Sam!" masiglang wika ni Juno nang pumasok sa gate nang University nila ang dalaga. Dahil wala naman siyang masyadong klase naisipan niyang pumunta sa event nang University ni Drake. Hindi siya pinapapunta ni Drake doon dahil para sa binata nagsasayang lang siya nang oras. Pero dahil kay Juno kaya siya pumayag na pumunta bukod doon sinabi din nito na hindi lang sa basketball kasali ang binata ito din ang University King kaya naman marami itong event. Sa katunayan niya, nang dumating siya kasalukuyang nasa isang pictorial ang binata. Para itong professional model.
"Isang pictorial lang ito para sa univeristy editorial pero tingnan mo naman para talaga siyang isang model. Marami ding mga kumukuha sa kanya na maging isang model. Kung hindi lang siya masyadong fixated sa kagustuhan niyang makuha muli ang kompanya nila maaari siyang pumasok sa pag-aartista. Alam mo bang may ilang mga talent agency na na pumunta dito at kinausap si Drake. Kaso, tumatanggi siya." wika nito habang nakatingin sa binatang kasalukuyang kinuhunan nang litrato.
"Lalo ka na bang na iinlove sa kanya?" nagbibirong wika ni Juno at napatingin sa dalagang nakangiti habang hindi naaalis ang tingin sa binata.
"A-no bang sinasabi mo?" Nag-aalangang wika nang dalaga. Pinamulahan din siya sa sinabi ni Juno at hindi naman niya itatanggi sa sarili niya. Habang nakatingin siya sa binata hindi naman niya maiwasang hindi lalong humanga dito. Para siyang bumalik noong unang araw na Nakita niya ang binata. It was indeed a love at first sight.
"Naku. hindi mo kailangang mahiya sa akin. Alam ko ang mga tingin na iyan. Kahit naman sino talagang maiinlove diyan sa kaibigan ko. Hindi ikaw ang una. Sayang ngalang at hindi si Nancy ang napangasawa niya." wika nito. "Kita mo yang dalaga sa tabi niya. Siya ang University Queen. Akala nang lahat sila na ang magkakatuluyan. Sinong mag-aakalang----" putol na wika nito saka bumaling sa dalaga.
"Oops. Sorry." wika nito nang mapagtanto ang mga sinabi niya. Naghiwalay sina Nancy at Drake dahil sa biglaang pagkalugi nang pamilya ni Drake. Nalaman niyang hiniwalayan ni Nancy si Drake same day nang magpakamatay ang ama niya at parehong araw na nagdeklara nang bankcruptcy ang Negosyo nila. Isang malaking dagok iyon kay Drake. At ilang araw lang matapos ang libing nang ama nito bigla naman nabalitaan niyang ikakasal na ito sa tagapagmana nang El Fuego Pride.
"It's okay. Hindi naman lihim sa akin ang nakaraan nila." wika ni Samantha. Alam niya ang nangyari kay Nancy at Drake. At habang nakikita niya ang dalawa na nasa pictorial hindi naman maitanggi ang Chemistry nang dalawa. Sa pagkakaalam niya, simula nang high school pa magkasintahan ang dalawa kung hindi siguro dahil sa nangyari sa ama ni Drake baka ito na ang pinakasalan nang binata tama naman ang sinabi ni Juno.
Napapaisip ang dalaga. May nararamdaman pa kaya si Drake sa dalaga? Hindi naman sila naghiwalay dahil hindi nila mahal ang isa’t-isa. It was needed dahil sa mga nangyari. Kung ako siya ang pamilya ni Nancy tiyak ganoon din ang gagawin niya. She would do everything para hindi magkaroon nang kaugnayan ang anak ko sa isang tao may masaman background.
"Let's go. E-to-tour kita sa Campus. Matatagalan pa yan si Drake bago matapos." wika ni Juno na hinawakan ang kamay nang dalaga. Dahil sa biglaang ginawa nito bigla namang napaigtad ang dalaga pero tila hindi iyon napansin ni Juno. Natingin naman si Samantha kay Drake na nang mga sandaling iyon nakatingin sa kanila. Bigla siyang napa-igtad dahil sa titig sa kanya nang binata. Nanlilisik ang mga mata nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang tingin nito sa kanya para bang galit ito sa kanya. Pero bakit? May ginawa ba siya? Siguro dahil sa nagpunta siya doon nang hindi manlang kukumunsulta sa binata kaya ito galit.
Habang nasa kalagitnaan nang pictorial na kay Sam ang mata ni Drake. Nakita niya ang dalaga na dumating sa Univeristy nila na agad namang sinalubong ni Juno. Ayaw niyang pumunta doon ang dalaga ngunit dahil kay Juno kaya ito napapayag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nang binata bigla siyang nainis nang makita si Juno nang hawakan nito ang kamay ni Samantha.
"Sam!" Nag-aalalang wika ni Juno nang biglang tila muntik nang mabuwal ang dalaga. Agad naman siyang napahawak sa braso at balikat nito para alalayan ang dalaga. "Okay ka lang ba?" tanong nang binata napahawak naman si Samantha sa ulo niya. Nitong mga nakaraang araw mas dumadalas siyang mahilo. Nang pumunta sila sa hospital gaya nang sabi ni Simone wala naman silang nakitang pagbabago sa kanya. Sabi nang Doctor na kasama ni Simone sa they need to run more test. They need to better understand her condition.
"Okay lang ako. Siguro dahil masyadong mainit." wika nang dalaga saka tumayo nang maayos at ngumiti sa binata.
"Sigurado ka ba? Talagang kakaiba ang init nang panahon ngayon. Gusto mo ----" putol na wika ni Juno nang biglang may humawak sa kamay niya na nakahawak sa braso nang dalaga dahil sa gulat napatingin naman si Juno sa may-ari nang kamay maging si Samantha ay napatingin din doon. Ganoon na lamang ang ulat nila nang makita si Drake. Madilim ang ekspresyon nang mukha nito. Napatingin ang dalaga sa pagtataka hindi niya napansin ang paglapit sa kanila nang binata.
"Ang bilis mo naman. Tapos na ba ang----" wika ni Juno na natigilan nang marahas na tinanggal ni Drake ang kamay niya na nakahawak kay Samantha.
"Sinabi ko na huwag kang pumunta dito. Pero matigas ang ulo mo. And now what? inaabala mo pa ang iba." inis na wika nang binata sa dalaga.
"Ano bang inaabala. Nahilo lang naman siya. Kahit naman sino kung ganito kainit. Huwag kang masyadong masungit sa kanya." wika ni Juno sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ganito si Drake hindi naman nito ganito ituring at tratuhin ang ibang babae. Noong sila pa ni Nancy masyado itong protective at malambing hindi isang cold ang ungentle Drake na nasa harap niya.
"Hindi ka pa ba maghahanda? Malapit na ang basketball event." wika ni Drake sa kaibigan at bumaling dito.
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib