Natigilan si Natalie. “Narito nga si Irene…”Nagpatuloy si Rigor. Ang kanyang tinig ay puno ng pangamba, na para bang natatakot siyang hindi siya seseryosohin ni Natalie. [Siguradong pumunta ang kapatid mo dyan para hanapin si Mateo. Magkasama kayong dalawa hindi ba? Bantayan mo siya—huwag mong hahayaan na mawala si Mateo sa paningin mo.]Tahimik pa rin si Natalie, mariing pinipigilan ang kanyang emosyon. Ni minsan, hindi niya na-imagine na si Rigor mismo ang magbibigay sa kanya ng babala.Pero huli na…Pinagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyari. Walang duda, kaya umalis si Mateo ay para puntahan si Irene.Ang tanong ay bakit?“Natalie, seryoso? Tinatanong mo pa bakit? Hindi ba si Irene ang pinakamahalagang babae sa buhay niya at hindi kailanman hahayaan ni Mateo na magdusa ito. Ito rin ang babaeng pinoprotektahan ni Mateo sa lahat ng pagkakataon. B-baka nagsisisi na siya? Baka hinihiling na rin ngayon ni Mateo na nagkapalit sana kami ng posisyon ni Irene. At si Irene ang pakakasalan n
“Batas ‘yon ni lolo!” Mabilis na paliwanag n Natalie. Agad siyang napaatras para ipagtanggol ang sarili. “Ang sabi niya, bago ang kasal, hindi tayo dapat matulog ng magkasama. Iyon daw ang tradisyon sa pamilya niyo.”Pinulupot ni Mateo ang mga braso at pilit na nagpakita ng seryosong ekspresyon—pero ang ningning sa kanyang mga mata ay nagkanulo sa kanya. Halos mabulunan siya sa pagkalito at inis. Mula sa pagkapulupot ng mga braso, napakapit siya sa gilid ng kanyang shorts bago nagbuga ng malalim na hininga. “Anong klase ng patakaran ‘yan? Pinagtitripan ako ni lolo, tama ba?”Hindi na napigilan ni Natalie ang mapahalakhak. “Aba, ewan ko. Kung may reklamo ka, si lolo ang kausapin mo. Ako? Wala akong balak na suwayin ang utos niya.”“Hindi mo kayang suwayin si lolo?” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Mateo, ang kanyang ekspresyon ay unti-unting nagdilim at napuno ng hinala.At bago pa nahulaan ni Natalie ang binabalak nito, huli na ang lahat—matagumpay ng nakagalawa ang mga kamay ni Ma
Malamig ang simoy ng gabi at ang mahinang kaluskos ng mga dahon sa labas ay sumasabay sa malayong tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.Tumayo na rin si Nilly para tingnan kung kanino galing ang package. “Uy, sa ganitong oras? May nagpadala ng package at dito sa isla? Ang aga naman ng wedding gift na ‘yan. Kanino daw galing, Nat?”Imbes na sagutin ang tanong ng kaibigan, pinakita na lang ni Natalie ang nakalagay na pangalan ng sender.“Oh.” Pero nanaig pa rin ang pag-uusisa nito ng bumalik na sila sa sala dala ang isang may katamtamang laki na kahon. “Sige na, buksan mo. Tingnan natin kung ano ang pinadala niya. O baka gusto mong lumayo ako para may privacy ka?”Tinapunan ni Natalie ng matalim na tingin ang kaibigan. “Ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi mo kailangan lumayo.”Ngumiti lang si Nilly pero nanatiling nakaupo sa tapat habang maingat na binubuksan ni Natalie ang package. Napasinghap sila pareho, sa loob ay may isang pinong jewelry box—ang klase ng kahon na karaniwang nagl
“Ha?” Napahinto si Natalie at mahigpit ang naging pagkapit sa gilid ng mesa. Hindi niya ito inaasahan.Hindi naman napansin ni Ben ang reaksyon niya at natawa na lang. “Hindi ba nasabi sayo ni Mateo? Naku, patay. Mukhang gusto ka niyang surpresahin.”Pagkatapos ay pinaliwanag ni Ben kay Natalie ang buong sitwasyon. Puno ng paghanga ang tinig nito para sa batang Garcia. “Ang sabi kasi ni Mateo, dahil malapit ng pumunta si Justin sa Wells Institute, kailangan niya ng taong mag-aalaga at titingin sa mga pangangailangan niya doon sa Canada. Kaya siniguro niyang maasikaso niya ito ng maaga para masanay na silang dalawa sa isa’t-isa.”Nagsalubong ang kilay ni Natalie. “Tagapag-alaga?”Tumango si Ben ng may kasiguraduhan. “Huwag kang mag-alala. Isa siyang experienced caregiver, nasa edad kwarenta na—ako mismo ang nagcheck ng mga credentials—napaka-qualified niya para sa trabahong iyon. May espesyal din siyang pagsasanay sa mga batang may special needs. Sinisiguro kong magiging maayos si Just
Sa huli, pumayag din si Natalie na dumalo si Justin sa kasal nila. Nang banggitin niya na bukas na niya dadalhin sa kapatid ang suit para masukat ito ng kapatid—hindi niya inaasahan na mag-aalok si Mateo na sumama sa rehabilitation center.Tumaas ang kilay niya sa gulat. “Seryoso, sasama ka?”Ngumiti si Mateo habang inaayos ang mga cufflink niya. “Oh, bakit ganyan ang itsura mo? Bakit naman parang gulat na gulat ka?”Nagkibit-balikat si Natalie. “Hindi ko lang inisip na interesado ka.”“Bakit hindi? Ngayon ko lang din naisip na hindi ko pa talaga nakikilala ng maayos ang brother-in-law ko.” Matapos ayusin ang kanyang mga manggas, tinitigan ni Mateo si Natalie ng may tukso sa mga mata. “Bago ang kasal, dapat lang siguro na ipakilala ko kay Justin ang sarili ko, ano sa tingin mo?”Makatwiran ang paliwanag nito kaya walang nakikitang dahilan si Natalie para tumanggi.**Kinabukasan.Pagdating nilang dalawa doon, kakatapos lang ng klase ni Justin. Agad na nakita ni Natalie ang kapatid sa
“K-kanina ka pa dyan?”“Ano ngang nakakatawa?”Umiling si Natalie. “Wala naman.”“Anong wala? Narinig kaya kita.” Hindi naniniwala si Mateo. Walang pag-aatubili, dinampot niya ang telepono ni Natalie mula sa mesa.“Hoy! Akin ‘yan! Ibalik mo ‘yan!” Maagap na tumayo si Natalie at pilit na inaabot ang telepono mula kay Mateo.Pero masyado itong matangkad, at sa isang mabilis na galaw, itinaas niya ang telepono ng sa gayon ay hindi na ito maaabot pa ni Natalie. Hindi pa rin sumuko ang babae, sinubukan pa nitong kumapit sa braso niya pero mas mabilis si Mateo.Gamit ang isang kamay, madali siyang napigilan ni Mateo sa pamamagitan ng pagdiin sa ulo ni Natalie habang ang isang kamay ay walang kahirap-hirap na tiningnan kung ano ang pinagkakaabalahan niya kanina habang wala siya.Hindi ito naka-lock kaya ang huling search entry na hinanap nito sa Google ay naroon pa rin.Profile iyon ni Kyla Gutierrez.Lalong lumalim ang aliw sa mga mata ni Mateo. “Ito ba ang sinasabi niyang hindi siya nagses