Share

Five

last update Terakhir Diperbarui: 2023-10-23 19:41:11

MJ Krisela

Dinig na dinig ko sa boses ni Liza ang kakaibang excitement at tuwa.Maging ang maiingay at dumadagundong ng tugtog na halos pumuno sa aking mga tainga.

Pinapunta nito ako sa kung saan ito naroon na hindi naman dinetalye kung saan ito naroon. Halos hindi pa kami magkarinigan dahil sa malakas na tugtog.

"Ano ba ang meron diyan at sobra naman ang ingay? Daig pa ang may banda." Reklamo ko rito dahil halos di na nga niya ako marinig.

"Hindi kita masyadong marinig!" Tugon naman nito na biglang napasigaw. "Hey! Wait! I was talking to my friend. Susunod na ako." Anito pang parang kinikiliti.

"Okay! See you around!" Tugon ng baritonong boses.

Unti-unti na ring lumilinaw sa akin kung saan ang totoong lokasyon nito.

Confirmed! Nasa bar ang bruhang ito! Napahalukipkip pa ako matapos ang isiping iyon.

"Hey, ano na? Pupunta ka ba dito?" Untag nito sa akin. Noon ay napansin kong malinis at klarado na itong magsalita. Naisip niyang baka nagsadya muna ito sa C.R para makapag usap sila ng matino.

"Sorry Liza, pero I am not the kind of person na may amor sa mga ganiyang gimik. I'm sorry but I don't want to." Ang tanging naidahilan ko na lamang. Sa totoo lang talaga, wala akong appetite na pumunta sa mga ganoong lugar. Kung mga beach siguro, resort or hiking, baka game pa ako. Dinig kong napabuga ito ng hangin.

"Hayst, kahit kaylan KJ mo talaga!" Nagtatampong sabi na lamang nito.

Tinawanan ko na lamang ang sinabi niyang iyon. "I told you before, wala talaga akong hilig sa mga ganiyang lugar. I am sorry talaga, Liza."

"Okay. Tumanda ka sanang dalaga dahil sa ugali mong iyan." Pasaring pa nito na wala naman tono ng boses ang pagkainis.

Muli akong napatawa. "If that's your wish."

"Gaga!" Natatawang maktol ni Liza. "Ah basta, 'yung sa project natin sa P.E ha? Ikaw na Bahala doon, alam ko namang magaling ka at may tiwala ako, 100 percent."

"Geng geng!" Maiksing tugon ko.

Sabay-sabay kaming napahalakhak sa nauusong ekspresiyon ngayon.

"Sige, I'll go ahead na." Mayamaya ay paalam nito sa akin. "Baka mainip ang mga kasama ko at isiping napano ako dahil ang tagal ko dito sa CR." Pagpapatuloy nito ay mayamaya ay nakarinig siya ng mahinang lagaslas ng tubig.

Napangiti ako dahil walang mali sa sapantaha ko.Kumpirmadong nasa C.R nga ito sa mga sandaling iyon.

"Okay, bye Liza. I hope you'll enjoy every second of your birthday! Happy birthday ulit!"

"Thank you, MJ. " Masayang sagot nito. "Mas enjoy sana kung nandito ka kaso— "

"Okay lang iyan." Natatawang wika ko pero para pagaanin lang ang tampo nito. "I promised you, babawi ako next time."

"Okay. Pangako mo iyan ha?"

"Oo. I will keep it!"

Ini-off ko na ang aking cellphone. Nang ganap kong maibaba ito ay saglit kong sinuklay ng daliri ang maitim ngunit pantay at mahaba kong buhok.

Kasalukuyang nasa harap ako ng salamin ng mga oras na iyon.

Habang nilulugay ko at pinapantay ang aking buhok ay 'di maiwasang isipin ang tungkol kay Liza.

Si Liza Contemprano ang ikalawa kong kaibigan. Kahit paano ay panatag ako laban sa grupo ni Naomi dahil may mga kakampi din ako.

Si Liza ay kaklase ko din sa kursong Tourism. Magkasing tangkad lang din sila ni Crystal Zid. Ang pinagkaiba lang ng dalawa, si Liza ay napaka out-going na babae, mahilig sa mga nightlife at hang out with dabarkads.

Minsan nga, naiisip ko na buti na lang at di ito napapagdiskitihan ng mga barkadang boys. Kung magkataon, mapapaaga ang pag-graduate nito.

Ito namang si Crystal Zid, napakaconservative. Palibhasa ay laki sa bundok kaya daig pa nito ang asawa ni Tarzan sa jungle book.

Wala namang problema sa akin tungkol sa dalawang ito, ang importante ay totoo ang mga ito sa akin. Wala akong magiging problema kung malaki man ang pinagkakaiba naming tatlo sa isa't isa.

Ang mahalaga, friend always a friend.

____________

Jarred

Hindi na nakapagtataka kung ano ang resulta ng laban namin kahapon ni Lance. Hindi naman ako nalungkot, hindi rin natuwa. Para sa akin ay hindi kawalan ang pagparayang iyon. Ang mahalaga ay alam ko sarili kung paano maging masaya at mapayapa ang isip.

Naroon ako sa maluwang na court ng St. Luke nang umagang iyon. Bagamat alam ko na kung ano ang mangyayari, pumunta pa rin ako doon para makita ang proklamasyon.

Paalis na ako nang bigla kong marinig ang boses ni Coach.

"Jarred—"

Hindi naman ako nagpabingi-bingihan pa. Agad ko din siyang nilingon. Una ko agad napansin ang malungkot na anyo nito at nagtatanong na mga mata nito.

"Hindi ko na tatanungin kung bakit mo iyon ginawa. Hindi na rin susumbatan pa." Anito na nasa boses ang kakaibang tampo. "Ano na'ng Plano mo ngayon sa buhay mo after this? I heard na sumali ka sa Campus Band?"

Huminga ng malalim si Coach matapos marinig ang mga sinabi ko.

"Okay. I see how serious you are." kibit-balikat nitong wika.

Pilit kong pinasigla ang boses para hindi na ito mabigyan pa ng kahit na anong sama ng loob.

"Yes Coach. Naisip ko na hindi talaga ako para sa larangan ng pababasketball kaya— susundan ko na lang ang yapak ni Dad." Nginitian ko si Coach sa pag-aakalang mapapagaan ko ang loob nito. Batid kong nabigo ko ito sa pangarap nito para sa akin, pero ayuko ding ipahalata na guilty ako.

Hindi naman ako mahinang tao at showy kaya mas pinipili kong ako lang ang nakakaalam ng kung ano man ang nararamdaman ko.

Iyon din ang naisip kong idahilan dito dahil sa totoo lang ay iyon naman talaga ang isa sa mga pangarap ko... at pangarap din ni Dad.

"Matagal ko na ding gusto na sumali sa band natin kaya heto na matutupad na din."

Huminga ng malalim si Coach matapos marinig ang mga sinabi ko.

"Okay. I look forward for your career." Ang tanging nasabi nito. "Uuwi ka na ba?"

Tango ang naging tugon ko.

"Hindi mo na ba ico-congrats si Lance? For his succeed selection?"

Natigilan ako sa sinabi ni Coach. Alam kong biro lamang iyon kaya hindi na ako umimik.

Binawi naman ni Coach ang sinabi sa pamamagitan ng pagtawag.

"Joke!" Anitong napa-peace sign pa. "Sige, balik na ako sa kanila. Keepsafe." Iyon lang at iniwan na ako nito na hindi na hinintay ang magiging sagot ko.

Kumaway na lamang ako na sinundan ito ng tingin.

Pagkatapos nito ay madalang na din kaming magkikita ni Coach Eric.

At maging ang palaging pagkrus ng landas namin ni Lance. Isa iyong sign ng magiging mapayapa at masayang araw para sa akin.

___________

Ian Fidel Villagracia

It was November 1 on the present. And it's 20 years na... 20 years na ang nakakaraan pero parang kahapon lang. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa din ang ang mga pagkakamali ko. Hindi pa rin ako pinapatahimik ng aking konsiyensiya.

20 years na! 20 years of days and nights that has been a torture for me.

Kasalukuyang nasa kwarto ako naming mag asawa ako noon at nagpasyang i-lock ang pinto. Kahit nasa business meeting kaming mag-asawa pero hindi ko ramdam iyon. Mas ramdam ko ang — sumpa ba itong matatawag?

Kahit ano'ng gawin ko, kahit pagbisihin ko man ang isip ko kahit sa anong bagay ay nagsusumiksik pa rin ang mga panaginip ko at ala-ala tungkol sa isang kalapastangang nagawa ko dalawampung taon ang nakalilipas.

May two days to spend here in Cebu pa kaming mag-asawa dahil medyo nagkaproblema sa proposal sa bago sanang ila-launch na album ng bago naming music artist. Gustong -gusto ko nang umuwi sa Las Piñas para asikasuhin ang mga business ko roon. I am dead serious bored here.

Mas mabuti nang mamudmod ang isip ko sa trabaho kesa sa ginagambala ng multo ng nakaraang ayaw ko nang balikan pa.

Idagdag pa na inaalala ko si Jarred. Mag-isa lang itong naiwan sa mansiyon dahil mas pinili nitong magpaiwan para daw sa matching selection nito.

Jarred is a big boy now.

Parang nakaraang lang, bata pa ito at lagi niyang kasa-kasama kahit saan man. Lumaking malambing at outgoing si Jarred pero nagbago nang mag-college na ito.

Hindi naman ako nagtaka dahil normally, when one person developed personally, marami na ding pagbabago. And Jarred was a part of this.

Iiling-iling na humiga ako sa malambot na kama. Itinapon ko ang paningin sa kisame. Mariing pumikit. Pinaglakbay ang isip.

~~~

"Ipinapangako ko, babalik ako. Sisikapin kong bumalik. At kapag nakabalik na ako, hindi kita patatahimikin!" Mahina lang ang pagkabigkas ng babae pero parang naramdaman kong may enehiya ang hangin. Isang enerhiya na humalo sa hangin at nagdadala ng kakaibang kilabot?

No! Hindi kilabot! A powerful yet deadly cursed!

Hindi ko alam pero noon lang ako nakaramdam at ginapangan ng takot after so many years.

Positive at science-based akong tao. Never akong napapaniwala sa mga unseen force tulad ng multo, sumpa, reincarnation o anupaman na alam kong walang katotohanan.

Pero sa puntong ito, naramdaman ko na ang bawat sasabihin ng babaeng nakahiga sa kama ay may kapangyarihan.

A kind of unseen force.

"At isinusumpa ko, kapag nakabalik na ako, Hindi kita patatahimikin! Hindi ako matatahimik hangga't hindi kita nakikitang nagdudurusa at nagbabayad sa lahat ng ginawa mo sa akin!"

Iyon ang mga huling salita na binigkas nito. Mga salitang pumupuno sa aking dalawang tainga.

Nagdilim ang aking mga paningin. Nadala ng emosyong hindi ko na makontrol. At iglap lang ay kumilos ang kamay ko.

Nang muli kong sulyapan ang babae, naliligo na ito sa sariling dugo!

Nag-alalang sinulyapan ko ang katawan ng babae. Napatay ko ba ito? My God! Ano itong nagawa ko?

Huli na nang marealized ko na may hawak akong baril. Bahagya pa iyong umuusok na patunay na kagagamit pa lamang ng ilang minuto.

What have I done?

~~~

Bahagya ko pang kinurap ang mga mata ko matapos gisingin sa pagkakapikit.

Hanggang ngayon ay pabalik-balik sa isip ko ang mga naganap na iyon. Hindi makatkat, parang sinadyang maukit. Isang bangungot na dumadalaw at gumigising sa akin kahit sa hatinggabi.

Hanggang kaylan ako tutugisin ng pagkakamaling iyon?

How long would the ghost of that past torture me? For forever?

Saka lang naitaboy sa isip ko ang mga alalahaning iyon nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto kung nasaan ako naroon.

Iniluwa nito ang asawa ko na si Cherry Ann na larawan ng pagkabalisa.

"Kanina pa kita hinahanap, narito ka lang pala." Anito bago nagpasyang pumasok.

"I am sorry to make you worry." Malambing na wika ko na binigyan ng space ang asawa para makaupo. Lumapit naman ito at naupo sa tabi ko.

"Is there something wrong? What's troubling your mind?" Usisa nitong dinama pa ang leeg ko.

Tinitigan ko ang asawa sa mga mata nito. Nandoon ang pagtatanong, ang pagtataka at paghahanap ng sagot.

"Nothing." Tanging naisagot ko na iniwas ang tingin rito.

"You can't lie to me, Ian Fidel. Kilala kita. Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling o kung hindi."

Kilala niya ang asawa sa pagiging mausisa. Di nakapagtatakang namana iyon ni Yaya Marie ang pagiging mausisa.

Kinabig nito ang mukha ko paharap rito. "Now tell me, I am your wife and I have the right to know what the thing makes you worried about."

Hindi muna ako sumagot. Nagdadalawang-isip kung sasabihin dito ang totoo o panatilihin na lang iyong lihim.

"I will listen to you, no matter what it is."

Naintindihan ko ang pagnanais nito na matulungan ako. Bilang asawa na mahal mahal ako, hindi ako ang taong unang matatanggihan ito.

Pero sa huli, pinili ko na munang magdahilan. Sa tingin ko kasi, 'di pa ito ang tamang panahon.

_____________

MJ Krisela

Eksaktong palabas na ako sa loob ng locked room sa C.R nang biglang bumulaga sa akin ang isang nakakatakot na nilalang.

Sindak na napaatras ako dahil sa pagkagulat.

Kamukha nito ang isang Chuckie na may dalang maliit na kutsilyo. Ngumisi ito na parang aatake.

"No! Lumayo ka sa akin! 'Wag kang lumapit sa akin!" Pagtataboy nito.

Napatakbo ako sa dulo ng mga nakapribadong women's room para takasan ang Chuckie na kitang- kita ko sa mga mata nito na handa na akong tapusin.

"Lumayo ka sa akin! Inuulit ko!"

Napasigaw ako ng sobrang lakas. Lalo na nang makita kong tumaas ang isang kamay nito na ambang mananaksak.

"Wag!!!!!" Awat ko rito na nakabuka ang mga palad.

Iyong sigaw ko na papigil dito ay siya namang pagsilabasan nina Naomi, Prinzel at ang dalawa pang impaktita na walang ibang gusto kundi paglaruan ako at pagtawanan.

Sabay-sabay na tumawa ang mga ito habang ako naman ay di maipinta ang mukha at ayos.

"N-naomi?"

Tumaas ang kilay nito nang sagutin ako. "Ako nga, Krisela. Bakit para kang nakakita ng multo?"

Sinulyapan ko ang nagmaskara ng Chuckie at hinintay na lumantad ang mukha nito matapos hubarin ang suot na costume.

Lumantad ang mukha ni Nord Williams Del Valle at ang nakakabuweset nitong ngiti. Lumapit dito si Prinzel at kumapit sa braso nito.

"Acting good babe?" Anitong may mapanuksong titig sa babae. Isang matamis na ngiti ang iginanti rito ni Prinzel.

"Bruha ka talagang babae ka!" Sabi ko na pinukol ng tingin si Naomi. Noon biglang tumaas ang presyon ng dugo ko. Naningkit ang mga kilay at nagtagis ang bagang.

Nakuyom ko ang sariling palad. Gustong-gusto kong sugurin si Naomi pero pinigil ko ang sarili ko.

"Why Krisela? Hindi mo ba nagustuhan ang palabas? Ang galing-galing mo nga kanina e. Para talagang pang horror movie ka!" Muling pahayag ni Naomi na ngingiti-ngiti sa akin. Sinundan naman iyon nang nakakaasar na pagtawa nina Georgia, Prinzel at Claire.

"Oo nga!" Segunda ni Georgia. "Imagine, daig mo pa ang daga kanina habang tumatakbo patakas!" Sinundan nito iyon ng pagtawa.

"Look at her now." Kuntyaba ni Claire. "She still looked shivering in fear."

Pakiramdam ko ay gustong mag-init ng mga sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay mag-isa lang ako sa lugar na ito at walang kakampi.

Pinilit kong tumayo para lisanin ang lugar na iyon.

"Ayy, kawawa ka naman. Wala ka man lang kahit isang kakampi?" Pamimikon ni Naomi pero hinayaan ko na lamang.

Kahit pa totoong lahat ng sinabi ni Naomi. Okay lang sa akin ang pambubuly at pang-iinsulto nito , pero ang katotohanang wala man lamang akong kakampi ay masakit na katotohanang sumasaksak sa aking isip nang paulit-ulit.

Wala si Crystal Zid at Liza ng mga sandaling iyon dahil naiwan ang mga ito sa table nila roon sa canteen.

"Bye loser." Muling pasaring ni Naomi at tiningnan siya sa mas nakakaawang paraan.

Iniwanan din ako nito ng nakakainis na ngiti at sinundan ng kasama nito.

Isa-isa lang tiningnan ako ng mga ito at isa-isa ding nagsilisan.

Naiwan akong nanginginig ang mga tuhod. Ewan ko kung saan galing iyon kung sa takot ba o sa awa sa sarili.

Sa pagkakataong iyon ay saka pa lamang malayang nagsilandasan ang mga luha sa mga mata ko. Humakbang ako pero sa nanlalabong mga mata ko ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Segundo lang ay para nang umiikot ang paningin ko. Nahilot ko ang noo ko na waring bumigat.

Sinikap kong balansihin ang katawan ko pero bigo akong gawin iyon. Naramdaman kong mawawalan ng panimbang ang mga binti ko at matutumba anumang oras.

Hindi nga ako nagkamali dahil para akong mabubuwal. Napapikit na lang ako nang maramdamang natutumba ako.

Pero bago pa man sumayad sa maruming tiles ng women's room na iyon ang malambot at nanghihina kong katawan, naramdaman kong sumayad ang katawan ko sa isang matigas at matipunong mga bisig.

'May sumalo sa akin?' Nagtitiling sigaw ng utak ko pero hindi na sapat ang kamalayan ko para alamin ang bagay tungkol sa kung sino man iyon.

Ang alam ko lang, nakaramdam ako ng kapayapaan at kapanatagan sa bisig ng kung sino mang ito. And I feel comfortable and safe!

Kahit sa kabila nang takot na hindi ko kilala ang taong ito, why do I feel nothing fear?

At ang isang tagpong pumapasok sa isip ko ay ang ala-ala ng lagi kong napapanaginipan.

"E-ric John?" Iyon ang pangalang bumukal sa bibig ko. Bakit iyon ang pangalang nababanggit ko?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Another Hundred Years to Love You   Seventy

    Three Months ago...Jarred "Congratulations! Happy Wedding!" Panabay na bati nina Liza, Jaspher, Crystal at Kent. Lahat sila ay parehong kinuha kong mga abay. Naroon din si Lance Venturillo, kaibigan ko, sina Mommy Cherry Ann, Daddy Ian Fidel, maging ang kinilalang magulang ni Shella Mae na sina Aling Patricia at Mang Rigor kasama ang mga kapatid nito na sina Nene at Tonton."Congrats, Mj!" Si Liza na niyakap nang mahigpit si Shella Mae. Ito ang ang kinuhang Maid of Honor ni Mj dahil hindi pwede si Crystal dahil ikakasal na din ito kay Kent Buencamino next week.Wala naman naging problema sa kasunduan ng dalawa. Si Jaspher naman ang kinuha kong bestman dahil ayaw ni Lance. Hindi ko na pinilit ang kaibigan dahil mas gusto lang nito maging abay lang.Naroon din ang iba pang mga kakilala at kaklase ko maging ang kapamilya ko Villagracia. "Thanks!" Maluhang tugon ni Mj. Inawat naman siya ni Liza. "O, huwag ka nang umiyak. Hello, it's your wedding day, tatapusin mo lang ba sa pamamagitan

  • Another Hundred Years to Love You   Sixty Nine

    Jarred Pagpasok na pagpasok ko sa hospital na sinasabi ni Liza ay nagmamadali akong tinungo kaagad ang Inquiry Desk ng hospital."Nurse, may naging pasyente ba kayong nangangalang—" Hinihingal dahil sa kaba na inquire ko sa bantay doon pero agad na naputol nang makita ko si Liza na sa tingin ko ay kanina pa ako hinihintay."S-sorry. Just excuse me." Pamamaalam ko na lang na patakbong nilapitan si Liza. Nakita ko kaagad na may mga dugo nga sa damit nito, patunay na totoo ang sinasabi nito kanina sa phone habang kami ay magkausap. "How is she?" Kinakabahang tanong ko agad dahil gustong-gusto ko nang malaman kung ano ang totoong kondisyon ng babae. "Is she okay now?"Nakita ko mula sa mukha ni Liza ang pangamba at paggusot ng mukha. "Sundan mo na lang ako." Tumango lang ako at agad na sumunod sa kaniya na malakas ang sasal na tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa babaeng bukod tangi kong minahal.Sa totoo lang, ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito sa buong buhay ko.Isang ta

  • Another Hundred Years to Love You   Sixty Eight

    Mj"He was about to go in an hour."Napalingon ako sa may pintuan nakatayo roon si Liza. Hindi naman ako nagulat dahil hinahayaan ko lang naman na bukas palagi ang kuwarto ko. Ako naman ay nasa bintana, nakanaw sa labas ng bahay at malalim ang iniisip. Hindi ako sumagot sa halip ay muli kong ibinalik ang tingin at atensiyon sa mga nakikita ko sa labas ng bintana.Tinatanaw ko ang paligid ng kinatitirikan ng bahay nina Liza. Sari-saring mukha at disenyo ng bahay ang aking nakikita. Nagtataasan din ang mga bubong na dikit-dikit at walang pagitan. Hindi naman squatters area ang lugar na iyon. Sadya lang siguro iyon ang mga nakikita ko dahil nasa taas ako."Hindi mo ba ako narinig?" Muling pukaw sa akin ni Liza na dinig ko kahit pa nakatalikod ako. Nasa tono ng pananalita nito ang pagkainis sa pangiisnob ko. Dinig kong humakbang ito papunta sa akin na may bigat ang mga paa.Tumabi ito sa akin sa gilid ng bintana."Ano ba kasing tinitingnan mo diyan?" Dagdag pa niya na hinawi ang mahabang

  • Another Hundred Years to Love You   Sixty Seven

    Jarred Alam kong hindi inaasahan ni Shella Mae ang biglang pagsulpot ko ng mga sandaling iyon.Kahit na batid kong may kausap pa ito sa phone ay pilit ko pa ring pinalakas ang loob ko na malapitan siya at makausap. Ayukong masayang ang pagkakataon na ito bago man lang ako ganap na lumayo sa kaniya. Ikalawa, ayuko ring masayang ang todo preparations ni Liza para magkita kami at makapagpaalaman, kung saka-sakali man.May konting kirot na umalma sa puso ko ang ideyang magkakahiwalay na nga kami ni Mj/Shella Mae ng tuluyan.Nakita ko kung paano parang namutla at tila matutunaw sa kinauupuan niya si Shella Mae. Bukod sa nagulat ito ay hindi rin siguro nito sukat isipin na nandoon ako. Lalo kong naramdaman ang pagkataranta ng mukha niya at parang ibig maglaho ng bigla na lamang sa sirkulasyon huwag lang ako makita akong papalapit.“W-what are you doing here?” Hinayaan ko muna ang sariling makalapit sa kaniya ng tuluyan bago ako sumagot.‘What do you mean I’m doing here? It is a restaurant

  • Another Hundred Years to Love You   Sixty Six

    Liza “Uuwi na ba tayo?” nagtatakang tanong ko kay Mj nang mapansin pumara na ito ng taxi. Nakakunot-noo namang sinulyapan ako ng kaibigan. “What do you mean? Ano pa bang naisip mong gagawin natin bukod pa sa dito sa Drugstore?’ “I mean, hindi ba tayo dadaan ng mall? Mag unwind muna tayo dahil minsan ka lang nakakalabas. I mean, minsan lang gusto mong lumabas.” Pang-iimbento ko ng kuwento na halos ikapilipit ng dila ko. kahit kaylan kasi ay hindi ako nasanay na magsinungaling. Napaisip ang kaibigan na napahinto din sa paglalakad. Nasa loob pa din kasi kami ng malawak na Drugstore na iyon. Matagal siyang napaisip at bago nakapagsalita. “Saan mo ba gustong pumunta?” “Ahmm.” Tugon ko kaagad na nag-isip. Nasa isipan ko na kung saan ko siya dadalhin. Ang address na isinend ko kay Jarred ang unang pumasok sa isipan ko kaagad. “Sa Malhala FoodHouse!” walang gatol kong wika mayamaya matapos kong maalala ang usapan naming ni Jarred. “S-saan?” Maang na tanong ni Mj. “Sa Malhala. Iyon ban

  • Another Hundred Years to Love You   Sixty Five

    Liza ‘Italy? Ang layo noon ha?’ Hindi ko inaasahang marinig iyon mula kay Jarred. Hindi ko akalaing aalis na pala ito nang hindi sila nagkakaayos ni Mj. Hindi ko maiwasang malungkot sa dalawa dahil sa nalalapit na pagkakalayo. >Do you mean, are you leaving Philippines soon? Hindi agad nakasagot si Jarred. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ito o baka naman ay paraan lang nito iyon gaya ng mga nagaganap sa mga teledrama. Tapos matataranta ang girl at hahabulin ang lalaki tapos magkakaabutan sa airport. Inalis ko sa isip ang mga malilikot kong imahinasyon at nagpokus sa isasagot ni Jarred. >Yes. Marami nang naganap sa buhay ko na gusto ko na lang lampasan. Mga one month lang naman ako doon para lang magmind clear at para na din lumikha ng mga bagong memories. Ramdam ko sa text ng kausap ang kakaibang lungkot na nababakas ko sa mga mensahe niyang ipinapadala. >What about Mj? Matitiis mo ba siyang iwan sa ganitong kalagayan niya? >You said it na hindi naman siya buntis di’ba? Why a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status