Share

KABANATA 142  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:12:08
Napatigil si Natalie saglit bago sumagot, "Wala. May mga bagay lang akong iniisip patungkol sa ospital."

"Ganun ba?" Pinagmasdan siya ni Mateo ng ilang sandali.

"Maliligo lang ako at pagkatapos ay matulog na tayo," dagdag pa ng lalaki, sandaling ibinaba ang ulo upang hinalikan si Natalie sa labi.

"Maliligo na ako."

"Sige."

Habang sinusuri ni Natalie ang lalaki palayo, unti-unting nawala ang ngiti ng dalaga.

Paano kaya nito nagagawa iyon?

Kani-kanina lang ay nag-away sila pero nang pumasok ito sa silid ay para bang walang nangyari sa kanila.

Gusto ba nitong magpakasal pa rin sa kanya? Para ba kay Granpa o talagang may malasakit ito sa kan’ya?

Paglabas ni Mateo mula sa banyo ay nakahiga na si Natalie. Hindi nag-atubiling humiga ang lalaki sa tabi niya, niyakap siya nito, at hinalikan siya ng banayad sa ulo.

"Nat, Nat…" bulong na tawag nito sa kan’ya.

Nararamdaman ni Natalie ang init na dumadampi sa kan’yang leeg kaya nagsimulang nag-panic siya at itinulak ang lalaki pal
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
Sheralyn Rio
love your story
goodnovel comment avatar
Sheralyn Rio
can i have more rewards
goodnovel comment avatar
Che Mie
miss author Sana nmn malaman n ni Mateo ang lahat... at Sana kwento n rin ni Natalie nkaraan nya... wag muna pahabain ok po...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 143  

    Hindi naging malinaw ang mga detalye ng pag-uusap nila sa telepono kaya nagmamadali ng pumunta si Natalie sa estasyon ng pulisya. Pagbaba niya ng kotse, nakita niyang naghihintay si Nilly sa labas, halata sa mukha nito ang pag-aalala.“Nat, salamat naman at nandito ka na!” sabi ni Nilly at napahinga ng maluwag.  “Mm.” Tumango si Natalie sa dalaga. “Mag-usap tayo habang naglalakad.”“Sige…” Nagpatuloy si Nilly sa pagsasalita, “Nandiyan na ang kapatid ni Chandon, kinakausap siya sa loob.” Sa loob ng estasyon, tinitigan nito  ang kanyang nakababatang kapatid.“At bakit ako nagagalit? Akala mo ba maliit lamang na insidente iyon? Makinig ka muna sa akin, ginalit mo si Mateo, kilala mo ba ang taong iyon!?”"Bakit anong nagawa ko?" naguguluhang tanong ni Chandon. "Nasaktan si Irene, eh ano ngayon? Anong kinalaman ni Mateo dito?” “Hmph.” Binigyan niya ng malakas na hampas ang noo ng kapatid. “Hindi mo pa ba naiintindihan? Si Irene ay may relasyon kay Mateo! Akala mo ba walang koneksy

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 144  

    "Kailangan mong pag-isipan ito ng mabuti. Wala bang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan mo ngayon?""Uhmm… Okay lang naman ako..." Kinamot ni Chandon ang mukha at halatang kinakabahan.Tumawa nang malakas si Natalie. "Okay ka sa lagay na iyan? Pero paano naman ang pamilya mo? Paano kami ni Nilly? Kung may mangyari sa'yo, paano kami magiging okay? Hindi namin makakayang makita kang nasa loob ng selda.""Kahit na! Hindi ka pwedeng magmakaawa sa matandang bruha na iyon...""Ikaw..." Napatigil si Natalie, nanginginig ang katawan niya, nakatayo lamang at hindi makagalaw.Sa sandaling iyon, pumasok si Drake na may kasamang isang abogado.Nagningning ang mga mata ni Chandon. "Mabuti naman at dumating ka na! Alam ko hindi mo pababayaan ang matalik mong kaibigan.""Tsk," saad ni Drake habang tinitigan ang lalaki at lumingon kay Natalie. "Tama si Chandon, huwag mong gawing komplikado ang lahat at pahirapan pa ang sarili mo. Hayaan mo na si Chandon at ang kapatid niya ang mag-asikaso rito. Ka

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 145    

    Lumabas si Drake kasama ang abogado, at sinalubong siya agad nina Nilly at Natalie. "Anong nangyari?" tanong ni Nilly. Nagkunot ang noo si Drake, pero hindi siya sumagot nang deretso. "Huwag kayong mag-alala, hindi ganoon kadali ang sitwasyon. Bigyan lang natin ng oras ang abogado. Aayusin natin ito, tiwala lang kayo sa akin, okay?" Sa ngayon, iyon lang ang masasabi niya. Tumango si Natalie at hindi na nagtanong pa. Matapos makausap ang abogado, lumingon si Drake at sinabi, "Halina kayo, ihahatid ko na kayo." Sumakay sila sa kotse.  Una niyang inihatid si Nilly sa apartment nito  bago dinala si Natalie pabalik sa dormitoryo. Pagdating sa harap ng dorm, bumaba si Natalie.  Inihatid siya ni Drake hanggang sa pinto bago muling sumakay sa kotse at umalis. "Drake!" tawag ni Natalie dito. Agad na lumingon si Drake. "Nat?" Nag-alinlangan si Natalie saglit bago nagsalita. "Kung may pag-unlad, pwede mo ba akong tawagan at ipaalam sa akin?" Kahit hindi ito direktang may k

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 146  

    Sa paghahanda ni Natalie, naengganyo rin si Mateo sa pagkain. Bago pa siya makapansin, ubos na ang isang serving ng lamb chops. Si Natalie naman ay patuloy pa ring kumakain, tila hindi pa nasisiyahan. Pinipigilan ang pagtawa, tinawag ni Mateo ang waiter. “Isa pang serving ng lamb chops, please.” “Syempre, Mr. Garcia.” Nagliwanag ang mukha ni Natalie at ngumiti sa kanya, sabay sabing, “Salamat.” “Walang anuman…” Habang nag-uusap sila, tumunog ang telepono ni Mateo. Tinignan niya ito at sinagot ang tawag. “Hello, attorney.” Tumingin kay Natalie, sinabi niya, “Tatawagan ko lang ito.” “Oh,” tumango si Natalie, ang mga mata ay tila malayo habang pinapanood siyang maglakad patungo sa bintana. Nakarinig siya ng mga pira-pirasong salita mula sa tawag. “Oo, tinamaan si Irene. Attorney, ikaw na ang bahala sa pag-asikaso…” Bumangon ang pag-aalala kay Natalie. Ang attorney na tinutukoy nito ay si Jose Panganiban. Isa sa mga pinakamahusay na abogado sa bansa! Kung siya na

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 147  

    Walang duda, galit na galit si Mateo.  Parang sasabog ang dibdib niya sa galit, at lalong lumalakas ang nararamdaman niya sa bawat segundo. Pinipigilan niya ang sarili, pero hindi niya mapigilang hawakan ang braso ni Natalie at hilahin siya papasok sa kotse nang walang imik.  Sumakay siya at mabilis na nagmaneho palayo. Ang pagkakahawak niya sa pulso ni Natalie ay masakit, o baka naman ang nakakatakot niyang itsura ang dahilan.  Bumangon si Natalie at tahimik na nagtanong, "Saan tayo pupunta?" "Uuwi!"  Saglit siyang nilingon ni Mateo. "O gusto mo bang bumalik pa at kumain pagkatapos ng lahat ng nangyari?" Syempre, pagkatapos ng mainit na pagtatalo, wala na siyang gana kumain.  Umiling si Natalie at sumunod na lang sa kanya papasok sa kotse. Tahimik ang biyahe, mabigat ang atmospera.  Nakatuon ang mga mata ni Mateo sa kalsada, mahigpit ang hawak sa manibela. "Wala ka bang sasabihin sa akin?" tanong niya sa wakas.  Dati, hindi niya alam, pero ngayon alam na niya ang lahat.  Hin

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 148  

    Nang magdamag, hindi pa rin nakabalik si Mateo. Hindi rin nakatulog nang maayos si Natalie. Nagising siya bago mag-umaga at hindi na muling nakatulog.Habang kumakain ng almusal, nakatanggap siya ng tawag mula kay Drake.“Hello, Drake, kumusta ang sitwasyon?”Sa kabilang linya, nagbuntong-hininga si Drake at hindi na itinago ang katotohanan. “Talaga namang mahirap ayusin. Matigas ang kanilang paninindigan, at ang kakayahan ni Jose Panganiban sa batas ay talagang magaling, kaya’t masalimuot. Pero patuloy pa rin naming pinagtatrabahuhan. Huwag ka masyadong mag-alala…”Masalimuot.Ginamit ni Drake ang salitang iyon.Pinagtuunan ng mga mata ni Natalie ang kanyang pagkain at nagbuntong-hininga. “Naiintindihan ko.”Pagkatapos ng tawag, nawala ang gana niya sa pagkain. Parang hindi na niya kayang mag-stay lang nang walang ginagawa.Pumunta si Chandon kay Irene dahil sa kanya, at nararapat lang na gawin niya rin ito para sa kaibigan. Handang magpakumbaba siya para sa kanya.Nagdesisyon siya—ka

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 149    

    Nagkunot ang noo ni Natalie. Isang mahina ngunit tumitinding pakiramdam ng hindi magandang mangyayari ang dahan-dahang pumasok sa kanyang isipan. Tinutok ni Irene ang kanyang mga mata, ang tono ay mabagal at maingat, binibigkas ang bawat salita nang malinaw. "Kung iiwan mo si Mateo, ititigil ko ang kaso." Napatigil si Natalie, ang ekspresyon ay sumikip. Eksakto ito sa inaasahan niyang mangyari. Si Irene, na ngayon ay kalmado at maayos, ay nagdagdag pa, "Pag-isipan mo. Isang lalaking hindi ka mahal o isang kaibigan mula pagkabata—paano mo pipiliin?" Nagtagpo ang kanilang mga mata. Naghintay si Irene ng sagot mula kay Natalie. Tahimik si Natalie sa loob ng ilang segundo, ngunit hindi nagtagal bago siya nagdesisyon. Tumango siya at nagsalita ng matatag na tono. "Sige. Iiwan ko si Mateo. Sana panindigan mo ang sinabi mo." Walang hinihintay na sagot, tumalikod siya at umalis. Pumayag siya! Hinaplos ni Irene ang kanyang mga kamao, ang mga mata ay kumikislap ng kasiyahan. It

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 150    

    Sa kabilang linya, naramdaman ni Mateo ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at ang pagkahapo sa kanyang dibdib.  Ito na ang ikalawang beses na binanggit ni Natalie  ang diborsyo. Ngunit iba na ngayon—legal na silang mag-asawa.  At gayunpaman, napakadali para kay Natalie na imungkahi iyon.  Hindi kaya wala siyang halaga para sa kanya?  Isa lang ba siyang lalaki na basta-basta niyang itinatapon, gaano man sila kalapit?  Tulad ng mga lalaki noon, basta itinatapon na lang nang walang pakundangan? Isang bagyo ng emosyon ang sumabog sa kanya—galit, pagkabigo, kahihiyan. Nawala ang karaniwang kalmado at komposisyon ni Mateo, napalitan ng galit ang kanyang mukha.  Sumigaw siya, “Natalie, akala mo ba madali lang ang diborsyo?  Sinabi ko bang pumayag ako?” Napasinghap si Natalie, naguguluhan.  “Bakit hindi ka papayag? Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon ni Irene? Kung maghihiwalay tayo, masamahan mo siya bukas…” “Kalokohan!” sigaw ni Mateo, ang boses ay mabagsik. “Huwag mong gawing ma

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 315

    Sa loob ng dalawang segundo, ang dalawang lalaki ay tuluyang natahimik. Ang hangin sa loob ng madilim na warehouse ay bumigat at napuno ng pagkagulat dahil sa sinabi niya.“Imposible!” Tumayo ang payat na lalaki, matalim at matigas ang boses. Naniningkit din ang mga mata, puno ng galit at pagdududa.“Nagsasabi ako ng totoo!” Mabilis na naghanap ng paliwanag si Irene, halos maputulan na siya ng hininga sa sobrang pag-aalala. Alam niya ang bigat ng sitwasyon---ang bawat segundong nawawala sa kanya ay katumbas ng buhay niya. “H-hawak niyo na ako…bakit pa ako magsisinungaling? Mga kuya…saan niyo ba kasi nakuha ang balitang buntis ako?”“Hah.” Malahalimaw ng ngiti ng payat na lalaki, puno ng panunuya. “Hindi mo alam? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagsabi kay Mateo na buntis ka?”Nanlamig ang buong katawan ni Irene.Parang tinirintas ang kanyang sikmura sa kaba. Parang isang malakas na sampal ang tumama sa kanyang mukha. Malinaw na may nagbabantay kay Mateo at nalaman nito na buntis siya.Sa or

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 314

    Hindi na inabala ni Rigor ang sarili sa pakikinig ng mga posibleng rason kung bakit wala roon si Irene. Para sa kanya, malinaw na paglabag na ito ng utos niya at malinaw na ayaw ng anak na magbahagi ng atay para dugtungan ang buhay niya. Ubos na ang kanyang pasensya at halos sumabog na ang ugat nito sa noo sa galit.“Nagpalaki talaga ako ng isang walang utang na loob na anak! Kasalanan mo ‘to, eh. Pinalaki mong spoiled ang anak mo, kaya ayan! Hindi na mahingan ng pabor! Ikaw din ang nagbigay ng sungay sa magaling mong anak, Janet!”Nataranta si Janet at mabilis na hinawakan sa manggas ang asawa para pigilan ito, alam niyang lalayasan siya nito at kapag nakita nito si Irene, malilintikan ang anak. “Huwag kang mag-isip ng ganyan sa anak mo, Rigor. Pumayag naman siya. Hindi ba? Maayos nga siyang sumama dito. Sigurado akong may paliwanag ito---”“Oo, may paliwanag talaga. Pinlano niyo ito. Ikaw ang may pakana nito. Pinapunta mo pa dito ang magaling mong anak pero patatakasin mo naman pala

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 313

    Naroon pa rin ang tensyon at nakakapanindig-balahibong atmospera sa mga Natividad kahit na ilang araw na ang lumipas. Sabay pa rin silang kumakain gaya ng nakasanayan, pero may lamat na ang kanilang samahan. Ang dating matibay na pundasyon na pinagtibay ng masasamang plano ay unti-unti nang nawawasak.Ang tanging maririnig ay ang kalansing ng mga kubyertos sa porselanang pinggan. Ininom ni Rigor ang baso ng apple juice at tsaka pinunasan ang bibig gamit ang isang table napkin.Ibinagsak niya ang baso ng ubod ng lakas sa mesa na ikinabigla ng mga kasama niya sa hapunan. Pagkatapos, ang mata niya ay napako kay Irene.“Irene, pumunta ka sa ospital. Alas-tres ang appointment mo at huwag na huwag mong isipin na hindi pumunta o ma-late.”Nanginig ang mga kamay ni Irene pero hinigpitan niya lalo ang hawak sa mga kubyertos. Sinubukan niyang ibuka ang bibig pero wala ng lumabas na mga salita.Si Janet, na tahimik lang na nakikinig noong una ay hindi na nakatiis at sumigit habang marahang hinaw

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 312

    Masayang-masaya si Tess habang pinapanood si Natalie habang nilalantakan ang isang buong isda. Isinasaw muna niya ang isda sa suka ng matagal bago kainin.“Mukhang nakakahiligan mo ang maasim, Miss Natalie---siguradong lalaki ang baby! Naku, matutuwa nito si Sir Antonio! Isang Garcia!” Masiglang pinagdikit ni Tess ang kanyang mga palad, tila kumbinsidong-kumbinsido na tama ang hula niya. Pagkatapos ay may naalala ito,lumingon siya kay Mateo. “Sir, anong mas gusto mo? Anak na lalaki o anak na babae?”Kung tutuusin, simple lang ang tanong na iyon, isang bagay na inaasahang pag-usapan ng mga magiging magulang at mga taong nakapaligid sa kanila. Pero sa sandaling iyon, agad na nagbago ang hangin sa dining area.Nanigas ang mga daliri ni Mateo na kanina ay nakapatong lang sa mesa. “Lalaki o babae?”Hindi agad pumasok sa isipan ni Mateo ang batang dinadala ni Natalie—kundi ang batang pinagbubuntis ni Irene.Mula ng bumalik siya galing Canada, nalubog na siya sa trabaho, nahati ang atensyon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 311

    Nang umalis si Ben, nabalot din ang kwarto ng kakaibang katahimikan---mabigat at tila nagsilbing harang ng tensyon sa pagitan nila. Walang nagsalita kaya ibinaling na lang ni Natalie ang tingin sa sahig, iniiwasan niyang magtama muli ang mga mata nila ni Mateo habang papunta siya sa banyo.“Maliligo muna ako,” bulong niya.Hindi niya talaga balak maligo, pero pagdating niya, nakahanda na ang bath tub---mukhang pinaghandaan nga ng mga tao ang pagbabalik niya.“Mm.” Tumango si Mateo.Nagpatuloy na si Natalie. Nang hawakan niya ang door knob tinawag siya nito.“Natalie,” mababa at malamig ang boses ni Mateo.”Saglit na natigilan si Natalie, humigpit ang pagkakahawak niya sa door knob bago siya lumingon paharap sa kausap. “Ano ‘yon?”Nakita niyang nag-alinlangan si Mateo, nagsalubong ang mga kilay bago direstahang nagtanong, “bakit ka bumalik?”Matalas ang tanong na iyon, tila isang punyal na pinunit ang manipis na kurtina ng katahimikan sa pagitan nila. Hindi na nagulat si Natalie. Inaa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status