Home / Romance / Angel's Angelic Face / The Question You Never Want To Hear

Share

The Question You Never Want To Hear

last update publish date: 2026-08-07 08:09:28

Maliwanag ang buong grand ballroom ng Imperial Grand Hotel.

Nakasabit ang naglalakihang crystal chandeliers sa kisame habang dahan-dahang tumutugtog ang isang string quartet sa gitna ng venue. 

Isa-isang dumarating ang mga pinakamalalaking investors, business partners, at shareholders ng Gagmaitan Holdings Corporation.

Bilang CEO ng kumpanya, si Samuel ang star of the night. Nakatayo siya sa gitna ng mga negosyanteng kausap niya, suot ang isang mamahaling black tuxedo na lalong nagbigay ng awtoridad sa kanyang tindig.

Sa kanyang tabi ay si Angel. Suot nito ang isang eleganteng champagne-colored gown na simple ngunit napakaganda. Maraming napapalingon sa kanya dahil sa natural nitong kagandahan.

Ilang na ilang si Angel dahil hindi pa rin talaga siya sanay sa mga ganitong gathering. Kahit ilang taon na silang mag-asawa ay wala pa rin siyang masyadong kilala sa mga events na pinupuntahan nila.

"Mrs. Gagmaitan, you look stunning tonight," papuri ng isa sa mga investors. Ngumiti si Angel.

"Thank you."

Bahagyang hinawakan ni Samuel ang bewang ng kanyang asawa."I told you everyone's going to compliment you."

Mahina lang ang naging ngiti ni Angel.

"I still don't like crowded parties. You know that."

"I know. Pero ilang oras lang tayo rito. Promise.” Tumango siya.

Ginawa niya ang lahat upang maging maayos ang gabing iyon. Ayaw niyang maging pabigat kay Samuel sa isang mahalagang event sa buhay nito.

Makalipas ang ilang minuto ay lumapit ang isang babaeng nasa early thirties.

Matangkad ito, elegante ang pananamit, at halatang galing din sa mayamang pamilya.

"Kuya Sam!" Napalingon si Samuel.

"Veatrix.”

Ngumiti ang babae at niyakap ang kanyang kuya bago bumaling kay Angel. "Hi, Ate Angel."

"Hello, Vea." Ngumiti si Angel ng pilit.

Bagama't magalang ang bati nila sa isa't isa, hindi maikakailang may ilang sa pagitan ng dalawa. Matagal nang hindi magkasundo sina Angel at Veatrix.

Hindi dahil may personal silang alitan kundi dahil palaging may nasasabing hindi maganda ang kapatid ni Samuel sa kanya.

"Kumusta na kayo?" tanong ni Veatrix.

"Ayos naman," sagot ni Samuel.

Napatingin si Veatrix sa tiyan ni Angel bago ngumiti."So..."Humigop muna ito ng wine.

"Any good news?"Napakunot-noo si Angel.

"About what?" Pagtataka ni Samuel.

"About the baby, of course. I mean, wala pa rin ba?” Natahimik silang tatlo. Ngumiti lang si Samuel.

"Wala pa."

"Oh." Tumango si Veatrix at ngumiti kunwari.

"I thought meron na. Ilang taon na rin kasi kayong kasal, you know.” Nanigas ang ngiti ni Angel. Samuel gently squeezed her hand.

"Wala pa talaga,” sagot ulit ni Samuel, medyo irritable na siya.

"Nagpapatingin ba kayo para malaman kung magkaka-baby kayo?" Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Samuel.

"Vea… Will you stop asking?”

"What? I'm just asking. Hindi naman masama iyon, ah. I mean, matagal na ring naghihintay ng apo sina Mommy and Daddy sa inyo.”

Tumingin si Veatrix kay Angel.

"Baka kailangan n'yo nang humanap ng mas magaling na doctor kung nagpatingin na kayo pero wala pa rin kayong baby."

Mahigpit na napahawak si Angel sa hawak niyang wine glass."Nagpapagamot naman kami. We are trying our best, Vea.”

"Really?" Napataas ang kilay ni Veatrix. Hindi naniniwala sa kung ano mang sabihin ni Angel.

"Kasi alam mo naman ang board." Napatingin si Samuel.

"What about them?" Tanong ni Samuel sa kapatid.

"They've been talking."

"Talking about what?" Nalilitong tanong ni Samuel.

"They're worried."

"Why?"

"Wala kasing magiging heir ang Gagmaitan Holdings kung hindi kayo magkakaroon ng baby.” Bahagyang namutla si Angel.

"Vea, enough." Pero tila hindi narinig ni Veatrix ang sinabi ng kanyang kuya.

"Kuya, practical lang tayo dapat Ilang bilyon ang kumpanya natin, kailangan may susunod na magmamana nito, at kung hindi si Ate Angel ang makakapagbigay noon, baka ibang tao na.”

"Veatrix." Mas malamig na ang boses ni Samuel.

"Wala lang, baka kailangan n'yong mag-isip ng ibang paraan." Parang huminto ang paligid.

Nanlaki ang mga mata ni Angel sa gulat sa mga narinig.

Samantalang mariing napatitig si Samuel sa kanyang kapatid. "What did you just say?"

Napabuntong-hininga si Veatrix. "I'm just being realistic, kuya."

"Realistic?" Kita na ang inis sa mukha ni Samuel noon.

Tumango ito. "Hindi naman habang-buhay CEO ka. Sooner or later, kailangan ng pamilya ng tagapagmana, di ba? Hindi naman ako pwede. Kailangan yung anak mo talaga.”

"So you think it's okay to say those things to my wife?"

"Kuya—"

"Do you even know what she's been through?" Natahimik si Veatrix.

"Hindi ko naman siya iniinsulto. I'm just stating the truth.”

"But you are insulting my wife.” Hindi na maitago ni Samuel ang galit sa kanyang boses.

"Alam mong sensitibo ang topic na 'yan. Pagkatapos, dito mo pa talaga sasabihin?”

"I'm only thinking about the company, kuya. Hindi naman masama iyon.”

"I'm thinking about my wife."

Napansin ng ilang bisita ang pagtaas ng boses nila. Unti-unti nang napapatingin ang mga tao sa kanilang direksyon.

Napayuko si Angel. Pakiramdam niya ay muli na namang hinuhusgahan siya ng lahat.

"Kuya, don't overreact. Iyon lang naman ang–

"Overreact?" Napatawa si Samuel nang mapait.

"Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, matutuwa ka bang paulit-ulit kang tinatanong kung kailan ka mabubuntis? Answer me." Hindi nakasagot si Veatrix.

"You crossed the line, Vea."

"Kuya—"

"I said enough." Mahigpit na hinawakan ni Samuel ang kamay ng kanyang asawa.

"Let's go."Nagulat si Angel.

"Sam, your guests—"

"They can wait."

"But your shareholders—"

"I don't care." Tinanggal niya ang suot na event badge.

"My wife comes first."

Hindi na niya nilingon pa ang kanyang kapatid.

Tahimik niyang inalalayan si Angel palabas ng ballroom. Habang naglalakad sila sa mahabang hallway ng hotel, tuluyan nang bumuhos ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Angel.

"I'm sorry..." Agad siyang nilingon ni Samuel.

"Huwag kang magsorry, my love. It's okay."

"No. Napahiya ka dahil sa akin. Nakita mo naman, pinag-uusapan ka nila."

"Wala kang kasalanan. That's okay. I love you.”

"Kung nagkaroon lang sana tayo ng anak..."

Hindi na niya natuloy ang sasabihin. Mahigpit siyang niyakap ni Samuel sa gitna ng hallway.

"Listen to me." Unti-unti siyang tumingala.

"Hinding-hindi ko hahayaang may sinumang maliitin ka. Kahit kapatid ko pa." Mas lalo lamang napaiyak si Angel.

Habang yakap siya ng kanyang asawa, hindi niya napansing mula sa ikalawang palapag ng hotel ay may isang taong tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa.

Mga matang tila naghihintay lang ng tamang pagkakataon upang tuluyang wasakin ang masaya nilang pagsasama.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Angel's Angelic Face    First Day

    Maagang-maaga pa lang ay gising na si Angel.Hindi pa sumisikat nang husto ang araw nang bumangon siya mula sa kama. Sa kabilang bahagi nito ay mahimbing pa ring natutulog si Samuel.Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago siya napangiti. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganitong excitement tungkol sa isang bagay.Ngayong araw ang una niyang pasok sa bagong project ng kumpanya. Hindi man siya regular na empleyado ng Gagmaitan Holdings, malaking bagay para sa kanya ang pagkakataong iyon. Sa wakas, meron na siyang sariling pinagkakaabalahan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang asawa.Pagkatapos maligo, nagbihis siya ng isang eleganteng cream blouse, dark trousers, at simpleng heels. Itinali niya rin nang maayos ang kanyang buhok at naglagay lamang ng kaunting makeup.Nang lumabas siya ng dressing room, saka naman nagising si Samuel. "Angel?"Napalingon siya at bumati."Good morning."Bahagyang dumilat si Samuel at nagtanong sa asawa. "What time is it?""Almost s

