Share

Six

Jarred

Hindi ko alam pero kakaiba ang nararamdaman ko habang nasa mga bisig ko ang babaeng ito. Nakikita ko siya pala sa Tourism department pero madalang lang. Palabas na ako ng men's room nang makarinig ako ng malulutong na tawanan. Naging interesado ako at siguro marahil ay dala na din ng kuryusidad.

Nasa labas lang ako pero nakikita ko at naririnig ang mga panunukso at tawanan ng ilang mga babae at dalawang lalaki laban sa isang kaawa-awang babae.

It's Halloween. Kaya naman katakot-takot na pambubuly ang naranasan nito.

Nang makita kong malilinsad na ang babae, ewan ko pero natagpuan ko na lang ang sariling sinalo ang katawan nito bago pa man iyon sumayad sa maruming semento.

Ang hindi ko maipaliwanag ay ang kakaibang pitlag ng puso ko. Hindi ko maisalarawan ang kakaibang saya na umaapaw sa buong pagkatao ko.

This strange feeling gottin' more deep. And the way I gently touched her, joy continues overflowing like a flushing water.

Ano ba itong nararamdaman ko? Akala ko panaginip lang ang werdo, ngayon ay pati na din itong nararamdaman ko.

Sa dami ng gumugulo sa isipan ko ngayon, hindi ko namalayan na nasa clinic na pala ako.

