Share

Kabanata 5

5

ANG LAKAS parin ng tibok ng puso niya kahit malayo na siya sa lalaki. Sobrang gwapo niya at napakakisig parang yong bida sa novel na binabasa niya at sa mga tauhan sa mga pocket book na hinihiram niya kay Kim, kababata niya sa Isla na mahilig magbasa Ng mga novels. Wala sa sariling napangiti siya at sumulyap sa table 5 kung saan nakaupo Ang binata.

"Anna! Table 1! Kanina kapa tinatawag, sino bang sinisilip mo diyan." Sita ni Lyn na tangka atang sisilip ng bigla niyang pigilan at dinala sa kitchen para kunin ang mga order. Hindi na Ito nagtanong at dumiretso na sa counter para tumulong dahil wala si ate Bebang. Nang makuha ang order pumunta na siya sa table 1 pero pasimpleng sumisilip sa lalaking nasa table 5 na tahimik lang na kumakain. Nang matapos niyang maibigay Ang order sa table 1 pumunta na siya sa gilid Ng counter para maghintay sa susunod na iuutos sa kanya. Panaka naka paring tinitingnan ang gwapong lalaki.

Nang matapos na atang kumain ang gwapong lalaki ay suminyas Ito para kunin ang bills. Kaagad namang lumapit si John na isa sa mga waiter pero bago paman Ito makalapit sa lalaki ay kaagad na siyang lumapit at nagprisinta.

"John! Ako na. Wala naman akong ginagawa." Mabilis niyang sabi. Kita sa mukha nito Ang panunudyo na alam ata Ang dahilan kung bakit siya nagprisinta. Tumawa Ito ng makita ang expression niya.

"Don't worry, Hindi lang naman ikaw ang unang gumawa niyan sa tuwing nandito si sir Marcus." Naiiling nitong sabi. Napahiya naman siya kaya ibinalik niya dito ang bills na inagaw niya.

"Ikaw na, may gagawin rin naman ako. Para naman makita mo sa malapitan." Natatawang sabi nito saka tumalikod.

Nahihiya siya sa naging asal, na realize niyang trabaho ang ipinunta niya sa Maynila hindi lalaki. Siguro normal lang na makakita siya ng ganoon ka gwapong lalaki dahil nasa Maynila siya. Bumuntong hininga siya bago lumapit sa table 5, sinisigurong hindi mapapahiya at iniwasan na din niyang mapatingin sa gwapong lalaki.

"Hello sir, here's your bills" magalang niyang sabi na nakayuko. Amoy na amoy niya ang bango ng perfume ng lalaki. At gustong gusto niya itong amuyin pero pinigilan niya Ang sarili dahil ayaw niyang mag mukhang tanga. Nang tumingin ito sa kanya may dumaang emosyon na hindi niya alam kong ano. Tahimik nitong kinuha ang bill saka kinuha ang wallet at binilang ang ilang libong pera, muntik na siyang mapasinghap ng makita kung gaano ka rami ang pera nito. 'ang yaman yaman siguro nito.' Sabi niya sa sarili.

Nilagay nito ang pera sa mesa at dali dali naman niyang kinuha bago dali daling umalis.

"anong nangyari sayo?" nagtatakang sabi ni Lyn ng makitang napabuntong hininga siya. umiling lang siya saka sinilip ang lalaki sa table 5 pero wala na ito.

DUMATING ang hapon at marami silang customers kaya pagod na pagod siya lalo na't siya ang laging inuutusang mag serve. napagalitan pa siya kanina dahil muntik na niyang matapon ang juice na order ng isang matanda. grabe ang pamumutla niya ng bumagsik ang mukha ng matanda at kulang nalang sampalin siya sa katangahan niya.

"tapos kana ba Anna?" napalingon siya kay Ate Bebang at tumango, Ang tinutukoy nito ay yong iniutos nitong mag serve ako sa table 15, last ko na ngayon at pwede na akong umuwi kaso hinihintay ko pa si Lyn, sabay daw kasi kami nauna na kasi si Mar dahil sinundo ulit ito ng boyfriend nito.

"nasa locker area si Lyn saka bago ka umalis pakisabihan naman si John na pumunta muna sakin dahil may iuutos ako sa kanya." Sabi nito bago itinuon ang pansin sa counter. Tumango lang ako saka na umalis.

WALA MASYADONG sasakyan ngayon kaya nagtiyaga nalang kaming mag hintay ni Lyn. Ilang oras din ang paghihintay namin bago nakasakay. Pagdating ko sa apartment ay tahimik ang buong bahay senyales na hindi pa dumadating si Mar. Ito ang lagi kong napapansin sa kaibigan, lagi itong gabi na kung umuuwi at saka wala naman akong lakas ng loob na pagsabihan ito lalo na't matagal din kaming hindi nagkita at Malaki talaga ang pinagbago nito. Tumawag lang ako sa kina nanay at kinamusta ang mga ito bago natulog.

