sa kaniya---si Samson Aguirre na isa nang biyudo, kilala sa lipunan at mula sa mayamang angkan! May isang anak na lalaki ang matanda na nangangalang si Loid Xavier Favila Aguirre. Ang inaasahang pilegro ni Glory Belle/ Yzza sa kamay ni DOn Samson ay mas malala pa pala sa inaasahan niya! Ayaw kasi ng binata na ikasal ang Dad niya o may pumalit sa namayapang ina nito. Ginawa ng binata ang lahat para siraan siya sa Dad nito at dumihan ang pangalan niya. Paano kung ang pagnanais ni Loid na hindi maikasal siya sa Dad nito ay may mas malalim pang dahilan? Paano kung this time, si Loid na mismo ang gustong mapasakaniya ang babae? Paano nga ba ni Glory Belle haharapin ang katotohanang ampon lamang siya ng kaniyang Itay Ramon at Inay Miriam at ang solong dahilan kung bakit gusto siyang ipakasal sa DOn ay dahil din sa kaniyang pagkatao? Paano mahahanap ng isang nawawalang bilyonaryang ang daan pauwi sa mga totoong nagmamahal sa kaniya?
Lihat lebih banyakYzza'z POV
MALALAKAS at sunod-sunod na katok sa labas ng pintuan ng aking kuwarto ang nagpabalikwas sa akin ng bangon. Araw ng Sabado at gaya ng nakaugalian ng aming pamilya ay panahon na naman para pumunta sa bukid.
"Ano ba? Hindi ka ba gigising? Kanina pa ako katok ng katok at tawag sayo ng tawag dito a!" Dinig kong sigaw ni Inay Miriam mula sa labas. Mainit ang ulo nito ngayon ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi naman ganito madalas paggising niya sa akin. Paminsan-minsan lang naman na hindi na nakapagtataka.
"Opo, nandiyan na! Liligpitin ko lamang ang aking kamang tulugan." Magalang namang tugon ko para hindi na ito magalburuto pa sa labas.
"Bilis-bilisan mo diyan at mataas na ang araw. Baka abutin ka pa ng isang oras sa pagligpit mo diyan." muling hirit ni Inay. Hindi na ako sumagot pa at baka lalo lamang itong atakihin ng high blood nito. Kilala ko si Inay, the more na sinasagot-sagot, the more na maraming pinagsasabi.
Minadali ko na ang aking ang kilos. Narinig ko ang palabas na mahihinang yabag. Nakahinga na ako ng maluwag. Alam kong umalis na ang aking ina sa labasng kuwarto ko at kung hindi ako magkakamali ay nasa kusina na ito. Tiyak na nagliligpit na ito ng mga dadalhing gamit sa aming pagpunta sa bukid.
Sabado at Linggo ang schedule namin sa pagpunta sa bukid. Doon na kami kakain ng almusal gaya ng nakasanayan na. Magkakape lang kami saglit at sabay-sabay na kaming aalis. Gamit ang kalabaw na siya naming sasakyan, kailangang maaga pa kami makarating sa bukid. Kung hindi, masusunog na naman ang balat ko sa matinding sikat ng araw.
Ilang sandali pa ay patungo na ako sa kusina. Hindi nga ako nagkamali dahil doon ko nadatnan si Inay na bising-bisi sa ginagawa habang ako ay huminto muna sandali sa may pintuan ng aming kusina. Dahan-dahan akong humakbang palapit sa mesa na para bang ingat na ingat na makalikha ng anumang ingay na mapansin niya ang presensiya ko.Akala ko nga ay hindi niya napansin ang pagdating ko pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang magsalita.
"Magtimpla ka na ng kape mo at baka bigla na lamang tayong tawagin ng Itay mo. Ikaw din, aalis kang hindi man lang nainitan nag sikmura. May itinabi akong suman diyan. Ubusin mo na at baka mapanis lamang." Pahayag niya na hindi man lang ako nagawang sulyapan.
Hindi na ako umimik at nagtimpla na lamang ng aking kape. Hinanap ko ang sinasabi niyang suman sa ibabaw ng mesa. Hindi nga siya binigo ng kaniyang ina. Agad naman siyang natakam nang makita ang dalawang suman na mainit-init pa.
LAGING ganoon na ang ruta namin lalo na tuwing weekend. Nasanay na din ako sa ganitong buhay kaya kahit halos masunog na ang aking balat sa init ng araw ay naging natural na lamang sa akin. Kahit pa nga minsan sa school ay tinutukso nila akong bukid girl ay balewala na sa akin. Naging karaniwang panunukso na lang din ang lahat para sa akin.
