LOGIN
Amoy antiseptic pa rin ang buong private room nang dahan-dahang iminulat ni Angel ang kanyang mga mata. Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa puting kisame, pilit inaalala kung nasaan siya at bakit mabigat pa rin ang pakiramdam ng kanyang katawan.
Unti-unti siyang bumangon habang nakakabit pa rin ang dextrose sa kanyang kaliwang kamay. Nang maramdaman ang bahagyang pananakit sa kanyang mukha, awtomatiko niyang itinaas ang kamay ngunit agad siyang pinigilan ng pamilyar na boses. "Easy lang, Angel. Kakagaling mo lang sa operation." Napalingon siya sa babaeng nakaupo sa gilid ng kama. "Tita Olivia..." Ngumiti ang kanyang tiyahin habang dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Halata sa mga mata nito ang pagod, ngunit mas nangingibabaw ang saya at pag-aalala. "Successful ang surgery mo. Sabi ng doktor, mas maganda ang naging resulta kaysa sa inaasahan nila." Hindi agad nakapagsalita si Angel. Sa loob ng maraming taon, halos nakalimutan na niyang marinig ang salitang "maganda" na iniuugnay sa kanya. Muling sumagi sa isip niya ang gabing tuluyang nagbago sa kanyang buhay. Ang apoy na umagaw ng lahat sa kanya. Ang matinding sakit na naranasan niya pagkatapos malapnos ang kanyang balat. Ang sigaw niya habang unti-unting nilalamon ng apoy ang kanyang mukha. Mula noon, tila kasabay ring nasunog ang kanyang mga pangarap. Hindi na siya makatingin nang diretso sa salamin. Hindi na siya komportableng lumabas ng bahay. Kahit ang simpleng pakikipag-usap sa ibang tao ay naging napakahirap dahil palagi niyang nararamdaman ang mga matang puno ng awa o takot. Mas masakit pa roon, tinalikuran siya ng halos lahat. Mga dating kaibigan, pamilya. Lahat. Maging ang taong minsang nangakong mamahalin siya habambuhay ay bigla na lamang naglaho na parang bula at sumama na sa ibang babae. Sa lahat ng taong nawala, iisa lang ang hindi bumitaw, ang Tita Olivia niya. Hindi ito nag-asawa kaya si Angel ang itinuring nitong sariling anak. Ito ang nag-alaga sa kanya matapos ang aksidente, nagsakripisyo ng ipon, nagbenta pa ng ilang alahas upang maipagamot siya. Lahat ay ginawa ni Olivia. Pero kahit anong gawin ng kanyang tiyahin, alam nilang kulang pa rin iyon para sa napakamahal na reconstructive surgery. Hanggang sa may isang taong dumating. Isang estrangherong hindi nila inaasahan. Isang lalaking nagbukas ng p***o ng pag-asa para kay Angel. Hindi naman talaga siya estranghero, dahil kilala ito ng asawa ni Angel pero ang parteng iyon ay hindi alam ni Angel. "Ready ka na bang makita ang sarili mo?" mahinang tanong ni Olivia. Napatingin si Angel sa maliit na salamin na inilabas ng kanyang tiyahin. Biglang kinabahan ang dibdib niya. Paano kung hindi pa rin sapat ang pagpapalit niya ng mukha? Paano kung pareho pa rin ang makikita niya? Huminga siya nang malalim bago dahan-dahang kinuha ang salamin. Nanginginig ang kanyang mga kamay noong mga oras na iyon. Unti-unti niyang itinaas iyon hanggang makita ang sariling repleksyon. Natigilan siya at hindi nakapagsalita. Parang tumigil ang buong mundo. Ang dating makapal na peklat na bumabalot sa halos kalahati ng kanyang mukha ay wala na. Pantay na ang kanyang kutis. Natural ang hugis ng kanyang ilong. Mas malinaw na ang kanyang mga mata dahil wala na ang makapal na pilat na dating humihila sa kanyang balat. Hindi iyon eksaktong mukha niya noon. Pero, napakaganda nito. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Tita..." Napayakap siya kay Olivia habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha. "Ang ganda ko na..." Hindi rin napigilan ni Olivia ang umiyak. "Sabi ko naman sa'yo, may himala pa rin sa mundo." "I never thought... makikita ko ulit ang sarili kong ganito. Akala ko, hanggang sa panaginip na lang ‘to.” "You deserve this, anak. Lahat ng magagandang bagay, deserve mo. Okay?” Muli silang mahigpit silang nagyakapan. Matagal nilang hinintay ang araw na iyon. Matagal nilang ipinagdasal. Ilang sandali pa ang lumipas nang marinig nila ang mahinang katok sa p***o. "Come in," sabi ni Olivia. Dahan-dahang bumukas ang p***o. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng charcoal gray suit. Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok, habang bakas sa kanyang mukha ang kalmadong ekspresyon. May hawak itong bouquet ng puting lilies at champagne roses. Pagpasok pa lamang nito ay tila nagbago ang atmosphere ng buong kwarto. Nanlaki ang mga mata ni Angel sa taong nakita niya. "Loid..." Ngumiti nang bahagya ang lalaki. "I'm glad you're awake." Lumapit ito sa kama at marahang iniabot ang mga bulaklak. "Congratulations." Nag-aalangan man, tinanggap iyon ni Angel. "Thank you..." Tahimik siyang napatitig kay Loid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang may taong handang gumastos ng milyon-milyong piso para lang maibalik ang mukha ng isang katulad niya. Hindi sila magkamag-anak. Hindi sila magkaibigan. Hindi rin sila dating magkakilala. Pero, si Loid ang dahilan kung bakit muli siyang nagkaroon ng pagkakataong magsimula. Napansin ni Olivia ang katahimikan nilang dalawa kaya marahan itong tumayo. "Bibili lang ako ng pagkain sa cafeteria. Babalik din ako. Dito muna kayong dalawa, ha?” Naiwan silang dalawa sa loob ng kwarto. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita si Loid. "How do you feel?" Napahawak si Angel sa kanyang pisngi. "I still can't believe this is my face." Ngumiti siya habang naluluha, nakatingin pa rin siya sa salamin. "It suits you." Natawa siya nang mahina. "Mas maganda pa yata kaysa sa dati. Not because of the surgery.” Napatingin siya rito. "You've always been beautiful." Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumirot sa kanyang dibdib. Matagal na panahon na mula nang may magsabi sa kanya ng ganoong mga salita. Ang mas nakapagtataka, bakit parang may lungkot sa mga mata ni Loid habang nakatingin sa kanya? Para bang may itinatago itong dahilan kung bakit siya nito tinulungan. Pakiramdam ni Angel, ang sagot sa misteryong iyon ang tuluyang magbabago sa bago niyang buhay.Maagang-maaga pa lang ay gising na si Angel.Hindi pa sumisikat nang husto ang araw nang bumangon siya mula sa kama. Sa kabilang bahagi nito ay mahimbing pa ring natutulog si Samuel.Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago siya napangiti. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganitong excitement tungkol sa isang bagay.Ngayong araw ang una niyang pasok sa bagong project ng kumpanya. Hindi man siya regular na empleyado ng Gagmaitan Holdings, malaking bagay para sa kanya ang pagkakataong iyon. Sa wakas, meron na siyang sariling pinagkakaabalahan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang asawa.Pagkatapos maligo, nagbihis siya ng isang eleganteng cream blouse, dark trousers, at simpleng heels. Itinali niya rin nang maayos ang kanyang buhok at naglagay lamang ng kaunting makeup.Nang lumabas siya ng dressing room, saka naman nagising si Samuel. "Angel?"Napalingon siya at bumati."Good morning."Bahagyang dumilat si Samuel at nagtanong sa asawa. "What time is it?""Almost s
Ilang araw matapos ang kanilang pagpunta sa mall, napansin ni Angel na halos pare-pareho na lang ang kanyang ginagawa sa mansion.Gumigising siya nang maaga, nag-aalmusal, ipaghahain ang kanyang asawa at hihintayin na umalis ang kanyang asawa papunta sa opisina, minsan ay nanonood ng pelikula, at pagkatapos ay wala na siyang ibang mapagkaabalahan.Hindi naman siya sanay sa ganoong buhay.Bago ang lahat ng nangyari sa kanilang pagsasama, marami siyang pinagkakaabalahan. May regular job talaga siya at ilang mga totoong kaibigan. Ngunit simula nang maging komplikado ang kanilang relasyon ni Samuel, mas pinili niyang manatili sa mansion para tumahimik at alagaan na lang kung anong meron sa kanila.Nang umagang iyon, nakaupo siya sa veranda habang umiinom ng kape nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito. Isang unknown number ang lumabas.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinagot ang tawag."Hello? Sino ito?”"Ah, si Catherine ito, Angel. Busy ka ba ngayon?"Nagtak
Kinabukasan, bandang tanghali, napagdesisyunan ni Angel na lumabas muna ng mansion. Ilang araw na rin siyang halos nasa bahay lang. Kailangan niyang bumili ng ilang personal na gamit at nais din niyang makapaglibang kahit kaunti. Pinayagan naman siya ni Sam dahil marami itong gagawin sa kumpanya."Aling Rosa, sasama po ba kayo sa akin?" tanong niya habang inaayos ang kanyang bag.Agad namang tumango ang matandang mayordoma."Opo, Ma'am Angel. Mas mabuti na rin pong may kasama kayo. Para may bumitbit din ng mga gamit.”Napangiti si Angel. "Shopping lang naman ito.""Alam ko po. Pero mas maganda pa rin pong may kasama. Para na rin po sa safety niyo.”Matagal nang malapit kay Angel si Aling Rosa. Simula nang mapangasawa nito si Samuel, naging parang pangalawang ina na rin niya ang matanda.Makalipas ang ilang minuto, umalis silang dalawa patungo sa isang malaking mall sa Maynila.Hindi alam ni Angel na ang simpleng pamamasyal na iyon ay maglalagay kay Aling Rosa sa isang mahirap na sitwa
Matapos ang almusal, nagtungo si Samuel sa living room kasama si Helena. Samantala, naiwan sina Angel at Catherine sa dining area.Tahimik na inaayos ni Aling Rosa ang mga pinagkainan nang lumapit si Catherine kay Angel."Angel.""Hmm?""I hope you're not uncomfortable with me being here."Umiling si Angel. "You're fine. Iniisip ko nga, we can be friends. Iyon ay kung okay lang sa'yo?”“Oo naman, okay na okay sa akin. At least, we are clear with that.” Ngumiti si Catherine pagkasabi noon."I know things have been awkward. I'm sorry. Kakausapin ko si Samuel tungkol doon. I promise.”"Because of the business? Naku, wala iyon. Basta, we’re purely business partners. Iyon lang iyon.”“Thanks for giving me assurance, Catherine. I do appreciate it.”Tahimik si Angel pagkatapos noon at ngumiti naman si Catherine. "I genuinely want to be friends with you."Napatingin si Angel sa kanya. "Friends. Walang problema ‘yon.”"Thank you so much.”"Welcome.”“I guess, we’ll see each other a lot. Ano? W
Maaga pa lang ay gising na si Angel. Nasa kusina siya kasama ang matagal nang naglilingkod sa pamilya ni Samuel na si Aling Rosa, ang mayordoma ng mansion. Mahigit dalawampung taon na itong nagtatrabaho sa pamilya Gagmaitan at isa sa iilang taong lubos na pinagkakatiwalaan ni Angel."Ma'am Angel, ako na po rito," sabi ni Aling Rosa habang inaayos ang almusal sa mesa."Hindi na po, Aling Rosa. Tutulungan ko kayo. Simple lang naman po ito na gawain. At saka, para naman po ito sa asawa ko,” malumanay na sagot ni Angel."Hay, ma'am. Kakagaling n'yo lang po sa Tagaytay. Alam ko pong pagod kayo.”Ngumiti si lang Angel. "Okay lang po. Masaya naman ako na ginagawa ito para kay Samuel. Alam niyo naman po, mahal na mahal ko ang asawa ko.”Hindi napigilan ni Aling Rosa ang mapangiti. "Masaya po ko para sa inyo, Ma’am. Kahit sobrang busy ni Sir, nagagawan niyo pa rin po ng paraan ang lahat.”"Oo nga. Masaya rin ako na kahit paano nabibigyan na ko ng oras ni Samuel ngayon kaysa dati." Ngumiti si A
Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo







