Share

Capitulo  Cinco- Kasunduan

             Nakailang ikot na ang kamay ng orasan ngunit hindi pa rin mapakali si Vahlia sa loob ng silid. Nagpapaikot-ikot sa buong kwarto, binubuksan-buksan ang mga aparador at mga kalsunsilyo tapos isasara na lang ulit. ‘Nakakabagot pala ‘pag ganito. Wala akong magawa!’ reklamo nito.

                Muli ay tinanaw niya ang malawak na lupaing nasasakupan ng pamilya Esperanza mula sa azotea. ‘Ano kaya kung magtatatakbo ako roon? Can that solve my boredom?’

               Dapit-hapon na rin at anumang oras ay lulubog na ang araw. Napadukmo na lamang si Vahlia sa kinauupuan niya nang mahinuhang hindi nga pala maganda tignan ang isang binibining nakasuot ng pulang palda at nagtatatakbo sa buong hacienda.

 “Ahhm, Victoria. Narito na pala si ama, kagagaling niya lamang sa Madrid. Nais ka raw niyang makausap.”

               Nilingon ni Vahlia ang pintong kabubukas ni Estrella. Tulad kanina ay napaka-aliwalas ang hitsura ng babae na siyang napuna ni Vahlia. ‘Nagkakamuta rin kaya ang taong ‘to? Tulo laway? Parang araw-araw eh maganda siya. Samantalang ako… nevermind na lang.’

 “Sige, ate.” Masunurin siyang tumayo at akmang lalapit na sana kay Estrella nang muli itong nagsalita. “Hindi ka maaaring lumabas suot ang iyong pantulog, Victoria. Magpalit ka muna ng iyong damit.”

                 Itinuro nito ang aparador sa silid na siya namang sinundan ng tingin ni Vahlia. ‘Ano bang pinagkaiba ng damit pantulog at panlabas?’ aniya sa kan’yang isipan habang naglalakad palapit ng aparador. Pagkabukas niya ay tumambad ang iba’t ibang kulay at disenyo ng mga traje de mestisa (Filipiniana) na maayos na nakasalansan sa aparador. Naroon din ang mga panuelo, camisa, saya at tapis.

                 Kunot-noó naman itong tinitigan ni Vahlia na animo’y hindi marunong magbihis. ‘Ano klaseng mga damit ‘to? Paano ko isusuot itong mga ‘to? Patong-patong ba? Ngunit anong mauuna?’ naguguluhang tanong niya sa kaniyang sarili.

 “Anong problema, Victoria?” Sulpot ni Estrella sa tabi niya na siyang kan’yang ikinagulat. “Ahh, pati ba naman pagsusuot ng damit mo’y nalimutan mo na rin?” pagbibiro ni Estrella na sinabayan pa ng mahinhing pagtawa.

 ‘Hindi ko nakalimutan! Talagang hindi ko naman kasi alam! Anong klaseng mga tela ba itong mga nandito? Sa baro’t saya lang kaya ako familiar!’  sagot niyang siya na lang muna ang makakarinig.

 “Ang tawag sa damit na ito ay camisa, isinusuot ito bilang ating pang-itaas.” Itinuro nito ang kumpol ng nakatuping damit. Kumuha naman ng isa si Vahlia at tinignan ang kaanyuan nito. Ang mga manggas ay hugis kampanilya (bell) medyo manipis din ang tela nito.

“Pañuelo naman ang tawag dito. Ginagamit upang takpan ang batok at ang pang-itaas na katawan dahil sa mababang leeg ng camisa.” Kinuha niya ang isang piraso ng kuwadradong na tela, manipis din ito at napapalamutian ng binurdang iba’t ibang disenyo. Ngunit karamihan ay disenyong bulaklakin na ikinangiwi ng dalaga.  “Karaniwang gawa ito sa parehong kasangkapan tulad ng camisa.”

            

                Nananatiling nakikinig naman sa kaniya si Vahlia, namamangha sa mga kaalamang ibinabahagi ni Estrella tungkol sa mga kasuotan. Marami pa nga siyang hindi nalalaman sa kasaysayan ng Pilipinas, kung sana lang ay nag-aral siyang mabuti lalo na sa history subject nila ay hindi na sana siya nagpapakahirap at nagiging ignorante sa mga ganitong bagay.

“Saya naman ang tawag sa isang ito, palda na hahapit sa ating baywang at laladlad hanggang sa sahig. Ginagamit upang takpan ang ibabang parte ng ating katawan. Batid kong naiintindihan mo na ang aking pinagsasabi rito, Victoria.”