At kung hindi pa ako inusisa ng on-duty na nurse doon, hindi ko pa alam na nasa mga bisig ko pa din siya.

~~~

Eric's Past

"E-eric!" Maluha-luhang tawag ko sa pangalan ng nag-iisang lalaking minahal at mamahalin ko. Hindi ko na napigil ang sariling yakapin siya.

I'm sorry..." Wika nya sa akin na halos 'di niya mabanggit dahil kulang ng lakas ng loob. Idagdag pa na parehong nadudurog ang puso mga puso nila hanggang ngayon.

Tiningnan niya ako sa mga mata. Sinusubukang basahin kung ano ang nasa isip ko.

Hindi ko napigilang iiwas ang tingin ko sa kaniya at napayuko.

Maging ako ay hindi matanggap na aabot sa ganito ang lahat. Na ang kanilang pagmamahalan ay magwawakas sa isang napasaklap na wakas.

"I-i did nothing to protect you from him. I-i am very sorry..." Muli niyang wika na 'di naiwasang mapaiyak.

Muling umangat ang ulo ko at masaya akong ngumiti kahit may luha ang mga mata. Iniisip ko na lamang na wala na din akong magagawa kahit isumpa ko pa si Kenneth Whin.

"It's okay", matatag kong tugon. "It is done, we can do nothing to change our fate." Hinaplos ko siya sa pisngi. Dinama ko ang init niya kahit pa alam kong imposibleng mangyari iyon dahil alam ko sa sariling patay na ako.

"Ngayon ay malaya na tayong magmahalan sa walang hanggan. Wala nang hahadlang pa sa ating pagmamahalan." Masiglang pahayag ko para pawiin ang sakit na nagpapasikip sa dibdib ko.

Noon biglang may lumitaw ang liwanag. Liwanag na nakakasilaw at halos mabulaga kaming dalawa. Sa takot na magkahiwalay na naman kami, napahawak ako sa kamay ni Eric na buong higpit.

Kung ano man ang dala ng liwanag na ito, hindi na ako papayag na paghiwalayin pa kami ng panahon o ng kapalaran.

Sinulyapan ako ni Eric nang maramdaman niya ang mahigpit kong paghawak sa mga kamay niya.

"It's nothing." Pagco-comfort niya sa akin at pinagdaop ang aming mga palad. Nginitian niya rin ako ng buong katatagan. Mamaya pa ay biglang sumabog ang liwanag!

Nagkaroon ito ng kakaibang enerhiya! Pati ang hangin sa kanilang paligid ay nagkaroon ng puwersa nang humihip ito bigla.

"Eric!" Sigaw ko nang biglang lumutang siya at napaangat ang katawan. Bumaha sa mukha ko ang takot nang makita siyang parang magaang papel na lumutang.

Dalawang kamay ko na siyang hinawakan at ginawa ang lahat ng makakaya ko para hindi siya matangay. Ibinuhos ko ang buong lakas ko para hindi siya tuluyang tangayin.

"E-edcel!" Si Eric naman ang napasigaw nang makitang ako naman ang lumutang.

Ngayon ay para na kaming naghihilaan. Pareho kaming takot at nag-aalala sa isa't isa.

"Edcel, kumapit ka lang. Huwag na huwag kang bibitaw!"

Narinig ko ang sinabing iyon ni Eric pero mas nagtutumining sa isip ko ang takot na baka magkahiwalay na naman kami.

"N-natatakot ako, Eric!" Gumitaw sa mga mata ko ang luha na dala ng nakaambang paghiwalayin na naman muli.

Iyong lingon ko sa unahan nang makita ang parang buhawing pasalakay sa amin. Noon mas lalong umalon ang takot sa dibdib ko.

Iniwas ko ang tingin ko.

"E-edcel, eyes on me. Sa akin ka lang tumingin."

Narinig ko na iyon sa kaniya. Noong una pa, noong araw na pinagtangkaan ang buhay ko ni Kenneth Whin. Ngayon na naman ba mauulit?

____________

Crystal 

Naratnan ko na mahimbing na natutulog si MJ sa clinic patient bed. Ganoon na lang ang pag-alala namin ni Liza nang malaman ang nangyari sa kaibigan namin.

Lumabas lang ako sandali upang

Iniwan lang kami nito saglit dahil magsi-C.R lang daw. Nang matagal na siyang nakabalik ay nag-alala na kami kaya sinadya na namin siya sa Women's room.

At ito nga ang nadatnan namin. Si MJ na pasan-pasan ng guy palabas ng C.R. Nakiusap kami na isugod siya sa clinic at hindi naman tumanggi.

Napasana all pa si Liza kahit sa alanganing sitwasyon ni MJ. Imagine?

Ang knight in shining armor ng kaibigan ay isa sa mga tinitingalang personalidad ng St. Luke University.

No other man but Jarred Lloyd Villagracia. The Doctors pride, MVP ng campus Ball team, music artist ng New -G campus band.

Haba ng hair ng kaibigan namin hindi ba? Sa dinami-dami ng mga lalaking pwedeng makakita dito?

Kahit ako ay gusto kong maiinggit dito. Sana kasi ay katulad din niya ako kaganda. 'Yong mabibihag ko din ay mga sikat na personalidad.

Illusyunada!' pangaral ng isip ko sa akin. 'Paano ka naman magugustuhan e sa acads pa lang ay wala ka nang binatbat. Sa kulay, bagsak ka din.'

Noon ko naalala si Liza na kakaalis lang upang tumungo sa C.R.

Bale mag-isa lang ako ngayong nagbabantay sa kaibigan namin. Ang siste pa ay ang tagal bumalik ng kasama ko. Kanina pa iyon nakaalis pero hanggang ngayon ay wala pa din ito.

