Share

KABANATA 143  

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2024-12-27 16:12:10
Hindi naging malinaw ang mga detalye ng pag-uusap nila sa telepono kaya nagmamadali ng pumunta si Natalie sa estasyon ng pulisya. Pagbaba niya ng kotse, nakita niyang naghihintay si Nilly sa labas, halata sa mukha nito ang pag-aalala.

“Nat, salamat naman at nandito ka na!” sabi ni Nilly at napahinga ng maluwag.

“Mm.” Tumango si Natalie sa dalaga. “Mag-usap tayo habang naglalakad.”

“Sige…” Nagpatuloy si Nilly sa pagsasalita, “Nandiyan na ang kapatid ni Chandon, kinakausap siya sa loob.”

Sa loob ng estasyon, tinitigan nito  ang kanyang nakababatang kapatid.

“At bakit ako nagagalit? Akala mo ba maliit lamang na insidente iyon? Makinig ka muna sa akin, ginalit mo si Mateo, kilala mo ba ang taong iyon!?”

"Bakit anong nagawa ko?" naguguluhang tanong ni Chandon. "Nasaktan si Irene, eh ano ngayon? Anong kinalaman ni Mateo dito?”

“Hmph.” Binigyan niya ng malakas na hampas ang noo ng kapatid. “Hindi mo pa ba naiintindihan? Si Irene ay may relasyon kay Mateo! Akala mo ba walang koneksy
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (66)
goodnovel comment avatar
Amy Rivera
ayoko ng gnitong kwento...puro pa suspence..yong mga character medjo stupid ang role...pero tatapusin q parin..pero d a natutuwa sa takbo ng kwento..ang Bhala ni Mateo ehh.puro paramdam..Natalie nman pkipot...haaayyyysss
goodnovel comment avatar
Tezza Perjes Escobar
Antanga ni Natalie napahamak n nga ang kaibigan nia para ipag tanggol cya tas mag mama kaawa
goodnovel comment avatar
Kathleen Miral
Tapos na ba kwento neto? kasi nagsisimula na akong maumay. ang bagal ng story tapos napakaikli pa per chapter ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 557

    Nakakunot ang noo ni Mateo, malamig at malalim ang tingin kay Natalie. At bigla, walang babala, nagtanong siya, “tungkol sa liver transplant… natanong mo na ba si Justin?”Hindi agad nakaimik si Natalie. Hindi niya inaasahang iyon ang unang lalabas sa bibig nito. Hindi rin niya inaasahan na makikialam ito sa isyung pampamilya nila. Hindi na bago ang ganitong eksena kay Mateo, ilang beses na rin siyang naipit sa gulo nila. Pero iba na ngayon. Malinaw kung saan siya pumapanig.Pagkalipas ng ilang segundo, bahagya siyang natawa. “Ako ang legal guardian niya. Ako ang nagdedesisyon para sa kanya, Mateo.”Nanatiling kalmado pero matigas ang tono ni Mateo. “Alam ko na lampas na siya sa labing-apat na taong gulang. At sa ganyang edad, may karapatan na ang isang bata ayon sa batas. At dahil malusog siya—sa pisikal at mental—pwede siyang maging donor.”Bawat salitang binitawan niya—rasyonal, lohikal. Pero bawat isa, pabor kay Irene. Malamig ang ngiting ibinato ni Natalie habang lumilingon kay I

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 556

    Matalino si Marie kaya pinili na lang niyang manahimik. Ayaw niyang madamay siya sa gulo. Matagal na silang magkaibigan ni Natalie at kahit ngayon lang niya nalaman kung sino ang madrasta nito, nakita na rin niya kung ano ang ugali ng madrasta nito kaya alam niyang hindi gusto ni Natalie na bigla na lang itong sumugod doon.Tama ang hinala ni Marie, hindi nga natutuwa si Natalie lalo pa at nagpakilala si Janet bilang ina niya—napatitig si Natalie dito, malamig ang tingin, tsaka sinabi, “matagal ng patay ang nanay ko—mahigit sampung taon na. Ano ’to ngayon, sinasabi niyo bang dumalaw ang nanay ko dito mula sa kabilang buhay? Dapat pala akong magpadasal.”Agad na-gets ni Marie ang patutsada. “Ah, sige! Hahanapin ko agad ang espiritista!”“Bilisan mo!” Magkasabay silang bumanat, parehong matalim ang mga dila.Namula sa galit ang mukha ni Janet. “Natalie! Kahit kailan talaga! Wala kang galang!”“Tama ka.” Ngumisi si Natalie, puno ng pang-uuyam.“Maaga kasing namatay ang nanay ko, at ang ta

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 555

    “Ano? Anong nangyari kay Daddy?”Humahagulhol na si Janet sa kabilang linya. [Tumawag ang sekretarya ng tatay mo—bigla raw siyang hinimatay sa opisina! Nasa ospital na siya ngayon! Papunta na ako—Irene, mas malapit ka. Tsaka okay ka na, hindi ba? Bilisan mo na! Doon na tayo magkita!]“Sige!” Agad binaba ni Irene ang tawag, nanlalamig ang mukha. Namumula ang mga mata niya sa pilit na pinipigilang luha.“Anong nangyari?”“Mateo, si Mommy ang tumawag. Hinimatay na naman si Dad! Dinala na daw sa malapit na ospital sa opisina niya!”Pagkarinig nito, agad tumayo si Mateo at inalalayan si Irene. “Huwag kang kabahan. Sasamahan kita—tara na.”“Sige!” Dahil nagprisenta na si Mateo na manatili sa tabi niya, mas naging kampante si Irene. Gayunpaman, nanghihinayang siya sa moment sana nila kanina.**Pagdating ni Janet sa ospital, nailipat na si Rigor mula emergency room papunta sa kwarto nito. Mula ng malaman nila ang kondisyon nito, may ilang beses na rin na nawalan ng malay si Rigor pero bumab

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 554

    Maingat na lumapit ang dalaga at marahang iniunat ang kamay. “Dahan-dahan lang ako, promise. Tsaka malinis ang mga kamay ko, magandang doktora.”“Sige lang,” udyok ni Natalie. Hindi man niya kilala ang dalaga, ngunit alam niyang magaan ang pakiramdam niya dito.At totoo nga—ang haplos niya ay parang dampi lang ng hangin. “Grabe! Ganito pala ang pakiramdam ng may baby bump… Ang galing mo, Ate! Ang hirap sigurong maging nanay. Kaya bilib na bilib ako sa mga nanay eh. Isang milagrong maituturing ang pagbubuntis…”Hindi sumagot si Natalie. Sa halip, ngumiti lang siya at magiliw na nagtanong, “um, neng, anong ginagawa mo rito? May hinahanap ka ba?”“Ako?” Binitiwan ng dalaga ang tiyan ni Natalie at ginalaw ang balikat para ibaba ang backpack niya. “Nandyan ba si Kuya Zac? Sinabihan niya akong dumaan ngayon dito pero ni anino naman niya ay hindi ko makita. Siraulo talaga ‘yon.”Medyo nagulat si Natalie dahil naka-first name basis ito sa senior doctor niya. “Ah, si Dr. Cortez ang hinahanap m

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 553

    Isang pangungusap lang—isang simpleng linya mula kay Mateo ka ang tumama kay Natalie na parang kidlat, hinila siya pababa sa isang malalim at malamig na bangin. Para siyang sinampal ng malakas, isang sampal na humapdi at umantig hanggang kaibuturan ng sistema niya.“Anong problema mo? Ganyan ka ba talaga kakapal, o nagmamaang-maangan ka lang?”May mapait na ngiti sa labi ni Mateo, kasing talas ng punyal. “Akala mo ba pina-fund ko ‘yung proyekto ni Dr. Norman Tolentino dahil mabait ako? Dahil sobra-sobra ang pera ko at hindi ko na alam kung saan ko ito gagastusin?”“Mateo…” halos pabulong na sagot ni Natalie.Bumagsak ang tono ng boses niya—matigas, malamig, at nanunuot. “Hindi pa ako tapos. Hindi ko ginawa ‘yon dahil bored ako, Natalie o wala na akong ibang paggagastusan ng pera ko. Ginawa ko ‘yon dahil sa iyo. Dahil gusto kitang alagaan, gusto kitang i-spoil. Kaya ako pumayag dahil sayo.”Pagkatapos, tumawa si Mateo. Pero hindi ‘yon masayang tawa. Hindi tawang puno ng lambing. Kundi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 552

    Malamang ay masyado ng matagal ang paghihintay ni Natalie—kaya umalis na siguro ito. Napagod na siguro at nagpasya ng umuwi dahil abalang tao din si Natalie, isa itong doktora at bukod doon, buntis pa ito. Hindi napigilan ni Isaac na manghinayang.“Sayang naman. Kung sana nakapaghintay pa siya ng konti…” may panlulumong palatak ni Isaac sa isip niya.Pero sa mismong sandaling iyon, lumabas si Natalie mula sa banyo at agad na nakita sina Mateo at Isaac na pababa na sa hagdan papunta sa harap ng gusali. Nagpapasalamat siya na hindi niya kinailangang magtagal sa banyo dahil kung nagkataon, nagkasalisi na naman sila.Hindi na nag-isip pa si Natalie, dali-dali siyang sumigaw. “Mateo! Sandali!”Napahinto sa paghakbang si Natalie sa tawag ng kanyang pangalan. Ang buong akala niya ay -guni-guni lang niya iyon. Ngunit nagpatuloy ang pagsigaw mula sa likuran kaya gulat siyang napalingon at nakita si Natalie na mabilis na lumalapit sa kinaroroonan nila.Halos tumatakbo ito.Kumunot ang noo ni Ma

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status