تسجيل الدخولKinabukasan, matapos ang shareholders' party, tahimik ang buong mansion ng mga Gagmaitan. Maaga pa lang ay nasa study room na si Samuel. Nakatayo siya sa harap ng malalaking bintana habang hawak ang tasa ng kape. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi.
Hindi niya pinagsisisihan ang pagtatanggol sa kanyang asawa. Malinaw sa kanya na kung kailangan niyang makipagtalo sa buong pamilya niya para protektahan si Angel, gagawin niya. Ngunit alam niyang hindi doon matatapos ang lahat. Alam niyang dahil sa nangyari ay pwedeng may mga mangyari sa mga susunod na araw na hindi niya magugustuhan. Bandang alas-diyes ng umaga, biglang tumunog ang doorbell ng mansion. Makalipas ang ilang segundo, narinig ni Samuel ang boses ng kasambahay mula sa hallway. "Sir Samuel, nandito po ang Madam. Hinahanap niya po kayo.” Agad na napakunot ang kanyang noo. "Si Mom?" Hindi na siya naghintay pa. Mabilis na bumaba si Samuel. Sa living room ay nakita niya ang kanyang ina, si Helena, na nakaupo sa sofa. Eleganteng gaya ng dati ang babae. Naka-designer dress ito at may dalang handbag na halatang mamahalin. "Good morning, Mom." Bati ni Samuel pero hindi man lamang ngumiti si Helena. "Sit down." Alam agad ni Samuel na hindi simpleng pagbisita ang pakay nito. Umupo siya sa tapat ng kanyang ina. "May problema ba?" Tanong niya, kahit may konting hint na siya kung anong problema ni Helena. "May problema, Samuel." Seryosong sabi nito. "About last night?" Tumango si Helena. Kitang-kita ni Samuel ang inis sa mukha ng kanyang ina kahit na wala pa itong sinasabi. "Your sister called me." Napabuntong-hininga si Samuel. "Mom, kung tungkol kay Veatrix—" "Your sister was only concerned,” pagtuloy niya sa sinasabi ni Samuel. "Concerned?" "Yes." Napailing si Samuel. Hindi siya makapaniwala na kakampihan nito ang kanyang kapatid. "She embarrassed my wife,” pagtatanggol ni Samuel sa kanyang sarili at sa kanyang asawa. "She just asked a question." Paglilinaw ni Helena. "She went too far, Mom. Hindi ko naman siya hahayaan na kung anu-ano ang sabihin niya sa asawa ko." "Because she was telling the truth." Natigilan si Samuel.Hindi niya inaasahang ganoon agad kakampi ang kanyang ina kay Veatrix. "Mom, you know Angel's condition. Right?” "Of course I know." "Then you should understand why what Veatrix said was wrong." Bahagyang umayos ng upo si Helena. "Samuel, you are my son. I love you. That's exactly why I'm talking to you." Pagpilit pa ni Helena, hindi talaga ito nakikinig sa kanyang anak. "Ano pong gusto mong sabihin?" "Your father built this family." Napatingin siya sa kanyang ina. "He built this company from nothing,” pagpapatuloy ni Helena. "Do you know what happens if you don't have an heir?"Tahimik si Samuel, hindi alam ang sasabihin, ayaw niya namang mabastos ang kanyang ina kahit ganito na ang sinasabi nito. "Eventually, the company will be divided." "That's not happening,” pagtatanggol pa rin ni Samuel. "You don't know that." "Mom, I'm not discussing business right now. This is about my wife and I'll side with her.” "But business is exactly what we're discussing." Tumayo si Helena at lumapit sa kanya. "Veatrix was thinking about the future. She was thinking about herself. She was thinking about our family. Hindi mo ba nakikita iyon?” Napailing si Samuel. "You're taking her side." "I'm not taking sides, anak. I'm just stating the truth.” "You are." "Because someone has to be realistic." Napahigpit ang hawak ni Samuel sa kanyang tasa. "Angel is my wife." "And Veatrix is your sister." "Exactly. So why couldn't she respect Angel? Iyon lang naman ang hinihingi ko.” "Because Angel needs to understand her responsibility. Naiintindihan mo ba iyon?” Napatingin si Samuel sa ina. "What responsibility?" "To give you a child." Mabilis na namang napailing si Samuel. "She can't. Alam niyo naman ang tungkol doon.” "Then find a solution, anak. Marami naman dyan, hindi ba? Matalino ka, mag-isip ka.” Ramdam na ang inis sa boses ni Helena. "There's no solution, Mom. Kung bibigyan kami, bibigyan kami ng anak.” "Adoption or maybe surrogacy. Papayag naman siguro si Angel dyan.” Nanatiling tahimik si Samuel. "Or.. file an annulment." Napatayo na si Samuel noon, hindi na niya kaya ang sinasabi ng kanyang ina. "Mom! No! I will never do that!” Sigaw niya. Wala na siyang pakialam noon kung anong maging reaksyon ng kanyang ina. "Huwag kang sumigaw sa akin.” "How can you even suggest that? Alam niyo pong mahal na mahal ko si Angel. I won't do that.” "Simple lang. It's because I'm your mother." Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Samuel ang galit. "Angel is not some contract that I can terminate because she can't give me a child!" Mula sa hallway, narinig ni Angel ang boses ng kanyang asawa. Kanina pa siya nakatayo roon. Hindi niya sinasadyang marinig ang pag-uusap ng mag-ina. Aaminin niya ang bawat salita ay tila unti-unting sumasaksak sa kanyang puso. "Hindi mo ba naiintindihan, Samuel?" patuloy ni Helena. "You have a family name to protect." "And I have a wife to protect. She is my family after naming magpakasal, baka nakakalimutan niyo po iyon.” "Your wife is the reason you're being questioned by the board!" "Enough!" Sigaw na naman ni Samuel. Tumalikod si Helena at kinuha ang kanyang handbag."You're making a mistake." "If loving my wife is a mistake, then I'll make that mistake for the rest of my life." Napatigil si Helena. Ilang segundo itong nakatingin sa anak bago malamig na ngumiti. "Let's see how long you can keep saying that." Pagkatapos ay lumakad na ito patungo sa p***o. Ngunit bago tuluyang lumabas, nagsalita pa ito. "And please tell Angel to stop being so sensitive. Hindi maganda sa kanya ang ganoon.” Nang tuluyang magsara ang p***o, naiwan si Samuel sa sala. Huminga siya nang malalim. Paglingon niya ay nakita niya si Angel. "Love." Hindi gumalaw si Angel. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata. "Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ni Mom?” Tumango siya. "Everything." Lumapit agad si Samuel sa kanya. "Don't listen to my mom." "Pero, tama siya." Hinawakan ni Samuel ang kamay ng asawa. "Walang kahit ano sa sinabi nila ang magbabago sa desisyon ko. Hindi kita iiwan dahil lang hindi mo ko mabigyan ng anak.” Ngunit kahit anong sabihin ni Samuel, hindi na maalis sa isip ni Angel ang mga narinig niya. Sa unang pagkakataon, nagsimula siyang maniwala na baka tama ang lahat ng sinasabi ni Veatrix at Helena. Baka hindi nga sapat ang pagmamahalan lang nila. Baka dumating talaga ang araw na mapagod si Samuel sa kanya. Pero, bago pa man dumating ang araw na iyon, siya na mismo ang kusang lalayo sa kanyang asawa.Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo
Maagang nagising si Angel kinabukasan.Hindi dahil may kailangan siyang puntahan kundi dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago niya naalala kung nasaan siya. Nasa Tagaytay nga pala siya. Katabi niya si Samuel noon. Mahimbing pa itong natutulog. Nakatalikod sa kanya at bahagyang nakayakap sa unan. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan, nakita niya itong walang iniisip na meeting, walang hawak na cellphone, at walang problemang kailangang lutasin. Tahimik na napangiti si Angel. “This lovely man is mine. Only mine.” Maingat siyang bumangon upang hindi ito magising. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa kama, biglang humawak si Samuel sa kanyang kamay. "Saan ka pupunta, Mrs. Gagmaitan?" Napalingon siya. "Akala ko, tulog ka pa." "Nagising ako nung bumangon ka. Also, narinig ko rin kung anong sinabi mo. Syempre, sayo lang ako." Pagkatapos noon ay kumindat si Samuel sa k
