Share

KABANATA 187

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:13:38
Tahimik na tahimik ang loob ng kwartong iyon. Wala ni isa ang nangahas na magsalita dahil alam nilang hindi maipinta ang mukha ni Mateo. Ramdam din ang init ng galit niya kahit wala pa siyang sabihin.

Ibinagsak niya ang telepono niya mesa ng may kalakasan at ang matalim niyang tingin ay parang kutsilyo na humihiwa sa katahimikan. Sinuklay din niya ang buhok niya gamit ang daliri. Nang magsalita siya, ang boses niya ay malamig at walang patawad.

“Hanapin niyo ang demonyong iyon.”

“Yes, boss!” Maagap na sagot ni Tomas at nagmamadaling saluhin ang telepono. “Gumagalaw na po si Leo. May balita na tayo anumang sandali.”

Tumango si Mateo at lumapit sa balkonahe. Kinuha niya ang isa pang sigarilyo mula sa bulsa at sinindihan ito gamit ang matatag na mga kamay, ngunit ang kanyang ekspresyon ay nagpapakita ng gulo sa kanyang kalooban. Tahimik na pinapanood ni Irene ang lahat mula sa sulok, unti-unting nabuo sa isip niya ang sitwasyon: nawawala si Natalie.

Paano nangyari iyon? Dahil ba
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (27)
goodnovel comment avatar
Jhoyen Domingo
ANG GULO NA NG STORY!!!
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
Iwan sa u Mateo hanapin mo ang cp ni Natalie open makikita mo Ang pinadala ni iren Kay Natalie
goodnovel comment avatar
Marifel
Drake at Nat
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 585

    “Hi.”“Hi. Para saan ‘to?” Tanong ni Natalie ng tuluyan ng makalapit sa mesa niya ang lalaki.Ramdam niya ang init ng mga mata ng mga kasamahan sa trabaho kahit na nakatalikod siya. Sa dami ng mga nangyari kasabay ng mas maugong na tsismis na mas binibisita ng asawa ang dating nobya kaysa kanya—pati siya ay naguluhan na.“Kung peace offering ito, huwag ka ng mag-abala. Napakaraming magandang nagawa ang pamilya mo para sa amin ni Justin—”“Nat,” biglang putol ni Mateo sa kanya. “Pwede ka bang makausap? ‘Yung tayo lang sana? Ibig kong sabihin, sa mas pribadong lugar?”Matagal na pinagmasdan ni Natalie ang mukha ng lalaki. Gusto niya itong itaboy pero may bahagi niya na interesadong malaman kung ano ang sadya sa kanya ni Mateo. Gayunpaman, nanumbalik din sa kanya ang pinag-usapan nila ni Nilly kanina lang. Habang hinahayaan niyang lumapit ulit si Mateo sa buhay niya—lalo lang niyang inilalapit ang sarili niya sa sakit.“M-may gagawin pa kasi ako, eh…” mahinang tanggi niya.Napahawak sa b

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 584

    Unang araw ulit ni Natalie sa ospital pagkatapos ng suspensyon niya. Naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa trabaho pero hindi pa rin tuluyang humupa ang mga usap-usapan tungkol sa kanya kahit na napatunayan na siya talaga ang may-ari ng thesis na pinasa niya. Malaking bahagi ng hindi mamatay-matay na usap-usapan ay kung bakit tila natagalan bago aksyunan ng asawa niya ang naging problema gayong ito ang pinaka-maimpluwensyang tao sa lungsod nila.Alam ni Natalie iyon, siya mismo ay narinig ang tsismis ng magbanyo siya. Kaya ng kitain niya para magmeryenda ang matalik na kaibigang si Nilly sa cafeteria, napansin agad nito na hindi maganda ang timpla niya.“Huy, ang tulis naman ng nguso mo.” Sita ni Nilly habang inaayos ang meryenda nila sa mesa. “Ayan, biko tsaka gulaman. Akin ‘tong cassava cake. Ano ba ‘yang iniisip mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil after all the drama—napatunayan na ikaw pa rin ang nagsasabi ng totoo? Reinstated ka na.”“Thankful naman ako, Nilly.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 583

