Share

Kabanata 4

4

AALIS na sana ako pero napatigil ako sa huling sinabi nito.

"But because Mar recommended you and i trust her then you can work effectively tomorrow" nakangiting sabi nito. Napatigil ako at napatitig sa kanya.

"H-hindi po ba kayo nagbibiro?" Alanganin kong sabi, dahil sa mga pinagsasabi nito kanina malabo na makuha pa ako.

"I'm not joking around and that's not my forte so? When i said you can work effectively tomorrow means you got the position" nakangiti na nitong sabi gusto kong umiyak dahil sa saya. "S-salamat p-po" hindi ko alam kong anong sasabihin ko sa kanaya. Isininyas nito ang pintuan na nagsasabing pwede na akong lumabas. Kaya kaagad akong tumalima.

"Yes!! Yes! Thank you Lord!" Nagtatalon ako sa sobrang saya at napatigil lang ng makita ang mga ibang applicant na nakatingin sakin at nagbubulungan pa. Hindi ko nalang pinansin at sobrang saya ko para lang sirain yun.

Kaagad kong kinuha ang lumang cellphone at kaagad na  hinanap ang number ni ate Anne para tawagan... Matagal pa bago nito sagutin.

"Ate Anne!! Natanggap ako! Sa wakas may trabaho na ako!! Huhuhuhu" malakas kung sigaw at hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.

  " Kumalma ka nga! Baka anong sabihin ng mga nakakita sayo at masabihan ka pang baliw."

Tumingin naman ako sa paligid at buti nalang walang nakakita. "Mag iingat ka diyan Anna at ibabalita ko kina itay at inay ang magandang balitang iyan" naputol na ang linya kaya ibinalik ko na sa bag. Nag aalangan pa ako dahil hindi ako marunong sumakay ng jeep na mag isa pero itinuro naman ni Mar ang gagawin kaya ng dumaan ang jeep ay pinara ko na ito.

MASAYA din si Mar para saakin ng ibinalita ko na tanggap ako at dahil sa kanya iyon. At ngayon nga ay naghahanda na kami para pumasok, excited din ako dahil ito ang una kong trabaho masaya pala sa pakiramdam.

"Wala ka na bang nakalimutan Anna?" Kinuha ko ang bag at umiling sa kanya. "Halikana" lumabas kami at nag para ng jeep. Huminto naman ito at kaagad kaming sumakay.

"Ano ba yan! Bakit ang itim nya?"  Rinig ko sa dalawang estudyante. Hindi ko nalang pinansin. Ano ngayon kong maiitim ako? Hindi matangkad. Ang mahalaga may trabaho na ako. Ngumiti lang ako kay Mar. Ilang minuto

Nakarating din kami sa restaurant. Dumaan kami sa employees entrance at mas lalo akong kinabahan.

"Relax ka nga! Alam kong excited ka pero huwag mo namang ipahalata!" Sabi ni Mar. Napahiya naman ako, alam kong hindi niya naman binibigyan ng meaning ang sinabi niya. Nang makapasok kaagad kaming pumunta sa mga lagayan ng gamit at nagmamadali sa mga kilos.

"Hanapin mo si Lyn Anna, siya mag o-orient sayo bago ka magsimula." Sabi ni Mar bago umalis dahil late na daw ito. Pumunta ito sa naka assign nitong trabaho. Nang matapos hinanap ko nga si Lyn na Isa palang waitress din gaya ko.

"Ikaw si Anna? Hindi naman masama ang itsura mo, sa totoo lang maganda ka kaso lang maitim ka. Bilad ka siguro sa pinanggaling mong isla." Diri- diritsong sabi nito bago ako iginiya sa kusina at e-explain Ang mga dapat gawin. Mabait si Lyn kaya madaling nagkagaanan ang loob naming dalawa. Akala ko madali lang ang trabaho dahil pagsisilbi lang naman pero nakalimutan kong sosyal pala tong restaurant at hindi basta basta. Dumating ang hapon at pagod na pagod ako dahil Ang dami daming customer. First day ko palang pero stress na!

