Share

Chapter 17: Humaniods

Ezra's POV

Matapos nang pag-uusap na 'yon ay wala ng kumibo sa aming dalawa ni Nexus. Nakarating naman kami ng maayos at tulad ng sinabi n'ya ay makakababa lang ako kapag naunahan ko s'ya, pero sa huli ay s'ya padin ang nagbukas ng pinto ng kotse n'ya.

Wala sila sa hide out ngayon, kasalukuyan silang nandito sa secret property ni Tito Pabio kung saan s'ya gumagawa ng mga panibagong imbensyon.

Nadatnan naman namin silang kumakain ng pancake?

"Oh? Buti dumating na kayo!" komento ni Tito nang makita kami.

Naupo ako sa isang sofa at ganoon din si Nexus.

"Anong meron?" Tanong ko nang makitang nakasuot ng apron ang apat na baliw.

Ngumisi naman sila sa akin na para bang hudyat na may hindi sila gagawing maganda, knowing them parang mga takas sa mental.

"Well, may cooking contest na magaganap, Ezra! At lima kaming contestant!" Masayang sabi ni Drake at proud na proud pang iwinagayway ang kulay pink na whisk na usong-uso lang naman ngayon dahil kahit si mommy ay meron n'yan sa bahay.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status