    Sa pagtatapos ng sinabi ni Natalie, dahan-dahang naglaho ang ngiti labi ng lalaki. Kasunod noon, narinig ang mababang tinig ni mateo— malamig at mariin.“Hindi ko na uulitin. Lumayas ka.”Napaatras si Maurice, nagimbal siya bagsik ng titig ni Mateo. Kung kanina ay nagtitimpi pa ito, ngayon ay tila napuno na ito. Mula sa punto de vista niya, alam niyang nagamit na niya ang lahat ng alas nya. Habang nanginginig at umiiyak, hinarap pa rin niya ang lalaki.“Kung ayaw mo akong kilalanin, aalis na ako! Pero alam ko, at alam ng mga taong naroon ng gabing iyon na naroon ka at magkasama tayo!” At tsaka siya nagmadaling tumakbo palayo.Umalis nga si Maurice, pero naiwan ang dalawa sa gitna ng isang nakakabinging katahimikan. Si Mateo ay hindi alam kung paano ipapaliwanag kay Natalie ang nangyari. Hindi naman niya kasama talaga ang babae, gaya ng sinasabi nito.Pinagtagni-tagni ni Natalie ang mga daliri niya. Gaya ni Mateo, hindi niya din alam kung paano magsisimula. Wala na siya sa posisyon par

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 582

    “Salamat talaga, Mateo.” Habang papalapit siya kay Mateo, ito na lang ang nasabi niya. Mahina ngunit taos-pusong bulong ni Natalie. Kahit na simpleng salita lang iyon, damang-dama ang bigat ng pasasalamat niya.Kung sa sariling kakayahan niya lang siya aasa, ni hindi niya naisip na posible para sa kanya ang makakuha ng tulong mula sa forensics department ng PNP. At kahit na ipilit niya, baka abutin ng anim na buwan—o isang taon bago lumabas ang resulta. At kahit mapatunayang inosente siya, baka may mga bagay na hindi na maayos dahil sa tagal ng patunay na siya nga ang may akda ng thesis niya.Ang para sa kanya na halos imposibleng abutin—para kay Mateo, parang isang iglap lang. Alam niyang maimpluwensyang tao ito sa mundo ng negosyo pero hindi niya naisip na pwede itong makisuyo sa mga opisinang malayo sa industriya niya.Dahil sa tangkad ni Mateo, kailangan pang itingala ni Natalie ang ulo para makatingin sa lalaki. At sa hindi niya namamalayan, may paghanga at pagkamangha sa kanyang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 581

    Bahagyang tumango si Mateo bilang tanda ng pag-unawa. Wala siyang magagawa dahil hindi naman siya direkatang involved sa board hearing na iyon.Iniyuko niya ang ulo at tumingin kay Natalie at mahinahong nagsalita, “hihintayin kita dito. Hindi ako aalis. Huwag kang matakot. Nasa panig mo ang katotohanan.”“Sige. Salamat.”Dinala sila ni Maurice sa isang malapit na conference room. Sa loob, naroon na ang lahat, ang Academic Director ng university at ilang miyembro ng faculty—kabilang si Dr. Norman Tolentino.Nang makita ni Natalie ang ngiti at tango ng kanyang guro, unti-unting kumalma ang pintig ng kanyang puso. Pero kahit ganoon...hindi niya mapigil ang isipin kung ano nga ba talaga ang ginawa ni Mateo para sa imbestigasyon na ito. Kampanteng-kampante ito, ang tanging inaalala lang nito ay ang magiging reaksyon ni Maurice.“Maupo kayo.” Utos ng Academic Director.“Salamat po.”Umupo sina Natalie at Maurice gaya ng inutos sa kanila. Ang batang propesor na nagpapasok sa kanila ang nagsi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 580

    Alam na ni Natalie kung ano ang ibig sabihin ni Mateo. Kahit pa umamin si Maurice na sinadya niyang siraan siya, ang pinsala ay nangyari na. Kumalat na ang tsismis sa kung saan-saan. Kahit matapos pa ang kaso, may bahid na ng pagdududa ang pangalan niya—parang isang aninong mahirap burahin sa kanyang record.Iniisip pa lang niya iyon, tila lalong sumasakit ang puso niya. Ang lahat ng taon ng pag-aalaga niya sa reputasyon niya bilang isang alagad ng medisina ay ganoon lang pala kadali mawawala.“Pero...may ebidensya ka ba talaga?” Siya mismo, na nasa gitna ng lahat ng ito, ay hindi man lang nakahanap ng matibay na patunay. Lahat ng nakuha nila ay dead end.“Hindi ko pa sasabihin. “Sa ngayon, ‘yon muna ang kailangan mong malaman.” Ngumiti si Mateo, tila sinasadya siyang paasahin. “Kapag ayos na ang lahat, makikita mo rin.”Habang nagsasalita, kumuha siya ng shrimp tempura at nilagay sa plato ni Natalie gamit ang chopsticks. “Kumain ka pa. Parang pumayat ka nitong mga nakaraang araw.”“T

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status