                  

                Masunuring tumango si Vahlia at patuloy na sinundan ang kinikilalang nakatatandang kapatid nito na ngayo’y naglalakad palapit sa tukador kung saan nakapatong ang salamin. Binuksan nito ang kalsunsilyo (drawer) at tumambad ang iba’t ibang kumikinang na alahas at aksesorya. Ikinaluwa ito ng mata ni Vahlia, ‘Sa dinami-rami ng kinalkal at binuksan kong cabinet at drawer kanina, bakit hindi ko naisip ang isang ‘to?’

“Narito naman ang iyong mga palamuti sa buhok at mga alahas na rin. Nababatid mo naman na siguro ang gamit ng mga alahas at palamuting nakasalansan dito, Victoria. Oh siya, bababa na muna ako.”

“Oo, ate. Thanks.” Sagot ni Vahlia habang nakatitig pa rin sa mga alahas. Iniisip kung maaari niya ba itong dalhin sa oras na makabalik na siya sa sariling panahon.

“Ha? Anong teyngks?” kunot-noó namang napasulyap ulit si Estrella kay Vahlia.

“Ah, ano... Sabi ko salamat.”

“Kakaiba ang salitang iyong tinuran. Saan mo natutunan iyon?” Muli ay lumapit si Estrella kay Vahlia na ngayon ay nakatikom na ang bibig. ‘Why did I even let that word escape from my darn mouth? I should really refrain myself from talking? Haiist.’

“Sa ano… sa… boo-- ay este, libro! Oo, tama! Sa libro nga!” matagumpay na palusot ni Vahlia kay Estrella na mukhang kumagat naman sa kanyang kasinungalingan.

“Nga pala, nakaligtaan kong sabihin ang tungkol sa iyong kalagayan kay Ama. Ngunit huwag kang mangamba, mabait ang ating Ama at natitiyak kong kagigiliwan mo rin siya. Hihintayin ka namin sa antesala, aking Kapatid.” Tuluyan na ngang umalis si Estrella at iniwang nalilito pa rin si Vahlia sa panibagong salitang hindi niya mahinuha kung ano. ‘Antesala? Ano ‘yon? Nakakain ba ‘yon? Or, is it a place in this house?’

                Kibit balikat siyang humarap muli sa aparador na napupuno ng mga kasuotan at isa-isang hinablot ang mga damit na kakailanganin niya. Nagtungo siya sa isang munting silid, ang baño, at nagsimulang magbihis. Hindi naman siya nahirapan dahil madali namang isuot ang mga iyon lalo na at maraming tambak na perdible sa silid na iyon na siyang ipinagpasalamat ni Vahlia. ‘A little clip here, a small knot down there, pin at this side, ipit dito and… Voila! Nakasuot na ako ng prestihiyosong kasuotan ng mga sinaunang tao!’

                Pagkalabas ng baño ay dire-diretso na siyang naglakad patungo sa pintuan. Ngunit napatigil nang mapagtantong hindi pa pala niya alam ang pasikot-sikot sa buong bahay. ‘Ang sabi ni ate Estrella kanina, bababa siya. So basically, sa baba ang tinutukoy niyang antesala.’

              Tinahak niya ng daan pakaliwa at nadatnan ang isang enggrandeng hagdanan na siyang ikinalaki na naman ng kanyang mga mata. ‘Wooaahh, this thing exists in this era? Daig pa nito ‘yong hagdanan sa titanic ah.’

               Sa bawat paghakbang niya pababa ay lumaladlad ang pulang saya na tila isang prinsesang naglalakad pababa ng hagdan. Isinasabay niyang igala ang paningin sa bawat gamit at palamuting nakasabit sa dingding o di kaya’y nakapuwesto sa sulok.

             Escalera ang tawag sa hagdanang ito na siyang karaniwang makikita sa tahanan ng mga Espanyol at ilang mga Pilipinong may matataas na estado sa panahong ito.

Oh! Victoria! ¡Ahí tienes! Como esta mi mas querido hija mas joven (Oh! Victoria! Nariyan ka na pala!  Kumusta naman ang pinakamamahal kong bunsong anak?)” tanong mula sa isang panibagong tinig, ikinagulat ito ni Vahlia dahil sa sobrang lakas ngunit hindi pasigaw na tono. Aakalain mong yayanig ang buong kabahayan nang dahil doon.

“Ven aquí, Victoria. Tengo buenas noticias. (Halika dito, Victoria. May dala akong isang magandang balita.)”

