Share

KABANATA 386

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-23 16:43:27

“Mateo! Sandali lang!” Bago pa sila makapagpalitan ng mas matitinding salita, dumating na si Irene at tumayo pa sa tabi ni Mateo. Sa unang tingin, mas mukha pa silang magkasintahan kaysa sa kung ano pa man. At iyon ang gustong ipakita ni Irene sa lahat. Nagkunwari pa itong huli na ng makita nito si Natalie. Tsaka lang siya pinansin nito.

“Mrs. Garcia…nandito ka pala?” Bahagyang hinihingal si Irene pero hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. “Nanood ka pala ng pelikula namin? Kung alam ko lang, sana naireserba ko na kayo ng dalawang upuan nang maaga ng kaibigan mo—”

Pero hindi na natapos ni Irene ang sinasabi niya. Dahil para bang walang naririnig si Natalie, hindi man lang siya pinansin nito. Sa halip, bumaling ito sa kaibigan. “Nilly, halika na. Umalis na tayo.”

“Ah… sige. Ang pangit pala ng palabas. Sayang lang binayad natin. Pwede kayang ipa-reimburse ‘yon? Lugi kasi kami. Wala palang kwenta ‘yung palabas.”

Tuluyan ng nawala ang ngiti ni Irene. Kahit pa gaano siya kaganda at kahi
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mila Tillermo
Ganyan nga Natalie supalpalin mo para mapahiya dapat nga ngayon mo dapat sabihin yun totoo na hindi sya yun nagalaw ni mateo sa hotel at ikaw yun gusto nilang ibayad sa atraso nila at si mateo ang nkaka disgrasya sayo
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 388

    Noong una, hinayaan lang ni Mateo si Natalie na mag-isa. Kung kakausapin pa niya ito—baka lalo lang lumaki ang gulo, kaya pinabayaan niya itong magkulong sa study. Tinuloy din niya ang mga gawain sa kwarto. Pero pagkalipas ng dalawang oras at hindi pa rin bumabalik sa kwarto si Natalie. Nag-isip na siya. Hindi siya nasisiyahan sa pagiging mag-isa sa malaking kwarto na iyon.Bukod pa doon, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari ng gabing iyon. Ang reaksyon ni Natalie ng makita sila sa sinehan at ang mga sinabi nito sa kanya kanina. Sa huli, napagpasyahan niyang puntahan si Natalie sa study para makipag-ayos.Hindi na siya kumatok dahil nakabukas naman ang pinto ng study. Kasalukuyang pumipili ito ng libro mula sa estante. Kaya dahan-dahan siyang naglakad at tumayo siya sa likuran nito, yumuko, at marahang niyakap mula sa likod si Natalie.“Nagbabasa ka pa rin? Nakalimutan kong itanong—kumain ka ba ng maayos ngayong gabi?”Mula ng magbuntis, lalong tumalas ang pang-amoy ni N

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 387

    Lalong lumamig ang tinig ni Natalie. Kahit na may punto si Mateo na propesyonal siya ay may pinag-aralan, may manipis na linya na tinawid at kung hindi niya ipaparating ang nararamdaman niya—alam niyang mauulit at mauulit lang ang ganitong eksena sa pagitan nilang tatlo.“Hindi, hindi ito hypothetical. Gawin nating malinaw—hinding-hindi ako hihingi ng tawad. Hindi ngayon. Hindi kailanman lalo na sa kanya.” Mabilis niyang hinila ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Mateo. “Nilly, tara na, umalis na tayo.”“Sige!” Natatarantang hinabol ni Nilly ang kaibigan dahil mabibilis ang mga hakbang nito palayo. Pero bago siya tuluyang umalis, siniguro ni Nilly na nabigyan niya ng irap si Irene. “Hmph!”Napako sa kinatatayuan si Mateo. Wala siyang ibang nagawa kundi ang hayaang umalis si Natalie para hindi na sila makakuha pa ng atensyon. Nasa pampublikong lugar sila kaya kailangan nilang mag-ingat sa eskandalo.Lumapit ulit si Irene, pero sa pagkakataong ito, siniguro ni Mateo na may distansya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 386