Mabilis na lumipas ang araw at hindi ako makapaniwalang anim na buwan na ako dito sa Maynila. Lumipat na din ng apartment si Mar noong ika tatlong buwan ko palang dito dahil nabuntis ito ng nobyo pero iniwanan din, nahiya siguro saakin kaya naisipan nitong umalis nalang. Wala din naman akong magagawa at mas mabuti ngang ako lang mag isa dito dahil tahimik.

"Anna! Si Lyn to. Alas syete na baka mahuli na tayo!" Nabalik ako sa kasalukuyan, hindi ko namalayan na malalim na pala ang napuntahan nang isip ko. Nakaligo na ako at sa restaurant nalang ako kakain dahil wala nang oras. Mabilis kong kinuha ang bag at dali daling lumabas.

"Ano bang ginawa mo kagabi at parang napuyat ka? Mapapagalitan na naman tayo ni ate Bebang nito. Pangalawang balik ko na to dahil kanina pa ako kumakatok pero masarap siguro ang tulog mo kaya hindi mo ako narinig" Nakasimangot na sabi nito. Tumawa lang ako saka na pumara sa dumaang taxi.

"siya nga pala, ngayon ang sahod natin diba? may balak ka bang bilhin? Ako kasi magpapadala ako kina nanay baka pwede mo akong samahan mamaya." Sabi ko nang makasakay na kami.

"Naku! May pupuntahan pa pala ako mamaya Anna! Dadating ang kapatid ko at susunduin ko siya sa airport. Sorry talaga" Hingi nitong paumanhin.

"ano kaba! Syempre okay lang. " Ilang minuto din ang lumipas bago kami nakarating sa pinagtatrabahuan.

"Anna bilis! Bakit kasi ngayon lang kayo ni Lyn! Punong puno tayo ngayon dahil valentine's day, at ang crush mong si papa Marcus nasa table 5 ulit ikaw na mag serve para naman ganahan ka laging pumasok!" Walang tigil na sabi ni ate Bebang pero napahinto ako sa paglalakad sa huling sinabi nito.

"Si sir Marcus nandiyan ulit? Nakabalik na pala siya!" Masayang sabi ko pero napailing lang si ate Bebang. Sanay na ang mga ito dahil hindi lang naman ako ang nagkaka crush kay sir Marcus. Ilang kababaihan nga talagang sinasadyang pumunta dito pagnalaman nilang nandito si sir Marcus. Ang kaibahan lang puros magaganda at at mayayaman ang mga iyon kumpara sakin.

Pumunta na akong kitchen para kunin ang order ni sir Marcus.

"Caloy, ready na ba yong sa table 5?" sabi ko dito.

"Oo, Sandali lang." Umupo ako sa may upuan at iginala ang tingin sa paligid at nakita kong mataman ang tingin ni John sakin. Umiwas naman kaagad ito ng makitang nagtataka ang tinging balik ko.

"Ito na Anna" Sabi ni Caloy at inilagay ang tray sa harap ko. Pero akala ko aalis na ito ay hindi pala dahil dumukwang pa ito at sininyas na may ibubulong daw ito. Kaya dumukwang din ako papalapit.

"May gusto daw si John sayo." Bulong nito.

"Ano! " Hindi ko napigilang sumigaw. Tumawa lang si Caloy at iiling iling bago nagpaalam na aalis na. Pero mabilis ko itong pinigilan at dinala sa gilid para hindi kami makita ng bagong manager namin na sobrang sungit.

"ano nga ulit yong sinabi mo Caloy? si John may gusto sakin? hahaha wag ka ngang magpatawa diyan!" Natatawang sabi ko. Umiling lang ito at tangka na sanang aalis pero mabilis ko itong hinarangan. Hindi parin kasi ako makapaniwalang si John may gusto sakin.

"Ano ba Caloy! sabihin mong nagbibiro ka lang?"

"Hay naku Anna! Alam na nang lahat na matagal nang may gusto si John sayo, ikaw lang ata ang manhid at clueless!." Kakamot kamot sa ulong sabi nito.

"Bakit niya naman kasi ako magugustuhan? eh tingnan mo nga ang mukha ko, maitim at bansot hahaha! sa gwapo niyon magkakagusto sakin?" Natatawa kong sabi.

"Tumitingin ka ba sa salamin Anna? Siguro noong bago ka palang dito maitim ka dahil sa temperatura doon sa inyo at tabing dagat pa. Eh anim na buwan ka na dito at kuminis na ang kutis mo at pumuti ka na, at ang pagiging maliit mo nababagay naman sa katawan mo kaya anong panglalait ang sinasabi mo sa sarili mo? haaay naku Anna! Hindi lang naman si John ang may gusto sayo dito no, tssk" Saka ako iniwang nakatunganga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status