 

               Nang lingunin ni Vahlia ang pinanggagalingan ng boses ay nakaharap niya ang isang balbas saradong lalaking tinatayang nasa cuarenta y años ang edad. Ngunit mahihinuha pa rin naman ang kaguwapuhang taglay nito. Matangkad na tao, matangos ang ilong at mababakas ang awtoridad sa kanyang tindig.

              

                 Nakasuot ito ng puting pang-itaas na pinatungan ng itim na abrigo (coat), itim din ang kanyang pantalon. ‘Uugod-ugod na ba ang tatay ni Victoria? Bakit may tungkod na siya?’ Tanong niya sa kanyang sarili nang mapansin ang tungkod na hawak ng matanda.

“¿Por qué sigues ahí parado, hija? No digas que estás atascado. (Bakit nananatili ka pa ring nakatayo riyan? Huwag mong sabihing ika'y nakadikit na riyan.)” pabirong puna ng matanda.

               ‘Ano bang sinasabi ni Itay? Nagjojoke ba siya? Tatawa na ba ako?’  Nakaawang naman ang bibig ni Vahlia habang pilit na nakikisabay sa halakhak nito. Kahit alam niyang tunog kambing na ang kanyang pilit na pagtawa ay ipinagpatuloy niya pa rin ito.

                Prente siyang naglakad papalapit sa matanda ngunit nang makalapit na ay biglaan siya nitong niyakap na siyang ikinagulat ni Vahlia. “M-Maligayang p-pagbabalik, Ama,” nauutal na bati nito. Mabuti na lamang at naisip niya ito upang hindi magduda ang kanyang Ama-amahan kung bakit kakaiba na siya kumilos. Mukhang hindi pa nasasabi ng kaniyang Ina-inahan at ni Estrella ang tungkol sa pagkalimot niya kuno sa sariling mundo.

“Aking nakausap ang compañero kong si Lorenzo, ipinapabatid niya ang pagbabalik ng kaniyang unico hijo mula sa ibang bansa.” Iginiya niya si Vahlia sa upuan kung saan nakaupo na rin sina señora Vivian at señorita Estrella. “At kalakip niyon ay isang magandang balita para sa ating pamilya! Lalo na sa iyo, Victoria!” nakangiting anas ng Don.

“Ano ba ang balitang iyong tinutukoy, Gonzalo?” tanong si señora Vivian.

“Ikakasal na ang ating bunsong anak, Vivian! Magiging kabiyak na siya ng isa sa mga Villamarquez.” Tuwang-tuwa ang Don sa kaniyang ibinalita at ganoon din ang señora na ngayo’y nakangiti nang nakatingin kay Vahlia.

“Talaga po? Ikakasal ka na pala, aking kapatid! Natutuwa ako para sa iyo.” Nakangiting hinarap ni Estrella ang kapatid nito.

                 Sa kabila ng katuwaan ng pamilya ay nananatiling nakatingin si Vahlia sa Ama-amahan. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang mayakap siya ng isang ama kahit na hindi niya tunay na tatay. Malayo sa totoong ama niya sa kasalukuyang panahon. Ngunit ang paghanga niyang iyon sa Don ay nawaglit nang sabihin nitong ipapakasal siya sa hindi niya kilalang lalaki.

                 Hindi na bago sa kaniya ang dahilan ng sapilitang pagpapakasal, dahil sa sariling panahon niya pa nga ay ito rin ang problemang kinaharap at tinakbuhan niya. Para sa negosyo at pagpapalawak ng estado. Para sa pagpapalakas ng koneksiyon at  kayamanan, kaya nilang ipalit ang kalayaan ng kanilang mga anak, ikukulong sa relasyong pilit at iiwang walang ibang pagpipilian.

“H-Hindi niyo po ba ako tatanungin kung pabor ba sa akin ang kasalang iyan?” wala sa sariling tanong ni Vahlia sa harapan nilang lahat.

                  Biglang tumahimik ang buong  sala sa tanong na kaniyang binitawan. Maya-maya pa’y lumapat ang isang kamay ni Estrella sa braso niyang prenteng nakapatong sa silyon. Umiling ang nakatatandang kapatid bilang senyales na wag na nitong ituloy pa kung ano man sasabihin niya.

                  Agad naman itong naintindihan ni Vahlia kung kaya’t isang buntonghininga na lamang ang kaniyang pinakawalan. Matamlay siyang tumayo, “Doon na muna po ako sa kuwarto,” mahinahong paalam niya na siya namang tinanguan ni señora Vivian.

                  Sa bawat paghakbang niya papalapit sa  pinto ng silid ay bumabalik ang parehong senaryo noong nasa sariling panahon niya pa lamang siya.

