Share

Chapter 110

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-05-29 23:04:47

Chapter 110

Margarita

Pinabindisyonan namin ang bahay, kami lang na pamilya at ang kamag-anak namin na taga dito ang ininvite.

"Father, 'wag mo kong basahin po!" biglang sigaw ni baby Hollis.

Nagulat pa kami sa biglaang niyang pagsigaw.

"Daddy, bad si Father, basa niya ako!" malakas na sambit ni baby Hollis sabay punas sa nawisikan na mukha.

Nagbibindisyon kasi si Father at nagwisik ng holy water sa paligid. Napahagikhik ang bunso kong kapatid, sabay karga kay baby Hollis.

Narinig kong ipinapaliwanag ni Marge ang pagbendisyon sa bahay. Matanong ang bata pero nasasagot naman ni Marge.

Pagkatapos ng bindisyon, agad lumapit si baby Hollis kay Father.

"Father, sori po ah, sisigaw ako kanina. Sana po hindi galit si Papa Jesus dahil inaway kita po," nakasalikop pa ang dalawang kamay nito na wari'y naghihingi ng tawad.

"Ayos lang iyon, hijo, naiintindihan ko. Nagulat ka sa pagsaboy ko ng holy water," sabay haplos sa ulo ng anak ko.

"Opo, gugulat po ako. Bati na po tayo?
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cynthia Fernandez
dpat lng tlga meron mkulong ..charot
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
🩷🩷🩷🩷🩷
goodnovel comment avatar
Amme Lytak
up dates pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 210

    Margarita First day of school ng mga anak namin at sobrang excited silang pumasok. Marunong na silang magsulat at magbasa. Nakaka-proud lang talaga na madali silang turuan. Kami ni Harrison at si baby Melly ang naghatid sa unang pasok ng kambal sa private day care center. Sa loob ng exclusive subdivision kung saan nakatira ang parents ni Harrison at mga grandparents. Malikot na rin ang baby Melly namin at gusto ring sumama sa Kuya at Ate niya sa school. Nag-iiyak pa nga siya. One week namin silang hatid-sundo bago kami mag-ibang bansa ni Harrison. Sila Mama na ang bahala sa mga bata, meron naman sila Lolo at Lola na kasama nilang magbantay sa mga anak namin. Kaya panatag ako na magiging malapit na rin sila sa mga apo nila. Panay bilin ng mga anak ko na mag-ingat kami. Okay lang daw na wala kaming pasalubong basta ligtas kaming makauwi. Ang sweet ng mga anak ko. "Mahal, pwede ko na bang simulan ulit 'yung restaurant natin?" tanong ko habang nasa loob na kami ng eroplano na naglal

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 209

    Margarita "Let's go, Mahal! Hindi nila deserve ang kabaitan mo. Wala pa rin silang pagbabago sa buhay. Masama pa rin ang ugali nila! Kapag ako'y nainis, ipapakulong ko rin yang Nanay ng pinsan mo! Masyadong bastos!" galit na sambit ni Harrison . Agad na naming nagpaalam sa guwardiya roon. Tumango lang naman ang guwardiya. "Akala ko pa naman ay nagbago na sila. Mas lumala pa pala sila ngayon. Never ko na silang aalalahanin pa. Kailan pa naging Mahal ang suot ko, eh sa ukay-ukay ko lang rin naman ito nabili. Tsee! Kahit kailan, inggitera silang mag-ina!" asar na sambit ko. "Regalo ko 'yan sa'yo, Mahal. Sa isang sikat na boutique ko pa 'yan nabili, huh!" pagtatama ni Harrison sa sinabi ko. "Huh?" Sabay tingin ko sa kasuutan ko. "Patingin 'yung tag name, kung may tag, ha," utos ko pa kay Harrison. "Ikaw talaga, Mahal, nakalimutan mo na ba?" reklamo nito, pero sinabi rin naman nito agad ang name ng brand. "Ay wow ha, kabisado mo?" kunwari'y gulat ako. Pinitik naman nito ang tainga

