Share

Chapter 97

Author: Chelle
last update Huling Na-update: 2025-05-17 23:26:12

Chapter 97

Margarita

"Huwag ako ang tinatakot ninyo! Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang tatay ninyo! Mga inutil!" galit na sigaw ng matanda.

"Bilog ang mundo, baka 'yang sinasabi mo ay ikaw ang magtatamasa. Kahit sino pa ang tumulong sa'yo, gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na inosente ang kliyente ko! I warn you, kapag may nakita akong bakas na isa kang dahilan ng pagpapakulong sa tatay nila, ihanda mo na ang sarili mo at abogado mo dahil magtutuos tayo sa korte!" matapang at buo ang boses na sabi ni Harrison.

Pero ang nasa isip ko ay saan na tutuloy ang mga kapatid ko? Saan na sila maninirahan ngayon? Hindi naisalba ang bahay namin at late dumating ang mga bombero. Mga importanteng gamit namin ay nasunog rin. Lahat ay wala ng natira, pero ang mahalaga na lang ngayon ay ligtas ang mga kapatid ko.

Nagulat kami sa malakas na sigaw habang papalapit dito. Si Kuya at Ate na nagmamadaling lumapit sa bahay. "Marlon! Dolan! Marge!" malakas nitong tawag sa mga kapatid na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update....bukas ulit....
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 97

    Chapter 97 Margarita "Huwag ako ang tinatakot ninyo! Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang tatay ninyo! Mga inutil!" galit na sigaw ng matanda. "Bilog ang mundo, baka 'yang sinasabi mo ay ikaw ang magtatamasa. Kahit sino pa ang tumulong sa'yo, gagawin ko ang lahat mapatunayan lang na inosente ang kliyente ko! I warn you, kapag may nakita akong bakas na isa kang dahilan ng pagpapakulong sa tatay nila, ihanda mo na ang sarili mo at abogado mo dahil magtutuos tayo sa korte!" matapang at buo ang boses na sabi ni Harrison. Pero ang nasa isip ko ay saan na tutuloy ang mga kapatid ko? Saan na sila maninirahan ngayon? Hindi naisalba ang bahay namin at late dumating ang mga bombero. Mga importanteng gamit namin ay nasunog rin. Lahat ay wala ng natira, pero ang mahalaga na lang ngayon ay ligtas ang mga kapatid ko. Nagulat kami sa malakas na sigaw habang papalapit dito. Si Kuya at Ate na nagmamadaling lumapit sa bahay. "Marlon! Dolan! Marge!" malakas nitong tawag sa mga kapatid na

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 96

    Chapter 96 Harrison Habang pinapanood ko ang magkakapatid na nag-iiyakan, nakaramdam ako ng sakit sa dibdib. Para bang sinasaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko. Kumirot bigla. Bigla kong naalala ang kapatid kong na-depress dahil sa lalaking nanloko sa kanya. Nagpapagaling siya sa ibang bansa kasama ang mga magulang ko. Wala na yatang balak silang umuwi sa Pilipinas dahil mas gusto raw nila doon dahil tahimik at walang gulo. Ayos lang naman dahil may negosyo pa rin naman sila roon. At malakas ang kita ng hotel at mga restaurant nila. Nang nasa sasakyan kami, mas nahabag ako nang magkwento ang mga kapatid tungkol sa buhay nila noong wala ang Ate Marga nila. Parang gusto ko nang manuntok ng mga tao sa naririnig kong karanasan nila sa mga mapanghusga. "Don't worry, mahal, tutulungan ko ang pamilya mo. May bakanteng bahay pa naman sa taniman ng gulay sa dulo. Wala nang nakatira roon dahil umalis na ang mag-asawa." bulong ko. Dati, tatlong pamilya ang namamahala sa panan

