Share

Growing Apart

last update publish date: 2026-08-05 16:44:24

Lumipas ang ilang buwan matapos marinig nina Samuel at Angel ang masakit na diagnosis.

Mula noon, hindi na naging pareho ang kanilang pagsasama. Bagama't nananatili pa ring mapagmahal si Samuel, unti-unti namang nagtatayo ng pader si Angel sa pagitan nilang dalawa.

Isang umaga, maagang nagising si Samuel upang maghanda sa pagpasok sa kumpanya.

Bilang CEO ng Gagmaitan Holdings Corporation, halos wala siyang araw na walang meeting o business deal na inaasikaso. 

Gayunpaman, sinisiguro niyang hindi niya napapabayaan ang kanyang asawa.

Lumabas siya ng walk-in closet na maayos na nakasuot ng navy blue suit.

"Angel?" Nakita niyang nakaupo ang asawa sa harap ng vanity mirror habang tahimik na nagsusuklay ng buhok.

"Good morning."

"Morning," maikling sagot nito. Lumapit si Samuel at ipinatong ang dalawang kamay sa balikat ni Angel.

"Kumusta ang tulog mo, love? Okay naman ba?” tanong ni Samuel sa sweet na boses.

"Ayos lang." Yumuko si Samuel upang halikan sana ang kanyang asawa pero bahagyang umurong si Angel.Nagkatinginan silang dalawa.

Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Samuel ngunit agad din niya itong itinago.

"Sorry," mahinang sabi ni Angel. "Hindi ko lang talaga feel ngayon, love."

Ngumiti si Samuel kahit may kirot na siyang naramdaman. "It's okay. Naiintindihan ko naman.”

Tumalikod na lang siya at kinuha ang kanyang relo. Hindi iyon ang unang beses na ginawa iyon ng kanyang asawa. Halos araw-araw na siyang iniiwasan ni Angel.

Pagdating ng gabi, pasado alas-nuwebe na nang makauwi si Samuel mula sa opisina.

Pagod na pagod siya matapos ang sunod-sunod na board meetings.

Pagpasok niya sa dining room ay nakita niyang naghihintay pa rin si Angel.

"You're home."

"Sorry, late na naman ako, my love. Sobrang dami ko kasing meetings, pasensya na."

"Ah, okay lang. Tara. Mainit pa ang pagkain,” sagot naman ni Angel.

Napangiti si Samuel. "Thank you."

Tahimik silang kumain. Kung dati, laging nagkekwento si Angel ng mga nangyayari sa kanya sa buong araw, simula noong nalaman niyang hindi na sila magkakaroon ng anak ay nagbago iyon.

Matapos kumain, nagsalita si Samuel.

"May free time ako this Saturday. ,If gusto mong umalis tayo, pwede ako.”

Napatingin si Angel. "I mean, baka gusto mo lang naman tayong lumabas?”

"Saan?"

"Kahit saan. Beach? Dinner? O kaya staycation. I just want to have time with you. Miss na miss na kita.” He was really hopeful na pagbibigyan siya ng kanyang asawa.

Umiling si Angel. "Pass siguro muna."

Nagtataka si Samuel, dati kasi ay sobrang excited na nito agad kapag ganoon ang sinabi niya. "Bakit? May problema ka ba? You can tell me.”

"Wala lang. Ayaw ko lang, di ba pwede iyon?” may taray sa boses ni Angel.

"You've been saying no for months. What happened to you? To us?” Hindi agad sumagot si Angel.

"Napapagod lang siguro ako. I think.”

"Angel, kilala kita. Hindi ka naman ganyan. Ano ba talagang nangyayari sa'yo? Huwag mong sabihin na tungkol na naman ito sa hindi natin pagkakaroon ng anak?”

"No. Hindi naman tungkol doon. I just want to rest,” ngumiti nang saglit si Angel.

Napabuntong-hininga si Samuel. "Sige. Pero kung ano man iyan, sana maging okay ka na. Masyado na tayong nagkakaroon ng problema dahil dyan.”

Kinagabihan, nadatnan niyang natutulog na si Angel. Tahimik siyang humiga sa kabilang bahagi ng kama. Dahan-dahan niyang inabot ang kamay ng asawa.