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 208

    Margarita Matapos naming magbakasyon sa ibang bansa, ay naisipan kong bumisita sa presinto. Sinamahan naman ako ni Harisson sa presinto. Ayaw niyang ako lang mag-isa ang dadalaw. Hindi ko alam kung ilang taon ang pataw na parusa sa kanila ni Tiffany. Pero wala na akong pakialam roon, ang mahalaga ay naparusahan na sila sa mga masama nilang nagawa sa pamilya ko. Lalo na sa akin na kamuntikan ko ng ikamatay at kay Harisson. They deserve it. Hindi pwedeng hindi sila makulong. Maganda na sana ang buhay nila kung hindi sila nagpalamon ng inggit at selos. Kaya ayon, naging masama na ang ugali. Gusto ko lang silang bisitahin. Hindi ko man sila agad mapatawad, pero hangad ko na sa araw ng paglaya nila ay magbagong buhay na sila. Hangad kong maging maganda pa rin ang buhay nila sa hinaharap. "Hindi kaya sila galit sa atin kapag dinalaw natin sila?" tanong ko. "Magagalit sila sigurado 'yan Mahal," sagot ni Harisson. "Wala naman masama kung bisitahin ko si Joyce. Sana paglabas nila, matut

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 207

    Margarita Hanggang ngayon, medyo nahihiya pa rin ako sa mensahe ko para sa mga magulang ni Harrison noong kasal naming dalawa. Lalo na sa Nanay nito. Nakita naman pala niyang present ang mga magulang sa kasal namin, di pa niya sinabi. Pero sabi niya, kasalanan ko raw dahil ayokong makinig at hindi ako paawat kahit pa kinakalabit na niya ako. Heto at pauwi na kami. Kasama ang mga magulang ko na uuwi ng Manila. Ayaw sana nila kasi nahihiya raw sila sa mga magulang ni Harrison. Pero sila Mama na ang pumilit na sumama sila. Si Lala naiwan na sa bahay. Dahil ang gusto ni Mama at Papa ay sila na muna ang mag-aalaga sa mga apo nila. Nasabi rin ni Lala sa akin na buntis siya. Hindi pa alam ni Marlon, ang sabi ni Lala, i-surprise raw niya ito. Napa-roll eyes ako. Sana ganu'n, ka-smooth lang ang dating kapag buntis. Ako kasi, madrama eh, kaya walang surprise-surprise na ganyan! Biniro ko pa ito na mas gusto nito sa kasing laki lang ng juicy hotdog kesa sa footlong na otën. May nanli

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 206

    Margarita/ Harrison Nandito nga talaga ang parents ni Harrison. Wala namang reaksyon si Harrison nang makita ang parents niya. Pero civil pa rin naman ito at binati pa rin ang parents niya. Awkward ang eksena kasi hindi ko napaghandaan ang pagyakap at pagbeso-beso ng Nanay ni Harrison sa akin. Ngayon ko lang rin napansin ang napakaganda kong suot na gown. Siguro binihisan nila ako habang mahimbing na natutulog dahil sa usok na naamoy ko. "Happy?" akbay sa akin ni Harrison. Humalik pa siya sa sentido ko. "Masaya naman, kaso hindi ko expected na ibeso ako ng Nanay mo. Ang awkward, Mahal. Sana ganyan na siya para sure na magkakasundo kami," sagot ko. "She will, I'm sure. Salamat sa taong bumago kay Mommy, kung sino man siya," tatango-tangong sabi ni Harrison. May kung anong saya ang nakikita ko sa mga mata niya. "Masaya ako para sayo dahil kahit papaano, medyo maayos na ang parents mo. Hindi na sila bida-bida at kontrabida. Hindi niya kakayanin ang pagiging kalog ko, baka biglang

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 205

    Margarita Nang magbibigay na kami ng mensahe sa isa't isa, nagkatitigan kaming dalawa at mukhang pareho pa kaming clueless at hindi alam ang wedding vow na mensahe namin sa isa't isa. Tukhim ako dahil gusto kong ako ang maunang magsalita. "Hello, hello mic test, mic test. Lahat ba nakikinig?" tanong ko nang hindi nakatingin sa pamilya namin at bisita. Nagkatawanan naman ang mga bisita namin. "Una sa lahat, kung sino man ang nag-prepare sa surprise wedding na ito, hindi ko sigurado kung matutuwa ako o maiiyak o kikiligin dahil kamuntik na akong kunin ni Lord," naghagikhikan at tawanan ang bisita namin. "Para sa mga biyenan ko, kung nandito man sila, sorry pero napipilitan po akong magpasalamat dahil binigay niyo na po ng buong-buo ang anak niyo sa akin. Kahit pakiramdam ko gusto niyo pa rin siyang bawiin sa akin. Oops, wala na pong bawian," sabi ko na medyo pabiro pa. Hindi na naman nila mapigilan na hindi matawa. "Ma, Pa, sana okay lang ang pagtawag ko sa inyo ng ganyan. Kahit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status