Share

KABANATA 648

Author: Lin Kong
last update Petsa ng paglalathala: 2026-04-17 18:04:46

Siyempre, pinalayas ni Antonio si Rallyn at pinaalis sa tulong ng seguridad. Sumunod naman ang mga guwardiya, ngunit huli na ang lahat—nasira na ang loob ni Natalie at nagbago na ang desisyon nito. Handa na sana siyang tumakas kasama ang anak at ayaw na niyang ituloy ang kasal nila. Kaya nagkaroon sila ng seryosong pag-uusap ng matanda.

Sa totoo lang, nagulat ang matanda sa ginawa ng apo niya. “Naalala mo pa ba na nahuli ang pari para sa kasal niyo?”

“Oo, pero anong koneksyon nun?” tanong ni Ma
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (103)
goodnovel comment avatar
Wilma Tibigar
updatenmn po missA plsss
goodnovel comment avatar
Rosiely Orlanda Corpuz
more episodes nman author
goodnovel comment avatar
Jubelyn Ragmac
update please
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 649

    “Nasaan siya?” Matagal ng gusto ni Mateo na matapos na ang lahat ng ito at ang tanging paraan lang para makamit ‘yon ay kung maibabalik si Irene sa piitan. Hindi kailanman tumigil ang mga tauhan ni Mateo sa paghahanap. Pero mas magaling magtago si Irene. Mula ng makawala ito ay palagi na lang silang may pangamba na baka bigla itong bumalik at tapusin ang mga kasamaang ginawa nito sa pamilya nila.[Pare, tama ako. Hindi mo nga dapat pinagkatiwalaan ang babae mo!]“Ano bang punto mo?” Alam ni Mateo na hindi gusto ni Leo si Rallyn pero hindi rin naman siya basta-bastang magbibintang ng walang solid na ebidensya na susuporta sa mga sinasabi ng kaibigan. “Labas si Rallyn sa usapang ito, okay?”[Hindi, pare! Dahil si Rallyn at si Irene ay iisa! Nagpa-cosmetic surgery siya kaya siya nawala. ‘Yung perang nawala sa account mo, natrace ko ‘yun sa isang aesthetic clinic sa Thailand. Hindi ko pa sigurado noong una pero hindi ako makontento—kumuha ako ng DNA sample ni Rallyn at nagmatch sa DNA ni

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 648

    Siyempre, pinalayas ni Antonio si Rallyn at pinaalis sa tulong ng seguridad. Sumunod naman ang mga guwardiya, ngunit huli na ang lahat—nasira na ang loob ni Natalie at nagbago na ang desisyon nito. Handa na sana siyang tumakas kasama ang anak at ayaw na niyang ituloy ang kasal nila. Kaya nagkaroon sila ng seryosong pag-uusap ng matanda.Sa totoo lang, nagulat ang matanda sa ginawa ng apo niya. “Naalala mo pa ba na nahuli ang pari para sa kasal niyo?”“Oo, pero anong koneksyon nun?” tanong ni Mateo, tila naiinis.“Ang totoo, nandoon na si Father. Ako lang ang nagsabing maghintay muna siya dahil hindi pa handa ang bride. Gusto na sanang umalis ni Natalie at idaan na lang sa abogado ang lahat—napagod na siguro siya. Ang babae, kapag napagod na, mahirap mo ng pakiusapan…pero nakiusap ako. Nakipagkasundo ako sa kanya doon at hindi na siya pwedeng umatras kako.”“Hindi ako dapat nakialam. At aaminin ko na sakit ko na ang pangingialam pero gusto ko lang naman na maging maayos ang pamilya niy

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 647

    “Narito ako para i-authorize ang paglabas ng asawa ko, si Natalie Garcia,” sabi ni Mateo sa reception ng ospital.Tiningnan ng nurse ang talaan at sinabi, “Pasensya na po, sir, pero kalahating oras na pong naka-discharge si Mrs. Garcia. Sa tingin ko ay umalis na rin siya kanina pa.”“Ano? Paano nangyari ‘yon? Sinong nag-authorize?”“Sino ang hinahanap mo, Mateo?” Mula sa likod galing ang boses.“H-Hinahanap ko si...” nagpaliwanag si Mateo, pero sinabi na ng mga mata ng matanda ang lahat—alam na nito ang gulong pinasok niya.Tiningnan siya ni Antonio mula ulo hanggang paa at nagsalita “Halika.. Samahan mo ang matanda mong lolo. Maglakad tayo habang kaya ko pa.”Sabay silang lumabas papuntang hardin na itinuro ng matanda sa loob ng ospital. “Iho... Alam mong mahal na mahal kita, tulad ng pagmamahal ko sa mga magulang mo. Pero may mga bagay na hindi ko kayang palampasin,” wika nito habang hawak ang braso ni Mateo. “Tulad ng sinabi ko sayo dalawang linggo na ang nakalipas, hindi na muling

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 646

    Nagbigay si Zac ng bagong benda sa nurse at sinabihan itong magpahid ng konting pressure para makatulong sa sirkulasyon ng pasyente. Pagkatapos, umalis na ito sa kwarto para ihanda ang mga papeles ng discharge.Muling tinawagan ni Tess si Mateo pero walang sumagot. Sinubukan niya pang tumawag ng tatlong beses, bago niya tawagan si Isaac. Agad namang sumagot ang kanang-kamay ni Mateo.“Hello? Isaac? Hello? Nandiyan ka ba?”[Nandito ako. Ano ang nangyari, Tess?]“Ano kasi…tinatawagan ko si Mateo nang maraming beses pero hindi siya sumasagot. Ididischarge na si Natalie ngayon at kailangan ang pahintulot niya para makalabas na kami. Pwede mo ba siyang sabihan?”[Naiintindihan ko. Kakausapin ko siya agad. Nasa meeting siya ngayon, pero pwede ko naman siyang istorbohin. Sandali lang.]Hindi nagpatinag si Tess at naghintay sa linya, narinig niya ang pag-uusap sa kabilang linya.“Sir? Pasensya po sa abala. Nasa linya si Tess. Mukhang idi-discharge na ang Natalie ngayon at kailangan ang pahint

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 645

    Sa kasalukuyan.Nagising si Mateo dahil sa tunog ng alarm clock. Huwebes iyon, at kailangang bumalik siya sa opisina.Tumayo siya na may kakaibang pakiramdam, ang panaginip niya kagabi ay nagbalik ng mga alaala na matagal niyang tinago sa kanyang puso. Naligo siya, at habang naliligo, inisip ang gabing iyon kung kailan nagsimula at nagbago ang lahat sa kanila ng asawa.“Kung sana hindi bahagi ng plano ni Lolo iyon,” naisip niya. Sa ngayon, maaaring tahimik ang buhay nila ni Natalie, may anak na sila, at maaaring si Rallyn ay isa na lang bahagi ng nakaraan niya. Isang pagkakamali niya bilang lalaki at na walang problema ngayon.Pero nag-iba ang mga bagay, at malaki ang bahagi ng kanyang lolo sa gulo. Mahilig itong makialam sa takbo ng buhay niya.Hindi pinayagan ni Mateo ang sarili niyang magpatuloy sa pag-iisip tungkol sa panaginip at bumaba sa kusina. Wala si Tess sa bahay, pero si Isaac, na alam na papasok siya ngayon, ay naghanda na ng kape at may naghihintay na prutas, French toas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 644

    Inilahad ni Mateo ang kanyang braso para kapitan ni Natalie; napansin niyang paika-ika itong lumalakad dahil sa pagod na mga paa. Hindi pa rin talaga ito sanay na magsapatos ng mataas ang takong at marahil ay napilit lang ni Nilly na mag-ayos. Hindi maikakailang, isa si Natalie sa mga pinakamagandang babae sa event na ‘yon at hindi niya gusto ang mga tingin ng ibang lalaki na binibigay sa asawa, kahit na ilang buwan pa lang itong nanganganak, nanumbalik na ang dati nitong ganda at alindog.Pagdating nila sa kotse, agad niyang binuksan ang pinto at tinulungan itong sumakay. Agad siyang nagmaneho pauwi, at habang nagmamaneho, sumagi sa isipan niya ang sinabi kamakailan ng kaibigan niya—isang bagay na maaaring maging trigger ng panibagong problema.Pagdating nila sa mansyon, tinulungan ni Mateo si Natalie na bumaba, at napaungol ito ng bahagya. “Aray! Kawawa naman ang mga paa ko. Dahil hindi ko sila dinadaganan kanina, parang namamanhid yata. Aalisin ko na ang mga lintik na sapatos na it

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 451

    Tumango si Mateo. “May mga tao akong nag-uulat mula roon. Pero sa ngayon, wala pang kahit anong galaw mula sa kanila.”“Malamang abala sila sa sarili nilang mga problema,” sagot ni Antonio, tila bahagyang nakahinga ng maluwag. “Sana tuloy-tuloy na ang pananahimik nila.”Sakto namang bumukas ang pin

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 398

    Nagtaka si Natalie—“Seryoso ba siya? Hindi ba niya nami-miss si Irene? Paano siya nakakapagpakita ng ganitong klase ng lambing sa akin, na parang perpekto siyang asawa, matapos ang lahat? Meron bang totoong tao na kayang mahalin ang dalawang tao ng sabay?”Alam ni Natalie na hindi ni Mateo ‘yon. At

    last updateHuling Na-update : 2026-03-29
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 412

    May isang oras din silang nagbyahe ni Alex hanggang marating nila ang pabrika nina Nilly. Ginawa din nito ang lahat para masabay din ang day-off niya sa day-off ni Natalie para personal niyang masamahan ito. Sa harap, naghihintay na si Nilly sa kanila.“Dito!” Kumaway pa ito para agad nilang makita

    last updateHuling Na-update : 2026-03-29
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 449

    Wala ng nagawa pa si Natalie kundi ang kumapit sa leeg nito. Hindi na rin niya ininda ang tingin ng ibang mga tao na nakakita sa ginawa ng asawa. Sa huli, agad siyang isinakay nito sa kotse at dinala pabalik sa mansyon ng Antipolo.Sa loob ng Garcia estate, nakabukas ng maluwang ang harapang pinto

    last updateHuling Na-update : 2026-03-30
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status