Alas-onse na ng umaga, abala si Natalie sa surgery department. Dahil sa nalalapit na operasyon ni Antonio—napakarami niyang kailangang gawin—bukod sa siya ang magiging assistant surgeon ni Dr. Tolentino, hindi na siya naiiba sa matanda. Hanggang maari, gusto niyang maging maayos ang takbo ng lahat.Halos tapos na niyang ayusin ang surgery schedule para sa susunod na araw ng makatanggap siya ng tawag mula sa rehabilitation center. Hindi pa man niya nasasagot, may kakaibang kaba na bumangon sa dibdib niya. Hindi madalas tumawag ang center, pwera na lang kung isa itong emerhensya.“H-hello…?”[Miss Natalie…] sa kabilang linya, ramdam ang matinding pag-aalala sa boses ng nurse na lalong nagpakaba sa kanya. [May masamang nangyari! Nawawala si Justin!]“Ano?!” Agad na napasandal si Natalie sa upuan niya at mahigpit na hinawakan ang gilid ng mesa para sa suporta, nagsimulang manginginig ang kanyang mga daliri. “Sandali…anong ibig mong sabihin, ‘nawawala’?”[Ngayon ang field trip ng mga bata
“Doc, anong ibig mong sabihin?” Awtomatikong nagsalubong ang mga kilay niya at nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba. Sa araw na ito ay halos puro na lang kaba ang nakukuha niya. “Linawin mo, Doc. Gusto ko, ‘yung sa paraang naiintindihan ko.”“Mr. Garcia, hindi mo kailangang maging masyadong tensyonado.” Habang binubuklat ni Dr. Cases ang medical report ni Natalie na nasa desk niya bago siya nagpatuloy, “base sa resulta, parehong nasa maayos na kondisyon si Mrs. Garcia at ang sanggol. Epektibo ang mga nutritional IVs, at ang paglaki ng bata ay tama sa kanyang gestational age ngayon. Kung noon pa sana niya ito naumpisahan, matagal na sanang maganda ang takbo ng pagbubuntis niya.”Inilihim ni Natalie ang nutritional IV niya sa kanya dahil sa pag-aakala nito na wala siyang magiging pakialam. Ngunit, nakaraan na ‘yon. Hindi na nila maibabalik pa ang mga nasayang na panahon. Ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang kasalukuyan.Bahagyang tinaas ni Mateo ang isang kila
“Ganoon ba?” Nagulat si Natalie—hindi niya iyon alam at hindi iyon nabanggit ni Mateo sa kanya. Hindi siya sigurado kung nakaligtaan lang nito o wala talagang intensyon na sabihin sa kanya. Pero kahit na ano pa man ang dahilan nito—malinaw ang intensyon ng asawa at kahit na naglihim ito sa kanya, hindi niya makapa ang galit.“Alam mo kung ano ang nakikita ko? Halata naman na mahalaga ka sa kanya, at masaya ako dahil gusto ko ‘yon para sayo. Wala pa ring nagbago, hangad ko pa rin ang kaligayahan mo.” May banayad na ngiti si Drake. “Nat, pahalagahan mo ang meron ka at mabuhay ka ng maayos.”“Ikaw rin, salamat sa pagliligtas sa amin.” Biglang may naalala si Natalie. “Oo nga pala, nasa ospital ka na bago pa mangyari ang insidente kahapon. May problema ba? Masama ba ang pakiramdam mo?”Bahagyang nanigas ang ekspresyon ni Drake. Pero mabilis din siyang ngumiti na parang wala lang. “Hindi, maayos naman ako. Kumuha lang ako ng vitamins ko. Naubusan na kasi ako at hindi siya nabibili over the
“Oh… okay.”Hindi makapaniwala si Nilly sa sinabi nito. Hindi lang simpleng pagkain ang dala nito—ang sabi niya pagkaing galing sa bahay ang dala niya—ibig sabihin, hindi lang ito basta binili sa kung saan kundi galing pa ng Antipolo. Hindi imposibleng gawin ‘yon ni Mateo dahil mas marami na itong ginawa na higit pa sa pagdadala ng almusal.Pero may isang bagay na gumugulo sa isipan ni Nilly, kaya hindi na niya napigilan pang magtanong. “Mateo…pwede bang magtanong?”“Hmm?”“Nandito ka ba sa labas buong gabi?”“Oo.” Agad na tumango si Mateo, seryoso ang tingin. “Siguraduhin mong mababanggit mo ‘yan kay Natalie.”“Ano?” Nagtatakang tanong niya.“Kaibigan ka niya, mas maniniwala siya kung sayo galing ang katotohanang ‘yon. Kaya gusto kong sabihin mo sa kanya ang nakita mo.”“Tama nga si Natalie. Napakawalanghiya ng taong ‘to.” Bulong ni Nilly sa sarili.**Sa loob ng apartment, nakaupo na sa kama si Natalie, antok na antok pa siya. Napakarami nilang pinag-usapan kagabi ng kaibigan kaya p
“Pero kailangan ko pa rin siyang makita. Iba pa rin kapag personal akong nagpasalamat. Nilly. Kasalanan itong lahat ni Mateo—hindi ko siya maintindihan. Napaka-unreasonable niyang tao.” Sumandal si Natalie sa sofa, yakap ang isang unan. Habang pinag-iisipan niya ang ginawa nitong pagpipigil sa kanya, lalong lumalala ang inis niya. “Pwede ba akong manatili rito ngayong gabi?”“Syempre naman. Kailan ba kita tinanggihan?” Naningkit ang mga mata ni Nilly, halatang naaaliw. “Nariyan pa ang pajama na lagi mong ginagamit kapag nandito ka. Magkatabi tayong matutulog, tapos magchichikahan ng maayos. Gaya ng dati.”“Uy, gusto ko ‘yan. Magandang ideya ‘yan. Kaysa mabwisit lang ako sa mansyon. Ewan ko ba. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya!”“Baka naman siya ang pinaglilihian mo, ha? Baka paglabas ng pamangkin kong ‘yan, carbon copy niya, ha!” Tukso ni Nilly.Napa-sign of the cross si Natalie bigla. “Diyos ko, laging nakasimangot? Huwag na, uy!”“Kung lalaki ‘yan, at least gwapo kaya hindi ka
[Teka. Anong ibig mong sabihin sa ‘walang silbi’?] Lumamig din ang boses ni Mateo.“Hindi mo naiintindihan? Kailangan ko pa bang isa-isahin para sayo? O nakalimutan mo na ang huling pag-uusap natin kanina?” Isang mapanuyang tawa ang kumawala mula kay Natalie. “Sige, pagbibigyan kita, magiging direkta na ako. Hindi mo naman talaga sinasabi kung saan ka talaga pumupunta. Kaya ano pa ang silbi ng pag-a-update mo?”Ang tinutukoy niya ay ang tatlong beses na palihim na pagkikita ni Mateo at Irene simula ng ikasal sila. Bilang na bilang niya ‘yon. Detalyado lahat.“Tatlong beses na. Hindi na ako maniniwala sa mga update na ‘yan. Kung hindi mo kayang maging totoo sa akin, wala ng silbi ang pagpapaalam sa akin ng kinaroroonan mo.”Hindi agad nakakibo si Mateo. Pero ramdam niyang nag-iinit ang kanyang dugo. Tinawagan niya ito para mag-update na mahuhuli siya ng uwi, pero siya pa rin ang mali. [Sige, kung ganyan ang iniisip mo, hindi na kita tatawagan ulit!]Agad nitong ibinaba ang tawag.Tinin