'Nasaan na kaya ang isang iyon? Parang wala na yatang planong bumalik a?

Ang tungkol naman sa hero ni MJ, umuwi na ito matapos magpaalam sa amin. Dangan din lang ay alam na nitong may mag-aasikaso sa babae pagkaalis nito, panatag na itong iniwan si MJ sa kanila.

Hanggang ngayon nga ay kinikilig pa din ako sa asta at pagtrato ng lalaki sa kaibigan ko. Imagine! Ito na nga ang naghatid rito sa clinic, kapakanan pa rin ng kaibigan ko ang iniisip nito bago umalis.

Iniisip ko nga na parang may something in common sa dalawa. May napansin kasi akong foulplay sa closeness ng dalawa. Parang may hidden connection sa dalawa maybe a hypothesis na hindi ko pa mabigyan ng siguradong konklusiyon.

Wow! Science major?

Nakalimutan ko na din yatang Tourism ako, hindi BS in Education.

Noon ko narinig na paanas na nagsalita si MJ. Umuungol siya kahit tulog.

Dinig na dinig ko ang pangalan na binabanggit niya.

ERIC?? Rumehistro ang pangalang iyon sa isip ko.

'Eric? Sino 'yun?' lumuwang ang bibig ko pagkarinig sa pangalang binabanggit nito. Kasabay din noon ay bumuo iyon ng katanungang sa isipan ko.

Wala akong matandaang lalaki na na-link na sa kaibigan namin ever since nang magkakilala kami.

If soever man, di'ba dapat isa ako sa makakaalam? Kami ni Liza dapat ang unang makakapansin noon.

Nakita kong gumalaw ang mga kamay ni MJ. Patuloy pa rin itong umuungol. Nagmumurmured.

Ginagap ko ang kamay nito at marahang pinisil. Sinimulan ko ding mahinang tawagin ang pangalan niya pero nananatili itong umuungol lamang.

Hanggang sa makarinig ako ng pagbukas ng pinto ng clinic room. Iniluwa niyon si Liza na hangos at may pagmamadali.

"Mabuti naman at bumalik ka na. Kanina pa akong naghihintay dito." Reklamo ko dito.

"Sorry, I have a phone call kaya natagalan ako. Lams mo na." Sagot nito na ngumiti sa akin ng makahulugan.

"A phone call?" Pagtitiyak ko na tinaasan ito ng kilay. "Let me guess, si Darwin?" Ang tinutukoy ko ay ang secret admirer nito sa Political Science Department.

Napabungisngis ito, sign na totoo ang hula ko.

Kumibit-balikat na lang ako matapos makumpirma na totoo nga ang sinabi ko.

"By the way,how is she?" Pag-iiba nito sa usapan. Dahil busy kami sa pakikipag-usap, di na namin napansin na kanina pa mulat si MJ. Marahil nga ay narinig na niya ang usapan naming dalawa ni Liza.

"Hay, thanks God at gising ka na." Si Liza ang unang nakadalo sa kaibigan. Agad na lumapit ito kay MJ at inusisa ang kalagayan nito.

"I'm okay na.Gusto ko nang makauwi." Wika ni MJ na pinilit tumayo.

"Hey, easy! Baka matumba ka ulit." Sansala ko agad sa kaniya na pinigilan siya nang tangkaing pilit na bumangon. "Baka kung mapano ka."

"Hello? Wala akong sakit. Nahilo lang ako kaya ako natumba." Katwiran niya. "Kaya gusto ko nang umuwi, okay lang talaga ako." Giit pa niya sa akin.

"Are you sure?" Pangungumpirma naman ni Liza.

Tango ang naging tugon ni MJ.

Wala kaming nagawa kundi hayaan siya sa gusto nito. Inalalayan na lamang namin ni Liza na itayo siya at siya namang pagbalik ng clinic nurse na nag noon-break lang.

"Hey, sigurado ba kayong okay na si Ms. Maceda. Baka naman bigla iyang mahilo ulit?" Paniniyak nito sa amin.

"Ma'am, thank you po sa pag-alala sa akin pero I'm sorry but I need to go home na." Si MJ na ang sumagot.

Tiningnan ng nurse si MJ mula sa itaas paibaba. Parang tinitiyak kung nagsasabi ng totoo ang kaibigan namin.

"Well, if that's your wish, may magagawa pa ba ako." Kibit-balikat na lang na tugon ng nurse. "But before you forget mga girls, give yourself a rest, Ms. Maceda. It's for your own good. Sa tingin ko kasi, there is something troubling your mind these previous days."

Nagkatinginan kami ni Liza.

"Don't worry much about me ma'am. As I said, okay na po ako. What I just want is to go home right away."

Wala na kaming nagawa lalo na nang iginigiit pa lalo nito ang umuwi.

Titig na lang ang iniwan ko sa nurse clinic.

____________

MJ Krisela

"Sino nga pala ang nagdala sa akin sa clinic?"

Sa labas na kami ng campus nang bigla kong maalala noon ang nangyari sa akin. Hindi na rin ako kinibo nina Liza at Crystal kanina dahil mas pinili ng mga ito na manahimik . Ugali na nang ng mga ito na huwag akong tanungin o mas kulitin sa isang bagay na wala akong balak na sabihin. Sa tagal na pagkakaibigan namin ay kilala ng nga mga ito ang tunay kong ugali.

Kapag tahimik na ako, pinipili na rin ng mga ito na manahimik na lang din.

"Importante pa bang malaman mo?" Si Liza, ang unang nagkalakas ng loob na sagutin ako. Hinarap nito ako at tinitigan sa mga mata. Masungit ang anyo ng kilay nito.