Ngunit kahit tulog ito, kusa nitong hinila ang kamay palayo. Napapikit na lang si Samuel dahil sa inis.

Hindi niya alam kung sinasadya ba iyon ng kanyang asawa o hindi. Pero masakit iyon para sa kanya.  Sobrang sakit.

Kinabukasan, habang nasa opisina, napansin ng executive assistant niyang si Vince na wala sa sarili ang CEO.

"Sir?" Napatingin si Samuel. "You've been staring at that document for almost fifteen minutes."

Napabuntong-hininga siya. "Ganun ba? I'm really sorry."

"May problema po ba?" Saglit siyang natahimik.

"Nothing that concerns our work. It's just my wife,” sagot naman ni Samuel. 

"Nag-away po ba kayo?"

"I wish. I wish away na lang talaga iyon para pinapansin pa rin ako ng asawa ko ngayon.”

Nagtaka si Vince.

"Hindi po ba mas okay kung walang away? Walang stress, sir."

"Hindi. Mas gusto kong mag-away na lang kami kaysa ganito kami ngayon. Hindi ko na alam kung anong nasa isip ng asawa ko." Napangiti nang mapait si Samuel pagkasabi noon.

Gabi na naman nang makauwi siya. Nasa terrace si Angel noon.  Tahimik itong nakatingin sa malawak na hardin ng mansion.

Lumapit si Samuel dala ang dalawang tasa ng mainit na tsaa. "Ininom mo na ba gamot mo?"

Tumango lang si Angel.

"Inumin mo rin ito." Tinanggap niya ang tasa.

"Thanks."

Tahimik na naman si Angel pagkatapos noon. Dahil sobra na, hindi na kinaya ni Samuel ang katahimikan.

"Hanggang kailan tayo magiging ganito?" Napalingon si Angel dahil sa gulat.

"Anong ibig mong sabihin?"

"You're avoiding me."

"Hindi, ah."

"You are."

Napabuntong-hininga si Angel, hindi na alam kung anong sasabihin sa kanyang asawa. "Samuel..."

"Tell me what I did wrong,” parang naluluha na si Samuel noon.

"Wala."

"Then why?"

Hindi makatingin si Angel. "Answer me."

Unti-unti siyang napaluha.

"Kasi.. natatakot ako."

Napakunot-noo si Samuel.

"Sa akin? Bakit? May ginawa ba ko sayo?"

"Hindi. Wala."

"E di saan?"

"Sa sarili ko, Sam." Tumulo ang luha ni Angel.

"Pakiramdam ko... hindi na ako sapat para sa'yo."

"Don't say that. Okay lang tayong dalawa. Ano ka ba naman?”

"Totoo naman. Hindi na kita mabibigyan ng pamilya.” Lumapit si Samuel.

"Ikaw ang pamilya ko. Di ba, noon pa man ay tayong dalawa na. Okay naman tayo.”

"Stop saying that!" Napalakas ang boses ni Angel. Bigla silang natahimik dahil doon. Humihikbi na siya ngayon.

"Araw-araw kong iniisip na baka dumating ang panahon na pagsisihan mong ako ang pinakasalan mo."

"Never mangyayari iyon. I promise."

"Baka isang araw gusto mo ring magkaroon ng anak. Hindi ko iyon mabibigay sa'yo.”

"Hindi ko kailangan ng anak para maging masaya. Okay?"

"Pero kailangan mo ng tagapagmana ng mga ari-arian mo. Lahat ng ito ay mapupunta dapat sa anak mo.” Napailing si Samuel.

"Business lang 'yon. Pwede kong ibigay iyon sa kapatid ko kung wala akong anak. Lahat, bibitawan ko para sayo.”

“Hindi. Hindi ganun iyon. Isipin mo nga, anong sasabihin mo sa mga shareholders kapag tinatanong ka na nila kung sino ang susunod na CEO? Hindi naman pwedeng wala kang isagot, di ba?”

Alam niyang maraming miyembro ng board ang nagtatanong kung kailan sila magkakaanak. Pero, hindi niya kailanman sinisi si Angel.

"Hindi kita ipagpapalit sa kahit sino."

"Baka ngayon lang iyan dahil bago pa lang ang pinagdadaanan natin." Mariing hinawakan ni Samuel ang magkabilang kamay ng asawa.

"Tingnan mo ako." Dahan-dahang tumingin si Angel.

"I married you because I love you, not for anything else. Hindi dahil kailangan kong magkaroon ng heir."

"Kahit maubos pa ang buong Gagmaitan Holdings. Ikaw pa rin ang pipiliin ko.” Napahagulgol si Angel.

Ngunit sa halip na gumaan ang kanyang pakiramdam, lalo lamang siyang nakaramdam ng guilt. Mas mabuti sana kung nagagalit si Samuel. Mas madali sanang tanggapin iyon.

Pero sa bawat pag-unawa nito, mas lalo niyang nararamdamang hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ng kanyang asawa.

Hindi alam ni Samuel na habang pilit niyang nilalapit ang sarili kay Angel ay mas lalo namang inilalayo ng babae ang kanyang puso.

Isang paglayong maaaring dumating sa puntong hindi na niya kayang habulin pa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Angel's Angelic Face    First Day

    Maagang-maaga pa lang ay gising na si Angel.Hindi pa sumisikat nang husto ang araw nang bumangon siya mula sa kama. Sa kabilang bahagi nito ay mahimbing pa ring natutulog si Samuel.Ilang segundo niya itong pinagmasdan bago siya napangiti. Matagal na rin mula nang magkaroon siya ng ganitong excitement tungkol sa isang bagay.Ngayong araw ang una niyang pasok sa bagong project ng kumpanya. Hindi man siya regular na empleyado ng Gagmaitan Holdings, malaking bagay para sa kanya ang pagkakataong iyon. Sa wakas, meron na siyang sariling pinagkakaabalahan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang asawa.Pagkatapos maligo, nagbihis siya ng isang eleganteng cream blouse, dark trousers, at simpleng heels. Itinali niya rin nang maayos ang kanyang buhok at naglagay lamang ng kaunting makeup.Nang lumabas siya ng dressing room, saka naman nagising si Samuel. "Angel?"Napalingon siya at bumati."Good morning."Bahagyang dumilat si Samuel at nagtanong sa asawa. "What time is it?""Almost s

  • Angel's Angelic Face    The Project

    Ilang araw matapos ang kanilang pagpunta sa mall, napansin ni Angel na halos pare-pareho na lang ang kanyang ginagawa sa mansion.Gumigising siya nang maaga, nag-aalmusal, ipaghahain ang kanyang asawa at hihintayin na umalis ang kanyang asawa papunta sa opisina, minsan ay nanonood ng pelikula, at pagkatapos ay wala na siyang ibang mapagkaabalahan.Hindi naman siya sanay sa ganoong buhay.Bago ang lahat ng nangyari sa kanilang pagsasama, marami siyang pinagkakaabalahan. May regular job talaga siya at ilang mga totoong kaibigan. Ngunit simula nang maging komplikado ang kanilang relasyon ni Samuel, mas pinili niyang manatili sa mansion para tumahimik at alagaan na lang kung anong meron sa kanila.Nang umagang iyon, nakaupo siya sa veranda habang umiinom ng kape nang marinig niya ang tunog ng kanyang cellphone. Kinuha niya ito. Isang unknown number ang lumabas.Saglit siyang nag-alinlangan bago sinagot ang tawag."Hello? Sino ito?”"Ah, si Catherine ito, Angel. Busy ka ba ngayon?"Nagtak

  • Angel's Angelic Face    Aling Rosa Heard Everything

    Kinabukasan, bandang tanghali, napagdesisyunan ni Angel na lumabas muna ng mansion. Ilang araw na rin siyang halos nasa bahay lang. Kailangan niyang bumili ng ilang personal na gamit at nais din niyang makapaglibang kahit kaunti. Pinayagan naman siya ni Sam dahil marami itong gagawin sa kumpanya."Aling Rosa, sasama po ba kayo sa akin?" tanong niya habang inaayos ang kanyang bag.Agad namang tumango ang matandang mayordoma."Opo, Ma'am Angel. Mas mabuti na rin pong may kasama kayo. Para may bumitbit din ng mga gamit.”Napangiti si Angel. "Shopping lang naman ito.""Alam ko po. Pero mas maganda pa rin pong may kasama. Para na rin po sa safety niyo.”Matagal nang malapit kay Angel si Aling Rosa. Simula nang mapangasawa nito si Samuel, naging parang pangalawang ina na rin niya ang matanda.Makalipas ang ilang minuto, umalis silang dalawa patungo sa isang malaking mall sa Maynila.Hindi alam ni Angel na ang simpleng pamamasyal na iyon ay maglalagay kay Aling Rosa sa isang mahirap na sitwa

  • Angel's Angelic Face    Friends (?)

