Halos buong araw na mainit ang ulo niya kinabukasan dahil sa inis sa kasintahan dahil na rin sa tampo, mas ikinasama pa ng loob niya nang hindi siya nito tawagan o itext man lang kinabukasan.
Hindi tuloy maipinta ang mukha ni Sheryll buong araw habang nagtratrabaho, ultimo ang ilan sa mga papeles na naroon ay pinapalo-palo niya na sa galit.
“Hoy Sheryll, problema mo?” sita ni Celina sa kanya.
Napapalabi na lamang siya nang mag-angat ng tingin sa kaibigan. “Si Bobby kasi eh!”
Agad na lamang naupo ang kaibigan sa kanyang tabi. “Oh, bakit nanaman?”
Agad na lang siyang yumakap dito. “Alam mo iyon, nagsurprise ako sa kanya kahapon tapos nabalewala lang,” napapahikbing saad niya dahil sa sama ng loob.
“Ano ba nangyari?” Maingat na hinaplos ni Celina ang buhok niya.
“Kasi, pinagluto ko siya lahat-lahat, tapos ayun, nakain ng pusa, tapos alam mo iyon, tinapon niya lang lahat.” Bigla na lamang muling nanikip ang kanyang dibdib nang maalala ang tagpo nila kagabi.
Napatango na lamang ang kaibigan sa kanya pero agad rin itong tumuwid ng tingin nang paayusin siya ng upo upang magkaharap sila.
“Ano bang gusto mong gawin niya roon?” seryoso nitong saad.
“Wala, pero friend, mano man lang ba iyong magpakita siya ng kaunting care doon sa pinaghirapan ko.” Napapadyak na lang siya ng paa rito.
“Naroon na tayo, pero sigurado mo ba na sa iyo siya galit at hindi roon sa pusa?” malumanay nitong saad.
Mas lumapad na lamang ang pagpapalabi niya. “Eh kasi naman eh.” Agad na lang siyang humalukipkip nang mapansin ang pagpipigil ng tawa ng kaibigan.
“Baka naman may iba pang dahilan kaya mainit ang ulo niya?” turan na lang nito.
Sandalian siyang napaisip nang maalala ang mga dinadaing ng kasintahan nitong mga nakaraan araw sa kanya sa tuwing magkakasama sila.
“Matumal rin kasi iyong benta niya ngayon eh,” paalam niya na lang sa kaibigan.
“Iyon naman pala eh, bakit hindi mo na lang intindihin si Bobby, stress lang siguro iyon.” Naroon na ang pagiging magiliw ni Celina nang marinig iyon.
“Pero kasi.” Napayuko na lamang siya nang medyo makahupa at maintindihan iyon dahil na rin sa kaibigan.
Kung tutuusin kasi ay hindi naman dapat siya nagalit kay Bobby kung hindi lang sana ito nagtaas ng boses nang nakaraan araw.
“Kasi ano?” Ganoon na lamang ang pagtatabingi ni Celina ng ulo habang nagtataas ng kilay sa kanya.
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa kanya nang makita ang nanunubok na mga mata ng kaibigan.
“Mali ba ako?” malungkot niyang sambit habang naluluha.
“Normal lang naman iyon magtampo ka, pero hindi naman niya sinasadya na makain ng pusa iyon, sigurado ko kung nagkataon na hindi iyon nagalaw baka naubos niya lahat ng inihandan mo. Hindi ba nga sabi mo gustong-gusto niya iyong mga luto mo at palagi niya inuubos iyon kapag nilulutuan mo siya,” paalala ni Celina sa ilang mga kuwento ni Sheryll noon.
Napatango na lamang siya rito. “Oo.”
Isang matamis na ngiti ang kumawala sa kaibigan dahil doon. “Kita mo na! Kaya mabuti pa makipag-ayos ka na sa kanya, hindi maganda iyan na pinapatagal mo iyon tampuhan ninyo,” turan nito.
“Siguro nga friend,” napanguso na lang siya rito muli.
Medyo nakagaan sa loob ni Sheryll ang pakikipag-usap sa kaibigan, kahit papaano ay medyo nalinawan na siya dahil rito kaya naman kahit naroon pa rin ang tampo at sama ng loo niya ay tumungo na siya sa bahay ng kasintahan pakalabas sa opisina.
Nadatnan niya ang nanay nito na nagwawalis sa labas ng naturang tahanan kaya naman buong agad na lang niya itong nilapitan.
"Tita, magandang gabi po!" bati niya sa nagwawalis na babae sa harap.
"Sheryll, ikaw pala!" ngiting tugon nito.
"Si Bobby po?" sambit niya pakamano dito.
"Wala dito, umalis kanina," kunot noo nitong sagot. "Akala ko nga ikaw ang kasama niya."
Ganoon na lang rin ang pagkusot sa mukha ni Sheryll dahil dito. "Wala naman po siyang nasabi sa akin."
Agad niyang tiningnan ang kanyang cellphone kung may mensahe ba mula dito ngunit napasimangot na lang siya nang walang makitang doon.
