LOGINWalang magagawa si Stella kundi ang sumunod sa huling hiling ng kumupkop sa kaniya at tumayong ina na pakasalan ang kaisa-isa nitong anak. Mayroon itong malubhang sakit at may taning na ang buhay ngunit ang hindi niya inaasahan na ang lalaking anak nito—si Ace Alcantara—ang ama ng kaniyang anak. Apat na taon na ‘rin ang nakakaraan mag-mula ng magkita ang dalawa. Magagawa ba nilang lutasin ang problema sa nakaraan ng magkasama o hahayaan nila na lamunin sila ng nakaraan at tuluyan nang magkalayo?
View More“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore