Mula sa matamis ay lalong iyong lumalim, parehas nilang ayaw bumitiw sa isa't isa, hanggang sa naging mapusok na ang kanina lang ay malambing na pagpapalitan.
Halata ang gulat nilang dalawa sa ginawa, agaran lumayo si Raymond, may pagkalito sa mga mata ng binata, kahit siya ay hindi mawari kung bakit napunta ang simpleng pamamaalam sa ganoon.
"Sheryll," may bahid ng pangungulila ang pakakasabi ni Raymond sa kanyang pangalan, nandoon pa ang tingin na para bang humihingi ng permiso sa maaaring kahinatnan ng halik nila.
Napalunok na lang siya sa nadarama na matinding pangangailangan niy
Sa loob ng ilang linggo ay hindi siya mapakali matapos ng tawag na iyon, natatakot, nag-aalala sa kung anong pwedeng gawin muli ni Ray.Nagpapasalamat na lamang siya at palagi ng maaga umuwi si Bobby at kahit siya ay palaging ale
Walang patid sa paghuni ng masayang tugtugin si Bobby ng mga sandaling iyon, habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan.Naroon ang kung anong pagkasabik niya na masilayan ang galak sa hitsura ng mga anak sa oras na ipakita niya ang pasalubong na mga pagkain.Hindi man iyon ang pinangarap at naisip niyang magiging buhay nila ng magkasama ni Sheryll, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil na rin sa tuwa at gaan ng pakiramdam kasama ng pamilya.Naroon man ang katotohanan na hindi niya tunay na anak ang mga bata ay wala
Kahit labag sa kanyang loob, kahit mabigat sa kanyang dibdib ay hindi niya na tinanggihan ang tulong na ibinigay ng ama ni Raymond. Tulad ng plano ni Bobby ay lumipat sila sa liblib na probinsya ng kasintahan, pero napapalibutan ng mga kalapit na bahay. Naging sapat na
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.