تسجيل الدخولMasayang-masaya ang buhay mag-asawang Samuel at Angel. Tatlong taon na silang kasal, ngunit tila hindi pa rin nawawala ang kilig sa pagitan nilang dalawa.
"Good morning, Mrs. Gagmaitan," nakangiting bati ni Samuel habang inilalapag ang almusal sa mesa. Napangiti si Angel. "Ano na naman 'to? Anniversary ba natin ngayon?” "Wala naman. Hindi ba pwedeng pagsilbihan ko ang pinakamagandang asawa sa buong mundo?" Napailing si Angel at mahinang natawa. "Ang sweet mo talaga. Ikaw ha, may kasalanan ka ba?" “Ha? Ako? May kasalanan? No way, kahit kailan ay hindi ako gagawa ng kasalanan sa'yo.” Lumapit si Samuel at hinalikan siya sa noo. “So, bakit may ganito? It's just a normal day, Mr. Gagmaitan,” nakangiti pa rin siya. "It's just because you deserve it,” sagot naman ni Samuel sa kanyang asawa. Marangya man ang kanilang pamumuhay, ginawa pa rin ni Samuel ang lahat para magkaroon ng normal na buhay si Angel. Malayo sa marangya na buhay na meron siya. Madalas silang mag-date tuwing weekend, nanonood ng sine, o kaya'y simpleng nagluluto sa bahay. Simpleng buhay na palaging pinagdadasal ni Angel na manatili pa rin kahit ano mang mangyari sa kanila. Sa paningin ng lahat, sila ang ideal couple. Pero, may isang bagay na matagal na nilang hinihiling. Ang bagay na iyon ay ang magkaroon sila ng isang anak. Isang gabi habang magkatabing nakaupo sa balcony, nakatingin si Angel sa buwan, gandang-ganda siya rito dahil pakiramdam niya ay punong-puno iyon ng hope. "Love..." "Hmm?" sagot naman ni Samuel. "Kapag nagkaanak tayo, gusto kong turuan siyang mag-bike, ha? Gusto ko, normal pa rin ang buhay niya kahit isa siyang Gagmaitan.” Napangiti si Samuel. "Oo naman. Gagawin ko ang lahat para magkaroon siya ng normal na buhay. Tapos every Sunday, dadalhin natin siya sa park." "Tapos ikukuha natin siya ng ice cream. Siguro, strawberry ang gusto niyang flavor, ano?” nakangiting sagot ni Angel. "At kapag umiyak siya, ako ang bahala sa kanya. Hindi ko siya papabayaan.” Napahagikgik si Angel. "Oo, tama. Ikaw ang magpapatahan, ako ang maglalambing. Basta, ibubuhos natin sa kanya ang labis na pagmamahal.” "Okay na okay iyan, ah. Teamwork naman tayo." Sabay silang natawa. Punong-puno ng pag-asa ang mga puso nila. Ilang buwan ang lumipas, paulit-ulit silang bumibili ng pregnancy test. Tuwing may delayed na regla si Angel, umaasa silang dalawa na sana ay baby na iyon. Pero sa bawat pagkakataon na nangyayari, laging negative ang kanyang results. Napabuntong-hininga si Angel habang hawak ang pregnancy test. "Wala na naman..." Lumapit si Samuel at niyakap siya mula sa likuran. "Okay lang iyan, baka hindi pa ngayon ang tamang panahon para magkaroon tayo ng baby." "Baka may problema talaga sa akin, love. Ilang beses na kasi tayong nagta-try pero wala pa rin, e.” "Huwag mong isipin 'yan. Okay ka lang, huwag kang negative." Ngunit habang tumatagal, lalo lang silang kinakabahan. Kaya nagpasya silang magpatingin sa fertility specialist. Sunod-sunod ang laboratory tests para kay Angel. Ultrasound. Blood tests at kung anu-anong procedure ang pinagdaanan nila. Hanggang dumating ang araw ng resulta. Tahimik ang consultation room nang sila ay pumasok. Mahigpit ang pagkakahawak ni Samuel sa kamay ni Angel. Nagulat na nga lang si Samuel noon dahil sobrang lamig ng kamay ng kanyang asawa. Huminga nang malalim ang doctor bago nagsalita. "Mr. and Mrs. Gagmaitan, may nakita kaming kondisyon sa uterus ni Mrs. Gagmaitan." Nanlamig ang buong katawan ni Angel. Hindi niya alam ang gagawin. "A-Ano pong ibig sabihin no'n, Doc?" nauutal na tanong ni Angel. "Posible pa rin kayong mabuntis, Mrs. Gagmaitan." Biglang lumiwanag ang mukha nilang mag-asawa ngunit agad ding nagbago ang ekspresyon ng doktor. "Pero..." Parang huminto ang tibok ng puso ni Angel nang marinig yung pero. "Hindi kakayanin ng matres ninyo ang buong pagbubuntis,” pagpapatuloy noong doktor. Hindi sila agad nakaintindi. "Paano pong... hindi kakayanin?" "Habang lumalaki ang baby, lalaki rin ang panganib sa buhay ninyo. Kaya baka hindi rin siya mabuhay habang nasa sinapupunan niyo siya.” Napaluha si Angel. "So... hindi po ako pwedeng manganak? Ano po iyon, magbubuntis lang ako ng ilang buwan pero hindi magtutuloy ang pagbubuntis ko?” Napayuko ang doktor. "Napakaliit ng posibilidad na maging ligtas ang pagbubuntis niyo, misis. Kapag itinuloy ninyo, maaaring mawala ang buhay ng sanggol o pati na rin kayo." Tahimik ang buong kwarto. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Pakiramdam ni Angel ay may bumagsak na napakabigat na bato sa kanyang dibdib. Unti-unting tumulo ang kanyang mga luha. "Hindi... hindi pwedeng ganito." Agad siyang hinawakan ni Samuel. "Love..." Napailing si Angel. "Hindi... gusto ko lang namang maging nanay. Hindi ba pwede iyon? I mean, madali lang naman iyon, di ba?" Sa huli ay binigyan pa rin ng gamot ng doktor ang dalawa. Sabi ng doktor ay makakatulong daw iyon para maayos ang matres ni Angel pero hindi sigurado na mabubuntis siya. Lumabas silang tahimik ng ospital. Ni hindi nila namalayang nakauwi na sila sa mansion. Pagkapasok pa lang sa bahay, tuluyan nang bumigay si Angel. Humagulgol siya habang nakaupo sa sahig. Wala na nga siyang pakialam kung madumi roon. "Sorry, love.” Agad siyang niyakap ni Samuel. "Anong sorry?" "Hindi kita mabibigyan ng anak." "Angel..." "Baka mas mabuti pang humanap ka na lang ng ibang babae. Iyong makakapagbigay ng anak sa'yo.” Napatigil si Samuel. "Ano'ng sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo?” "Mas deserve mong magkaroon ng sariling pamilya. Iyon na lang naman ang kulang sayo, ang isang anak.” Mariing hinawakan ni Samuel ang magkabilang pisngi ng asawa. "Tumingin ka sa akin." Unti-unting itinaas ni Angel ang kanyang ulo. "Pinakasalan kita dahil mahal kita. Okay? Magkaroon man tayo ng anak o hindi, tatanggapin ko.” "Pero—" "Hindi na natin pag-uusapan pa ito dahil wala lang ito. Okay? Let's move forward, love. Kaya natin ‘to.” Patuloy ang pagluha ni Angel. "Pero hindi ko maibibigay sa'yo ang pangarap mo. Ano pang silbi ko, di ba?” Ngumiti si Samuel kahit namumula na rin ang kanyang mga mata. "Ikaw ang pangarap ko. Basta kasama kita, okay ako. Naiintindihan mo ba iyon?" Napahikbi si Angel. "Kahit wala tayong anak? Sigurado ka?" "Oo. Sigurado ako sa sinabi ko, kahit wala ay ayos lang sa akin." "Pangako?" "I promise." Mahigpit niya itong niyakap. "At kung may kailangan tayong isakripisyo, haharapin natin iyon na magkasama, ha." Tumango si Angel habang nakasubsob sa dibdib ng asawa. Akala nilang sapat na ang pagmamahalan upang malampasan ang lahat ng pagsubok para sa kanila. Hindi nila alam na ang diagnosis na iyon ang magiging simula ng mga pagsubok na unti-unting susubok sa kanilang pagmamahalan, hanggang sa dumating ang araw na tuluyan itong masira.Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo
Maagang nagising si Angel kinabukasan.Hindi dahil may kailangan siyang puntahan kundi dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa kanyang mukha. Bahagya niyang iminulat ang mga mata at ilang segundo siyang nakatitig sa kisame bago niya naalala kung nasaan siya. Nasa Tagaytay nga pala siya. Katabi niya si Samuel noon. Mahimbing pa itong natutulog. Nakatalikod sa kanya at bahagyang nakayakap sa unan. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang buwan, nakita niya itong walang iniisip na meeting, walang hawak na cellphone, at walang problemang kailangang lutasin. Tahimik na napangiti si Angel. “This lovely man is mine. Only mine.” Maingat siyang bumangon upang hindi ito magising. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo sa kama, biglang humawak si Samuel sa kanyang kamay. "Saan ka pupunta, Mrs. Gagmaitan?" Napalingon siya. "Akala ko, tulog ka pa." "Nagising ako nung bumangon ka. Also, narinig ko rin kung anong sinabi mo. Syempre, sayo lang ako." Pagkatapos noon ay kumindat si Samuel sa k
Ilang araw matapos ang pagtatalo nila, hindi pa rin lubusang bumabalik sa dati ang samahan nina Samuel at Angel.Hindi na sila nag-aaway pero may natitirang katahimikan sa pagitan nila, isang katahimikang pareho nilang alam na kailangang ayusin bago tuluyang lumalim ang distansya.Napapansin iyon ni Samuel. Kaya isang Biyernes ng hapon, maaga siyang umalis sa opisina. Pagdating niya sa mansion, nadatnan niya si Angel sa sala, tahimik na nagbabasa ng libro."Love." Napatingin si Angel."You're home early, huh.""Yes." Ngumiti si Samuel pagkatapos noon."May nangyari ba?"Umiling si Samuel. "Wala."Lumapit siya at umupo sa tabi nito. "Pack some clothes."Napakunot-noo si Angel. "Why?""Magbabakasyon tayo.""Ha?""Just for the weekend. Somewhere kung saan tayo makakapag-relax. Okay iyon, di ba?”Napatawa nang mahina si Angel. "Sam, may trabaho ka. Paano naman mangyayari na pwede tayong umalis?"“I cancelled it, for you. For us.” Sabay ngiti ni Samuel."Ikaw ang CEO. Hindi pwedeng bigla k
Pagdating ni Samuel sa kanilang mansion, agad niyang napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng bahay.Walang kasambahay na naglilibot sa sala. Wala ring tunog mula sa kusina. Higit sa lahat, wala si Angel na karaniwang sumasalubong sa kanya kahit hindi ito palaging masaya.Ibinigay niya ang coat sa kasambahay at mabilis na umakyat sa kanilang kwarto.Nandoon si Angel. Nakaupo ito sa gilid ng kama, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana."Angel."Hindi ito sumagot.Lumapit si Samuel, nag-aalala sa kanyang asawa. Alam niyang galit ito."Love, I'm sorry.""Alam ko iyan ang una mong gagawin pag-uwi mo rito sa bahay." Napakunot-noo siya."Then let's talk."Dahan-dahang tumingin sa kanya si Angel."May kailangan pa ba tayong pag-usapan?""Of course." Ngumiti nang mapait si Samuel noon."Sinabi mo na kung nasaan ka. Tapos na ang usapan. Di ba?”"Because that's the truth. Promise, iyon talaga ang totoo.”"Dapat maniwala na lang ako? Na hindi ko na kailangan mag-isip dahil sinabi mo na
Tahimik na ang buong bahay ni Catherine nang tuluyang makatulog si Samuel.Pagod na pagod siya matapos ang maghapong meetings at ilang oras na pagkakababad sa matinding traffic dahil sa ulan. Sa guest room, mahimbing siyang nakahiga, habang ang cellphone niya ay nakapatong sa bedside table.Hindi niya namalayang ilang beses nang nagliwanag ang screen nito.Angel calling…Walang sumagot dahil sobrang himbing na talaga ng tulog ni Samuel noong mga oras na iyon.Sa kanilang mansion, hindi mapakali si Angel.Alas-dose na ng madaling-araw, ngunit gising pa rin siya.Muli niyang tiningnan ang cellphone. Wala pa ring message mula kay Samuel. Napabuntong-hininga siya. "Nasaan ka ba, Sam?"Hindi niya maiwasang kabahan. Hindi naman kasi ganito si Samuel noon. Dati, kahit gaano ito ka-busy, palagi itong nagbibigay ng update sa kanya. Kahit simpleng I'm okay lang.Ngunit ngayong gabi, wala kahit anong update. Muli niyang tinawagan ang asawa. Tumunog iyon nang ilang beses. Wala pa ring sumagot sa
Ilang araw matapos ang pagkikita nina Angel at Catherine sa restaurant, lalo pang naging abala si Samuel sa trabaho.Bilang CEO ng Gagmaitan Holdings, hindi na bago sa kanya ang sunod-sunod na meetings. Ngunit ngayong nakikipag-partner ang kumpanya nila sa mga Solis, halos araw-araw niyang nakakasama si Catherine.Iyon ang paulit-ulit niyang ipinapaalala sa sarili. Iyon din ang sinabi niya kay Angel.Isang hapon, matapos ang mahaba nilang meeting, isa-isang nagsialisan ang mga executive sa conference room. Naiwan sina Samuel at Catherine upang pag-usapan ang ilang detalye ng kanilang bagong project.Sa labas ng glass windows ay unti-unting dumilim ang kalangitan. Maya-maya, malakas na kumulog. Napatingin si Catherine sa bintana."Grabe. Mukhang uulan nang malakas."Hindi na sumagot si Samuel. Patuloy lang niyang binabasa ang dokumentong nasa harapan niya.Ilang segundo pa ay biglang bumuhos ang ulan. Halos matakpan ng tunog nito ang ingay ng air-conditioning sa loob ng conference room







