LOGINNasunog ang buong mukha ni Angel Gagmaitan dahil sinunog ng kabit ng kanyang asawa ang kanyang mukha. Buti na lang at may tumulong sa kanya, si Loid Dela Fuente. Pero, ang pagtulong palang iyon ay may kapalit.
View MoreAmoy antiseptic pa rin ang buong private room nang dahan-dahang iminulat ni Angel ang kanyang mga mata. Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa puting kisame, pilit inaalala kung nasaan siya at bakit mabigat pa rin ang pakiramdam ng kanyang katawan.
Unti-unti siyang bumangon habang nakakabit pa rin ang dextrose sa kanyang kaliwang kamay. Nang maramdaman ang bahagyang pananakit sa kanyang mukha, awtomatiko niyang itinaas ang kamay ngunit agad siyang pinigilan ng pamilyar na boses. "Easy lang, Angel. Kakagaling mo lang sa operation." Napalingon siya sa babaeng nakaupo sa gilid ng kama. "Tita Olivia..." Ngumiti ang kanyang tiyahin habang dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Halata sa mga mata nito ang pagod, ngunit mas nangingibabaw ang saya at pag-aalala. "Successful ang surgery mo. Sabi ng doktor, mas maganda ang naging resulta kaysa sa inaasahan nila." Hindi agad nakapagsalita si Angel. Sa loob ng maraming taon, halos nakalimutan na niyang marinig ang salitang "maganda" na iniuugnay sa kanya. Muling sumagi sa isip niya ang gabing tuluyang nagbago sa kanyang buhay. Ang apoy na umagaw ng lahat sa kanya. Ang matinding sakit na naranasan niya pagkatapos malapnos ang kanyang balat. Ang sigaw niya habang unti-unting nilalamon ng apoy ang kanyang mukha. Mula noon, tila kasabay ring nasunog ang kanyang mga pangarap. Hindi na siya makatingin nang diretso sa salamin. Hindi na siya komportableng lumabas ng bahay. Kahit ang simpleng pakikipag-usap sa ibang tao ay naging napakahirap dahil palagi niyang nararamdaman ang mga matang puno ng awa o takot. Mas masakit pa roon, tinalikuran siya ng halos lahat. Mga dating kaibigan, pamilya. Lahat. Maging ang taong minsang nangakong mamahalin siya habambuhay ay bigla na lamang naglaho na parang bula at sumama na sa ibang babae. Sa lahat ng taong nawala, iisa lang ang hindi bumitaw, ang Tita Olivia niya. Hindi ito nag-asawa kaya si Angel ang itinuring nitong sariling anak. Ito ang nag-alaga sa kanya matapos ang aksidente, nagsakripisyo ng ipon, nagbenta pa ng ilang alahas upang maipagamot siya. Lahat ay ginawa ni Olivia. Pero kahit anong gawin ng kanyang tiyahin, alam nilang kulang pa rin iyon para sa napakamahal na reconstructive surgery. Hanggang sa may isang taong dumating. Isang estrangherong hindi nila inaasahan. Isang lalaking nagbukas ng p***o ng pag-asa para kay Angel. Hindi naman talaga siya estranghero, dahil kilala ito ng asawa ni Angel pero ang parteng iyon ay hindi alam ni Angel. "Ready ka na bang makita ang sarili mo?" mahinang tanong ni Olivia. Napatingin si Angel sa maliit na salamin na inilabas ng kanyang tiyahin. Biglang kinabahan ang dibdib niya. Paano kung hindi pa rin sapat ang pagpapalit niya ng mukha? Paano kung pareho pa rin ang makikita niya? Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang kinuha ang salamin. Nanginginig ang kanyang mga kamay noong mga oras na iyon. Unti-unti niyang itinaas iyon hanggang makita ang sariling repleksyon. Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Parang tumigil ang buong mundo. Ang dating makapal na peklat na bumabalot sa halos kalahati ng kanyang mukha ay wala na. Pantay na ang kanyang kutis. Natural ang hugis ng kanyang ilong. Mas malinaw na ang kanyang mga mata dahil wala na ang makapal na pilat na dating humihila sa kanyang balat. Hindi iyon eksaktong mukha niya noon. Pero, napakaganda nito. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Tita..." Napayakap siya kay Olivia habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. "Ang ganda ko na..." Hindi rin napigilan ni Olivia ang umiyak. "Sabi ko naman sa'yo, may himala pa rin sa mundo." "I never thought... makikita ko ulit ang sarili kong ganito. Akala ko, hanggang sa panaginip na lang ‘to.” "You deserve this, anak. Lahat ng magagandang bagay, deserve mo. Okay?” Muli silang mahigpit silang nagyakapan. Matagal nilang hinintay ang araw na iyon. Matagal nilang ipinagdasal. Ilang sandali pa ang lumipas nang marinig nila ang mahinang katok sa p***o. "Come in," sabi ni Olivia. Dahan-dahang bumukas ang p***o. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng charcoal gray suit. Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok, habang bakas sa kanyang mukha ang kalmadong ekspresyon. May hawak itong bouquet ng puting lilies at champagne roses. Pagpasok pa lamang nito ay tila nagbago ang atmosphere ng buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Angel sa taong nakita niya. "Loid..." Ngumiti nang bahagya ang lalaki. "I'm glad you're awake." Lumapit ito sa kama at marahang iniabot ang mga bulaklak. "Congratulations." Nag-aalangan man, tinanggap iyon ni Angel. "Thank you..." Tahimik siyang napatitig kay Loid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang may taong handang gumastos ng milyon-milyong piso para lang maibalik ang mukha ng isang katulad niya. Hindi sila magkamag-anak. Hindi sila magkaibigan. Hindi rin sila dating magkakilala. Pero, si Loid ang dahilan kung bakit muli siyang nagkaroon ng pagkakataong magsimula. Napansin ni Olivia ang katahimikan nilang dalawa kaya marahan itong tumayo. "Bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria. Babalik din ako. Dito muna kayong dalawa, ha?” Naiwan silang dalawa sa loob ng kwarto. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Loid. "How do you feel?" Napahawak si Angel sa kanyang pisngi. "I still can't believe this is my face." Ngumiti siya habang naluluha, nakatingin pa rin siya sa salamin. "It suits you." Natawa siya nang mahina. "Mas maganda pa yata kaysa sa dati. Not because of the surgery.” Napatingin siya rito. "You've always been beautiful." Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumirot sa kanyang dibdib. Matagal na panahon na mula nang may magsabi sa kanya ng ganoong mga salita. Ang mas nakapagtataka, bakit parang may lungkot sa mga mata ni Loid habang nakatingin sa kanya? Para bang may itinatago itong dahilan kung bakit siya nito tinulungan. Pakiramdam ni Angel, ang sagot sa misteryong iyon ang tuluyang magbabago sa bago niyang buhay.Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo
Maagang nagising si Angel kinabukasan.Hindi dahil may kailangan siyang puntahan kundi dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago niya naalala kung nasaan siya. Nasa Tagaytay nga pala siya. Katabi niya si Samuel noon. Mahimbing pa itong natutulog. Nakatalikod sa kanya at bahagyang nakayakap sa unan. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan, nakita niya itong walang iniisip na meeting, walang hawak na cellphone, at walang problemang kailangang lutasin. Tahimik na napangiti si Angel. “This lovely man is mine. Only mine.” Maingat siyang bumangon upang hindi ito magising. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa kama, biglang humawak si Samuel sa kanyang kamay. "Saan ka pupunta, Mrs. Gagmaitan?" Napalingon siya. "Akala ko, tulog ka pa." "Nagising ako nung bumangon ka. Also, narinig ko rin kung anong sinabi mo. Syempre, sayo lang ako." Pagkatapos noon ay kumindat si Samuel sa k
Ilang araw matapos ang pagtatalo nila, hindi pa rin lubusang bumabalik sa dati ang samahan nina Samuel at Angel.Hindi na sila nag-aaway pero may natitirang katahimikan sa pagitan nila, isang katahimikang pareho nilang alam na kailangang ayusin bago tuluyang lumalim ang distansya.Napapansin iyon ni Samuel. Kaya isang Biyernes ng hapon, maaga siyang umalis sa opisina. Pagdating niya sa mansion, nadatnan niya si Angel sa sala, tahimik na nagbabasa ng libro."Love." Napatingin si Angel."You're home early, huh.""Yes." Ngumiti si Samuel pagkatapos noon."May nangyari ba?"Umiling si Samuel. "Wala."Lumapit siya at umupo sa tabi nito. "Pack some clothes."Napakunot-noo si Angel. "Why?""Magbabakasyon tayo.""Ha?""Just for the weekend. Somewhere kung saan tayo makakapag-relax. Okay iyon, di ba?”Napatawa nang mahina si Angel. "Sam, may trabaho ka. Paano naman mangyayari na pwede tayong umalis?"“I cancelled it, for you. For us.” Sabay ngiti ni Samuel."Ikaw ang CEO. Hindi pwedeng bigla k
Pagdating ni Samuel sa kanilang mansion, agad niyang napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay.Walang kasambahay na naglilibot sa sala. Wala ring tunog mula sa kusina. Higit sa lahat, wala si Angel na karaniwang sumasalubong sa kanya kahit hindi ito palaging masaya.Ibinigay niya ang coat sa kasambahay at mabilis na umakyat sa kanilang kwarto.Nandoon si Angel. Nakaupo ito sa gilid ng kama, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana."Angel."Hindi ito sumagot.Lumapit si Samuel, nag-aalala sa kanyang asawa. Alam niyang galit ito."Love, I'm sorry.""Alam ko iyan ang una mong gagawin pag-uwi mo rito sa bahay." Napakunot-noo siya."Then let's talk."Dahan-dahang tumingin sa kanya si Angel."May kailangan pa ba tayong pag-usapan?""Of course." Ngumiti nang mapait si Samuel noon."Sinabi mo na kung nasaan ka. Tapos na ang usapan. Di ba?”"Because that's the truth. Promise, iyon talaga ang totoo.”"Dapat maniwala na lang ako? Na hindi ko na kailangan mag-isip dahil sinabi mo na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews