Share

Chapter 1

Kathryn 

Maaga akong pinauwe ngayon ni Dad sa bahay, may mahalaga daw kaming pag uusapan nito. Balak ko pa sanang mag Mall ngayon kasama ng aking mga kaibigan. 

Pero dahil request ni Dad na umuwi ako agad after ng school  ay ipinag paliban ko muna ang pagpunta ng mall. 

Paminsan minsan na rin lang kasi kami magkita ni Dad eh. Sobrang busy kasi nito sa aming business kaya naiintindihan ko naman ito. 

Ako nga pala si Kathryn Monte Falco, 19 yrs of age at nag iisang anak ng kilalang businessman dito sa bansa na si Franco Monte falco. 2nd year college na ako sa kursong Business Administration sa isang kilalang unibersidad dito sa bansa. 

Sikat ako sa campus hindi lang dahil sa mayaman ang magulang ko kundi dahil na rin sa pagiging isa kong Cheerleader at Queen bee sa school. 

Kaya lahat halos ng mga estudyante sa campus ay umiiwas na kalabanin ako dahil sa di lang kasi ako sikat na cheerleader at queen bee. Kundi isa din akong sikat na m*****a at masama ang ugali sa school.

Mahilig kasi kaming mang trip na mag ba barkada. Lalong lalo na yung mga nerd na nagkalat sa campus. 

Ang sarap kasi nilang pag tripan. Parang mga tanga kasi. Hindi lumalaban, mga naka yuko lang at tinatanggap ang aming mga pinag gagawa sa kanila. Yung mga babae namang nerd iyon iyak palagi sa amin lalo na pag naharap namin na buhusan ang mga ito ng kung ano anong inumin sa kanila. Katuwa lang na pag tripan mga yun eh. Karamihan kasi sa mga nerd na nag aaral sa school ay puro mga scholar lang kaya naman hindi nila magawang lumaban sa amin. Lalo pa nga at isa si Dad sa nag e sponsor sa mga ito. 

Sila nga ang taga gawa ng mga assignment at projects namin eh. Subukan lang naman talaga nila na tumanggi at mag reklamo dahil para na rin lang silang nagtampo sa bigas pag nangyari yun. 

Ang mga lalaking nerd naman ay madalas pag pustahan naming mag babarkada tapos kung sino ang matalo ay siya ang mag papaibig dito tapos basta na lang iiwan. Marami na kaming ginanyan na umalis na lang dito o kaya naman ay nag drop na. 

Katuwa lang tignan lalo na pag nag hahabol na ang mga ito tapos ipapahiya lang at bu-buhusan ng kung ano ano na pagkain or kahit ng tubig galing cr. 

Minsan pag napag tripan pa sila ng mga varsity players ay bugbog pa ang mga ito. Mga tanga kasi di lumalaban. Nakakainis tuloy tingnan mga itsura nila na parang kawawang kawawa. 

Pagdating ko ng bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto. Like ko kasi na humiga muna at mag pahinga. Napagod kasi ako sa practice namin ng routine eh. Daming mga sablay pa na mga stunts kaya paulit ulit tuloy kami. 

Ang init tuloy ng ulo ko kanina dahil sa mga katangahan ng mga member ko. My god paulit ulit na namin iyong ginagawa pero hanggang ngayon eh di pa rin nila ma perfect. 

Puro pagpapaganda lang kasi ang mga ginagawa sa buhay. Kaya lang naman ata kasi sumali na maging cheerleader ang mga iyon ay para maging sikat sa school. Duh di pwede sa akin iyon. 

Nag bilin na lang ako sa mga kasambahay namin dito na gisingin na lang ako pag dumating na si Dad. 

Mamaya pa siguro iyon darating. Knowing Dad, laging late na yan umuwi sa dami ng ginagawa niya at tinatapos sa office. Minsan nga dinadala pa niyan dito ang kanyang mga paper works eh.

Nag palit muna ako ng uniform ko bago humiga sa aking kama. Maya na lang ako mag shower bago matulog. 

Panay lang ang scroll ko sa social media ng makaramdam ako ng antok. I idlip muna ako. Total wala pa naman si Dad eh. Sakto pagdating niya ay gising na rin siguro ako non. 

Mga ilang saglit lang ay nakatulog na rin ako. Namalayan ko na lang ang mahinang pag katok ng aming kasambahay sa labas ng pinto. 

"Senorita Kathryn, baba na daw po kayo at kakain na raw po sabi ng Daddy nyo." Mahinang sabi ni manang sa labas ng pinto. 

Dahan dahan naman akong nag inat ng aking katawan at sinabihan na lang si manang na pababa na rin ako. Mag aayos lang ako saglit ng aking sarili. 

Medyo matagal pala ang aking pag tulog. Nang tingnan ko ang oras ay almost 7pm na pala. Panigurado na medyo hindi na ako makakatulog nito maya. Na pagod talaga ako sa practice namin kanina eh. 

Nagmamadali na akong nag ayos ng aking sarili. Pinaka ayaw pa naman ni dad ay iyong pinaghihintay ito. 

Nang makapag ayos na ay nagmamadali na akong bumaba at dumiretso na sa may dining room. 

Naka upo na doon si Dad at mukhang medyo inip na ito sa kakahintay sa akin. Naka kunot na kasi ang noo nito habang mariin na naka tingin sa akin ngayon. 

Wala na rin pala akong Mom. Namatay ito sa sakit na cancer noong maliit pa ako. 

Kaya naman ibinuhos na ni Dad ang lahat ng kanyang oras sa pag papalago pa lalo ng aming negosyo. At mukhang nakalimutan na rin nito na may anak pa sya na naghihintay palagi dito sa bahay. 

Pero dahil nakasanayan ko na wala itong time sa akin ay di ko na rin hinahanap pa ang attention nito. Nasanay na ako na bahala ako sa sarili ko. Na ang aking yaya na ang itinuring kong ikalawang magulang ko. 

Kaya pag may mga pagkakataon na ganito na magkasabay kaming kumain ni Dad ay sobrang tuwa talaga ang nadarama ko. 

Agad akong lumapit dito at humalik sa pisngi nya. "Good evening Dad." Masiglang bati ko dito at naupo na rin sa may bandang kanan nito. 

Nagsimula na kaming kumain ni Dad ng di na ako nakatiis ay tinanong ko na ito kung ano ba ang aming mahalagang pag uusapan. 

Pero sinabi lang ni Dad sa akin. " Kumain na lang muna tayo at mamaya ay pag uusapan natin kung ano iyon." Pormal na sabi nito sa akin. Saka pinag patuloy na ang pagkain nya. 

Nag kibit balikat na lang ako at ipinag patuloy na rin ang pagkain. Panay lang ang tingin ni Dad sa akin na para bang tina tantya nya pa ang kanyang mga sasabihin sa akin. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status