Sa kasalukuyan ay fourth year high school na ako. Hindi naman kalayuan sa amin ang paaralan kaya nagtyatyaga na akong lumakad araw-araw. Tiis-tiis lang kahit walang baon. Hindi naman kasi importante ang baon para sa akin e. Ang mahalaga ay ang sipag at tiyaga kapag nag-aaral. At the end of the day kasi, hindi naman ako gutom kahit hindi ako nakapunta ng canteen para magsnacks.
Kahit pa sabihing minsan ay naiinggit ako sa aking mga kaklase kapag naiiwan ako sa aking upuan habang sila ay magkasama at masayang pumupunta sa canteen. Naging habit ko na lamang ang pumunta ng library at doon ay ibuhos ang vacant time ko para magbasa at matuto.
Minsan lang din ako nakakalabas ng bahay. Hindi din naman ako mahilig gumala e. Mas gusto ko pa ngang nasa bahay lang ako at walang iniintindi kundi ang mga household choirs. Halos nakulong na sa loob ng bahay namin ang aking beauty. Ni hindi ko nga napagaksayahang ayusin ang sarili. Sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang mga lipstick na sinasabi. Malay ko diyan sa mga foundation na 'yan. Tanging pulbo lang at baby cologne ang alam kong ilagay sa katawan ko.
Kung sa damit naman ay hindi din ako maarte. Kahit ano lang basta alam kong bagay naman sa akin at komportable akong suutin ay ayos na sa akin. Kung minsan nga ay napagkamalan pa nga akong nanay. Nakakatawa man ay hindi ko na lang pinansin.
Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ang nakikita ng tao o sasabihin nila tungkol sa akin. What I know is, as long as I happy and contented for what I have, who cares? Hindi din naman ako mamatay kung hindi maganda ang suot ko at kahit magmukha man akong manang or nanay di'ba?
PAGKATAPOS ng halos apat na oras sa umaga na pagtatrabaho ay masaya pa din kaming magkasamang magpapahinga sa lilim ng isang malaking puno ng mangga. Magtatanghali na kaya oras na naman para maghanda ng pananghalian.
Si Itay Samuel ang nag-aararo ng lupang pagtataniman namin ng mais at kamoteng baging. Ako naman at si Inay ang siyang naglilinis sa gilid ng taniman. Kami na din ang nagdidilig ng iba pang mga tanim naming gulay na minsan ay siya naming pinagkukunan ng aming ikabubuhay. Sa kakarampot naming kita kapag naipagbili na namin ni Inay ang mga inani naming gulay ay saka lamang kami makakabili ng mga gamit pangkusina at iba pang pangangailangan namin sa bahay.
Dahil Sabado noon, tiyak na ako na naman ang naglalako ng mga gulay. Matapos nga naming kumain ay pinauna na nila akong umuwi ng upang magtinda ng inani nilang gulay gaya ng upo, sitaw, ampalaya at okra. Hindi naman gaanong kadami ang dala ko kaya nakaya kong dalhin iyon pauwi.
"Pagkatapos mong maibenta ang lahat ay bumalik ka rito at magdidilig pa tayo mamayang alas singko." Paalala ni Inay sa akin bago ako umalis.
"Opo, Inay." Maikling tugon ko na lamang. Agad na akong lumakad upang mabilis kong maibenta ang aking mga panindang gulay.
__________
GANOONG uri ng buhay ang aking kinamulatan kaya nasanay na ako at no choice kundi harapin ang katotohanang nag-iisa lang akong anak ng mag-asawa na siyang nagsilbing parehong lalaki at babae sa mga ito. Halos lahat ng gawain ng isang lalaki ay nagawa ko na. Hindi ko na nga halos naranasan ang pagiging isang dalaga dahil sa masyado na akong busy sa lahat kong pagtulong sa aking mga magulang. Halos nakalimutan ko na nga ang mag-ayos at gumala gaya ng mga ginagawa ng mga kaklase ko.
Kunsabagay, may mga tao talagang masuwerteng ipinanganak na mayaman. Iyon bang kahit maghilata na lamang sa buong maghapon ay wala ng poproblemahin pa. Hindi kagaya ko na kung hindi magbilad sa araw at magpakahiya sa paglalako ng mga panindang gulay ay hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw.