"Mabuti pa tawagan mo na lang siya," singit kaagad ng nanay nito.
"Sige po," paalam niya na lang dito.
Nagdesisyon na lang siyang umuwi na, pero minabuti niya pa rin na sundin ang sinabi ng nanay ng kasintahan habang naglalakad. Mas lalo lang siyang nakadama ng inis dahil doon, ring lang kasi ng ring ang telepono nito, kaya naman napatext na siya ng wala sa oras.
To BubuBear Message:
Bhe nasaan ka ba? Bakit hindi mo sinasagot tawag ko!
Gigil na gigil siya habang pinipindot ang mga button ng kanyang telepono, kulang na lang ay bumaon ang kuko niya sa sobrang pagkakadiin.
Muli niyang sinubukang tawagan ito ngunit talagang hindi ito sumasagot, kaya naman mainit nanaman ang ulot niya dahil sa inis nang makauwi sa kanilang bahay.
"Kamusta anak," masayang bati ng mama niya pakamano dito.
"Ano ba iyan si ate, hindi nanaman maipinta ang mukha," natatawang pansin naman ni Shewrin.
Sinalubungan niya na lang ng kilay ang nakababatang kapatid na nakaupo sa harap ng telebisyon.
"Tigilan mo ko Sherwin, baka ikaw mapagbuntungan ko!" Pandidilat niya rito sabay pakita ng kamao dito na akmang babatok.
"Oh, bakit nanaman?" awat kaagad ng mama nila.
"Sigurado ko si kuya Bobby nanaman dahilan niyan," natatawang sabi ni Sherwin.
Tuluyan ng naubos ang pasensya niya kaya agaran niyang hinubad ang kanyang sapatos para ibato sa kapatid.
"Ma si ate oh!" natatawa nitong sumbong.
"She, umayos ka nga!" abot kaagad ng mama niya sa sapatos. "Ikaw naman lalake, tumigil-tigil ka kung ayaw mong isumbong kita sa tatay mo mamaya," turan ng kanyang mama.
Inis niyang inismidan ang kapatid bago umaakyat papunta sa kanyang kuwarto, sumubsob kaagad siya sa kanyang kama sabay pakawala ng isang malakas na sigaw sa kanyang unan para hindi siya marinig.
Halos mag iisang oras na ang nakakalipas bago siya nakakuha ng sagot mula sa kasintahan kaya naman mas lalo lang nag-init ang ulo niya rito.
From BubuBear Message:
Ano ka ba naman bhe, lumabas lang kami sandali nina Arnold
Mas lalo lang siyang napasimangot sa nabasa, minabuti niya na lang na wag itong sagutin dahil na rin sa tampo, pinagbuntungan niya na lang ng galit ang mga gamit na nasa kanyang kuwarto.
Bugbog na sa suntok ang mga unan sa kanyang harapan dahil sa inis, dito niya inilabas lahat ng galit na kanyang nadarama para sa lalake.
Natigilan lang siya nang mulig marinig ang telepono kaya naman agad niya na lang iyon binasa muli.
From BubuBear Message:
Intindihin mo naman ako bhe, palagi ka na lang ganyan
Mas lalo lang kumusot ang mukha niya sa sumunod na mensahe nito, kahit napipilitan ay minabuti niya ng sumagot na dito.
To BubuBear Message:
K
Iyon lang ang naging tugon niya, hindi niya magawang matanggap na nagkaroon pa ito ng lakas ng loob na sumama sa mga kaibigan kahit na mayroon silang problema.
Hindi niya naman maipagkakaila na nag-aaway din sila noon ngunit sadyang iba lang ang pakiramdam niya ng mga panahong iyon, batid niya may parang kakaiba na hindi niya mawari sa kasintahan kaya naman naiinis lang siyang lalo.
Mabilis rin naman napawi iyon nang matapos ang isang oras ay narinig na lang niyang tumawag ang kanyang mama dahil naroon ang lalake sa may harap ng bahay nila.
Dali-dali na lang siyang napatakbo pababa, umayos lamang siya nang maaninag na ito sa may harap ng gate nila.
Ganoon na lamang ang kung anong kiliti sa kanyang dibdib nang makitang may dala-dala itong isang tumpok ng bulaklak at tsokolate.
Pilit simangot na lang siya nang lumabas upang ipakita ang tampo niya rito, pero naroon ang hirap niya sa ginagawa dahil na rin sa kung anong kilig sa kanyang kalamnan habang papalapit dito.
"Bhe, galit ka pa ba?" Mukhang isang maamong tupa ang hitsura ng lalake habang nagpapapungay ng mata sa kanya. "Sorry na, biglaan kasi iyon aya nina Arnold." Pilit nitong pinagtatama ang mga mata nila dahil nanatili lang siyang nakataas ng tingin. "Bhe, sorry na." Kiliti nito sa kanyang tagiliran kaya naman kinagat niya na lang ang gilid ng kanyang pisngi para hindi matawa sa ginagawa nito.
"Si ate pakipot pa, pero kinikilig naman!" tuya ni Sherwin.