    Matapos ang almusal, nagtungo si Samuel sa living room kasama si Helena. Samantala, naiwan sina Angel at Catherine sa dining area.Tahimik na inaayos ni Aling Rosa ang mga pinagkainan nang lumapit si Catherine kay Angel."Angel.""Hmm?""I hope you're not uncomfortable with me being here."Umiling si Angel. "You're fine. Iniisip ko nga, we can be friends. Iyon ay kung okay lang sa'yo?”“Oo naman, okay na okay sa akin. At least, we are clear with that.” Ngumiti si Catherine pagkasabi noon."I know things have been awkward. I'm sorry. Kakausapin ko si Samuel tungkol doon. I promise.”"Because of the business? Naku, wala iyon. Basta, we’re purely business partners. Iyon lang iyon.”“Thanks for giving me assurance, Catherine. I do appreciate it.”Tahimik si Angel pagkatapos noon at ngumiti naman si Catherine. "I genuinely want to be friends with you."Napatingin si Angel sa kanya. "Friends. Walang problema ‘yon.”"Thank you so much.”"Welcome.”“I guess, we’ll see each other a lot. Ano? W

  • Angel's Angelic Face    Unexpected Visitor

    Maaga pa lang ay gising na si Angel. Nasa kusina siya kasama ang matagal nang naglilingkod sa pamilya ni Samuel na si Aling Rosa, ang mayordoma ng mansion. Mahigit dalawampung taon na itong nagtatrabaho sa pamilya Gagmaitan at isa sa iilang taong lubos na pinagkakatiwalaan ni Angel."Ma'am Angel, ako na po rito," sabi ni Aling Rosa habang inaayos ang almusal sa mesa."Hindi na po, Aling Rosa. Tutulungan ko kayo. Simple lang naman po ito na gawain. At saka, para naman po ito sa asawa ko,” malumanay na sagot ni Angel."Hay, ma'am. Kakagaling n'yo lang po sa Tagaytay. Alam ko pong pagod kayo.”Ngumiti si lang Angel. "Okay lang po. Masaya naman ako na ginagawa ito para kay Samuel. Alam niyo naman po, mahal na mahal ko ang asawa ko.”Hindi napigilan ni Aling Rosa ang mapangiti. "Masaya po ko para sa inyo, Ma’am. Kahit sobrang busy ni Sir, nagagawan niyo pa rin po ng paraan ang lahat.”"Oo nga. Masaya rin ako na kahit paano nabibigyan na ko ng oras ni Samuel ngayon kaysa dati." Ngumiti si A

  • Angel's Angelic Face    Fake Fire

    Tahimik na ang gabi sa Tagaytay. Nasa loob ng cabin sina Samuel at Angel, parehong nagpapahinga matapos ang buong araw na pag-iikot. Nakatayo si Angel sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa malayo.Samantala, nakaupo si Samuel sa sofa, hawak ang isang tasa ng kape. Paminsan-minsan ay tumitingin si Samuel sa kanyang asawa. Appreciated niya talaga ang kanyang asawa dahil kitang-kita niya kung paano ito magmahal.Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang ibaba ang kanyang tasa ng kape. Napatingin siya sa screen.Mom calling..Bahagyang kumunot ang noo ni Samuel.Alas-nuwebe na ng gabi. Hindi karaniwang tumatawag ang kanyang ina nang ganoong oras maliban kung may nangyari. Sinagot niya agad iyon at nag-aalala."Mom?""Samuel!" Mabilis at puno ng pangamba ang boses ni Helena."What happened?" Nag-aalala at nagtatakang tanong ni Samuel sa kanyang ina."May problema sa company natin. You have to go there as soon as you can!” Agad na napaupo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status