Hindi naman ako nagsisisi o naiinggit sa mga ito. Ano din kung laki ako sa hirap? Mahal na mahal naman ako ng Itay Samuel at Inay Miriam ko. Ano din kung sunog sa araw ang aking balat? Ano kung nagbebenta ako ng mga panindang gulay? Marangal na trabaho naman iyon e.
Ang isa pang dapat kong ipagpasalamat ay dahil hindi naman iresponsable ang aking mga magulang. Palagi nila akong sinusupurtahan sa aking pag-aaral. Hindi din nila ako pinababayaan sa aking mga gastusin. Basta ang sabi lamang nila sa akin, kung magpapakabait lamang ako at maging masipag sa pagtulong sa kanila sa bukid, hindi nila ako bibiguin.
Ang nakakalungkot lang kasi ay hanggang hayskul lamang ang maipapangako nila sa akin. Hindi na daw nila kaya pang tustusan ang aking gastusin sa kolehiyo. Iyon din ang aking pinoproblema sa kasalukuyan.
Ngayon pa lamang ay iniisip ko na kung paano ako makakapagpatuloy sa aking pag-aaral sa kolehiyo. Gustong-gusto ko talaga makapagtapos para matulungan ko sila Inay at Itay. Gusto kong makapaggraduate at magkaroon ng magandang trabaho.
Pangarap kong maahon sa kahirapan ang aking mga magulang. Ayuko nang habang buhay silang magsasakripisyo para sa akin. Gusto kong makita sila na isang araw ay ako naman ang magsisilbi sa kanila. Gusto kong makita silang maging proud sa akin at maging karangalan nila sa gitna ng karamihan.
Ang kaso nga, hindi ko na alam kung paano ko mapagpatuloy ang aking pag-aaral. Sino naman kaya ang tutulong sa akin para maipagpatuloy ang aking pangarap?
LOID XAVIER’s POVMaghapon kaming nasa laot ni Rico kasama ang operator ng sinasakyan naming baruto at noon ay magtatakip-silim na. Hindi naman sa taghirap kami para umarkela lang ng isang baruto imbes na sumakay sa isang yacht or whatever kind of ship na may class naman at hindi kagaya nitong sinasakyan namin, na kung titingnan ay kunting hampas na lang ay may posibilidad na masira o tumaob.Gaya ng napagtripan namin, fishing is fun. Marami kaming nahuli at eksayted na akong iuwi iyon dahil gusto ko talagang magluto ng sariwang sinigang na bisugo at matambaka na nahuli namin. Habang naghahanda pauwi ay hindi ko makalimutan ang mga kaganapan kanina.Three hours earlier…..I just try some trip na mas ma-adventure like this na kulang na lang ay hampasin ng alon ang aming Bangka.. Alam kong hindi ako sanay sa ganitong uri ng buhay at trips, but I admit, I love what I am doing right now!Natatawa nga ako sa tuwing maalala ko ang reaksiyon kanina ni Rico while I kept insisting to him na di
THIRD PERSON’s POVNoon ay magtatakip-silim na. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag ng magpasya akong magpahinga kasama ang aking asawa. Nakaupo ako sa lilim ng isang malaki at mayabong na puno ng acasia, samantalang ang asawa ko naman ay kasalukuyang natutulog sa isang duyan na nakasabit ng kabilaan sa dalawang punong-kahoy na hindi naman kalakihan pero malayo naman sa posibilidad na bibitaw ang naturang duyan sa pagkakatali.Nakasandal ang aking ulo sa isang malaking puno gamit ang aking mga siko habang ang mga paa ay malayang nakabukaka sa ibabaw ng nilikha kong sahig na gawa sa kawayan. Buong tiyaga kong tinatanaw angmalawak na kapatagan na pagmamay-ari ni Don Samson Aguirre. Nakapuwesto sa bahaging kanluran ang kapatagan kaya naging napakagandang tanawin para sa akin ang lugar at puwesto na iyon tuwing sasapit ang alas-says ng gabi.Kahanga-hanga ang tanawin iyon para sa akin. Pagkatapos ng maghapong mapagod sa pagtatrabaho sa bukid at pag-aalaga ng mga pananim na siyang panguna
YZZA’s POVMATAGAL nang nakaalis ang dalawang lalaki pero nanatili akong nakatulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung napansin pa ni Xavier ang bahagyang pamumula ng pisngi ko kanina nang bigla akong magmulat ng mata matapos magising sa isang inaasahang halik mula sa lalaki.Hindi ko maintindihan ang sarili kanina. Gustong-gusto ko siyang iwasan pero bakit para akong natulos kanina sa kinatatayuan? Ang mas malala pa, ini-imagine ko na hinahalikan niya ako sa mga labi ko nang hindi ko man lang tinututulan!‘Ang gaga mo talaga, Yzza!’ Sermon ng sarili kong isipan. ‘Hindi ko alam kung anong nakain mo at nagawa mong pagpantasyahan ang anak ng amo mo. Ang mabuti pa ay maligo ka dahil….’Hindi ko na pinatapos sa panenermon ang aking isipan dahil bahagya ko nang hinila ang manggas ng suot kong blusa. Basa ng pawis ang ilang bahagi ng kasoutan ko. Naamoy ko na din ang aking sarili dahil sa lagkit ng pawis ko. Ang baho ko na nga!Oras na para maligo ako.Bumalik ako sa loob ng kuwarto ni D
YZZA’s POVMatapos kong kumain ay inutusan ako ni Don Samson na ayusin ang kaniyang kuwarto. Hindi naman ako nakatanggi dahil sa totoo lang, wala naman akong karapatang tumanggi. Paano ko ba matatanggihan ang isang utos sa isang Don?Napakapelingira ko naman kong ako pa ang may ganang tumanggi. Ang haba ng hair ko sa part na ‘yon.Idagdag pa na gusto kong maging busy. Ang anak kasi ni Don Samson. Simula ng kaganapan sa pool, parang lagi na akong sinusundan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang ipinahihiwatig ng mga tingin na iyon. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang iwasan.May iba akong nararamdaman sa klase ng kaniyang titig sa akin. Isang bagay na ayuko munang isipin. Basta ang kailangan ko lang gawin ay iwasan siya, hangga’t maari.Tagaktak na ang pawis ko ng mga oras na iyon. Matapos ko kasing walisan ang buong paligid ng kuwarto ay nilampasuhan ko na din. Yari sa tiles an gang kuwarto kaya sobrang kintab ng malampasuhan ko. Gamit ang Domex, nagmistulang salamin ang tiles. Ha
YZZA’s POV Maaga akong nagising kinaumagahan. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kaming maghiwalay ng landas ni Sir Loid Xavier sa pool, hindi na ako dinalaw ng antok. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil ba iyon sa kaba ng muntikan na akong malunod o dahil namamahay pa din ako? Hindi ko masabi kung alin sa dalawang iyon ang dahilan o may iba pang kahulugan. Simula kasi kagabi, hindi na makatkat sa isipan ko ang mukha ng binata. Ang mala-Papa P Pascual niyang masculine figure ay parang tintang nag-iwan ng mantsa sa isipan ko. Kahit anong pilit kong alisin siya sa isipan ko ay para siyang sardinas na pilit ipinagsiksikan sa isipan ko. Ang six-pack abs niya parin ang nakikita ko kahit nakapikit na ako. Ang mas hindi ko makalimutan ay ang iyong ano niya. Kahit nakasuot pa ito ng boxer kagabi, hindi pa din niyon naikubli ang tunay na sukat niyon. Idagdag pang basa na ang binata at dahil isang lalaki ay normal na nag-init ang pakiramdam. Ang isa pang hindi ko maalis sa isipa
YZZA’s POVNapaubo ako sa aking muling pagmulat ng aking mga mata. Kasabay din no’n ay paglabas ng maraming tubig na nainom ko siguro kanina ng malunod ako. Hindi naman ako sa marunong lumangoy, sadyang nagkapulikat lang ako. Dahil na din siguro sa currency ng tubig at dahil medyo malalim na, nawalan na ako ng balance at walang naisip na gawin kundi humingi ng tulong kahit pa sabihing alam kong walang makakarinig sa akin dahil lahat ay puro tulog na. Nagulat na lamang ako ng makita ang isang lalaking nakaluhod malapit sa akin.“Sino ka? Ano’ng ginagawa mo sa akin?”.Iwan ko ba kung bakit iyon ang naitanong ko kahit malinaw naman sa akin na ito ang tumulong para makaahon ako sa pool. Niyakap ang sarili na parang nakahubad kahit may suot pa akong panty at bra. Never pa kasing may nakakita sa akin na nakasuot ng ganito“Ganyan ka ba magpasalamat?” Tinawanan lamang ng lalaki ang tanong ko. “Sino ako? Ako lang naman itong sumagip sa iyo sa pagkakalunod mo sa pool.” Tumayo na nga ang lala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen