NAGISING siya sa isang hindi kilalang kwarto na mayroong kakaibang desensyo. Hindi niya mawari kug kulambo o design ang nakikita niya sa itaas. Inilibot niya nag kaniyang paningin at doon ay nakita niya ang kabuuan ng kwarto at kulay gray and white ito. Ang kumot na nakatabing sa kaniya ay kulay brown. Mayroong malaking salamit sa may gilid at lames ana mayroong libro sa ibabaw. Mayroon pang isang cabinet na puro libro ang nakalagay na parang kay ganda sa kaniyang mata ngunit kailangan niya muna alamin kung nasaan siya. Sakto na pagupo niya ay ang pagpasok ng isang babae na nakasoot ng dress kahit na nasa bahay. “Mabuti naman at gising kana,” natatandaan niya ang bose nito at iyon ang boses ng babaeng mataray na may-ari ng kotse. Tama nga siya na may pagkamataray ang muka nito ngunit maganda. “Ako si Athena Devillian.” tanong nito sa kaniya habang ito ay naupo sa tabi niya at sinubuan siya ng dala nitong sopas. “Kumain ka, hindi magandang hindi makakain ang bata sa tiyan mo.” Nat
4 YEARS LATER “Alam mo ba kung ano ang status ni White Angel?” Bulong na sabi ng isang agent na nanonood kay Stella na nag sasanay sa gitna ng kanilang Gym. Halos lahat ng mga kasabayan nito na magsanay kanina ay umalis na dahil sa pagod ngunit ito ay tuloy tuloy parin. “Hindi mo ba alam? May anak na si White Angel pero hindi pa niya ipinapakita sa team.” Gulat na napatingin ang lalaki sa kausap nito “S-Seryoso?!” tumango ito sa kaniya ngunit napahinto sila ng marinig nila ang malakas na pagsuntok ng babae sa punching bag at napatingin dito. “N-Narinig niya ba tayo?” gulat na sabi ng nagtatanong na lalaki na ikinaatras din ng kasama niya dahil bigla nalamang lumingon ang babae sa kanila. “Hindi ko alam, umalis nalang tayo dito! Balita ko may kapangyarihan ‘yan!” agad na tumakbo palabas ang dalawa dahil sa takot sa dalaga. Si Stella naman na nakatingin sa mga ito ay napailing dahil doon. Gusto niyang matawa tungkol sa mga balitang kumakalat na mayroon siyang kapangyarihan gayo
PAGKARATING niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni Princess na ikinangiti niya ng malaki. “Mommy!” kapag kaharap niya si Princess ay nag-iibang tao siya ngunit kapag ibang tao ay para itong walang emosyon na halos hindi mo manlang mapapatawa kahit nakakatawa na. Minsan ay tinanong siya ng anak kung bakit siya ganoon makitungo sa ibang tao ngunit ang sinasagot niya lang upang hindi siya maloko ng mga ito. “Hello there my Princess,” niyakap siya ng bata hindi pa siya nakakapasok sa kanilang bahay. Si Princess ang nagsisilbing gamot niya sa tuwing nagkaroon siya ng mahirap na mission. Naalala niya noon na napuruhan siya kung kaya’t si Princess mismo ang nagbantay sa kaniya. Sa edad na apat na taon ay marunong na ang bata sa gawaing bahay at matatas na ang dila sa pakikipag-usap. Kapag ganoon naman na napuruhan siya o may sugat ay siya mismo ang nagpapagaling sa sarili, uuwi lang siya at itutulog ang sakit. Hindi siya nag te-take ng pain killer upang maramdaman niya ang sakit ng na
“O-OO, Stella. Maaari mo bang pagbigyan ang aking hiling?” sandali na natigilan si Stella dahil sa sinabing iyon ni Athena kung kaya’t maging ang kaniyang luha ay tumigil sa pagtulo. Naisip niya ang hinihingi nito, hindi biro ang pagpapakasal lalo na kung buhay na niya ang nakasalalay doon. Nagkaroon na siya ng napakahirap na mission ngunit kahit maaari siyang mapahamak ay agad siyang umo-o dahil alam niya na kaya niya. Ngunit ang pagpapakasal? “M-Ma’am Athena m-mahirap po—” hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil agad siya nitong pinutol. “Stella please?” tuluyan ng hindi tumulo ang kaniyang luha kung kaya’t napahiwalay siya mula sa pagkakayakap dito at sumeryso. “Sige po, nasaan po ba ang anak niyo para makausap ko siya?” napangiti ng malaki si Athena dahil sa sinabing iyon ni Stella at sinubukan na maupo mula sa kaniyang pagkakahiga kaya naging maagap siya’t tinulungan ito. “A-Ang pangalan niya ay Ace, nag tatrabaho siya sa A.A Company.” Sabi nito ng makaupo na siyang