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 95

    Chapter 95Margarita Bago kami umalis sa presinto, kinausap muna ni Harrison ang bantay na pulis sa kulungan. Na-touch ako nang marinig ko ang bilin niya sa pulis. Sana nga ligtas ang tatay ko sa loob ng kulungan. Dumaan na muna kami sa bahay bago kami magtungo sa ospital. Alam ko na magiging kumpulan na naman kami ng tsismis dahil nakasakay kami sa magarang sasakyan ni Harrison. "Kumusta ang pag-aaral ninyo?" pambabasag ko sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Ramdam ko na nahihiya sila kay Harrison. Halos ayaw nilang dumikit sa amin ni Harrison. Laging may distansya ang pagitan namin ng mga kapatid ko. Pumayat rin sila na parang napabayaan na rin nila ang mga sarili. Si kuya, nasaan kaya ito? tanong ko pa sa isip ko. "Ahm… A-Ate, h-hindi na po kami nag-aaral," mahinang sagot ni bunso. "Ano?!" malakas kong tanong. "Bakit?" "N-Na… Na-bubully po kasi ako sa paaralan. Nakakapagod na rin po kasi ang ginagawa nila sa akin. Baka mapatay ko pa ang sarili ko kapag nagtuloy pa ak

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 94

    Chapter 94 Margarita "Ate!" malakas na tawag sa akin ng bunso kong kapatid na si Marge. Tumakbo na ito palapit sa akin at mahigpit na niyakap. Umiiyak na ito kaya niyakap ko na rin ng mahigpit. Naging emosyonal na kaming dalawa. Ang dalawa ko pang kapatid ay yumakap na rin sa akin ng mahigpit. Nag-iyakan na kaming apat habang magkayakap. "Bakit ngayon ka lang nagpakita sa amin, Ate?" iyak na tanong ng sunod sa akin. Hindi ako nagsalita. Ramdam ko ang bigat ng saloobin nila. Kakaiba ang iyak nila na parang pasan nila ang mundo. Baka puro chismis na naman ang abot nila sa mga tao sa barangay namin dahil sa nangyari kay Tatay. "Si... Si Nanay nasa hospital, Ate. Isang linggo na siya roon. Hindi niya kinaya ang mga naririnig niyang chismis mula sa pamilya natin. Kahit hindi naman totoo, naaapektuhan pa rin kami," sumbong pa ng isa. Nanlumo at nahabag ako sa binalita ng kapatid ko. Kumusta na kaya ang buhay nila noong wala akong komunikasyon sa kanila? Nag-aaral pa ba sila?

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 93

    Chapter 93 Margarita Kinakabahan ako habang papalapit kami ni Harrison sa presinto. Maaga kaming umalis ng mansion kanina para hindi kami ma-traffic sa daan. "Relax, Mahal. I'm here, hindi kita pababayaan," sabi niya habang nahahawakan ang palad ko. Marahan pa niyang pinisil iyon. "Hindi ko maiwasan na kabahan, lalo na't ngayon lang ako magpapakita kay Tatay. Ngayon lang rin ako makakaapak ulit sa bayan namin," malungkot kong pahayag. "I understand. Just relax at ako na ang bahalang kumausap sa Tatay mo," sabi ni Harrison nang may pag-unawa. "Salamat," mahina kong sabi. Sa haba ng oras na nasa biyahe kami, panay tawag rin ng kambal. Marami silang tanong na pati kami ni Harrison ay hirap sagutin. Gaya nito. "Nanay, bakit green po ang mga dahon tapos iba kulay ng sanga nila? Tapos po kapag nahulog ang dahon at nalata, kakulay na ng kahoy?" nagtinginan kami ni Harrison sa tanong ni baby Hollis. "Patay na rin po ba ang kahoy kasi pareho silang kulay ng nahulog na dahon eh

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 92

    Chapter 92 Margarita Birthday Celebration of the Twins “Nanay, bakit po marami tao sa labas at may malaking silungan? Tapos, Nanay, bawal pasok sa loob daw. Gusto ko lang naman kikita ano gawa nila eh," nguso ni baby Hollis. "May party mamaya, baby ko. Makikita mo rin sa loob, like a surprise!" malakas kong sambit na ikinagulat ni baby Hollis, napatalon pa talaga ito sa gulat. Nakarinig naman kami ng halakhak at si baby Molly iyon, karga ni Harrison, na papasok sa loob ng kwarto. "Hello Nanay, hello Kuya Oli, kita ko dami pakain sa labas. May malaking baboy pa po, kulay brown at ang danda po, kinis po balat niya. Ayaw ni Daddy na hawak ko siya, mapanis daw po," daldal ni baby Molly. Sabay pa kaming natawa ni Harrison. "At kita ko pa, Nanay, may apple sa bunganga niya. Galing-galing po, hindi niya lunok 'yung apple. Pede ko po 'yun kainin mamaya po, ah Daddy?" Humawak pa talaga siya sa pisngi ng ama at nag-beautiful eyes pa. Napabungisngis ako dahil gano'n ako ka