  • Angel's Angelic Face    The Project

    Ilang araw matapos ang kanilang pagpunta sa mall, napansin ni Angel na halos pare-pareho na lang ang kanyang ginagawa sa mansion.Gumigising siya nang maaga, nag-aalmusal, ipaghahain ang kanyang asawa at hihintayin na umalis ang kanyang asawa papunta sa opisina, minsan ay nanonood ng pelikula, at pagkatapos ay wala na siyang ibang mapagkaabalahan.Hindi naman siya sanay sa ganoong buhay.Bago ang lahat ng nangyari sa kanilang pagsasama, marami siyang pinagkakaabalahan. May regular job talaga siya at ilang mga totoong kaibigan. Ngunit simula nang maging komplikado ang kanilang relasyon ni Samuel, mas pinili niyang manatili sa mansion para tumahimik at alagaan na lang kung anong meron sa kanila.Nang umagang iyon, nakaupo siya sa veranda habang umiinom ng kape nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito. Isang unknown number ang lumabas.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinagot ang tawag."Hello? Sino ito?”"Ah, si Catherine ito, Angel. Busy ka ba ngayon?"Nagtak

  • Angel's Angelic Face    Aling Rosa Heard Everything

    Kinabukasan, bandang tanghali, napagdesisyunan ni Angel na lumabas muna ng mansion. Ilang araw na rin siyang halos nasa bahay lang. Kailangan niyang bumili ng ilang personal na gamit at nais din niyang makapaglibang kahit kaunti. Pinayagan naman siya ni Sam dahil marami itong gagawin sa kumpanya."Aling Rosa, sasama po ba kayo sa akin?" tanong niya habang inaayos ang kanyang bag.Agad namang tumango ang matandang mayordoma."Opo, Ma'am Angel. Mas mabuti na rin pong may kasama kayo. Para may bumitbit din ng mga gamit.”Napangiti si Angel. "Shopping lang naman ito.""Alam ko po. Pero mas maganda pa rin pong may kasama. Para na rin po sa safety niyo.”Matagal nang malapit kay Angel si Aling Rosa. Simula nang mapangasawa nito si Samuel, naging parang pangalawang ina na rin niya ang matanda.Makalipas ang ilang minuto, umalis silang dalawa patungo sa isang malaking mall sa Maynila.Hindi alam ni Angel na ang simpleng pamamasyal na iyon ay maglalagay kay Aling Rosa sa isang mahirap na sitwa

  • Angel's Angelic Face    Friends (?)

    Matapos ang almusal, nagtungo si Samuel sa living room kasama si Helena. Samantala, naiwan sina Angel at Catherine sa dining area.Tahimik na inaayos ni Aling Rosa ang mga pinagkainan nang lumapit si Catherine kay Angel."Angel.""Hmm?""I hope you're not uncomfortable with me being here."Umiling si Angel. "You're fine. Iniisip ko nga, we can be friends. Iyon ay kung okay lang sa'yo?”“Oo naman, okay na okay sa akin. At least, we are clear with that.” Ngumiti si Catherine pagkasabi noon."I know things have been awkward. I'm sorry. Kakausapin ko si Samuel tungkol doon. I promise.”"Because of the business? Naku, wala iyon. Basta, we’re purely business partners. Iyon lang iyon.”“Thanks for giving me assurance, Catherine. I do appreciate it.”Tahimik si Angel pagkatapos noon at ngumiti naman si Catherine. "I genuinely want to be friends with you."Napatingin si Angel sa kanya. "Friends. Walang problema ‘yon.”"Thank you so much.”"Welcome.”“I guess, we’ll see each other a lot. Ano? W

  • Angel's Angelic Face    Unexpected Visitor

    Maaga pa lang ay gising na si Angel. Nasa kusina siya kasama ang matagal nang naglilingkod sa pamilya ni Samuel na si Aling Rosa, ang mayordoma ng mansion. Mahigit dalawampung taon na itong nagtatrabaho sa pamilya Gagmaitan at isa sa iilang taong lubos na pinagkakatiwalaan ni Angel."Ma'am Angel, ako na po rito," sabi ni Aling Rosa habang inaayos ang almusal sa mesa."Hindi na po, Aling Rosa. Tutulungan ko kayo. Simple lang naman po ito na gawain. At saka, para naman po ito sa asawa ko,” malumanay na sagot ni Angel."Hay, ma'am. Kakagaling n'yo lang po sa Tagaytay. Alam ko pong pagod kayo.”Ngumiti si lang Angel. "Okay lang po. Masaya naman ako na ginagawa ito para kay Samuel. Alam niyo naman po, mahal na mahal ko ang asawa ko.”Hindi napigilan ni Aling Rosa ang mapangiti. "Masaya po ko para sa inyo, Ma’am. Kahit sobrang busy ni Sir, nagagawan niyo pa rin po ng paraan ang lahat.”"Oo nga. Masaya rin ako na kahit paano nabibigyan na ko ng oras ni Samuel ngayon kaysa dati." Ngumiti si A

  • Angel's Angelic Face    Fake Fire

    Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status