“A-ALAS,” Hindi makapaniwala niyang tawag dito at napatayo sa kaniyang kinauupuan. “I prefer Ace now Ms. Montecarlos.” Napakurap siya dahil sa sinabi nito ngunit hindi siya madadaan sa mga ganoong bagay kung kaya’t agad siyang lumakad papunta dito at niyakap ito ng mahigpit. Natigilan si Ace dahil sa ginawang iyon ni Stella at hindi maintindihan ang sarili kung bakit bumibilis nag tibok ng kaniyang puso gayong ilang taon na siyang naka move-on sa nangyari sa kanila ni Stella. Sa loob ng apat na taon na iyon ay ginawa niyang ang lahat upang magpalakas at magpayaman upang kapag dumating ang tamang panahon ay babalik siya sa mga Del Rosario para ito ang pahirapan. “A-Alas a-ang tagal kitang hinanap,” mahinang sabi ni Stella at nararamdaman na niya ang mainit na luha sa kaniyang mga mata ngunit nagulat siya ng bigla siyang ilayo ng lalaki mula sa kanilang pagkakayakap at tinignan siya ng masama. “Stella, we’re done. Wala na dapat tayong pag-usapan, kung ano ‘man ang nakalipas apat na
NAKAUPO at tila walang pakialam sa ibang tao si Stella habang kumakain ng kaniyang inorder na stake sa isang class A restaurant na pinaggaganapan ng meeting ni Ace sa isang mayamang kanegosyo nito. Kada susubo siya ng kaniyang pagkain ay tumitingin siya sa gitna kung saan andoon si Ace at ang kasama nito. Wala na ang secretary anito na mas okay sa kaniya dahil naiinis lang siya dito. Nakasoot siya ng isang formal dress na hanggang tuhod niya at naglagay din siya ng light make-up sa kaniyang muka upang hindi siya mahalata ng mga staff na mayroon siyang sinusundan na ibang tao. At isa pa ay papalubog na ang araw at gusto na niyang makausap ito at maipaliwanag ang lahat lalo na at nag-iisa ang kaniyang anak sa kanilang bahay. Kinuha niya ang isang baso ng wine na nasa tabi niya at ininom iyon habang nakatitig kay Ace na nagsasalita. Nagulat siya ng bigla nitong inilibot ang mata na tila nararamdaman nito na nakatingin siya kaya agad siyang nagkalikot sa bag na tila mayroong hinahanap
PAGKAUWI ni Stella sa kanilang bahay ay katulad ng nangyayari sa pang araw-araw ay agad siyang sinalubong ng kaniyang anak. “Mommy!” sinuklian niya ng mahigpit na yakap ang yakap ng kaniyang anak. “Mommy, I miss you po! Akala ko po ba saglit lang kayo? Pinag-alala niyo po ako.” Napangiti siya dahil sa sinabi ng anak at humiwalay sa pagkakayakap nilang dalawa. “I’m sorry Princess, masyadong naging busy si mommy sa nakausap ko. Kumain kana ba?” umiling ito sa kaniya. “Okay, order nalang ako ng food tapos punta tayo kay lola mo gusto mo ba ‘yun?” sunod-sunod na tumango ang anak niya sa kaniya kaya napangiti siya at tumayo. Kailangan niya talagang makausap si Athena dahil marami itong bagay na kailangang ipaliwanag sa kaniya. Nagpahinga lang siya sandali at pasado eight na ng gabi ng lumabas sila at dumaan sa drive thru upang bumimili ng pagkain ng anak. Pagkatapos ay sabi nito na sa kwarto nalang ng kaniyang lola siya kakain kung kaya’t pumayag na siya at pagkarating nila sa ospital a
“SINO ka?” Malamig na sabi ni Stella ng makababa siya mula sa kaniyang kotse. Nakita niya kasi na mayroong babaeng nasa labas ng kanilang bahay ay nakatingin sa loob ng gate na tila tinitignan kung mayroong tao doon. Mag a-alas dose na sila nakauwi ng kaniyang anak dahil inintay muna nila na makatulog si Athena bago umalis. Hindi sila pwedeng magtagal sa silid ni Athena dahil ayaw niya na makita ng anak ang matanda kapag inaatake itong sakit nito. Napataas naman ang kamay ng babaeng nakasoot ng isang fitted dress na black dress. Unti-unti itong humarap sa kaniya at napakunot ang noo niya ng makilala ito. “Crazy Queen,” mahina ngunit mmay diin niyang sabi ng makilala niya ang babae at binigyan siya nito ng malaking ngiti. “Hi Stella! Ang pangalan ko ay Ava Dela Cruz, 23 years old I know kilala mo ako sa ibang pangalan but I already know you! Kung tinatanong mo at saan kita nakilala, nakita kila sa class A restaurant at nakita ko kung paano mo siya habulin magmakawa, makipagtalo, a