"Uuwi kana ba Anna? Sabay na tayo." Sabi ni Lyn na bigla nalang sumulpot sa locker area nila. Umiling ako habang pinupunasan ang mga pawis na namuo dahil sa pagod.

"Hihintayin ko pa si Mar. Sabay kaming uuwi." Kumunot Ang noo nito.

"Sabay kayo? Eh kanina pa siya umuwi sinundo Ng boyfriend nito. Hindi ba nagpaalam?" Napatigil ako sa ginagawa, umalis na si Mar? Akala ko sabi nito sabay kaming uuwi? Hindi ko alam pero sumama Ang loob ko sa kinikilos ng kaibigan ko. Ang laki na nang pinagbago nito similar ng makapunta itong maynila. Kagaya ngayon na umalis nalang ng walang paalam at madali ding uminit ang ulo.

"Alam mo Anna, Hindi sa nanghihimasok ako pero huwag kang magtiwala masyado Kay Mar hindi sa sinisiraan ko siya pero baka magulat ka sa malalaman mo sa kanya." Seryosong sabi ni Lyn. Napalingon ako sa kanya, Hindi ito makatingin at napakagat labi pa ito.

"Anong ibig mong sabihin?" Parang may gusto itong sabihin pero nagdadalawang isip.

"A-ah wala, kalimutan mo na ang  sinabi ko. Tapos kana ba? Halika na baka gabihin tayo." Yun lang ang sinabi nito bago tumalikod. Ipinag walang bahala niya na lang ang sinabi nito. Sumunod din naman siya kaagad.

Naghihintay kami nang masasakyan, hindi rin naman nagtagal ay may pumarang sasakyan. Sabay kaming sumakay at sinabi nito ang aming mga address. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Panay lang ang sulyap ko sa kanya gusto ko pa sana mag tanong pero nahihiya naman ako kaya nanahimik nalang. Hindi rin naman pala kalayuan ang tinitirhan ito sa amin, nang bumaba kami sa apartment namin ni Mar, ngumiti ito ng tipid bago nag paalam. Naguguluhan ako sa sinabi nito kanina na magugulat ako sa malalaman ko tungkol Kay Mar. Ipinag sa walang bahala ko nalang saka na pumasok. Tahimik ang paligid ng pumasok ako iginiya ko ang tingin at wala akong nakitang Mar. Malapit na ang gabi pero wala pa rin ito akala ko ba nauna na ito. Bumuntong hininga siya saka pumasok sa kanyang kwarto. nagbihis muna siya at nag ayos ng sarili bago lumabas at pumunta ng kusina para magluto. Sumapit ang gabi tapos na akong magluto at nakakain na pero hindi pa rin dumadating si Mar nag-aalala na ako sa kanya kaya kinuha ko ang cellphone at tinawagan ito pero hindi naman ito sinasagot. Siguro sa mga magulang nito siya matutulog. Nauna na ako sa kwarto at naunang natulog. Matanda na si Mar at alam niya na ang ginagawa niya matagal din kaming hindi nagkita at alam ko na malaki ang pinagbago nito sino ako para diktahan siya sa mga bagay na dati Naman  sigurong ginagawa.

KINABUKASAN maaga akong nagising para mag luto ayaw kong malate dahil bago palang ako sa trabaho, pupunta na sana ako sa banyo para maligo pero rinig kung may taong naliligo dumating na siguro si Mar kaya tinawag ko ito.

"Dumating ka na pala Mar? Hindi ka ba dito natulog?" Sandaling namatay ang gripo bago ito nag salita.

"Gising ka na pala Anna, gabi na ako nakauwi tulog ka na siguro pasensya na hindi kita nasabihan bago umalis sa trabaho dumating kasi ang boyfriend ko kaya hindi ko nasabi agad sa iyo. Huwag ka nang magluto dahil naka luto na ako." Naaalala niya na naman ang sinabi ni Lyn. mali naman siguro ang iniisip nito kaya inalis niya nalang sa isip. Sinunod ko ang sinabi nito, pumunta ako ng kusina at nag umpisa ng kumain hindi ko na siya hinintay dahil may nakita akong plato sa lababo ibig sabihin tapos na itong kumain. Magana akong kumain, hindi naman nagtagal lumabas din si Mar at pumasok sa sarili nitong kwarto, nang matapos kumain dumiretso na ako sa kwarto at kinuha ang tuwalya at pumasok na sa banyo para maligo.

SABAY ULIT kami ni Mar na pumasok sa trabaho tulad ng dati maraming pumapansin sa akin kutis pero hindi ko nalang pinapansin, alam ko naman na ako lang ang masasaktan kung intindihin ko pa ang kanilang paninira. Katulad pa rin kahapon maraming mga customer buti nalang nandiyan si Lyn at ang ibang mga kasamahan ko na walang sawang tumulong sa akin dahil alam naman nilang bago lang ako sa trabaho. dahil first time kong nakapagtrabaho sa ganitong kagarang restaurant at hindi ako aware sa mga taong mapanghusga meron kasing  mga customer na masama ang ugali at konting mali lang kanila na kaagad na pinupuna buti na lang nandyan si Lyn at  ginagabayan ako, alam naman nitong wala pa akong alam sa ganitong  trabaho iba naman kasi sa sa Isla Verde hindi gaya dito sa Manila ibang iba talaga.

Ito ang matagal ko ng pinapangarap ang makapagtrabaho sa Maynila kaya kahit ano pa ang hirap  kakayanin ko. Maliit na bagay lang ito kisa sa trabaho ko sa Isla na tambak na mga labahan ko at ano ano pa.

"Anna table 5! Puntahan mo muna dahil may iba pang customer na inaasikaso si Caloy  ikaw na muna doon." Mahinang sigaw ni Lyn sa akin nandoon siya sa counter at tinutulungan si ate Bebang. Dali dali akong kumilos at pumuntang kusina para kunin ang order sa table 5.

"Ito na po miss Anna" sabi ng isang chef. Madami kasing chef sa kitchen.

"Salamat po chef" nakangiti kung sabi. Tumango lang naman ito, kaya dali dali kung kinuha ang order sa table 5 at dinala ito doon. malayo pa lang ako nakita ko na ang isang lalaking matangkad at maputi na nakaupo at mag-isa sa table 5 pero hindi ko masyadong makita ang mukha nito kaya dahan dahan akong pumunta at nag excuse sa kanya.

"your order sir "sabi ko. Busy pala ito sa pag ce-cellphone at nakayuko. Dahan dahan ko inilagay ang kanyang mga in order. Matapos wala sa sariling napatingin siya sa lalaki at hindi rin sinasadyang napatingin ito sa kanya kaya hindi sinasadyang nag titigan sila. Mga ilang segundo din bago iniwas nila ang tingin sa isa't isa. Tumikhim ang lalaki kaya napaiwas siya nang tingin at humingi ng tawad dito.

"Sorry po sir hindi ko po sinasadya." Hingi niya ng paumanhin aalis na sana siya ng bigla siyang tawagin nito

" Are you new here? You seems unfamiliar." Sabi nito.

" Opo sir, kahapon lang po ako nag umpisa."tumango tango Ito at sumenyas na pwede na akong umalis. Kaya magalang akong umalis, napabuntong hininga siya ng makaalis hindi niya alam kung bakit bigla nalang tumibok ang kanyang puso.

Please vote and comments and don't forget to follow me to my account thank you!

Lady Kimmy

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marissa Lopez
ok po naman. yong nobela
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status