Ilang araw matapos ang pagtatalo nila, hindi pa rin lubusang bumabalik sa dati ang samahan nina Samuel at Angel.Hindi na sila nag-aaway pero may natitirang katahimikan sa pagitan nila, isang katahimikang pareho nilang alam na kailangang ayusin bago tuluyang lumalim ang distansya.Napapansin iyon ni Samuel. Kaya isang Biyernes ng hapon, maaga siyang umalis sa opisina. Pagdating niya sa mansion, nadatnan niya si Angel sa sala, tahimik na nagbabasa ng libro."Love." Napatingin si Angel."You're home early, huh.""Yes." Ngumiti si Samuel pagkatapos noon."May nangyari ba?"Umiling si Samuel. "Wala."Lumapit siya at umupo sa tabi nito. "Pack some clothes."Napakunot-noo si Angel. "Why?""Magbabakasyon tayo.""Ha?""Just for the weekend. Somewhere kung saan tayo makakapag-relax. Okay iyon, di ba?”Napatawa nang mahina si Angel. "Sam, may trabaho ka. Paano naman mangyayari na pwede tayong umalis?"“I cancelled it, for you. For us.” Sabay ngiti ni Samuel."Ikaw ang CEO. Hindi pwedeng bigla k
Pagdating ni Samuel sa kanilang mansion, agad niyang napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay.Walang kasambahay na naglilibot sa sala. Wala ring tunog mula sa kusina. Higit sa lahat, wala si Angel na karaniwang sumasalubong sa kanya kahit hindi ito palaging masaya.Ibinigay niya ang coat sa kasambahay at mabilis na umakyat sa kanilang kwarto.Nandoon si Angel. Nakaupo ito sa gilid ng kama, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana."Angel."Hindi ito sumagot.Lumapit si Samuel, nag-aalala sa kanyang asawa. Alam niyang galit ito."Love, I'm sorry.""Alam ko iyan ang una mong gagawin pag-uwi mo rito sa bahay." Napakunot-noo siya."Then let's talk."Dahan-dahang tumingin sa kanya si Angel."May kailangan pa ba tayong pag-usapan?""Of course." Ngumiti nang mapait si Samuel noon."Sinabi mo na kung nasaan ka. Tapos na ang usapan. Di ba?”"Because that's the truth. Promise, iyon talaga ang totoo.”"Dapat maniwala na lang ako? Na hindi ko na kailangan mag-isip dahil sinabi mo na
Tahimik na ang buong bahay ni Catherine nang tuluyang makatulog si Samuel.Pagod na pagod siya matapos ang maghapong meetings at ilang oras na pagkakababad sa matinding traffic dahil sa ulan. Sa guest room, mahimbing siyang nakahiga, habang ang cellphone niya ay nakapatong sa bedside table.Hindi niya namalayang ilang beses nang nagliwanag ang screen nito.Angel calling…Walang sumagot dahil sobrang himbing na talaga ng tulog ni Samuel noong mga oras na iyon.Sa kanilang mansion, hindi mapakali si Angel.Alas-dose na ng madaling-araw, ngunit gising pa rin siya.Muli niyang tiningnan ang cellphone. Wala pa ring message mula kay Samuel. Napabuntong-hininga siya. "Nasaan ka ba, Sam?"Hindi niya maiwasang kabahan. Hindi naman kasi ganito si Samuel noon. Dati, kahit gaano ito ka-busy, palagi itong nagbibigay ng update sa kanya. Kahit simpleng I'm okay lang.Ngunit ngayong gabi, wala kahit anong update. Muli niyang tinawagan ang asawa. Tumunog iyon nang ilang beses. Wala pa ring sumagot sa
Ilang araw matapos ang pagkikita nina Angel at Catherine sa restaurant, lalo pang naging abala si Samuel sa trabaho.Bilang CEO ng Gagmaitan Holdings, hindi na bago sa kanya ang sunod-sunod na meetings. Ngunit ngayong nakikipag-partner ang kumpanya nila sa mga Solis, halos araw-araw niyang nakakasama si Catherine.Iyon ang paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili. Iyon din ang sinabi niya kay Angel.Isang hapon, matapos ang mahaba nilang meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executive sa conference room. Naiwan sina Samuel at Catherine upang pag-usapan ang ilang detalye ng kanilang bagong project.Sa labas ng glass windows ay unti-unting dumilim ang kalangitan. Maya-maya, malakas na kumulog. Napatingin si Catherine sa bintana."Grabe. Mukhang uulan nang malakas."Hindi na sumagot si Samuel. Patuloy lang niyang binabasa ang dokumentong nasa harapan niya.Ilang segundo pa ay biglang bumuhos ang ulan. Halos matakpan ng tunog nito ang ingay ng air-conditioning sa loob ng conference room