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 91

    Chapter 91 Margarita "Pero pwede kayang wag na muna ngayon?" tanong ko. "Why?" "Ahm... pwede kayang wag na muna ang pagpunta natin sa presinto? Gusto ko na muna kasi na i-celebrate ang birthday ng kambal bago tayo umalis. Kahapon ko lang naalala na malapit na pala ang kaarawan nila. Wala bang nabanggit ang mga bata?" mahinahon kong tanong. "What? Kelan? Nang makapaghanda tayo," agad na tanong nito. Mukhang excited din dahil ito pala ang first birthday ng mga bata na kasama ang ama nila. "Sa Lunes na," sambit ko. "Balak ko na sasabihin na sa mga bata na ikaw ang totoo nilang ama sa birthday nila. Basta para sa mga anak ko, gagawin ko ang makakapagpasaya sa kanila. Dibaling hindi ako sasaya basta makita ko lang ang mga anak ko na puno ng kasiyahan sa mukha nila, ayos na ako," madamdamin kong sabi kay Harrison. Hinila niya ako at niyakap sa kanya. Isinandig ko ang ulo ko sa matipuno nitong dibdib. "Nandito ako para punuin ang pagkukulang ko sa inyo ng mga anak natin. I wil

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 90

    Chapter 90Margarita "Mahal, kailangan nating pumunta sa presinto kung saan nakakulong ang tatay mo," anunsyo sa akin ni Harrison nang makita na naman niya ako dito sa gilid ng pool. "Nakakagulat ka talagang lalaki ka! Hindi ka man lang mag-abiso, eh," hampas ko sa hita nitong umupo bigla sa harapan ko. "Ang lalim kasi ng iniisip mo, hindi mo na naman ako napansin na lumapit sa'yo. May problema ba? You can tell me?" masuyong sabi nito sa akin. Umiling lang ako. Ayoko naman sabihin na siya ang iniisip ko imbes na ang pamilya ko. Kung kumusta na sila sa bahay. Pakiramdam ko napakasama kong anak at kapatid. "Ayos lang ako. Huwag mo akong pansinin," sabi ko naman. "Paanong hindi pansin? Naglalakbay na naman sa malayo ang isip mo. Dahil ba sa ginawa ko o dahil ayaw mo na dito tumira? Sabihin mo lang para makahanap tayo ng bagong tirahan na walang magpapaalala sa'yo ng nakaraan mo dito. I understand, Marga." Mahinahon na sabi ni Harrison. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Chapter 89

    Chapter 89 Margarita "Marga," tawag sa akin ni Harrison. "Yes, sir!" sagot ko naman habang abala sa pagluluto ng request nilang sinangag para sa umagahan namin. Nagulat ako nang bigla niya akong siilin ng mapusok na halik sa labi. Mabuti na lang at wala akong kasama dito. Bago niya bitawan ang labi ko, kinagat pa niya ito nang bahagya."I told you to call me Aris if you are not comfortable calling me mahal," irita niyang sabi sa akin. "Tinawag mo akong Marga, kaya yes sir ang sagot ko! Katulong pa rin naman ako dito, di ba?" sagot ko. Tumalikod na ako nang makita kong mukhang pikon na naman. Malalim itong bumuntong-hininga. Napaigtad ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. Idinantay pa ang mukha sa balikat ko. Naalala ko, dati ganito rin siya maglambing kapag nagluluto ako. At heto na naman, alam kong naglalambing na naman siya at iniiwasang mainis at magalit ako sa kanya. "I miss you a lot, my Margarita, my crazy woman, my Mahal na matigas ang ulo. Stop calling me sir, kap

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status