    “Mateo! Sandali lang!” Bago pa sila makapagpalitan ng mas matitinding salita, dumating na si Irene at tumayo pa sa tabi ni Mateo. Sa unang tingin, mas mukha pa silang magkasintahan kaysa sa kung ano pa man. At iyon ang gustong ipakita ni Irene sa lahat. Nagkunwari pa itong huli na ng makita nito si Natalie. Tsaka lang siya pinansin nito. “Mrs. Garcia…nandito ka pala?” Bahagyang hinihingal si Irene pero hindi nawala ang ngiti sa kanyang labi. “Nanood ka pala ng pelikula namin? Kung alam ko lang, sana naireserba ko na kayo ng dalawang upuan nang maaga ng kaibigan mo—”Pero hindi na natapos ni Irene ang sinasabi niya. Dahil para bang walang naririnig si Natalie, hindi man lang siya pinansin nito. Sa halip, bumaling ito sa kaibigan. “Nilly, halika na. Umalis na tayo.”“Ah… sige. Ang pangit pala ng palabas. Sayang lang binayad natin. Pwede kayang ipa-reimburse ‘yon? Lugi kasi kami. Wala palang kwenta ‘yung palabas.”Tuluyan ng nawala ang ngiti ni Irene. Kahit pa gaano siya kaganda at kahi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 385

    “Ha? Tama ba ang nakikita ng mga mata ko? Si Mateo ba talaga ‘yan?” Mahinang bulong ni Nilly habang naniningkit ang mga mata. “Nag-invest ba siya sa pelikulang ‘to? Ito ba ‘ang dahilan kung bakit hindi ka niya nasamahan sa check-up mo? Bakit hindi na lang niya sinabi sayo?”“Siguro… ewan ko. Hindi ko alam.” Malabo ang sagot ni Natalie.Hindi niya kailanman inalam ang mga negosyo ng asawa, kaya noong sinabi nitong may ‘importanteng lakad’ ito ngayon at hindi na matutuloy sa pagsundo sa kanya sa ospital, hindi na siya nagtanong. Ganoon naman talaga siya, kapag trabaho na ang pinag-uusapan dahil alam ni Natalie na gaya niya, importante din kay Mateo ang trabaho nito.Pero ang katotohanan ay dumapo sa kanya—at hindi niya ito nagustuhan. Dahil kasunod ni Mateo ay walang iba kundi si Irene.“Hala!” Awtomatikong napalingon si Nilly kay Natalie. “Si Irene? Kasama siya sa pelikulang ‘to? Parang may hindi tama—hindi ko sinasabing may hindi tama sa ginawa ni Mateo…pero…Nat? Okay ka lang?” Biglan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 384

    Kung maayos ang lahat, baka hindi na rin niya kailangan pang ituloy ang IV treatments. Ang pagpayag niya ngayon ay hindi naman nangangahulugan na buong pagbubuntis niya ay nakadepende siya doon. Maaring dalawa o tatlong beses lang hanggang sa maging stable ang nutrition level niya.“Oh.” Lumambot ang ekspresyon ng doktora. “Mukhang nagkamali ako. Mabuti kung napag-usapan niyo na pala. Sige, irereseta ko muna ang tatlong sessions. Tingnan natin kung may improvement ka.”“Salamat po.” Magalang na sagot ni Natalie.Habang nagsusulat ito ng reseta, nagpatuloy ito sa pangaral. “Sa susunod, isama mo na si Mr. Garcia, okay? Huwag mong isipin na porke’t nasa sinapupunan mo pa ang bata, wala siyang nararamdaman. Mas magiging malusog siya kung matibay ang relasyon ng mga magulang niya. Alam kong marami ang magtataas ng kilay sa sinasabi ko dahil isa akong doktor, pero sa mas maraming pagkakataon—lumalabas na may maayos ang mga bata na may mga magulang na maayos ang relasyon.”“Opo, makikinig ak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 383

    [Irene, pwede ba?] Matalim ang boses ni Ed habang pilit na kinakalma ang babae. [Wala akong magagawa! Sa tingin mo ba, gagawin ko ‘to dahil gusto ko? Si Direk mismo ang nag-utos! Baka nakakalimutan mong nagsponsor ang Garcia Group of Companies para sa pelikula? Ikaw pa rin ang artista niya, at kakailanganin mo pa rin ang suporta niya sa hinaharap! Kaya huwag mong kokontrahin ang utos niya!]Hindi pinansin ni Ed ang pagtutol ni Irene. Alam niyang narinig na ni Mateo ang lahat, kaya minabuti niyang ituloy na lang ang pag-uusap. [Mr. Garcia, ikaw ang nagpakilala kay Irene kay direk para sa huling project niya. Alam mo naman ang kalakaran sa industriyang ito—ang walang matibay na koneksyon at mahina ay tinatapakan ng malalakas—at ang mga malakas ang kapit, sila ang palaging nabibiyayayaan. Ngayon na kalat na sabuong entertainment circle na kasal ka na, nawalan na ng ‘backer’ si Irene. Sa premiere ng pelikula ni Direk ngayong gabi, gusto niyang makita na naroon ka—hindi lang para magpakita

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status