Hindi ko alam kung mula saan ang pangangasim ng mukha nito. Nag overreact ba ito kanina sa inasta ko kanina? Pero bakit naman at para saan? Nagsasabi lang naman ako ng totoo a.

"Wait! Para saan ba iyang sungit ng mukha mo?"

Agad namang binawi ni Liza ang ipinapakitang wisyo sa kaibigan.

"Well, akala kasi namin ay 'di naman mahalaga sa iyo ang bagay na iyon. Dapat kasi kanina mo pa iyan naitanong bago pa tayo nakalabas ng clinic." Si Crystal ang namagitan sa tensiyong nabubuhay sa pagitan namin ni Liza.

Hindi ako agad nakasagot. Iniisip ko na tama si Crystal, may punto ito. Bakit ko nga ba hindi iyon naisip kanina?

"Tao lang po. Nakalimutan ko sa pagmamadaling makauwi." Katwiran ko na lang kasi sa totoo lang ay ako naman talaga ang lalabas na m*****a sa ikinikilos ko. "Sino ba ang nagdala sa akin sa clinic? I just want to know him and thank him personally."

Sinabi ko lang iyon pero wala akong balak talaga na gawin iyon. What for? Kahiya kaya ang nangyaring iyon. Muli, nanariwa sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Si Jarred Lloyd Villagracia." Tugon ni Liza. "Masaya ka na?"

'Si Jarred Lloyd Villagracia? Ang lalaking iyon ang unang pangahas na hinawakan ako?' Nagtitiling pahayag ng isip ko. 'Paanong nangyari iyon? Ano'ng ginagawa ng lalaking iyon sa ladies comfort room?

Isa-isang bumalik lahat ng detalyadong naganap mga isang oras pa lang ang nakalilipas.

Maging ang panaginip ko kanina ay muli ding gumuhit sa ala-ala ko.

Napansin naman ng dalawa ang pananahimik ko kaya agad na nagtaka ang mga ito dahilan para yugyugin ako ng mga ito.

"Hey! Okay ka lang ba? Nahihilo ka pa din ba?" Nag-alalang usisa ni Liza na hinawakan ako sa magkabilang balikat.

Para lang din akong nagising sa aking panaginip at tiningnan silang dalawa pareho.

Patuloy nila akong inuusisa pero pakiramdam ko ay nabingi ako sa sandaling iyon. Umiikot muli ang aking paningin at nangangambang babagsak.

Bago pa man tuluyang manlabo ang lahat sa akin, naririnig ko pa din ang mga tanong ng dalawa pero para na lamang iyong mga huni ng bubuyog sa pandinig ko.

____________

Jarred Lloyd

Nasa rehearsal ako kasama ng new-G campus band ng sa mga sandaling iyon. Isa akong pianist dahil mas mastered ko ito at gamay ko ito kesa sa ibang instrument. Marunong din ako sa guitar at sa drum pero ayuko na namang solojin lahat siyempre.

Anim kami lahat. Isang drummer, pianist, guitarist, bassist , at dalawang vocalists.

Lahat kami ay kinuha mula sa ibat-ibang department.

Akala ko nga ay malayo na ang mundo ko mula kay Lance pero akala ko lang pala iyon.

Wala nga si Lance sa New-G Band pero nandoon naman si Pete Kent Buencamino. Kaklase ito at kaibigan ni Lance, no wonder na pabida din ito at against din sa akin.

But anyway, wala pa din doon si Lance. Ang katotohanang malayo ako sa mortal kong kalaban ay sapat na dahilan para panghawakan ko.

"Mr. Villagracia?"

Nawala ako sa mga iniisip ko nang magsalita ang aming music director. Awtomatikong nilingon ko agad ang pinagmumulan ng boses na iyon.

"Next week ay may gaganaping Search for Mutya ng St. Luke University. Our campus Director asked me to include the event with music festive. Mas meaningful kung may lovely caress of music ang kasama plus dagdag highlights sa mga manonood." Mahabang pahayag ni Mr. Corpus, ang aming masungit pero maalalahaning Director. "Please keep yourself available anytime. As of now, wala pa tayong exact schedule kung kelan tayo mag-uumpisa."

Sinubukan kong kilatisin ang aming M.D. Isang matikas at matangkad na lalaki in his 28th years of existence, nakasalamin at nakapamulsa.

Binalingan nito ang iba pa, at sa pamamagitan ng dalawang palakpak ay nakuha nito ang atensiyon ng iba pa. Hindi naman nagatubiling magsilapitan ang iba ko pang kasama.

"Hey everyone, listen to me.Next week, we have an important school event to be held." Paliwanag nito. " I am asking you now to be readily available anytime para in case na magpatawag ako ng pagtitipon, you should be here right away. Do I make myself clear?"

Sabay-sabay na sumagot ang lahat. "Yes, sir!"

"Okay. Everyone, full out!" Mando nito at isa-isang nagsialisan ang mga kasamahan ko at naiwan akong patuloy na hawak-hawak ang sariling gitara.

"How about you, Mr. Villagracia? Don't you want to leave now?"

Tiningnan ko si Mr. Corpus at sinagot habang nakikiusap ang mga mata.

"Will you let me spend a minute here alone with myself sir?"

"Sure. If that's your wish."

Iyon lang at iniwan na nito ako nang hindi na hinihintay ang aking magiging sagot.

Juanmarcuz Padilla

Sundan. Nakikilala na ba nila ang isa't isa? O kikilalanin na ba nila ang isa't isa?

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status