“Congratulations, Vahlia! You’re getting married!” sarkastikong bati ng isa sa mga pinsan niya nang makauwi siya ng kanilang bahay. Punong-puno ng mga kilalang mga abogado at mga kamag-anak nila ang buong bahay na siyang ipinagtaka ni Vahlia.

             Maya-maya pa’y sinalubong siya ng kaniyang ama at iginiya sa harapan ng lahat. “My daughter has arrived, ladies and gentlemen! And I proudly announce their upcoming prenup party!” Masigabong palakpakan ang namutawi sa madla habang gulat na gulat si Vahlia sa inanunsiyo ng kaniyang ama.

             Hindi makapaniwala sa narinig niya. Iniisip kung bakit. Ano ang dahilan ng agarang pagdedesisyon ng kanyang papa na dati naman ay ugali nitong sabihin ang bawat desisyon at problema nito pagdating sa negosyo at trabaho sa kanila.

            Nanatiling tahimik sa isang sulok si Vahlia habang mahinahong binabanatan ang limang bote ng alak sa kaniyang harapan. Hinihintay ang pagtatapos ng kasiyahang inorganisa ng mga magulang nito. Alas diez ng gabi na nang matapos at magsiuwian ang karamihan sa kanilang mga bisita.

            Una niyang tinanong ang kaniyang mama tungkol doon, “May problema po ba tayo, Ma? Bakit ganun na lang? Why all of a sudden, Papa was talking about my marriage? I know there’s a reason for this.”

“Anak, this is for your own good. We need to assure your future, and that is marrying Mr. Gimenez’s son.” Napaismid siya sa sinabing iyon ng kan’yang ina.

“Stop lying! You’re tying me up in this early age. If I’m not mistaken, this is because we’re having a problem! Either in business or just me being myself. Ayaw niyo sa ugali kong puro sa bar ang punta, right?” diretsang sagot nito sa kaniyang mama.

“Lower your voice, Vahlia. Ano ba? May mga kausap pa ang papa mo. Nakakahiya,” mahinahong puna naman ng kaniyang ina sa malakas na boses ng anak. Ngunit ipinagsawalang bahala naman ‘yon ni Vahlia na muli siyang sinumbatan.

“I don’t care! They’ll hear what I’ll say! Do you think this decision of yours will change me? Kapag ba pinakasal niyo ako sa kung sino-sino eh magiging matino ba ako? Heck, no!”

             Sa sinabing iyon ni Vahlia ay isang malutong na sampal ang sumagot sa kaniya galing sa mismong ina nito. “Bastos ka na ah! Hindi ka namin pinalaking ganiyan! You fix yourself, Vahlia! Let’s talk tomorrow, kapag nasa huwisyo ka na,” Tumalikod ang Ginang nang maamoy ang espirito ng alak sa sistema ng anak.

           Pasuray-suray na naglakad si Vahlia habang sinusundan ang ina nitong paakyat na ng hagdan.

“Ma, I’m not drunk. Matino akong nakikipag-usap.”

“No you’re not, naaamoy ko ang alak sa hininga mo. Lasing ka na.”

“No! I’m not! Answer me, Ma! Bakit ako? Bakit kailangang ako pa? Tahlia is there! She’s older than me. Why not her?” Patuloy na iniwasan siya ng mama niya hanggang sa makaabot sila sa huling hagdan.

“Vahlia, stop! Will you? Pag-uusapan natin ‘to bukas.”

“Bukas? Bakit hindi ngayon? Bakit kailangan bukas pa?”

“Matulog ka na.”

“But, Ma! Kailangan ko rin naman pong malaman ang dahilan! Bakit kailanga–”

“Because your father needs more support!” pasigaw na sagot na nito sa mapilit na anak.

“Support? What for?” naguguluhang tanong naman ni Vahlia.

“Tatakbong konsehal ang iyong papa at kakailanganin niya ng mas maraming koneksiyon.”

             Napaismid si Vahlia sa nakuhang sagot mula sa ina. “At ako ang gagamitin niyo? Wow! Just wow! Fantastic idea.”

“I’m sorry, Vahlia. May sakit sa puso ang nakatatanda mong kapatid at masyado pang bata si Kahlia para ipakasal. Ikaw na lang ang maaaring—’’

“No, ayoko. Ano pa mang dahilan, ayoko. Nang dahil lang sa kagustuhan ni papa, I’ll let my freedom be snatched away from me? Heck, no!”

*****

Sources: https://ph.asiatatler.com/life/rediscovering-bahay-na-bato-the-parts-of-a-stately-filipino-house-during-the-spanish-colonial-period

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status