Napakunot na lang siya ng noo nang marinig ang boses ng kapatid. Tila umusok ang kanyang ilong dahil dito kaya naman tinanggal niya ang suot na tsinelas sabay hanap kung saan nagsuot ang kapatid.
"Che! Pumasok ka nga roon sa loob Sherwin, baka mabato pa kita!" pagpapakita niya ng hawak, mabilis naman itong kumaripas papasok ng bahay na tumatawa.
"Bhe, sorry na please." Muling papansin ni Bobby.
Nadama niya na lang ang pagkalabit ng lalake sa kanyang braso, may kung anong kiliti ang bumalot sa kanyang katawan dahil sa ginawa nito.
"Hmp, kung di lang kita luvs," kunwaring maktol niya bago hablutin ang mga dala nitong bulaklak.
Napangiti naman ang binata sa ginawa niya "Eeeh, hindi na iyan galit," nadama niya na lang ang pagbilis ng pintig ng kanyang dibdib nang dumikit na ito sa kanya. "Pakiss nga sa bhebhe ko." Malambing nitong yakap bago siya bigyan ng isang halik sa pisngi.
Halos lumundag ang puso ni Sheryll habang nilalambing ng kasintahan, hindi niya na tuloy magawang magpakita ng pagtatampo dahil sa ginagawa nito.
Inirapan niya na lang ito habang pilit pinananatili ang pagsimangot dahil hindi niya mapigilang ang lapad ng kanyang ngiti sa panunuyo ng kasintahan.
Ang mga alinlangan niya ng mga nakaraang araw ay mabilis rin nahawi dahil sa ginawa ng lalake, kahit napapansin niya ang kaunting pagbabago sa relasyon nila, alam niya naman sa sarili na mahal niya talaga si Bobby at ganoon rin ito sa kanya.
Sa loob ng ilang linggo ay hindi siya mapakali matapos ng tawag na iyon, natatakot, nag-aalala sa kung anong pwedeng gawin muli ni Ray.Nagpapasalamat na lamang siya at palagi ng maaga umuwi si Bobby at kahit siya ay palaging ale
Walang patid sa paghuni ng masayang tugtugin si Bobby ng mga sandaling iyon, habang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tahanan.Naroon ang kung anong pagkasabik niya na masilayan ang galak sa hitsura ng mga anak sa oras na ipakita niya ang pasalubong na mga pagkain.Hindi man iyon ang pinangarap at naisip niyang magiging buhay nila ng magkasama ni Sheryll, ay wala naman siyang pinagsisisihan dahil na rin sa tuwa at gaan ng pakiramdam kasama ng pamilya.Naroon man ang katotohanan na hindi niya tunay na anak ang mga bata ay wala
Kahit labag sa kanyang loob, kahit mabigat sa kanyang dibdib ay hindi niya na tinanggihan ang tulong na ibinigay ng ama ni Raymond. Tulad ng plano ni Bobby ay lumipat sila sa liblib na probinsya ng kasintahan, pero napapalibutan ng mga kalapit na bahay. Naging sapat na
Hindi pa rin siya matigil sa kakaiyak ng mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay parang unti-unti na siyang nababaliw sa bawat pagkakataon na madidinig ang malalakas na sigaw mula sa loob ng kanilang munting tahanan. Ilang oras rin siyang nanginginig, namamawis at tuliro habang nasa labas, hindi magkandamayaw sa kung ano ba ang dapat gawin, hindi niya na nga namalayan ang bahagyang pagliwanag ng kala
Malakas ang lagapak ni Bobby sa sahig nang ihagis ito papasok ni Raymond. Wala ng malay habang nakagapos ng packaging tape ang mga kamay, paa at bibig. G
“Oh, kamusta na iyong hayop na asawa mo, nakulong na ba?” malalim na sambit ng papa niya.“Pa naman!” napabusangot na lamang siya rito, “kapag nagkataon po mga abogado na po ang makakaharap natin niyan. Isa pa, alam niyo naman po kung gaano sila kayaman at kaimpluwensya, sa tingin niyo po may laban tayo doon?” sermon niya na lang.“Oo nga
Kumaripas kaagad ng takbo si Bobby nang marinig na nakabalik na si Sheryll. Humahangos pa siya nang makarating sa may gate ng bahay ng mga ito.Wala na siyang atubiling pumasok sa loob at nadatnan niyang napapalibutan na ang naturang babae ng mga kaibigan at kapamilya, magkahalo ang iyakan, tawanan ng mga naroon
Hindi mapigilan ni Raymond ang kakasabunot sa sarili habang idinuduyan-duyan ang sarili. Hindi mawala ang matinding kaba at takot niya nang kargahin si Sheryll na walang malay kani-kanina lamang, kinailangan pa siyang hatakin ng mga kaibigan upang maihiwalay
Hindi niya mapigilan ang panginginig habang katabi si Raymond, tahimik lamang ito sa pagmamaneho pero damang-dama niya ang nag-uumapaw na galit nito. Tiim na tiim ang bagang ng lalake habang nakatitig sa harapan at napakahigpit ng hawak sa manibela, halos lumilipad na rin ang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.